My Husband is Gay

By Jejelobsss

110K 4.6K 417

Arranged Marriage, sounds cliche right? Well ganun lang naman ang mang yayari sa babaeng slow, pilosopo at sa... More

---
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Special Chapter
Jejelobsss

Chapter 4

2.4K 112 20
By Jejelobsss

Chapter 4: Secret Admirer

Ininat ko ang katawan ko at idinilat ang mga mata. Napapikit ako ng masinagan ako ng araw sa mukha. Hindi ko pala naisara ang kurtina ng sliding door sa veranda. Bumangon ako kahit masakit ang katawan ko.

Napagod ako kahapon sa pamamasyal namin sa mall. Nung matapos kasi kami dun sa restaurant na kinainan namin ay pinilit pilit ko pa si Ay-Ay na gumala kung saan saan. Wala naman siyang nagawa kundi ang sumama sa'kin kahit mukhang ayaw na niya akong makasama. Gabi na ng makauwi kami kaya ang sakit ng katawan ko ng magising ako.

Ginawa ko muna ang morning routine ko sa banyo bago bumaba. Humihikab pa akong naglakad papunta sa kusina.

Wala akong pasok ng ilang araw dahil pagtuonan ko daw muna ng pansin ang kasal ko sabi ni mama. Ipinaalam na din niya ako sa dean at sa mga professors ko, pagkatapos ng kasal ay babalik na din ako sa pag-aaral.

"Good morning, sweetie." nakangiting mukha ni mama ang bumungad sa'kin, naghahanda naman siya ng breakfast katulong ang mga maid.

"Good morning, mama." naupo ako sa upuan.

Nabigla naman ako ng naupo sa tabing upuan ko si mama at inusog ang upuan sa'kin.

"So, anong nangyari sa date niyo ni Aywayne? Masaya ba anak?" mukhang excited si mama na malaman.

Napakamot naman ako ng ulo at napangiti ng nahihiya. Inaakala nilang date ang ginawa namin kahapon? Teka nga, ano pa lang date? Sa dyaryo ba yun?

"Date? Ano pa lang date, ma?" takang tanong ko.

Bumaba ang balikat niya at sumimangot, "Ang date ay ginawa ng dalawang taong magkaiba ang kasarian, ma-umaga o gabi man. Halimbawa, kumakain silang mag-kasama sa isang romantic restaurant at mamasyal na magkahawak ang kamay."

Napangiwi naman ako. Yun ang date? Eh year, month at day meron kaya?

"Hindi naman yun date, ma. Nag-aasaran lang naman kami kahapon habang namamasyal tapos lagi pa siyang nakatingin sa mga lalake." napanguso ako.

Napasimangot naman si mama, "Hayy, kailan ba magbabago ang batang iyun?" sabi niya at ipinagtimpla ako ng gatas, ayaw nila ako parating umiinom ng kape 'e.

"Ma, kung magbabago siya ay baka maging alien na siya. Hindi pa naman dito pwede na iba ang itsura." kumain ako ng bacon at nilagyan ng kanin.

Napailing iling naman siya habang tumatawa ng mahina. Inilapag niya ang gatas sa'kin at hinalikan ako sa noo.

"Hindi na kami magb-breakfast, sweetie. Kailangan naming asikasuhin na ang mga kailangan sa kasal. Mamasyal ka na lang dyan sa park dito sa village ha? Huwag kang lalayo."

Kaya pala bihis na bihis siya. Hindi ko na naman sila makakasamang kumain, mag-isa na naman ako. Bakit ba kasi nag-iisang anak lang ako?

"Malaki na ako ma, kaya ko ng pumunta sa kung saan saan." ngumiti ako, "Sige na ma, baka malate pa ikaw. Byebye." hinalikan ko ang pisngi niya.

"Bye sweetie, I love you." naglakad siyang madali paalis.

"I love you too, ma!" nakangiting sigaw ko hanggang sa mawala na siya.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Nang matapos ako ay hinanap ko ang poodle ko at nakita ko siya sa library na natutulog sa blanket. Napangiti naman ako at kinarga ko siya dahilan para magising siya. Bigla siyang tumahol at dinalaan ang pisngi ko. Napatawa naman ako.

Inilapag ko siya sa sahig ng makarating kami sa sala. Isinuot ko sa'kanya ang tali pero maluwag lang. Napangiti naman ako dahil sa suot din niyang kulay blue na damit. Kulay blue kasi lalake pala itong baby ko.

