L.A SIDE STORY#2:ALWAYS BE MI...

由 asrah028

19K 409 70

L.A side story.. :) 更多

INTRODUCTION:
CHAPTER 2
CHAPTER 3

CHAPTER 1:

4.3K 117 17
由 asrah028

enjoy reading! :)

CHAPTER 1:

RIYEE'S POV

"Hoy! Riyee.. bakit bigla kang natulala? Okay ka lang ba?" Tumango na lang ako bilang tugon. Pero hindi ko maitago yung kaba ko sa dibdib ko. Para bang hindi ko na alam ang gagawin ko. Pag bumalik sila, panigurado pati tong mga to pag uusapan ako. Lalayuan ako. Magiging malungkot na naman ang buhay ko.

Ayoko nang mag isa.. Kaya minsan hirap akong mag tiwala sa mga tao. Minsan na pra-praning din ako. Pero hindi ko na talaga alam.

“Huy! Okay ka lang ba?” tanong sa akin ni Harper. Ngumiti na lang ako.. Ayokong ipakita na mahina ako, dahil alam ko gagamitin nila ‘yun sa akin..

"Pero mabalik tayo, gusto mo ba talaga si Kyd??"

"Ano.... hindi? Ewan? Hindi ko alam." Nabaling ang atensyon namin nang biglang dumating si Donald na may dalang malaking torotot.

"Ano na namang paandar yan bading?" Masungit na sabi ni Twaylem habang pinag mamasdan ang torotot na hawak ni Donald. "Wala fifi, eksena lang. Alam mo naman bongga ang friend mo. Weheee!"

Nag beautiful eyes ito, ngunit hinampas ito sa mukha ni Twaylem. "Alam mo ikaw Twaylem? Hanggang kailan ka ba magiging mabait sa akin? Masyado mo akong linalapastangan! Kaibigan ba talaga kita?!"

Nag emote si Donald na para bang aping-api ito. Dumating si Tao at hinagisan ito ng asin. Nag tatawanan silang lahat maliban sa akin.

"Bakit may asin?"

"Para maalis ang lansa.. ang sang-sang mo." Habang nag kukulitan ang mga ito minabuti ko na munang tumayo at lumabas.

Hindi kaso ako kompprtable. Pakiramdam ko plina-plastic nila ako. Hindi ko alam.. pero parang bumabalik na naman ako sa dati.

"Oy.." nang inangat ko ang tingin ko, bumungad sa akin si Kyd na may dalang mais. "G-gusto mo ng sweetcorn na kasing sweet ko?"

"No thanks, diet ako." Linag pasan ko lang ito. Dahil sa mga oras na 'to, gusto ko munang mag pahinga.

"Riyee.." liningon ko si Kyd. "May tanong ako.. sana sagutin mo ng siryoso.. hmm matagal ko na kasing gustong itanong sayo 'to pero.."

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. "Ano 'yun?"

Omg! Aamin ba si Kyd na gusto nya din ako?? "Uhmm, Riyee Salazar."

"Yes Kyd?" Ang dami pang arte!!

Ano ba! Ang daming patalastas.

"Ilan ang butas ng sky flakes?" Sabay ngiti nito sa akin.. "Gagu! Diyan ka na nga.."

Nakaka inis naman! Akala ko naman kung anu na ang itatanong sa akin. Ano pa bang i-eexpect ko sa gagong 'yan? Siryosong tanong? Asa naman ako.

"Joke lang. Pinapatawa lang kita.. para kasing di ka okay." Ngumiti lang ako, "okay lang ako."

"RIYEE.. naisip ko kasi, baka kaya ganyan ka these past few days.. ano.." may inabot itong plastic sa akin.

"Ano 'to?"

"Mag thank you ka nalang." Tinapik nya ako sa braso, "lilipas din yan. Okay? Kaya mo yan. Go! GO! GO!"

Ang weird talaga ng lalakeng ‘to. Nang makalayo na ito, tinignan ko ang laman ng plastic. At napamura na lang ako, "Really Kyd Hakeem Choi?! Sanitary Pads?!"

