My Husband is Gay

By Jejelobsss

110K 4.6K 417

Arranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa... More

---
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Special Chapter
Jejelobsss

Chapter 29

1.9K 85 0
By Jejelobsss

Chapter 29: Example

Pagkatapos kong mag-ehersisyo dito sa gym na palagi kong ginagawa ay dumiretso ako sa kusina at uminom ng tubig sa reef, ni hindi ko alam na may nakatingin pala sa'kin kaya napatingin ako dun at naibuga ko ang iniinom ko ng tubig dahil sa nakita ko.

Naka apron lang si Ay-Ay tapos naka naka boxer siya. Kitang kita ko ang muscles niya sa braso at katawan na masarap tingnan. Bakla ba ito o ano? Para kasi talagang hindi siya bakla 'a. Lalakeng lalake.

"Good morning, wife." nakangiting bati niya habang minamasa ang flour.

Ngayon ko lang napansin na marumi ang paligid at may mga flour nadin sa katawan at mukha ni Ay-Ay. Napalunok ako dahil kahit ganun ang ayos niya ay ang gwapo pa rin niya.

"Bakit ikaw ang gumagawa niyan? At nasaan ang mga maid?" takang tanong ko at lumapit sa'kanya.

Napakagat ako ng labi ng ilapit niya sa'kin ang labi niya sa tenga ko, "Pinag day off ko sila, may gagawin tayo 'e." tumawa siya pagkatapos.

Tiningnan ko naman siya ng nakataas ang kilay, "Ano namang gagawin natin?"

"Kakain." humalakhak na naman siya na ikinataka ko lalo.

"Ano bang nakakatawa kung kakain lang naman pala tayo?" napasimangot ako at napatigil siya tapos inirapan ako.

"Nakalimutan kong ang slow mo pala at ang pilosopo." bulong bulong niya na hindi ko narinig.

"Ha?"

"Nothing. Maupo ka muna diyan, magbe-bake lang ako." ngumiti siya.

Ngumuso naman ako at dahil may harina na din ang kamay ko ay pinahiran ko ang tungki ng ilong niya ng harina. Natawa ako dahil ang cute cute niya. Napatigil naman siya at tiningnan ako ng matalim pero hindi ako nagpatinag. Hinawi ko ang buhok niya na humaharang sa noo niya at maya tapos ay pinahiran ko ng chocolate. Natawa ako ng malakas sa itsura niya pero napatigil din ng pahiran niya din ako ng harina at chocolate sa magkabila kong pisngi.

"Bona kid!" tawang tawang sigaw niya na ikinanguso ko.

"Tulungan na kitang mag-bake, please." napatigil siya sa pagtawa at tiningnan ako bago tumango.

"Marunong ka ba?" tanong niya habang nagmamasa.

"Hindi." napalunok ako habang nakatingin sa muscles niya.

"Anong-tutulong ka tapos hindi ka marunong?" napatigil siya sa ginagawa niya.

Napangiti naman ako, "Porke ba hindi marunong, hindi na pwedeng tumulong."

Napabuntong hininga siya, "Turuan na kita."

Napangiti naman ako at tinuruan niya nga akong mag-bake at gumawa ng pizza para sa breakfast at meryenda namin. Napabungisngis naman ako habang gumagawa ng happy emoji sa pizza gamit ang keso at kamatis.

"Tingnan mo oh, ang cute." pinakita ko kay Ay-Ay ang gawa ko pero napatigil ako ng bigla siyang pumunta sa likod ko at yinakap ako ng mahigpit.

May harina ang kamay at bisig niya pero ayos lang kasi madumi na din ang damit ko dahil sa harina at iba pang ingredient. Madumi na din ang counter dahil para lang kaming naglalaro kanina.

"Marunong ka ng gumawa." napangiti naman ako.

"Mas magaling pa sayo." natawa naman ako ng bumasangot siya.

"Mas magaling ako kasi ako ang nagturo sayo." imbis na sagutin siya ay pinisil ko ang kamay niya na may ketchup pala.

"Oh sorry, hindi ko sadya. Linisin ko." sabi ko ng samaan niya ako ng tingin at papahirin ko na sana ang ilong niya ng hawakan niya ito at biglang may pinahid siya sa may gilid ng labi ko.

"Ganito ang maglinis." sabay halik niya sa'kin kaya nanlaki ang mga mata ko.

Napapikit naman ako at lalaban na sana sa paghalik niya pero bigla niyang pinutol na ikinasimangot ko. Hinabol ko pa ang labi niya pero umiwas siya at natawa.

"Naaadik ka na sa halik ko 'a." tumatawang sabi niya at pinisil ang ilong ko.

Nangunot ang noo ko, "Bakit ako maaadik sa halik mo? Drugs ba yan?"

