REBEL HEART | TRANSGENDER X S...

Bởi spirit_blossom

126K 7.7K 2.8K

Rebellious and an only child, Rhiannon Engres Fuego yearns the attention of her father. Kung kaya gumagawa si... Xem Thêm

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59

Kabanata 46

1.6K 148 78
Bởi spirit_blossom

Tumindig ang mga balahibo ko. Ang lamig na naglalaro sa kuwarto ay pumapangalawa lamang sa malamig na tuon ng mga mala-uling na mata ni Papa sa akin. Gone was the gentleness in his eyes. From the way he looked at me, I sensed something wasn't right. I bit my lip to stop the pain that was coming from my chest. Tumuon na uli ako sa kay Gino. Ngunit maski sa ganoon, nararamdaman ko pa rin ang mabigat na titig ni Papa sa akin.

"I had a talk with the doctor," aniya sa seryosong tono.

There was something in the mayor's voice. And it was very familiar to me. Ganiyan ang tono ng pananalita niya noong sutil pa ako at makasarili pa.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Wala akong kasalanan, pero bakit pakiramdam ko iba?

Huminga siya ng malalim. Nagtitimpi ng inis. Nagpipigil ng galit. Huminto ako sa paghinga na tila ba mapapagalitan ako pag nasabayan ko ang pagbuga ni Papa.

"Anong nangyari?" tanong niya.

Hindi iyon tono ng nang-uusisa at kung papakinggan, tila wala na siyang pakialam sa nangyari at inaalam na lang ang salarin. At ang malala, hinihintay niya iyon magmula sa akin.

Napalunok ako. Nanglalamig na ang mga kamay na parang yelo. "U-umalis po kami."

Ang mabigat na presensiya sa gilid ay mas tumindi. Ayokong lumingon kung maaari. Ngunit alam ko rin na kung hindi, mas lalong magiging tama ang nararamdaman kong paghihinala sa akin ni Papa. Natatakot akong napatingala sa kaniya. Nakayuko ng kaunti na parang tutang napagalitan. The darkness in his face was too much that I almost didn't recognize if it was still my Papa.

"Umalis kayo? Hindi ba't sinabihan ko na kayo nito lang na pag aalis kayo ipapaalam niyo sa akin? Paano nangyari 'yon, Rhiannon?"

"S-sumandali lang po kami, P-papa."

"Saan?" timpi pa rin niya.

Hindi ako nakasagot. The fear in me doubled upon thinking Romualdo Calderon. Pag nalaman ni Papa na pumunta ako roon at nakipag-usap sa kaniya, lalo siyang maghihinala. He will ask me more, for sure; and then he'll know, that I am.. of who I am.

Naramdaman ko ang pagtipon ng mga maiinit na luha sa gilid ng mga mata. Naaawa ako sa sarili na hindi ko man lang ngayon mapagtanggol ang sarili. Maski ano ang piliin ko, ang tumahimik o ang umamin, ako at ako pa rin ang pababagsakan ng galit niya.

"Ang sabi sa akin ng doktor, ang sinapit ni Gino ay maihahalintulad sa mga na-hazing. He had a broken rib. Ganu'n kalala, Rhiannon."

I bit my lip. I remember the first time I've seen his bruises earlier. Namilipit na naman ang puso ko sa naalala.

"Hindi ba't magkasama kayo? Anong ginagawa mo habang nangyayari sa kaniya iyon? Umiiyak? Rhiannon, the least thing you could've done is to call me! Papupuntahin ko sa inyo ang mga pulis!" Tumaas na ang boses ni Papa.

Napagitla ako. "P-pa –"

"What! Tell me! What the hell are you doing while Gino is out there! Fighting for his life!" bulyaw ni Papa at tinuro ng ilang ulit ang pintuan na parang doon nangyari ang lahat.

Tumulo na ng tuluyan ang mga luha ko. Humikbi akong umiiling. I don't know. I don't know they'll do this. I didn't do anything. And it hurts me right now because I know something between Papa & I is shattering and I can't even do anything to save it.

"Sumagot ka, Rhiannon Engres!!"

Napagitla uli ako. "H-hindi ko po alam."

Nangunot ang noo ni Papa. "Pardon?"

"H-hindi ko po alam, Pa." Umiling-iling ako. Hindi na pinapansin pa ang pag-agos ng mga luha.

"Paanong hindi mo alam?" There's an obvious anger seething in the mayor's voice like my answer was some joke.

"Hindi ko po a-alam, Pa. H-hindi ko po alam na gagawin nila 'yun. S-sorry," iyak ko.