Nakita ko itong tumakbo ng mabilis.

Sira ulo talaga ang gung-gong na yun. Kainis. Natawa ako bigla ng tignan ko yung note. "Hindi ko alam kung ano ginagamit mo d'yan. Hindi ko rin maintindihan yung may wings at walang wings."

Pero atleast napatawa nya ako. I appreciate it, pero grabe lang ang weird ng way ng pag kikita naming. Tapos weird din ang mg binibigay nya sa akin. Hindi kaya manyak tong si Kyd? OMG!

KYD’s POV

“WHAT THE FVCKK KYD?! BIGYAN MO NG NAPKIN? Susmaryosep naman Kydo!" halos masamid si Venos ng sabihin kong binigyan ko ng napkin si Riyee. Ano bang masama sa napkin?

"Alam mo, ikaw ha? Puro ka kasi pa pogi!" Kinuha ko yung shades ko at isinuot yun, "Pogi naman kasi talaga ako. Diba?"

"Ulul!" Sabay hampas ni Tao ng libro sa ulo ko. "Guys, chill. Pinapatawa ko lang naman si Riyee."

"Ewan ko sayo, ano ba talaga ang balak mo kay Riyee? Pag di ka umayos ako poporma dun." Aba! Lapastangan. “hindi ka magugustuhan nun, pangit ka.” Prankang sabi ko kay Law.

“Masyado kang bilib sa sarili mo boy. Inaangat mo ang sarili mong upuan.” Sabay thumbs down ni Venos.

"Dude totoo naman kasi. Tsaka, Hoy! Subukan mo lang Law, at ibabalik kita sa sinapupunan at kanuno-nunuan mo. Ano ba naman men! Walang sulutan! Isumbong kita kay Donella d'yan e."

"Pake ko dun sa Donella na 'yun."

"ULUL! ako pa niloko mo? Kaya pala may picture ka ni Donella sa wallet mo. Ano yun? Panakot?" Maya-maya pa'y pumasok sina Twaylem sa SC. Nataranta ako, hindi ko alam kung bakit.

"Oh Kydo, bakit parang nakakita ka ng multo? Kung hinahanap mo si Riyee hindi namin sya kasama. Kung gusto mo, ayan! Si Juding!" Sabay nguso naman ni Donald sa akin. “Come here bibi boy! Papaligayahin kita. Huwag ka ng choosy!”

"Ah! Ah! Subukan mong idikit yang nguso mo sa akin Donald talagang tatamaan ka sa akin."

"Sige nga.. gawin mo. Pag ginawa mo 'yan sasabihin ko kay Riyee na crush mo siya. Ihhhhhh!!" Tinignan ko sina Venos, Twaylem, Law, Tao at Donald.

Letse tong mga to! Pinapakilig ako.

"Para ka talagang bading Kyd." Biglang singit ni Twaylem, "Sa lagay mong 'yan parang hindi mo kayang protektahan si Riyee. Puro ka pa cute, puro hangin yang utak mo. Do something dummy!!"

Eh sa anong magagawa nila? Ninenerbyos talaga ako pag nandyan na si Riyee. Alam kong napaka gwapo ko. Alam kong napaka macho ko, pero kahit ganun natotorpe pa rin talaga ako.

"Pag di ka talaga umayos Kyd, mawawala sayo si Riyee." Linapitan ko si Twaylem, "Hoy sabi mo tutulungan mo ako kay Riyee. Tapos ano to men? Laglagan?"

"Sige nga, sabihin mo sa akin. Paano kita tutulungan kung di ka gumagawa ng first move? Alangananamang si Riyee pa yung mag fi-first move mahiya ka naman sa babae." Maya-maya pa'y biglang pumasok si Tao.

At pumapalakpak ito, "Naks, diba eskepik ikaw ang nanligaw sa akin? Hinarana mo pa nga ako diba? Nako, ang mahal ko talaga.. mapag biro. Halika nga dito at ikikiss kita."

