Loving Illyria Sari Windsor...

由 Hazrille

520K 6.9K 2K

"Martir.... Tanga...." ilang beses ko nang naririnig sa mga taong malapit sa akin pero gaya ng nakagawian ko... 更多

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Ten

Chapter Nine

17K 752 146
由 Hazrille

HALE LIAN

Naalimpungatan ako nang panay sunod-sunod na tumunog ang phone ko hinayaan ko lang yon tumigil ang tunog pero naulit na naman kaya iritableng kinapa ko ang kama kahit nakapikit pa ako. Nang mahawakan ko na ay dahan-dahan ko pang idinilat ang mata ko medyo blurred pa nong una pero bumalik din sa dati.

Unknown number naman ang tumatawag sa akin nagkaroon ako ng pagtataka dahil napaka private nitong number ko at pili ang binibigyan ko non umiiwas kasi ako sa mga prank calls.

"Hello? Who is this? What the fu--." inis na singhal ko dahil naputol ang masarap na tulog ko. Ang problema kasi sa akin kapag naabala na ang tulog ko mahirap na iyon ibalik.

"Tangina naman, Hale. Ako ito si Theo na mahal na mahal ka na willing sambahin...luhuran at yayain maging ninang ng future children namin ni Valerie. Anyway, bakit mo pala tinatanong.? Binura mo ba ang number ko.? Ang sama mo talaga sa business partner slash bestfriend mo. Diba mag bestfriend na tayo subukan mong mag-hindi ipapatapon kita sa gate ni Illyria."

Paanong nangyari na nabura ang number ni Theo sa contacts ko? Wala naman akong kinalikot sa phone ko. Ang weird lang pero ayoko ng isipin pa yon sasakit lang ang ulo ko.

"Bakit ka nga pala tumawag?" pag-iiba ko ng usapan tinignan ko ang oras sa aking relo. Anak ng tokwa! Alas seiz lang ng umaga.

"Ganito kasi yon kagabi niyaya ko pa siyang mag-bar kaming dalawa nakakagulat nga pumayag kami pero hindi lang pala bar pupuntahan namin isang five star hotel niya ako dinala. Grabe, Ang wild niya sobra kagabi andoon yung inis niya sa akin kulang nalang kagatin niya alaga ko."

"Nag condom ka?" tanong ko na medyo humikab pa medyo wala pa ako sa tamang wisyo dahil kagigising ko lang.

"Oo, chocolate pa nga pero mas masarap kapag raw lang kaya inalis ko noong una ayaw pumayag pero sa huli nong pinasok ko na puro ungol nalang kaya wala siyang magawa. Isa pa nasa mid forties na siya baka mahirapan na din makabuo."

"Malay mo magkaroon kayo ng menopause baby kung pinutok mo pa sa loob niya. Isa pa, tingin mo ata sa akin diary o gf mo talagang ina-update mo pa sa akin ang sex life mo."

"Anyway, Wala ka ba sa unit mo kanina kasi nakailang doorbell ako hindi ka nag-bubukas may dala kasi akong pagkain." sabi niya napakagat naman ako sa labi dahil naalala ko ang nangyari pagkatapos ko silang ibaba sa harap ng condominium at ang pagkidnap ng pinsan ni Illyria sa parking lot.

"Theo......... Damn you sinabi kong wag mo akong lagyan ng hickey." galit na sigaw ni Miss Valerie na kahit ako rinig na rinig ko. Matigas talaga ang ulo na kahit sa matandang kaniig nito ay hindi marunong makinig at sumunod.

"Hickies? cute naman diba and that way, any other guys see it, They'll know that you're taken." narinig kong sagot ni Theo sa ka fubu niya hindi ko alam kung may label na ba ang mga yan o tamang jerjeran muna. Narinig ko ang matutunog na parang naghahalikan na ata ang dalawa kaya naman binaba ko nalang ang tawag. Nakalimutan nito na may kausap siya.

Anyway, kailangan ko nang mag-ayos ng sarili para naman makauwi na ako sa condominium. Meron pa akong interview at photoshoot sa isang sikat na magazine. Well, kailangan ko itong gawin dahil isang marketing strategy at publicity na din ito sa company namin ni Theo.

May sasabihin daw sa akin si Illyria ano naman kaya yon? Bakit kung kailan nakakalimutan ko na siya doon naman nanggugulo. Ganyan ba ang role ng ex? Kapag okay na doon naman siya magpaparamdam. Hindi nakakatuwa!

