Dealing With The Billionaire

By thinkablejea

2.6K 244 27

Natasha Santiago is a lazy girl from isabela who loves to read and to dance.she will take her life in Manila... More

note
prolouge
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5.
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue: IƱigo's POV
Thank you!!

Chapter 8

72 9 4
By thinkablejea

2nd meet.

Gabi na ngayon at hinihintay ko nalang oras ng pag-uwi. Nagtext kasi sa akin si Cheryl na samahan ko daw siya sa mall. May bibilhin, kaya ngayon gusto ko nalang pabilisin ang pagtakbo ng oras. Si Iñigo naman ay nasa meeting pa kasama si Mr. Rafael para sa darating na project nila.pffftt...I'm so bored. Bigla namang pumasok ang isang lalaki. Akala ko nga si Iñigo pero si Jared pala.

"Good good evening Natasha, nasaan si Iñigo? Hindi ko kasi siya nakikita simula pa nung nakaraan." Si Jared.

Napatango naman ako. "Kasama ko siya nung nakaraan pero kung ngayon ay nasa meeting siya. Hindi ba papa mo ang ka meeting niya?"

"Oo pero hindi naman ako kasali doon. Im here as employee not as the heir of my father's company." He said while laughing. Joker ah?.

"Bakit nga pala ay hindi ka nalang pumasok sa company ng papa mo?" Tanong ko.

He looked at me. "Gusto ko kasi magtrabaho sa iba bago sa company namin. You know, for experience na rin" tumango naman ako. "Sige na lalabas na muna ako, nice seeing you again Natasha" Nangingiting sabi niya.

****

I was busy doing random things when Iñigo came. His face was so serious and he looked mad. Problema nito?

"I hate you. I really really hate you" His jaw clenched. Tahimik lang ako sa gilid habang siya ay galit na galit.

Huminga ako ng malalim. "Problema mo—I mean, what's your problem sir? May nangyari po ba sa meeting?" I asked. Umiling naman siya.

"Nothing..." He looked away "Aren't you going home? It's 6:00 pm. You can go now." He added.

"Are you okay sir? You can tell me your problem." I said sincerely.

He seriously looked at me. "Okay lang ako, thank you. Be careful Natasha."

Puro buntong hininga lang ang ginawa niya. Habang ako naman ay nagliligpit ng mga kalat. Tinignan ko siya bago ako lumabas ng pinto, nakayuko siya at parang problemadong problemado. Kahit na alam kong naghihintay si Cheryl ay patakbo kong binalikan ang lalaki.

I hugged him. "Kung ano man 'yang bumabagabag sayo. Mawawala rin yan. Trust yourself, makakayanan mo yan" mabilis akong umalis habang hawak-hawak ang dibdib ko. 'Kalmahan mo lang please.'

Sumakay agad ako ng taxi papunta sa mall. Nakita ko agad si Cheryl na naghihintay sa main entrance at bagot na bagot na. Nag peace sign ako.

"Sorry na, may inasikaso lang. Ito naman matampuhin." Nangingiting sabi ko.

Sumimangot naman siya. "Tsk. Napaka-bagal mo talagang kumilos eh noh?..." She even rolled her eyes to me. "Sandali lang naman tayo dito. Tara na, para makawui ka na rin"

Konti ang tao ngayon dahil weekdays. Kaya naman ang tahimik. Pumunta kami sa bookstore, bumili siya ng mga gagamitin niya sa mga visual aids niya na hindi naman napapansin ng students niya kasi boring daw ang A.P

"Ano? Wala ka nanamang bibilhin? Treat yourself naman." Pang-aasar niya.

Umirap naman ako. "Sinama mo ba talaga ako para may kasama ka o para ipush mo 'kong gastusin ang pera ko?"

Tumawa naman siya. "Libre kita?" Tumango naman ako. " 'Yan kapag Libre g na g ka, kapal ng mukha mo gago....biro lang. Ililibre na kita." Imbes na magalit ako ay ngumiti nalang ako.