Nakita kong namula ang mukha ni Twaylem ng biglang pumasok si Tao. "Hep! Hep! Hep! Kayong dalawa, tama na yang screen time ninyo ha? Love story ko na to.. please lang mga men. Walang bastusan. Respeto men."

"Eh kung gayumahin mo.kaya Kyd??" Suwestyon ni Donald. "Eh kung ipabarang kita? Tigilan mo ako sa mga ganyan Donald. Liligawan ko si Riyee.. nang buong puso. Liligawan ko si Riyee Salaza-----."

Natigilan ako ng biglang pumasok sina Riyee at Donella. "At nalunok na naman ni Kyd ang kanyang dila." Pang aasar ni Twaylem.

"Mahina ang bata ko." Dagdag pa ni Tao. "RIYEE, may sasabihin daw si Kyd."

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig ng sabihin yun ni Law. Nararamdaman ko ang maliliit na kurot ni Twaylem. “Alimasag k aba? Yang daliri mo parang sipit! Ano ba!” pinanlakihan lang ako ng mata ni Twaylem.

"Ano ba yan, ang tagal. Diba may sasabihin ka Kyd??" Isa pa 'tong Tao na to. Mga kaibigan ko nga kayo..

"Anong sasabihin mo Kyd??" Tinignan ko muna si Twaylem na noo'y naka taas na ang kilay na tila ba naiinip na. "Pwede ko ba makuha ang..."

"MAKUHA ANG???!!" sabay-sabay nilang sambit. Pinag papawisan na ako. Konti pa Kyd Hakeem Choi, sabihin mo na!!

"Ang alin??" Mahinahon na tugon ni Riyee. " Ang..."

"ANG TAGAL! ANO BA YAN! NAIINIP NA KAMI!" sabay-sabay nilang sabi. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang sumagot. Nang nahimasmasan na ako ng kaunti, nilingon ko na si Riyee. At tinignan ito ng diretso sa mata.

"Pwede ko bang mahingi ang number mo?" Bahagyang tumahimik ang mga kurimaw sa tabi-tabi. "Please? Pwede ko ba makuha tung number mo?"

Nang ulitin ko yung tanong, nakita kong nakangiti silang lahat maliban kay Riyee.

“Ayieeeeeeeeeeeeeeeeeeeee! Pegebeg na itu!” sabay sabay nilang kantyaw. Hindi ko alam kung namumula ang mukha ko. Lintik nay an! Kalaki kong tao kinikilig ako. Ikinabit ko ang isang kamay ko sa batok ko.

"Sure.." nakangiti nyang sabi. “Guys, wait lang hihimatayin lang ako ng 5 minutes. Nginitian nya ako.” Pumalakpak lang ang mga ito. Maliban kay Twaylem na noo’y tila hindi natutuwa sa pinag gagawa ko. Ito talagang babaeng ‘to. Mangkukulam ka talaga!

"Hehehe.." linabas ko ang cellphone ko, at ikinabit nya yunh number nya sa cellphone ko.

"Yan.. huwag mong kalimutan mag pakilala ha?" Tumango lang ako bilang pag sagot.

AAA BABYLOVES ang pangalan nya sa cellphone ko. Para pagkakita ko sa contacts ko, pangalan nya agad ang lilitaw.

"Twaylem, tara na uwi na tayo. Donald sabay ka??" Nag tinginan muna sina Donald at Twaylem. "Ano, ihahatid kami ni Tao."

"Anong ihahatid ang pinag sas---" tinakpan ni twaylem ang bibig ni Tao. "Ang daldal mo talaga mahal!" sabay kurot nito sa pisngi ni Tao.

"IHAHATID KA DAW NI..." tinulak ako ni Twaylem papunta kay Riyee, dahilan para mapayakap ako sa kanya. "Ayy! Sorry ha napalakas.. Emeged, im so clumsy.” Nagging awkward ang atmosphere.