"Ang cute mo baby..." napatigil ako, wala nga palang pangalan siya.

Aha! Mas lalo akong napangiti ng makaisip ako ng magandang pangalan, "Baby Ay-Ay! Yun!" natawa naman ako.

"Ang cute mo baby Ay-Ay." bigla siyang tumahol at sumasayaw ang buntot niya.

"Mukhang nagustuhan mo ang pangalan mo, baby 'a." ngiting ngiti na sabi ko.

Hinawakan ko ang tali at lumabas kami. Nagpaalam naman ako kay Manang Loyda (pinagkakatiwalaan nila mama) na lalabas muna at mamasyal sa park kung hanapin man nila ako. Binuksan ako ang pintuan ng gate at lumabas.

Ngayon ko lang napansin sa village na ito ay ang lalaki ng bahay, mansion na nga katulad ng mansion namin. May mga katulong din na nagaalaga ng mga halaman at bulaklak. Ang ganda dito, tahimik pa. Nang makarating ako sa park ay may mga batang naglalaro kasama ang mga yaya nila.

Naupo naman ako sa bench at pinanood ko si baby Ay-Ay na tumakbo kasama ang ilang mga aso din.

Napatingin ako sa tunog ng parang nagbebenta ng ice cream. Nanlaki ang mga mata ko at napatayo. Yes, ice cream! Tumakbo ako kay Manong at bumili ng isang cup.

Habang naghihintay ako ay nangunot ang noo ko ng napatingin ako sa may puno na medyo kalayuan sa'min. May dalawang lalake dun ang nag-uusap at ang nakaharap sa gawi namin ay kilalang kilala ko.

"Si Ay-Ay yun 'a." mahinang sambit ko.

Pansin ko na may sunglasses siyang itim sa ulo niya at nakamask pa. Nakapameywang din siya habang nakikipag-usap sa isang lalake. Hindi ko makilala ang lalake dahil nakatalikod sa gawi ko.

Inabot sa'kin ni Manong ang ice cream na binili ko at tinanggap ko naman. Napatingin ako kila Ay-Ay ngayon ay naglalakad na papaalis habang nakasunod sa'kanya ang lalake. Napatingin ako kay baby Ay-y na kalaro ang ibang aso. Hindi naman siguro siya mawawala dito.

Sinundan ko ang dalawa pero medyo malayo ang distansya ko sa'kanila, baka mahuli ako. Nakarating kami sa dulo ng village na wala ng mga bahay, para ng papasok ito sa gubat. Pumunta sila sa isang madilim na bahagi dito pero kitang kita ko pa rin sila sa pinag tataguan ko. May pinag-usapan pa sila na hindi ko naririnig pero nanlaki ang mga mata ko ng biglang i-kiss ni Ay-Ay yung lalake.

Matagal na kiss at nakita ko ang paggalaw ng labi nila. Teka, kiss na ba ang tawag dun? Naggagalawan na 'e. Kitang kita ko ang ginawang pag buka ng labi ni Ay-Ay at ipinasok ng lalake ang dila na mas ikinagulat ko.

Napatakip ako ng bibig habang nanlalaki ang mga mata.

"Tangina..." mas lalo akong nagulat ng marinig ko ang sarili ko na nagmura.

Saan ko napulot ang bad words na yun? Inis kung sinampal ang labi ko, napangiwi naman ako sa sakit. Tiningnan ko ang dalawa na nagyayakapan na pero hindi pa rin napuputol ang halikan nila.

Inis akong tumalikod at naglakad papalayo. Hindi ko na kayang manood, masyado pang inosente ang utak ko sa mga ganun. Napatingin ako sa relo kung black na bigay ni papa. Mag tatanghali na.

Talagang tanghali pa nila ginawa ang ganun noe?

Pinukpok ko ang ulo ko gamit ang kamay ko. Kalimutan na nga iyung nakita ko. Pagkarating ko sa park ay hinanap ko na si baby Ay-y na nakita ko naman. Naglakad na lang kami papunta sa bahay namin. Tulala lang akong naglalakad, pilit na inaalis ang nakita ko kanina.

Nakipag halikan si Ay-Ay sa isang katulad niya na lalake? Oo nga pala, bakla si Ay-Ay pero hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng ano nung nakita ko yun. Yung bang... pakiramdam na parang masusuka. Napabuntung hininga na bang ako.

