Text Me When You Get Home

By Leilanie109

67.2K 2.6K 375

Secret More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
NOT AN UPDATE
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Kapit Guys!
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
❤️💚
Chapter 41
Chapter 42
Final Chapter
Epilogue

Chapter 30

1.2K 63 7
By Leilanie109


😢😢😢😢😢😢









"Narinig mo naman kanina diba?

Open ang communication nila sa Cebu.

Simula na yon Deanna. Wag kang mainip. Malay mo naman kung nanghingi na siya ng tawad kay Tita. Malalaman mo pa ba yon?

Naguusap na sila kaya magandang progress yun."






Haay, nakatawid ako!












"What about his other family? Pwede bang kalimutan na lang yun?

Nandiyan na sila eh. May anak na sila kaya forever na yun nakadikit sa kanya."






Jessica isip!

Nabablangko yata ako ah!










"Kahit patawarin ko siya. Maiinis lang din ako every time na maaalala ko yon.

They are the living testament ng ginawa niya sa amin."








😩😩😩










"Deanna...

Wag ka namang ganyan oh...

Kahit anong galit mo, ama mo pa rin siya.

Accept mo na lang yung present situation niyo. Magpatawad ka na.

Mukha namang nagsisisi na siya eh."









Pinaandar niya si Batman.


















Tulog na si Nanay nung dumating kami.

Gusto ko sana siyang kausapin pa pero nagpaalam na siya agad.

Hindi ko muna siya kinulit.

Siguro kailangan din niya ng space.

Hindi ko rin naman maiitindihan ng bongga yung kalagayan niya kasi hindi naman ako yun.

Siya ang nasa sitwasyon na yun. Siya ang nakasaksi kung ano ba sila dati.

Kung gaano sila kasaya before mareveal yung pangyayari na yun.

Binalikan ko yung kuwento niya noon sa sapa.













Haaay...

Hindi pala yun inamin ng Daddy niya.

Lumitaw na lang bigla yung kabit nung nandito na sila.

Grabe siguro yung time na nangyari yun.

Blow after blow ang nangyari.

After nila mawalan ng bahay sa Maynila, na Daddy niya mismo ang may kasalanan, ganun pa yung sumunod na kaganapan.










😩😩😩


Bakit ba naiistress din ako?!

























Alas onse y medya na...

Nakahiga na ko. Tinatawagan ko siya kaso di niya sinasagot.

Maggu-goodnight lang ako eh...

😒😒😒



















Si Bea na lang ang kinontak ko.














"Pwede paistorbo?"




"Ginagawa mo na kaya...

Anong atin?"






"Naipakilala ko na si Deanna.

Literal ha! As in jowa.

Grabe si Nanay nambigla kasi eh!

Nagulat ako, bigla kasing sinabi na aminin ko na daw na may jowa ako.

Akala niya nga ikaw eh hahaha!"








Naalala ko na naman yung mukha niya nung sinabi ko na hindi si Bea.









"Oh...

Kamusta naman? Okay lang kay Nanay?"





"Ang totoo kasi niyan, akala talaga niya ikaw, so ang nangyare, niready niya na yung sarili niya na isang araw aaminin ko, kahit si Tatay sinabihan na niya.

Biglang naglitanya si Nanay, pagod na daw siyang magkunwari na di niya nahahalata.

Kaya ayun, sinamantala ko na lang din.

Pasensya ka na ha.

In a way ay nakaganda yun. Kasi naihanda niya na sarili niya. Kaya ayun, ang smooth lang nung pagpapakilala ko kay Deanna bilang jowa ko."











"Jema sorry ah, inaantok na kasi ako. Congrats sa inyong dalawa."








Luh...











"Ano ba yan Bea! Inaantok ka na ba talaga? Di ko pa nga nasabi yung totoong ikukuwento ko eh!"





Kailangan ko ng kausap eh!












"Ganun ba? Sige na sabihin mo na..."







Narinig ko na parang may tinatapik o hinahampas siya.









"Ano yun?"











"Ginigising ko po yung sarili ko para sa kuwento mo!

Ang tagal!"











"Sige na nga sa ibang araw na lang!"








😬😬😬










"Pupuntahan kita ngayon pag di mo sinabi."






Siraulo to..

Kanina lang inaantok na eh.












"Oo mo Bea! Maaksidente ka pa! Stay put ka lang diyan ah! Eto na!

Ayun na nga kasi...

Kanina dinala niya ko sa bahay nila. Nakilala ko na si Tita Judin.

Okay naman, nagkuwentuhan lang kami. Ang bait niya pala noh...

Kaso nung nagdinner na, bumaba na si Tito.

Tapos after kumain, gusto niya sana kausapin si Deanna.

Nagsorry siya tungkol dun sa nangyari sa last encounter nila. Yung about sa pera.

Tapos yun kinuwento niya na nagstart na siya ulit magbusiness sa Cebu.

Tapos sabi rin ni Tita, tinutulungan  siya ni Tito sa paghandle ng business niya.

Diba nagkakaroon na ng progress? Di mo nakuwento sa akin kung in speaking terms na ba sila nung bago pa lang tayo nagkakilala eh.

Pero para sa akin kasi, kaya sinabi yon ni Tita, para magsubside na yung galit niya diba?

Kaso ayaw ni Deanna makipagusap.

Ano na ba gagawin ko?!

Sabi niya nakikinig na siya!

Pinapunta niya nga ko dun para may moral support siya diba?

Pero bakit ganun?

Hindi niya pinansin yung Daddy niya!

At siyempre nakakahiya yun na napahiya siya sa harap pa ng taong di niya kilala.

Parang gusto ko na kayang maglaho nung time na yun.

Awkward talaga!