Inaantok akong bumangon mula sa pagkakahiga medyo papikit-pikit pa ang mata ko. Napabuntong hininga nalang ako at nag-inat ng braso para mabuhayan ako ng dugo isa sa ugali ko ay ang hindi ako sanay magising ng maaga. Hindi ako katulad ng kapatid ko na morning person kaya nga isa yon sa pinagkukumpara ni daddy.

Siguro sobrang saya na nila dahil wala na ang malas sa buhay nila.

Mabigat ang pakiramdam na pumasok sa banyo para maghilamos at magsipilyo na bago pa at hindi pa yon nabubuksan. Pagkatapos maghilamos sa basin, hindi ko na nga alam kung ilang minuto akong napatitig sa salamin habang tumatakbo sa isip ko ang pagkidnap sa akin ni Illyria dahil hindi niya ako pag-aaksayahan ng panahon para lang puntahan dito.

Napabaling ako sa pintuan ng kwarto nang marinig ko ang sunod-sunod na pagkatok. "Ma'am, pinapatawag na po kayo ni Señorita Illyria para sumabay sa kanila mag-umagahan. Nandito na din po ang damit na pinapabigay ni Señorita."

Bumuga ako ng marahas na hininga at tinatamad na lumabas sa banyo para lang pagbuksan ng pintuan ang kasambahay. Napansin ko din kagabi pa na lahat ng tauhan nito ay mga filipino siguro ay pinadala nila Illyria dito sa canada ang mga ito dahil may tiwala sila.

Nagulat ito nang marahas kong binuksan ang pintuan agad kong kinuha ang hawak nitong damit. "Thanks, pakisabi sa kanila na bababa na ako." nakangiting sabi ko nakatulala lang ito sa mukha ko at napakunot ang noo. "Hindi ba ikaw yung co-founder ng Andromeda Adve--." napahinto sa pagsasalita ang babae ng biglang pigilan siya ng dalawang bantay.

"Mahigpit na pinagbabawal ni Señorita Illyria n makipag kwentuhan sa guest nito." seryoso at striktong suway sa kanya ng guwardiya nahihiyang tumango ang babae at nagpaalam ng umalis para maglinis ng swimming pool.

Naiiling na pumasok nalang ako sa loob ng kwarto at inilapag sa kama ang mga damit mamaya nalang ako maliligo pagkatapos ng breakfast.

Nagsuklay at nagpulbo muna ako tumingin din uli ako sa salamin baka may muta pa ako bago bumaba. Maingat akong lumabas ng kuwarto saka dahan-dahan iyong isinara paglingon ko sa paligid doon ako nakahinga ng maluwang ng makitang wala doon ang dalawang bantay na sobrang laki ng mga muscle sa katawan inutusan kasi sila ni Illyria na magbantay sa labas ng kuwarto baka daw tumakas ako.

Nag-angat ito ng tingin sa kaniya. "Good morning, Hale. Halika umupo ka sa hita ni pinsan ay este sa upuan at saluhan mo kami sa hapag." nakangiting bati ni mais na tila maganda ang gising niya samantalang ang pinsan nito ay naka focus lang sa pagbabasa ng newspaper.

"I forgot to introduce myself, I'm Dylan Jasmine Windsor by the way." sabi ni babaeng mais na halatang hyper talaga kabaligtaran ni Illyria na seryoso lang. "Anyways, sino yung kasama mo kagabi? Medyo familiar siya sa akin." curious nitong tanong nag akto pa na nag-iisip ito.

"Theo Lefevre." banggit ko ng pangalan ng kaibigan ko nanlaki ang mata nito sa gulat. "Wow, isang lefevre pala ang karibal ng pinsan ko." waring natutuwa ito at sumilay ang nakakalokong ngiti niya. Karibal? Ano bang pinagsasabi niya.

Sakto namang nilapag na ang mga pagkain sa lamesa kumurap-kurap ako dahi lahat ng ito paborito ko. Sinigang na hipon, crabs, Rib-eye steak at lasagna at ang panghuli na nilagay ang buttered mussels na hindi ko naman kinakain halatang yun ang gusto ni babaeng mais nagningning ang mata niya.

Inalok sa akin ni dylan ang buttered mussels tinitigan ko lang yon. "Specialty ni pinsan yan." nakangiting sabi niya ibig sabihin luto ito ni Illyria.

Napabuntong-hininga ako saka nakagat ko ang pang-ibabang labi. Marahan akong umiling sa kanya "May allergy ako diyan." sagot ko isang beses nakakakain ako nong grade school na muntikan ko ng ikamatay sobrang putlang-putla ko na naging violet na at ang dibdib ko ay sobrang sumikip mabuti nalang naagapan agad ng nurse tinurukan agad ako ng gamot pero inilipat din sa private hospital para doon magpagaling.