Hindi ko talaga alam! I swear! Pumunta ako roon para makipag-usap ng mapayapa. I didn't know they have the capability to do that. At kung alam ko lang sana hindi ko na sinama si Gino o sana hindi na lang ako pumayag na pumunta kaming dalawa. I love Gino so much I would never let anyone harm him! Mahal ko ang anak mo, Pa!

Nangunot uli ang noo ni Papa at lalong tumindi ang hinala sa mga mata. Nagtatagis ang mga ngipin nang nagsalita siya na halos dumurog sa puso ko.

"So you've planned this?" bintang ni Papa.

Umawang ang bibig ko at nanghihinang umiling. "P-pa, n-no!"

Umiling si Papa at pumameywang. Bumaling sa kawalan at tumawa ng pagak na tila may napagtantong bagay. Bumaling uli siya sa akin.

"Tingin mo ba hindi ko alam ang ginawa mo noon lang ha, Rhiannon? Isa sa mga guwardiya sa mansyon ang nagsabi sa aking tumakas ka na naman raw isang Biyernes! Tapos nagpasundo ka pa raw kay Gino at nang makabalik kayo puro raw galos ang mukha niya! Isn't that night very familiar to what happens right now?"

"P-papa," hikbi ko at hahawakan sana ang kamay niya ngunit marahas niya akong tinaboy.

Nanginginig ang hintuturo niya nang duruin ako. "Mahirap talagang baguhin ang mga nakaugalian na, ano? Dalawang beses mo na kong inuutong nagbago ka na talaga, at ngayon pati si Gino dinadamay mo sa mga kasutilan niyang ugali mo!"

"Pa, believe me, please. H-hindi ko po –"

Hahawakan ko sana uli ang kamay niya pero tulad ng una nang hawiin ako ni Papa. Humikbi ako lalo. I can feel my heart breaking into pieces.

"Huwag mo kong hawakan," matigas na sabi ni Papa.

"Pa, please! I swear I didn't –"

"Tumahimik ka! Hindi na ko maniniwala sa 'yong bata ka! Huwag mo rin ako matawag-tawag na tatay mo," ani Papa.

"Hindi kita totoong anak dahil ampon ka lang!"

Tumigil ang mundo ko roon. Nanatili sa ere ang mga kamay ko na pilit gustong humawak sa kay Papa, hanggang sa dahan-dahan nang napabagsak lang ito sa gilid ng mga hita ko. Nakayuko akong humarap sa higaan ni Gino. Tumulo ang isang masaganang luha sa kanang mata ko at agad ko iyong pinunasan. Ang puso ko ay nalaglag sa sinabi ni Papa at sa sobrang katahimikan narinig ko ang pagkabasag nito sa daan-daang piraso.

I never thought it will hurt this much. Napaghandaan ko naman na kung sakaling ipaalam nga sa akin ni Papa ang pagiging ampon ko. Hindi ko lang inaasahan na sa ganitong paraan niya ipapaalam sa akin. Hindi ko alam na magiging ganito kasakit.

Bumaling ako sa kay Gino. I knew Gino saved me countless times already, and people may call me selfish now. Ngunit hiniling ko na sana magising na siya at sagipin ang samahan namin ni Papa; kung ano man ang maisasalba.

"Umalis ka sa harap ko.. b-baka ano lang magawa ko sa 'yo," sabi ng mayor na may kaunting konsensiya sa tinig.

Tumango ako ng mahina at iniwan silang mag-ama roon.

I cried myself on my room the whole night. Maski nakailang katok na sa akin ng mga katulong na maghahatid sa akin ng hapunan, hindi ko pinagbuksan. Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog pero alam kong nagising ako na mabigat ang pakiramdam ko.

Lunes kaya kailangan kong salubungin ang umaga para sa training sa city hall. I only did a quick bath. Nang matapos na at makapagbihis, naupo naman ako sa vanity.

Funny that Gino wanted himself to be remembered in this dresser. And he did. Siya nga ang agad kong naisip habang nakatitig ako rito sa salaminan. Si Gino nga. Si Gino na hanggang ngayon nandoon pa rin sa hospital. Si Gino na nadamay sa magulo kong mundo. Si Gino na walang ginawa kundi ang mahalin ako. Tumulo ang isang luha sa kanang mata ko at agad ko iyong pinunasan.

Bumaba na ako para saluhan si Papa sa agahan. Hindi pa ko tuluyang nakakapasok pero narinig ko na ang mga plato sa silid-kainan. Hindi ko rin alam kung gusto akong kasabay ni Papa pero ayon nga siya, nakaupo na sa kabisera; hinahaingan ni manang.