Tapos si Deanna, siya ang nagdala sa akin don, tapos nung awkward na yung sitwasyon, bigla niya kong kakaladkarin paalis.

Tama ba yon?

Naiinis ako sa totoo lang!"











"Chill Jema.

The fact na nagstay siya dun kahit nandun si Tito Dean, progress na yun."








Ano?!

😶😶😶










"Before, even nung nasa Manila pa kami, that was before makuha ng bank yung mga bahay namin, magugulat na lang ako nasa kuwarto ko siya kahit umalis ako.

As in gabi ako makakauwi, tapos malalaman ko nandun pala siya the whole day.

Buti nga sayo nagoopen up siya eh.

Sa amin, kahit sa akin, never. She will go to my house or kahit nasaan ako, susunod siya.

Pero never did she try to talk about it.

Isipin mo kung paano ko nasurvive yon?"








😅😅😅










Mas mahirap nga yata yon.

Baka kung ako yon, di ko matatagalan si Deanna. Malamang magtatago ako.

Kesa ganun na mapanisan ako ng laway, na may tao akong kasama pero di nagsasalita.

Gusto mo tulungan, icomfort, kausapin pero tulala lang.



















"Eh ano nang gagawin natin sa kanya? Ganun na lang ba yon?"




Haay naku naman!









"Slow progress is still a progress.

Malaking bagay na yun na hindi siya umalis ng bahay nila.

Don't think too much about it.

Sila lang din talaga makakasolve niyan.

Ang importante, may naimprove."






Sige na nga.











"Salamat Bea.

Kanina talaga naaasar na ko sa kanya eh. Pero mas naintindihan ko na.

Hayaan mo, tulungan ko pa rin siya.

Dito lang ako lagi sa tabi niya. Di ko siya iiwanan.

Unti-unti tulungan kong magheal ang puso niya.

Napakasaya ko siguro pag dumating na yung time na yon na maging maayos na sila ni Tito.

Ikaw kasi eh!

Pinagtulakan mo ko kay Deanna!

Ayan tuloy  napamahal na sa akin ng sobra!"






😅😅😅












"Sige na Jema, I'm sleepy na talaga. Goodnight na."









"Goodnight din Bei!

Salamat!"










Pagkaclick ko ng end button...













😶😶😶😶😶😶😶😶😶😶😶😶😶











"Sorry I just went to the restroom."

"Busy?"

"Sino kausap mo?"

"Jessica..."

"10 minutes ko na tinatry tumawag sayo."

"20 minutes... Sino kausap mo?"

"30 fucking minutes Jessica Margarett."

"That's it."






Anong 'that's it?'

Ano ginawa nito?

Punyeta....










Tinatawagan ko na siya ngayon.












Hindi nagriring...




Nakapatay ang cp niya?













Dinial ko ng dinial ang messenger niya.

Wala naman akong load! Di ko matawagan number niya!








Nalowbatt na ko at lahat, di ko pa rin siya matawagan.



















"Jema! Ano ba yan!

Diyan ka na nakatulog sa sofa!"








🥱🥱🥱












Nakatulog din pala ko...


😞😞😞


Lumabas ako ng kuwarto kagabi para di ako makatulog.

Ganun din pala.

Tinawagan ko ulit si Deanna.



Wala pa din talaga.

Nagpaload ako sa tindahan.










😭




Out of coverage area!








Nagtext ako kay Mrs. Galvez..

Aabsent muna ko.

Kailangan ko makausap si Deanna.

Anong oras nga ba yung pasok nila?

Dito ko na lang gagawin yung paperworks ko. Wala naman nang regular class  kaya pwede akong umabsent.












"Di ka ba papasok?"

Tanong ni Nanay. Bihis na siya.

6:30 na eh.










"Hindi na muna Nay. Medyo masama yung pakiramdam ko eh."




Sinalat niya yung noo ko.










"Uminom ka ng biogesic pagkatapos mong magalmusal ah."


Buti na lang malamig kamay ni Nanay dahil kakatapos lang maligo.

Umubra yung acting ko.














Bea calling...











"Nandiyan ba sa inyo si Deanna? Sabi ni Tita Judin wala raw dun eh. Umuwi daw ng pasado alas diyes pero wala dun sa kuwarto niya nung ginigising na ni Tita. Hindi yata dun natulog kagabi.

Wala ba diyan sa inyo?"








😣😣😣











"Hahanapin ko mamaya ah. Aabsent ako ngayon. Hahanapin ko siya. Tawagan kita pag nakita ko na."









Pabulong lang yung pagkasabi ko.

Tapos binaba ko na agad.














Nasaan ka Deanna?












Nagtext si Bea.






"09*********

Number yan ni Tita Judin.

Balitaan mo din daw siya."











Haaay naku naman!













Nagkunwari akong may ginagawa sa mga gamit ko.

Nilatag ko sa lamesa yung mga records ng mga bata.














"Alis na ko. Uminom ka ng gamot ah."




Tumango lang ako kay Nanay.











Pagkaalis niya ay naligo ako ng mabilis.














😶😶😶










May kumakatok.
















Si Bea kaya yon?

Tutulungan niya ba kong hanapin si Deanna?























Nagmadali akong magbihis.






































"Deanna..."

Continue Reading

You'll Also Like

196K 5.3K 44
para ito sa gawong community sana magustuhan nyo. sa gawong tayo. #protectgawongatallcost
1.1M 27.5K 127
A story made for Jedean Gawong Fan🌈 If you're against the LGBT Community please skip the story😊 Godbless everyone😇
872K 16K 64
[editing] After they broke up a couple of years ago, Jema and Deanna realized how much they still love each other despite the circumstances coming in...
2.6M 94.3K 30
Dawn, a girl in her early twenties living in a poor neighborhood with her sick mother and teenage brother. Her father has abandoned them for a rich w...