Isa pang hindi ko makalimutan ay yung pagmura ko. Siguro sa sobrang gulat ko ay hindi ko maiwasang mag salita ng bad words.

"Tunaw na ang ice cream mo."

Napatigil naman ako ng marinig ko ang boses niya sa tabi ko. Tiningnan ko ang ice cream na hawak ko pala. Hindi ko napansin na hawak ko pa pala ito at tunaw na tunaw na.

Napatingin ako sa'kanya. Naka sunglasses siya at parang ang arte niyang tingnan. Napaatras naman ako ng bigla kung maalala ang nakita ko kanina. Napayuko ako bigla. Parang biglang... bumigat ang nararamdaman ko sa'kanya.... naiilang ako.

Hindi na lang ako nag salita at nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko na ang mansion namin. Dali dali akong pumasok sa gate, hindi ko na siya pinansin.

Oo nga pala, nandito din ang mansion nila sa village na ito. Dito sila nakatira. Kaso nga lang ay medyo malayo iyun sa'min, lahat ng kamag anak nila ay dito nakatira.

"Ang tagal mo."

Napatingin ako sa babaeng naka-upo sa sofa. Napangiti ako at tumakbo sa'kanya.

"Ate!" sigaw ko sa pinsan ko at yinakap ng mahigpit.

Anak siya ng kapatid na babae ni mama na si Tita Roseann, sa pamilya namin ay kaming dalawa lang ang babae dahil halos lahat ng pinsan ko ay mga lalake na hindi ko makasundo dahil parati lang nila akong binu-bully. Itong su Ate Honey, na may asawa na lang ang nakakasundo ko.

"Namiss kita, Mira." ngiting sabi niya at ginulo ang buhok ko.

Napangiti naman ako, "Namiss din kita, ate." napatingin ako sa tiyan niya bigla, parang may umbok.

Hinimas niya ang tiyan niya at ngumiti ng matamis, "Buntis na ako. Panganay."

Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa tiyan bago sa'kanya.

"R-Really? B-Baby ba ang nandyan?" gulat na gulat na tanong ko.

"Oo. Anong gusto mong laman nito?" sarkastikong sabi niya na ikinatawa ko.

"Monggoloid." sinamaan niya ako ng tingin, "Joke. Nagulat lang ako kasi... a-akala ko ay hindi na-dedevelop ang baby sa tiyan." napanguso ako.

Natawa siya ng malakas, "Bakit ba napakainosente mo pag dating sa nga ganitong bagay?" umiling iling pa siya.

"Hindi naman kasi sinabi sa'kin nila mama kung paano ang paggawa ng baby? Saan ba ito na-dedevelop? Hindi nila nagawang sabihin sa'kin." napasimangot ako.

Napa aray naman ako ng bigla niya akong batukan.

"Alangan naman na idetalye nila sa'yo iyun ng step-by-step. Naku! Maloloka ka lang kaya huwag mo ng alamin."

Natawa na lang ako at nagkwentuhan na lang kami. Nagkamustahan sa mga nangyayari sa buhay namin. At napadalaw lang daw siya dahil nalaman niyang ikakasal na daw ako at syempre miss na daw niya ako.

"Ate..." tawag ko sa'kanya habang umiinom siya ng gatas, bawal daw sa'kanya ang kape kahit juice daw dahil buntis siya.

Napatingin siya sa'kin, "Hmm?"

Napakamot ako ng ulo ng maalala ko naman ang kanina. Bakit hindi iyun maalis sa isip ko?

"N-Normal lang naman gawin ng mga bakla ang m-makipag h-halikan sa mga lalake diba?" nauutal ko pang tanong at napayuko.

Napatahimik siya bigla at hindi ko alam ang reaksyon niya dahil nakayuko ako.

"Normal lang naman iyun dahil nga bakla sila pero... ewan nakakasuka siguro iyun." nagkibit balikat siya.

Napanguso naman ako. Ganun din ako. Nasusuka.

Alam kung napaka sama ko sa part na iyun, hindi naman ako ganun ka slow o bobo para hindi malaman na masama iyung part na nakakasuka ang ganun. First time ko kasing makakita ng ganun, masama pa ay parehas na lalake. E diba ang dapat lang na gumawa nun ay magkaibang gender, diba?