Napatigil siya sa pagtawa at biglang kinurot ang pisngi ko na ikinasigaw ko sa sakit. Masakit kasi ang mahahaba niyang kuko 'e, daig pa ang babae sa ganda ng kuko.

"Sorry, nanggigigil lang talaga ako sayong slow ft. pilosopo." umirap naman siya.

Napanguso nalang ako. Inilagay namin sa oven ang ginawa namin. Nilinisan din namin ang kalat sa buong kusina, hindi ko pa matapos matapos ang paglinis dahil binabato niya ako ng harina sa buhok tapos tawang tawa naman siya dahil para daw akong matanda. Sa ganda kong 'to, matanda?

Pagkatapos naming maglinis ay siya ding pag tunog ng oven, hudyat na luto na.

"Hoy." tawag ko sa'kanya, napatingin naman siya sa'kin at ngumiti ako.

Idinikit ko ang hawak kong pizza sa pizza niya, "Cheers." natawa naman siya sa ginagawa ko at kumain kami habang nagkukulitan.

"Baby..." napatigil ako sa paghuhugas at napatingin sa'kanya na nakatingin pala sa'kin.

"Baby? Mukha ba akong bata?" napanguso ako at natawa siya.

"Yeah, your my baby." yinakap niya ako galing sa likod at pinag patuloy ko nalang ang pag hugas ko.

"Labas tayo." malambing niyang sambit.

Kumunot naman ang noo ko, "Ano namang gagawin natin sa labas?"

Sininghot muna niya ang leeg ko kaya nakikiliti ako. Hindi pa nga ako naliligo 'e.

"Mag de-date tayo." napatigil ako at napatingala sa'kanya.

Nakapatong ang baba niya sa ulo ko habang nakatingin sa'kin.

"Bakit tayo magde-date?" takang tanong ko.

Napabusangot naman siya, "Naisip ko kasi na hindi pa natin iyun nagagawa. Kaya please, date na tayo."

"Sige, sige!"

Pagkatapos kong makapag palit ng damit ay bumaba na ako. Nakasuot lang ako ng white t-shirt at black silky pants tinernohan ko ng paborito kong white rubber shoes at dinala ko din ang pink shoulder bag ko. Pagkababa ko ay nakita ko si Ay-Ay na nakaupo ng pang babae habang may binabasa. Magulo ang buhok niya at medyo natatakpan ang mata niya. Nagulat naman ako dahil pareho kami ng suot maliban lang sa maong pants niya. Ang gwapo ng asawa ko!

Tumayo siya ng makita ako at tumakbo naman ako papunta sa'kanya at umangkla sa braso niya.

"Saan tayo magde-date?" excited kong tanong.

Tiningnan niya muna ang suot ko at natawa, "Couple na couple tayo 'a."

Ngumuso ako, "Hindi mo sinagot ang tanong ko."

Ginulo niya ang buhok ko at hinalikan ang noo ko kaya napapikit ako.

"Basta."

Gulat akong napatingin sa lugar kung saan kami magde-date. Napatingin ako kay Ay-Ay na nagniningning ang mga mata.

"Sa MCDO tayo?!" sigaw ko.

Natawa siya at tumango. Napa 'yes' naman ako at hinalikan ko siya sa pisngi sa sobrang saya.

"Lika na." pagyaya ko sa'kanya dahil natulala siya ng halikan ko siya sa pisngi.

Pumasok naman kami at kumuha muna kami sa table. Naupo ako at siya naman ay o-order daw muna. Napatingin naman ako sa labas dahil malapit lang kami sa salamin kaya kitang kita ko ang labas. Maraming mga kotse akong nakikita na dumadaan at nagpapark para kumain din dito sa Mcdo.

Napatingala naman ako ng may naglapag ng tray na may mga pagkain dito sa Mcdo. Napangiti naman ako ng makita ko si Ay-Ay. Naupo siya sa harap ko at kinuha ko naman ang aking pagkain.

"Mukhang paboritong paborito mo ang mga pagkain dito 'a." puna ni Ay-Ay habang kumakain kami.

Napatingin ako sa'kanya at kumagat ng fried chicken, "Oo, atsaka sa Jollibee din."

"Tss, parang bata." hindi ko nalang siya pinansin dahil kain lang ako ng kain.

"Wow, may laruan." tuwang tuwang sabi ko habang nakatingin sa maliit na laruan na nasa tray pala.

"Huwag kang magsalita kapag puno ang bibig mo." matigas na sabi ni Ay-Ay kaya tumango tango naman ako.

Uminom ako ng drinks at napatingin ako sa'kanya. Para siyang babae kung kumain at ngumunguya. Napangiti naman ako sa ka-kyutan niya. Napatigil siya ng makita niya akong nakatingin sa'kanya habang nakapangalumbaba.