"Bawal ka pala kumain nito." turo niya sa buttered mussles umiling naman ito at biglang tumawa na para bang may kalokohang tumatakbo sa isip niya . Ano kayang nakakatawa doon? Baka isang baliw itong pinsan ni Illyria.

Napatango-tango ito saka bumaling sa aming dalawa ni Illyria na tahimik lang na nakikinig habang kumakain ito sabagay sanay na ako sa pagiging cold nito na para bang lagi siyang walang interest na makipag-usap sayo.

"Hindi ka pala kumakain nito paano yan ang gusto ng pinsan ko ay kinakain siya." walang gatol na sambit nito nabulunan naman ako sa kinakain kong steak meron nag-abot sa akin ng baso nakaramdam ako ng sparks shit lang kamay ni Illyria yon.

First time niyang inabutan ako ng tubig! End of the world na ba?

"Tumahimik ka Dylan nasa harap tayo ng pagkain baka naman gusto mong ipadala kita kay lolo?" pagbabanta ni Illyria nag peace sign naman siya halatang takot kay Illyria na namumula ang mukha.

Tumikhim ako para alisin ang bara sa lalamunan sobrang walang filter ang bibig nito parang si Theo lang na masyadong pasmado ang bibig.

"Nasaan pala si Sander?" pag-iiba ko nang usapan kaya napatigil silang dalawa at umayos ng upo. Wala naman akong maramdaman na bitternes dahil na din siguro natanggap ko nang hindi para si Illyria sa akin at doon siya kay unggoy nababagay.

"Bakit ba hinahanap mo ang taong wala." sagot ni Illyria na seryoso lang na kumakain ng steak at humigop ng sabaw.

"Kasi nga wala dito? Alangan naman hanapin ko yung tao na nakikita ko?" sagot ko nakarinig naman ako ng halakhak sa katabi ko minsan nakakainis din kasama itong si mais.

Ang sungit naman parang nagtatanong lang siguro may LQ silang dalawa.

"Nagseselos ka ba sister-in-law." tudyo ni mais napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit naman ako magseselos? Wala naman na kami ni Illyria." sagot ko natahimik naman ito at isa pa bakit niya pa ako tinawag na sister-in-law pinirmahan ko na nga yong divorce papers namin.

"Palibhasa may Theo kana." bulong ni Illyria na hindi ko naman narinig hinayaan ko nalang gusto ko ng matapos itong breakfast para makaalis na dito.

"Anong nangyari doon.? Siya pa nag walk out.." naiiling na sabi ni dylan sabay sulyap sa akin. "Hindi niya ata matanggap na hindi kana patay na patay sa kanya. Anyway, kumain kana diyan at yung mussels wag mong kainin dapat yung organic ang tikman mo hindi nakaka-allergy yon." naiiling na sabi ni dylan pero ang ngiti nito ay hindi nawawala, tumapik pa nga ito sa balikat ko bago nagpaalam na maliligo na siya.

•••

Marahas na nagpakawala ako ng malalim na hininga habang nakatingin sa kabuuan ng studyroom ni Illyria dito niya ako pinapunta para pag-usapan namin ang pagkidnap nito sa akin.

"Wag mo masyadong titigan yang portrait ni Tito baka ma-inlove ka." napaigtad sa gulat ng biglang mag nagsalita galing sa aking likuran na hindi ko namamalayan nakapasok na pala ito sa studyroom. Ang walang hiyang babaeng mais ang nang-gulat sa akin nagawa pa nitong tumawa dahil sa naging reaction ko.

Tinaasan ko siya nang kilay. "Ang alam ko dalawa lang kami ni Illyria ang mag-uusap hindi niya sinabi na meron palang saling-pusa." pagsusungit ko sa kanya dahil minsan nakikita ko ang ugali ni theo sa kanya.

"Gusto mo lang ma-solo ang pinsan ko aminin mo na mahal mo pa din ba.?" nanunudyong sabi nito sa akin tumaas pa ang sulok ng labi nito. Natawa ako nang pagak sa sinabi niya kaya umiba ang ekspresyon ng mukha niya tila hindi nagustuhan. "Mahal.? Matagal na akong naka-move on sa pinsan mo kaya kahit anong pang-aasar niyo sa akin wala akong maramdaman dahil masaya na ako sa buhay ko."

Narinig namin ang pagpihit nang doorknob at iniluwa non si Illyria na nagulat at biglang tumaas ang kilay. "Bakit nandito ka dy.?" malamig na tanong nito kay mais na nagkibit balikat lang.

Tumikhim naman ako para makuha ko ang atensiyon niya na kaagad namang bumaling sa akin. "Bakit mo nga pala ako dinala dito? Ano ang pag-uusapan nating dalawa?" tanong ko sa kanya na naiinip na.