Nasa bookstore na kami after 2 years, Jk. Napakabagal kasi mahlakad ni Che, titingin pero 'di namam bibili. Pumunta agad siya sa stante ng mga Manila paper, pentel pens at iba pa niyang gagamitin. Ako naman ay highlighter lang ang pinili. Mga lima, konti lang baka magalit siya.

"Buti naman at 'yan lang ang ibinili mo." Natatawang sabi niya. Why? Atleast konti lang. "Babayaran ko lang 'to" Sabi niya sabay alis.

Nakita ko naman si Caitlyn sa labas na parang may hinihintay. Hindi naman niya ako nakita kaya hindi ko siya binati. Maganda din si Caitlyn, matangkad, mahaba ang buhok, at mukhang galing sa mayamang pamilya. Maya-maya pa ay dumating na si Cheryl kaya lumabas na kami.

"Kain tayo? Mag fast food nalang tayo ha? Wala pa 'kong sahod." May papunas punas pa ng luha wala namang lumalabas.

Habang binabaybay ang daan papunta sa Mcdo ay parang may bumara naman sa lalamunan ko nang nakasalubong namin si Caitlyn na kasama ang Mama ni Iñigo. Head to toe akong tinignan ng mama ni Iñigo. Tumingin naman sa Akin si Che.

Kumaway si Caitlyn. "Hi Natasha, I'm glad to see you here." Masayang bati niya.

"Ako rin....Hi po Ma'am" pormal na sabi ko.

Lumapit naman si Che. "Iihi lang ako, kanina pa sasabog 'tong pantog ko." Saad niya bago umalis.

"Oh..You're the secretary of my son, right? Can I talk to you Ms. Santiago?" Seryosong sabi niya. Tumango naman ako.

Pumasok kami sa isang high-class restaurant. Kahit na napakaganda ng paligid ko ay hindi nito nakuha ang atensyon ko. Kabadong-kabado ako dahil sa kaharap ko ngayon. Si Caitlyn naman ay umalis. Siguro alam na niya ang mangyayari kaya sinalba na niya ang sarili niya.

"So...I've heard some "rumors" about you and my son, I also heard that you two go to your province, right? Kaya naman nawala siya ng tatlong araw? Alam mo bang unang best niyang umalis sa Trabaho niya?" Magsasalita sana ako kaso hindi ko na nagawa dahil tuloy-tuloy ang salita niya. "My son also helped you. Anong feeling ng maakit ang anak ko?"

"Excuse me ma'am? A-Ano pong nilalandi?" I said calmly.

She tsked. "May nakakita sa inyo na hinalikan ka ng anak ko...Kabago bago mo palang sa trabaho mo...Tapos nag-leave ka ka-agad tapos isinama mo pa ang anak ko? What if something bad happens to him, May magagawa ba ang pamilya mo? You applied as secretary Ms. Santiago, not as a girlfriend. Okay?"

Umiling naman ako. "Sorry for being disrespectful Madam Enrile but I don't know what are you saying. I'm not dating your son or seducing him..." huminga ako ng malalim. "And about the kiss. Hindi ko po alam kung ano ang dahilan niya kung bakit niya ginawa sa akin—"

"Kasi nga naakit mo na siya at baka nga ginayuma. You're not that beautiful Natasha. You're from poor family. My son doesn't deserve you" mataray niyang Saad.

Tumayo naman ako. "Ilang beses ko man pong uulitin sa iyo. Hindi. Ko. Inakit. Ang. Anak. Niyo. Tanungin niyo po siya kung bakit siya nagkakagayan. Kung sana ay pinapakinggan niyo sa ay hindi siya magkakagan—" isang malakas na sampal ang iginawad niya sa akin.

"How dare you to talk to me like that? Hindi mo na ako nirespeto bilang nanay ng amo mo. Pang skwater talaga 'yang ugali mo." Galit niyang Saad.

Tinaas ko ang kilay ko. "Kanina po ay may respeto pa ako sainyo, ngayon wala na po. Sorry po ah? Mukhang natamaan kayo sa sinabi ko. Totoo naman po kasi eh, Hindi niyo pinapakinggan ang side niya." Sabi ko sabay alis.