"Nagagandahan ka na naman sa asawa mo." tumawa siya.

"Nagwagwapuhan, hindi nagagandahan." pagtatama ko, "Pa-uso mo."

Pinitik naman niya ang noo ko kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Maganda ang asawa mo, hindi gwapo." umirap siya na ikinatawa ko nalang.

Ipinag patuloy ko nalang ang pagkain ko pero napatigil ako ng bigla niyang ipatong ang kamay niya sa kamay ko na nasa mesa. Kumakain lang siya kaya napangiti naman ako. Ito na naman, may kumikiliti na naman sa puso ko.

"Ehem! Pwede ba akong maki-upo." napatigil naman kami at napatingala ako sa lalake na nakangiti sa'min at bigla nalang siyang napaupo.

Ang gwapo niya naman! At mukhang mag kasing tangkad lang sila ni Ay-Ay.

"No." napatingin ako kay Ay-Ay dahil sa seryoso at matigas niyang sabi.

Nanindig ang balahibo ko dahil sa dilim ng mga mata at nanlilisik habang nakatingin sa lalake at humigpit din ang hawak niya sa kamay ko.

"Tatanggi ka kung kailan naka-upo na ako." ngumisi siya kay Ay-Ay at napatingin siya sa'kin.

Ngumiti naman siya kaya ginantihan ko din ng matamis na ngiti.

"Hi, magka-ano ano kayo nitong masungit na... baklang 'to?" turo niya kay Ay-Ay na nag-igting na ang panga.

Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito siya. Makiki-upo lang naman ang lalake pero makakapatay 'e.

"He's my husband." ngumiti ako at nawala ang ngiti niya pero panandalian lang.

"Oh, really?" napatingin siya kay Ay-Ay na madilim pa rin ang mukha ngayon.

"Yes, bakit hindi ba halata?" pinatingin pa niya ang singsing namin habang magkahawak ang mga kamay namin.

Matunog namang ngumisi ang lalake at bumaling ulit sa'kon.

"I'm Calvin Castillo, Aywayne's ex. Pumunta lang ako ng ibang bansa-" hindi na natuloy ang sasabihin ni Calvin ng biglang tumayo si Ay-Ay at hinawakan ang kwelyo ni Calvin kaya napatayo din ito.

Lumikha iyun ng ingay kaya napatingin ang mga tao sa'min. Napalunok naman ako dahil nakakatakot ngayon ang awra ni Ay-Ay.

"Don't you dare." dumagundong ang nakakatakot niyang boses.

Nakangisi lang si Calvin habang nakatingin kay Ay-Ay, parang hindi siya takot kay Ay-Ay. Nagpalipat lipat naman ako ng tingin sa'kanila na nagsusukatan na ngayon ng tingin. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Ex? You mean example?" naguguluhang tanong ko dahil hindi ko naman alam talaga ang sinabi ni Calvin.

Natigilan naman silang dalawa at napatingin sa'kin ng hindi makapaniwala. Parang nakakita sila ng taong matalino. Napabungisngis ako sa sarili kong na-isip.

"W-What?" hindi makapaniwalang sabi ni Calvin pero bago pa man ako makasagot ay hinila na ako ni Ay-Ay kaya napatayo ako.

Wala naman akong nagawa kundi magpahila nalang. Napatingin ako kay Calvin na nakatingin sa'min at napansin ko ang pagkuyom ng kamao nito. Galit siguro siya kay Ay-Ay dahil sa ginawa ng asawa ko. Parang ang init init ng dugo ni Ay-Ay sa'kanya. Bakit kaya?

Napangiwi naman ako dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Ay-Ay sa pulsuhan ko at ang lalaki pa ng mga hakbang kaya halos madapa ako. Nang makarating kami sa kotse ay binuksan niya ang front seat at pumasok naman ako.

Pagkapasok niya ay pinaharurot niya ang kotse. Tahimik at seryoso lang siya habang nakatingin sa daan. Napatingin naman ako sa pulsuhan ko at hinilot iyun. Namumula siya at medyo masakit din. Bumakat din ang kuko niya sa balat ko. Ang higpit kasi 'e.

"What happened to your wrist?" siya ang bumasag ng katahimikan sa'ming dalawa.

Sumulyap siya sa pulsuhan ko bago sa daan. Napairap naman ako.

"Nilagyan ko ng lipstick kaya namula." sarkastikong sabi ko.

Alam naman niya kung bakit namumula ang pulsuhan ko tapos itatanong pa niya? Napabuga naman siya ng hangin.

"I'm sorry. Galit lang ako kanina." napabaling ako sa'kanya.