“Ohhhhh!!! Yeaaah!! Nice one!” kantsaw naman nina Tao. “Ang bilis! Parang kanina dina--.” Tinanggal ko ang medyas ko at isinupalpal sa bibig ni Donald.

“You’re disgusting! Ewwww!!”

“You’re annoying.” Bulong ko kay Donald.

“Pero oy… sabay daw kayo ni Kyd. Diba?"

"Ye...yeah." alangan na sagot ko kay Riyee. "Sige.. ihahatid kita. Pero saglit lang." Pumasok ako sa cr at kinabog-kabog ang dibdib ko.

Ang lakas ng kabog, parang may nag tatambol sa puso ko. Pero nang mapatingin ako sa salamin. "Ang gwapo ko talaga.."

Inamoy ko ang hininga ko, "Amoy adobong kangkong!" Nag hanap ako ng pampabango sa bibig. "Sakto!"

Hindi ko na binasa 'yung naka sulat. At dire-diretso kong inispray sa bibig ko. Pag ka spray ko..

Parang sinusunog ang dila ko sa anghang. Nang basahin ko ang nakasulat. "Pepper spray! Anak nang!"

Mag mumog sana ako, ngunit walang tubig. Letseng buhay to!!

"HOY HAKEEM! Ano ba.. ang tagal mo dyan. Na jejebs na ako!" Hiyaw ni Law na noo'y walang humpay sa pag katok. Ito na yata ang ang katapusan ko. Kaso ang pangit naman ng pag kamatay ko dahil lang sa pepper spray?! Deeeeeem!

"HOY Kyd, bilisan mo na dyan. At naiinip na si Riyee." Si Twaylem na ang sunod na kumatok. Huminga na lang ako nang malalim at lumabas na.

"Bakit ba ang tagal mo sa loob?" Ngumiti na lang ako kay Tao. Para kasing namanhid ang dila ko sa ginawa kong katangahan. Parang daig ko pa ang naka lunok ng dila.

"So.. tara?" Tumango na lang ako at lumabas na kasama si Riyee. "Kamusta ka naman Riyee?"

"Maayos naman ako. Ikaw ba?"

"Pogi pa din. Kagaya ng dati." Bigla na namang tumahimik. Wala akong alam sabihin kasi ninenerbyos talaga ako.

Nang makasakay na kami at malapit na kami sa bahay ni Riyee, tumigil muna kami sa 7/11. May bibilhin daw ito. Sinunandan ko naman sya. Pero nang makapasok na kami sa 7/11 dumeretso ito sa mga chocolates.

"Mahilig ka sa chocolates? Naks! Pareho tayo.. meant to be yata tay---.."

"Hindi to para sa akin.. para doon sa kapatid ko. Ayoko ng chocolates." 1-0. Ano ba naman yan! Bakit ba hindi ko alam na hindi sya mahilig sa chocolates? Napapahiya na tuloy ako.

Pero habang nag babayad na ito ng mga pinamili n'ya. May dalawang babae na dumating. Yung isa kamukha ni Dora yung isa kamukha ni Doraemon. Hindi ko kasi ma explain yung itsura nila.. dahil tanging magaganda at gwapo lang ang kayang i-explain ng poging tulad ko.

"So, nandito pala si miss loser." Anong pinag sasabi nilang miss loser? Ako kaya yung tinatawag nilang miss loser? Bobo mo Kyd! MISS HINDI MISTER.

"Kung ako siguro sa kanya, hindi na ako lalabas ng bahay. Pag katapos nyang siraan si Rein sa lahat may lakas pa s' ya ng loob na mag pakita sa labas ng campus natin. How pathetic naman.." pinag masdan ko si Riyee na noo'y naka yuko at dire-diretso sa pag kabit ng chocolate sa paper bag na maliit na binili nya.

Bigla kong napansin yung P.E uniform.na suot nila. Doon ko lang napag tanto na former schoolmates ko sila.

Rein.. inisip kong mabuti kung sinong Rein ang sinasabi nila. At nang maliwanagan ako.. Rein Martinez, pero hindi ba't mag bestfriends silang dalawa?