Umupo muna ito sa swivel chair niya at matamang nakatitig sa akin. "Gusto kong umuwi kana sa bahay natin sa pilipinas." utos yon hindi pakiusap habang nakadantay ang siko niya sa ibabaw ng table.

Tama ba ang pagkakarinig ko? "What? Nalamigan ba ang ulo mo? Bakit pa ako uuwi doon sa bahay natin eh matagal na tayong hiwalay. Ano bang kalokohan ito Illyria."

"Well, technically hindi tayo hiwalay dahil pinunit ko ang divorce papers natin kaya hindi ito umabot sa court kung yan ang iniisip mo kaya legal pa din tayong mag-asawa." seryosong sambit niya na ikinalaglag ng panga ko buong akala ko malaya na kami sa isa't isa pero bakit niya pinunit?

Malakas akong napabuntong-hininga itinaas ang kamay para suklayin ang buhok ko gamit ang mga daliri ko na parang kandila sa haba. "Bakit mo pinunit?" iritableng tanong ko dahil sa ginawa niya magkakaroon na naman ako ng problema. Akala ko magiging malaya na ako pero ngayon ay nakatali pa ang sarili ko sa apelyido niya.

Nagkibit balikat lang ito. "Ewan ko." sagot niya na ikisinamangot ko tama bang sagot yon. Maya-maya lang tumitig ito ng matalim ano na naman ang problema niya at ganyan siya makatingin sa akin. "Isasabay kitang iuuwi sa pilipinas sa ayaw mo man o gusto Hale. Naghihintay ang mga magulang natin at ayokong sumakit ang ulo ko dahil sa pangungulit nila."

"Ayoko... Hindi ako sasama sayo." matigas kong tanggi sa kanya masaya na ako dito sa canada meron akong peace of mind.

Kung noon ay naging masochist ako dahil nasanay na akong nasasaktan mula noong bata pa ako ~ physically and emotionally hanggang kay Illyria na nakapagtiis ako ng mahabang panahon dahil nga sanay na ako na ganon ang nararamdaman.

Nakita ko ang nakakatakot na ngisi ni Illyria mukhang may binabalak na hindi maganda sa akin. "Walang bagay na hindi ko nakukuha, Hale kahit ikaw hindi ka exemption. Be ready at magpaalam kana sa kabit mo."

Tumaas ang kilay ko saka mahinang natawa. "Oh, kabit.? Hindi ko alam kung bakit parang pinapalabas mo ngayon dito na ako ang may malaking kasalanan. Sino nga ba sa atin ang nangaliwa habang nagsasama tayo sa iisang bubong Illyria.? Hindi ko alam kung ano ba ang pina-plano mo ngayon pero iisa lang ang sisiguraduhin ko hindi mo na ako mapapa-ikot. Hindi na ako ang dating hale na uhaw sa attention mo. Nagbago na ako Illyria, Ikaw ang nagbago sa akin."

"Ouch, Nakaka red-flag ka pala pinsan." singit ng babaeng mais na umakto pang nasaktan at hinawakan ang dibdib nito.

Napailing siya saka nagtagis ang bagang. "Wala akong hindi nakukuha, Hale kaya sisiguraduhin kong sa akin ka babagsak at uuwi tayo ng pilipinas."

Saka lang ako nakahinga ng maluwang ng tinapos nito ang usapan at iniwan kaming mag-isa sa study room. Ilang beses akong huminga ng malalim bago bumalik sa normal ang paghinga ko.

Ilang minuto kaming nabalot ng katahimikan ni Mais bago niya iyon binasag. "Be ready, Hale. Kilala ko si Illyria kapag ginusto niya ay gagawin niya talaga saksakan ng pagka-insensitive ang pinsan ko na yon. Anyway, single ba si Theo.? Nakita ko siya sa charity event at sobrang lakas ng sex appeal niya hindi ko ba nasasabi sayo na bisexual ako kaya hindi ako katulad ng pinsan kong si Illyria na homophobic at isa pa hindi hahayaan ng pinsan ko na kayong dalawa ni Theo ang magkaka tuluyan."

"Sorry mais pero ang gusto ni Theo ang MILF kaya mukhang malabo yang pangarap mo."

繼續閱讀

You'll Also Like

400K 585 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
2.8M 81.3K 40
~ COMPLETED ~ Started: June 10, 2021 Ended: July 24, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 **** UNEDITED ****
480K 19.7K 58
Nagsimula lahat magbago ang takbo ng buhay ni Sven Samañiego the moment na magpunta sya sa Manila to attend her brother's wedding. How well she'll co...
4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...