"Bakit? Ano bang ikinagagalit mo kanina?" takang tanong ko.

Napataas naman ang kilay niya habang nakatingin pa rin sa daan.

"Nandun ka naman kanina diba? Dapat alam mo ang ikinagagalit ko."

Napasimangot naman ako, "Hindi ko nga alam kung bakit ka nagagalit at anong ikinagagalit mo?"

Napabuga siya ng hangin at humigpit ang pagkakahawak niya sa menabela.

"Sinira ng gagong yun ang date natin. Minsan lang nating gawin iyun tapos sisirain ng lalakeng 'yun. At siya pa talaga ha." napasabunot ang isa niyang kamay sa buhok niya.

"Sinong gago?" hindi ko naman kasi alam kung sino ang tinutukoy niya.

"Wife!" sinigawan na niya ako.

Napanguso naman ako, "K, fine. Iisipin ko muna ang kung sino."

Si Calvin! Ano ba yang si Ay-Ay, maganda ang pangalan ng tao tapos gago lang ang tawag?

"Hindi naman sinira ni Calvin ang date natin 'a. Ikaw kaya." napatingin siya sa'kin dahil sa sinabi ko.

"Wow! Ako pa talaga?! Ako, sisirain ko ang date natin?!" bulyaw niya sa'kin.

Kanina pa niya ako sinisigawan 'a.

"Oo. Makiki-upo lang naman ang tao kanina diba pero bigla ka nalang nagalit na parang gustong gusto mo siyang suntukin. Ano namang masama kung maki-upo si Calvin sa mesa natin?" naiinis na sabi ko.

"Hindi mo naiintindihan!"

"Pwes ipaintindi mo!" sinigawan ko na din siya.

"Paano mo maiintindihan 'e ang hirap hirap ipaintindi ang mga bagay bagay sa utak mo?!"

Nabigla at natigilan ako sa sigaw niya. Gusto kong maiyak sa pang-iinsulto niya sa'kin. Ipinaramdam niya lang sa'kin na ang bobo at tanga tanga kong tao. Kayang kaya ko naman intindihin kung ano man ang sasabihin niya 'e pero ininsulto niya lang ako.

"Shit!"

Nanlaki ang mga mata ko ng napatingin ako sa unahan. May makakasalubong kaming truck! Pero bago pa man bumangga ang kotse namin ay mabilis na nakaliko ang kotse at pumreno ako ng malakas. Sa lakas ng pag-preno ay mauuntog na ako pero mabilis akong nayakap ni Ay-Ay.

Napaiyak nalang ako sa takot dahil sa nangyari. Humigpit naman ang pagyakap sa'kin ni Ay-Ay.

"I'm sorry, baby. I'm sorry." sinserong sabi niya.

Humigpit ang yakap ko sa'kanya at napaiyak sa dibdib niya. Sobrang takot ko kanina, akala ko ay nabangga na kami sa truck. Akala ko ay mamatay na kami pero thank god. Hindi nangyari iyun.

Nang kumalma ako ay tiningnan niya ako at pinahiran ng tumb niya ang pisngi ko na patuloy pa rin sa pagpatak ng luha ko.

"I'm sorry kanina dahil nasigawan kita. I'm sorry dahil alam kong nasaktan ka sa sinabi ko at sorry rin dahil muntik na tayong mabangga dahil sa katangahan ko." sabi niya na puno ng pag-alala.

Hinalikan niya ang noo ko, "Please, baby. Don't cry, ayokong nakikita kang umiiyak."

Tumango tango naman ako. Hinaplos niya ang buhok ko at gumaan na ang pakiramdam ko. Hindi na din na ako umiiyak.

"I love you." bulong niya na ikinapikit ko.

"I love you too, bakla. 'Wag mo na ulit ako sisigawan at pagsasalitaan ng masasakit na salita kasi masakit dito." tinuro ko pa ang dibdib ko at napangiti naman siya habang tumango tango.

"Hindi na."

Ngumiti ako, "At 'wag ka na ding tatanga tanga sa pagmamaneho."

Continue Reading

You'll Also Like

54M 1.3M 70
after a prank gone terribly wrong, hayden jones is sent across country to caldwell academy, a school for the bitchy, the dangerous and the rebellious...
15.3M 468K 32
"We can't do this." I whisper as our lips re-connect, a tingling fire surging through my body as his hands ravage unexplored lands; my innocence di...
24M 834K 69
"The Hacker and the Mob Boss" ❦ Reyna Fields seems to be an ordinary girl with her thick-framed glasses, baggy clothes, hair always up in a ponytail...
7.9M 465K 48
Wang Li Xun, the Crown Prince, goes out hunting for the Celestial Flower to save his mother from a terminal illness. When he nearly dies from the att...