Pagkatapos naming magtanghalian ni Ate Roseann ay ilang oras pa kaming nag bonding hanggang sa napagpasyahan niyang umuwi na. Nalungkot naman ako dahil mag-isa naman ako, wala pa kasi sila mama. Hindi naman ako as in mag-isa dahil nandyan naman ang ilang maid pero feeling ko lang mag-isa ako.

"Umalis na na si Honey?" tanong ni Manang Loyda pag kasara ko ng pintuan ng gate.

"Hindi po, nasa tabi ko pa siya." napanguso ako na ikinatawa na lang niya.

"Oh s'ya, halika na sa loob. Darating na ang mama't papa mo, palagi nalang silang ginagabi. Mukhang pinapabongga ng mama mo ang kasal mo." umiling iling na sabi nito.

Napangiti naman ako at kumapit sa braso niya, "Invited po kayo."

Ngumiti naman siya at naglakad na lang kami papunta sa pintuan. Pinanood ko na lang silang magluto sa kusina dahil wala akong magawa. Kahit sinasaway na ako ng mga maid lalo na si Manang Loyda ay nanatili pa rin ako sa kusina habang pinapanood ang pagluluto nila.

"Marunong ka bang magluto, iha?" tanong maya maya ni Manang Loyda.

Umiling ako, "H-Hindi po ako marunong."

"Nakung bata ka! Mag-aasawa ka pa naman tapos hindi ka marunong magluto, paano na lang kayo mabubuhay niyan!" tumaas ang kilay niya, kahit siya marunong din magpataas ng isang kilay. Ako lang talaga hindi.

Kailangan pa ba yun? Haler, ang pagpapakasal namin ay isa lamang arranged marriage, ipinaliwanag sa'kin ni mama kung ano ang arranged marriage, walang nararamdaman para sa isa't isa ang mga ganun kaya hindi ko alam kung bakit kailangan kung matuto ng mga gawain sa pag-aasawa. At isa pa ay mukhang marunong naman magluto si Ay-Ay kaya mabubuhay kami ng hindi ako ang magluluto!

Pagkatapos nilang magluto ay kumain na ako ng panghaponan dahil gabing gabi na at tumawag pa si mama na mauna na daw ako kumain dahil mamaya pa daw umuwi, gusto ko sanang hintayin sila kaso ay may gagawin pa pala ako sa ibang sub ko.

Ginawa ko ang thesis ko sa isang sub ko para sa pagbabalik ko ng pag-aaral ay maipasa ko na ito. Pagdating sa ibang bagay ay sobrang slow ko pero pagdating sa pag-aaral ko ay gumagana ang utak ko. Siguro ganun talaga ako.

Pagod kung inihiga ang katawan ko sa malambot kung kama ng matapos kung gawin lahat ng thesis at project ko. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko pero napabalikwas ako sa higaan ng tumunog ang phone ko.

Ang lakas!

Kinuha ko iyun sa side table at sinagot kung sino man ang tumatawag. Unknown number siya.

"Hello?" inaantok kung bati.

"Matutulog ka na?" baritonong tanong nito, gwapo ng boses.

Napamulat naman ako at tinignan ulit ang number na tumatawag sa'kin.

"Sino ka?" takang tanong ko.

Narinig ko ang pagtawa niya ng mahina, "Your secret admirer."

Kumunot ang noo ko. Sino ito? Hindi ko kilala ang boses 'e. Atsaka ano daw? Secret admirer ko?

"Admirer?" naguguluhan kong tanong.

"Yeah, kahit ikakasal ka na."

Napangiwi na lang ako, "Huwag mo na akong tawagan! Atsaka pala, saan mo nakuha ang number ko?"

"I have my way." ilang menuto pa ang katahimikan bago niya pinatay ang tawag.

Natulala naman ako sa phone ko. Sino yun?

Continue Reading

You'll Also Like

16.4M 546K 35
Down-on-her-luck Aubrey gets the job offer of a lifetime, with one catch: her ex-husband is her new boss. *** Aubrey...
24M 834K 69
"The Hacker and the Mob Boss" ❦ Reyna Fields seems to be an ordinary girl with her thick-framed glasses, baggy clothes, hair always up in a ponytail...
23.7M 565K 32
"Y-your H-highness? I-i'm sorry b-but t-there m-must b-be a-a m-mistake..." A loud growl sounded through the whole ballroom causing me to start shaki...
44.4M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...