I watched him undo his table napkin. Nagdadalawang-isip akong lumapit pero sinubukan ko pa rin. Napansin ako ni manang at tinanguan ako para sabihing saluhan ko na nga si Papa.

"G-good morning." mahinang bati ko nang makaupo sa karaniwan kong puwesto.

Tumingin si Papa. Gumuhit ng isang linya ang labi niya nang patiimin niya ito at padabog na nilapag ang table napkin niya sa plato.

"H-hindi na po kayo kakain, mayor?" tanong ni manang nang biglang tumayo ito.

"Hindi na. Nawalan na ko ng gana," sabi ni Papa.

Tahimik lang ako nang lumayas siya. Nakatitig ako sa sariling plato habang unti-unting lumalabo ang paningin ko sa pagtitipon na naman ng mga luha. Tumingala ako kay manang at doon, umiyak ako habang alu-alo niya.

I remained silent until that afternoon. Sila ma'am at sir panay ang biro sa akin pero parating ngiti lang ang sinasagot ko sa kanila. Wala silang alam sa nangyari kahapon. Hindi ko na rin kinuwento sa kanila pero alam kong ramdam nila ang lungkot ko mula pa kaninang umaga. The reason of their occassional jokes but to no avail.

"Baby girl, ok ka lang ba? Uhm, gusto mo tigil mo muna 'yang pag-filing mo. Pahinga ka muna. Basa na 'yung papel kasi," sabi ni Ma'am Grace.

Pinalis ko ang mga luha. "Sorry. Mag-photocopy na lang po ako uli."

"Naku, huwag na. Hayaan mo na si sir mo para naman makahinga upuan niya."

"Oo nga, Rhian. Sinipagan mo naman masyado e 'di naman kami nangbabagsak," sang-ayon naman ni sir.

Tumawa ako ng mahina. Isa kayo sa mga mami-miss ko, Ma'am Grace at Sir Harold.

"Gusto mo magpahangin ka muna? Break ka muna. Punta ka muna du'n sa office ng Papa mo." Tumango-tango si ma'am.

Hindi na ko nakipagtalo kasi kinuha na nilang dalawa ang mga sanang aasikasuhin ko. Tumayo akong tangay-tangay ng dalawa papunta sa labas tsaka naman ako sinabihan kesyo sila na raw bahala pag hinanap ako. I can take my whole time as much as I want to, they said.

Wala naman roon si Gino. Si Papa lamang ang nandoon at baka kung ano lang ang marinig nila Vanessa pag nagpunta nga ako.

Tumungo ako sa abandonadong palikuran kung saan kami dati tumambay ni Gino. I remember the time I got jealous and that damn savage brought me here. Umupo ako sa lavatory at sa katahimikan inalala ang oras namin rito. Our kiss. Our cuddle. Our talk. Our promise that I will be forever his.

Naalala ko rin na napag-usapan namin rito ang tungkol sa magulang ko. Na gusto ko silang makita. Na kung makita ko nga ano ba ang gagawin ko. Na sasama ba ako o sapat nang makilala ko sila.

Napangiti ako nang maalala ko ang sabi ni Gino noon. Na kung hindi niya ako mapipigilan bilang si Maginoo, makukuha niya ako sa paspasan bilang si Joaquin. Napaka rin talaga. At alam ko naman na seryoso siya roon, at alam ko rin na magagalit siya sa desisyong napili ko.

Bumaba ako sa lobby at bago lumabas, b-um-ook muna ako ng sasakyan papuntang hospital. Nag-text naman ako sa numero na binigay nila sa akin kahapon. Nag-reply naman agad ito sa message ko.

Nang makita ko sa cellphone na on the way na ang driver tsaka ko na in-off ang phone. Nakisuyo ako pagkatapos sa lobby attendant na itago muna ang cellphone ko bago sumakay sa b-in-ook na sasakyan.

Gino's still unconcious. I smiled bittersweetly upon seeing my still sleeping boyfriend upon reaching his private room. Two securities were there. Umismid ako sa kanila at umalis ang mga iyon para bigyan ako ng pribadong oras.

"Hi, mahal." bati ko sa kaniya.

Hinawakan ko ang isang kamay niya. His palm's roughness registered into my skin instantly. Umambang na naman ang mga maiinit na luha sa gilid ng mata ko pero maigi ko iyong pinigilan.

"Gino, gising na. Huwag mo nang pag-alalahanin Papa mo," sabi kong naluluha.

Tahimik. Inihilig ko ang ulo sa higaan niya at pinagmasdan siya mula rito. Tumulo ng patagilid ang mga luha ko habang tinitingnan ko siya.