"Tapos kana ba? Halika na Riyee.." nang aktong lalabas na kami, may pahabol na sinabi si yung isang kinky yung buhok. "Grabe may bago na man syang naloko. Uto-uto siguro yung guy.. kawawa naman s' ya."

Ako ba ang sinasabi nilang utu-uto?

"Halika na Kyd.." naunang lumabas si Riyee, pero tinignan ko lang ang mga ito. These ugly bitches inaaway nila ang Babyloves ko.

Ngunit sa pag labas ko ng 7/11 may isang magandang babae at may kasama na namang itong side kicks na lumapit kay Riyee.

"How does it feel Riyee? Kinakain ka na ba ng konsensya mo? Masaya ka ba?! Pinag katiwalaan kita.. pero anong ginawa mo?" Bago pa man lumala ang gulo, pumagitna na ako.

Ngunit kasabay noon ang pag sulpot ni Donald at Twaylem kasama si Tao na nooy naka sandal sa kanyang lamborgini, at tinatapon-tapon sa ere ang susi ng kanyang auto.

"Magaling magaling magaling.." pumalakpak si Donald at lumapit kay Riyee. "Hey bitches, sa tingin nyo ba tama yang one versus 3?"

"At sino ka naman? Huwag kang sumabat dahil wala kang alam!" Sabi ng kaibigan ni Rein. "Siguro nga wala akong alam, pero sino kayo para ganyanin ang kaibigan ko?"

Tumawa lang ang mga ito sa tugon ni Donald. "Kaibigan? I didn't know na may mauuto pa pala si Riyee. Omygosh. Kaibigan kami ni Riyee, i mean Ex-Friends nya kami. Akala namin totoong kaibigan sya pero hindi."

"wala kaminv paki sa past ni Riyee. Tanggap namin kung ano sya noon at ano sya ngayon. Hindi kami judgemental tulad nyo." Umiling ang mga ito. "Oh well, d'yan naman magaling yan. Sa pag bilog mga ulo ng mga tao. Pero advice lang.. ingat kayo sa pag share ng secrets sa kanya. Baka mmaya, ipag kalat nya. And worst, edited pa. Lol. Okay. See you around losers."

Nang aktong aalis na sina Rein, nag salita si Twaylem. "Wala kaming pake sa sinasabi nyo sa kanya. Wala kaming nakikitang problema kay Riyee. May tiwala kami sa kanya."

Tinignan ko si Riyee na mukhang kahit anong oras, iiyak ito. "SEE? iiyak na yan. Mag papaawa mag se-self pity. Tapos babaligtarin yung story."

Hinawakan ko ang kamay ni Riyee,"Hindi naman siguro manhid si Riyee para hindi umiyak. Eh ano yang ginagawa n'yo ngayon? Hindi ba't sinisiraan nyo rin sya? At huwag kayong mag malinis masyado. Sa ginagawa n'yo parang aping api kayo." Nag tawanan lang ang mga ito sa sinasabi ko.

"Riyee.. may tiwala ka ba sa amin?" Tinignan lang kami ni riyee at umiling. At pag katapos nun tumkbo na sya papalayo sa amin.

"Masaya na kayo? Nasaktan nyo na feelings ng kaibigan namin." Sabi ni Donald. "Kaibigan? Tanungin nyo nga sya kung anong deginition ng kaibigan. Let's go girls masyado na tayong nag aaksaya ng panahon sa mga L.A losers na 'to."

"Kung mag salita ka akala mo ang ganda ganda mo. Mukha ka namang paa." Sabay tawa ni Donald. "Sa susunod na ganunin nyo pa ang kaibigan namin, hindi ako mag dadalawang isip na pag uuntugin kayong tatlo. Masyado yang mga bunganga nyo." saad pa ni Twaylem.

Kailangan kong tulungan si Riyee..

----

VOTE.COMMENT kayo na bahala :)

繼續閱讀

You'll Also Like

107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...