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Ang sakit niya magsalita. Napakasakit. Nakasalubong ko naman si Cheryl na alalang-alala ang mukha. Niyakap ko siya at hinahaplos naman niya ang buhok ko. Maraming tao ang nakatingin sa amin pero hindi ko sila pinansin. Napaka-bigat lang ng damdamin ko,

"What happened? Anong ginawa ng dalawang yun? Balikan natin Tara."ambang aalis na siya pero hinila ko siya at Umiling.

"Hindi 'wag na. Wala naman silang ginawa sa akin. Umalis nalang siguro tayo." Naiiyak na Saad ko.

****

Hanggang sa maka-uwi ako ay tahimik lang akong pumunta sa kwarto ko at humiga sa kama habang paulit-ulit na nagpa-play ang mga sinabi ng mama ni Iñigo. Hindi ko naman inaakit ang anak niya. That's part of the deal. I need to act as his girlfriend kasi ipapakasal siya sa hindi niya gusto. I'm helping him not seducing. Tatlong Sunod-sunod na katok ang nagpatigil sa akin.

I coughed to cover my hoarse voice. "Bukas po 'yan"

Nakatalikod lang ako at pilit na pinapaalis ang mga luha sa mata ko. Ilang mga yapak ng paa ang narinig kong patungo sa akin hudyat na pumasok ang tao. Lumapit ito sa tabi ko at hinaplos ang buhok ko.

"Anong problema Marie? Bakit ka umiiyak diyan. Huli kong kita na umiiyak ka ay nung nag-break kayo ni Pau...Dahil ba sa pag-ibig yan? Kay iñigo." Sabi ni Ate.

Umiling ako. "H-Hindi, pagod lang po ako. Sobrang dami kong ginawa kaya naiiyak ako." Pinilit kong tumawa pero lumabas agad ang luha ko kaya niyakap ko si ate.

"M-Mali ba y-yung ginagawa k-ko? Tinulungan ko lang siya na m-makaiwas sa k-kasal na 'yun. H-Hindi ko sinasadyang mahalin siya pero pinipigilan ko naman. H-Hindi ko naman siya inaakit 'diba?" Tuloy-tuloy kong Saad.

"Sino ang nagsabi niyan sayo? Aba't napaka-kapal naman ng mukha niya sabihan ka ng ganyan." Galit na sabi niya.

"W-Wala.." nag-iwas ako ng tingin. "Narinig ko lang na pinag-uusapan nila ako." Pagpapalusot ko.

Umiling naman ang ate. "Ang kakapal ng mga mukha nila. Isang araw nga at gagawi ako diyan. Tignan natin kung mapagsalitaan ka pa nila kapag sumabog na yung mga bibig nila." Bigla naman akong natawa ganon din si ate. "Baliw ka talaga. Matulog ka na. 'Wag kang magpapa-apekto sa mga sinasabi ng iba. Mas kilala mo yung sarili mo at alam mong hindi ka ganon." Sabi niya sabay tayo at isinara ang pinto.

"Salamat sa time ate." Bulong ko.

Tumingin lang ako sa kisame habang tumutulo nanaman ang luha. Hanggang kailan ka ba iiyak sa mga bagay na mabababaw lang? Hindi ka pa ba napapagagod? Mapagod ka naman Natasha. Maging transparent ka naman pagdating sa sarili mong damdamin

Continue Reading

You'll Also Like

16.4M 546K 35
Down-on-her-luck Aubrey gets the job offer of a lifetime, with one catch: her ex-husband is her new boss. *** Aubrey...
138K 4.6K 46
Camari Farah Segovia-the heiress of their company. She loves modeling, and her only dream was to be notice by her favorite luxury brand, the Dulce an...
227M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...
594K 570 1
UNDER MAJOR REVISIONS Cifarelli #1 Raised in shadows where violence reigned, his world was a canvas of darkness. But her innocence was a dawn that p...