"Lagi mo na lang pinapahamak ang sarili mo sa akin, Gino. Lagi na lang ikaw nakikipaglaban sa mga gulong pinapasok ko. I wanted to say thank you. And sorry, too."

"Thank you because you've always been there for me. From the start, up until here. Thank you for making me realize many stuff. You know how much of a brat that I am before meeting you, but everything's change since you came."

I smiled. I remember the times. Buwisit ka. Sana ngayon nagpapakatanga pa rin ako kay Renzo.

"Thank you for making me feel love. Thank you for teaching me that love doesn't require much. Na kahit mahirap ka sa paningin ko noon, na kahit hindi normal sa mata ng iba itong relasyon natin, na kahit ano pang ugali ko, natanggap mo ko. Thank you, Gino. Thank you being such an amazing boyfriend to a mess like me."

I bit my lip. Tears won't stop falling like a bitch but I didn't give a damn about it now. I only have this time.

"Sorry rin kasi ang sama-sama ko sa 'yo noon. God, I get it now. I guess it really runs in the blood. Pero kahit ganu'n, I still love you so much."

Naninikip ang dibdib ko sa mga sinasabi pero nakapagdesisyon na ko. Heto lang ang pinakamainam na desisyong nakikita ko para maayos ang lahat. I caressed the top of his hand.

"Live, ok? Your father waited your return for so many years. Huwag mong sisirain ang buhay mo, Gino. Sige, mumultuhin ka ng nanay mo. Mag-aral rin ng mabuti. I know your kind of smart naman kasi sa 'yo nagpapaturo si Stephanie. But the road ahead of you will be challeging lalo na at inaasahan ka ni Papa na maging katulad niya. I know you can do it, mayor."

Huminga ako ng malalim. Gumapang sa akin ang panghihinayang na hindi ko na nga makakasama si Gino makamit ang mga magiging achievements niya sa buhay.

"Try looking for a better girlfriend, too. Try mo naman 'yung mahinhin, 'yung mabait, 'yung hindi maldita, 'yung hindi ka laging binabato sa mga away. Girlfriend.. na magiging proud.. ang Papa mo."

But do I want that? I imagined him loving someone else and my heart hurt like hell. That girl will be very lucky. Right, Gino?

I don't have much time. I know they're on their way. Bumaling ang mga mata ko sa bracelet na bigay niya.

"Lagi mong sinasabi na ako ang mundo mo, pero ang totoo ikaw ang mundo ko. Mundo mo ang ginagalawan ko, Gino. Mundo mo ang iniikutan nitong buhay ko. And I am so thankful this thing happened because if not, I think I will never meet you. And now I'm returning it back."

Nanginginig kong inalis ito sa akin at tila nanibago ang balat ko nang manatili ang pakiramdam noong suot-suot ko pa ito. Napangiti ako ng mapait at isiningit iyon sa palad niya.

I stood up, still crying. Nanghihina ang mga tuhod ko nang lapitan ko siya. Napatitig muna ako sa mukha niya na tila ba kinakabisado ko iyon. Then, I slowly leaned into him and kissed his lips before bidding good bye.

"Mahal na mahal kita, Gino. Hindi ako nagsisisi na nagpuyat ako noon para abangan kayo nu'ng unang beses na inuwi ka ni Papa."

Si Bernardo ang una kong nakita nang makalabas ako ng hospital. Nakahalukipkip ito at nakasandal sa railing ng hagdanan. Nagkatinginan kami. Tumuwid siya ng tayo at nang makalapit ako, sumunod siya sa gilid ko.

Nasa tapat ang tatlong magkakasunod na itim na van. Naunang naglakad si Bernardo at nagtungo sa pangalawang van.

Bumaba ng dahan-dahan ang bintana ng nasa shotgun. The former vice mayor looked at me seriously.

"Done?" Tanong niya kalaunan. Tumango ako.

"Let's go."

He stared at me for a couple of seconds longer. Then, he nod.

"Bernardo," tawag niya sa lalaki bago paangatin ang sariling bintana.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng van. Napatingin ako sa kay Bernardo na tumango nang nagbangga ang mga paningin namin.

"Pasok," aniya.

Umihip ang hangin na tila ba pinipigilan ako nu'n, ngunit hindi ko pinakinggan at tuluyan nang pumaloob.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
3.8K 188 58
Meet Axl Givonecharee, a son of a well-known billionaire. Some says he's torturing himself. Some says he's killing himself. Some says it's better to...
17.6K 1.3K 30
May mga pangyayari talaga na hindi natin inaasahan na makakapagpabago sa takbo ng ating buhay. Totoo talaga na may mga taong mawawala sa agos ng atin...
2.7K 115 26
Rivals on court, Lovers off court