I'm in love with you (COMPLET...

Von RochelleLee28

1.3K 268 331

A girl who believes in fairytale who will fall in love with a guy with a dark past that causes him to doubt t... Mehr

Author 🙊🥀
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
EPILOGUE
I Zing You 🥺
SPECIAL CHAPTER

CHAPTER 37

19 4 6
Von RochelleLee28

[Aestherielle's POV]

"May I remind you teachers and attorney na alas tres pa lang ng madaling araw dito at inaantok pa ako. ",

"Pinapahalata mo talaga na hindi mo man lang kami namimimiss, Aesthe. " Ava

Nagvi-video call kami ngayon apat at kakalapat pa lang talaga ng likod ko sa higaan nang bigla silang tumawag. Hindi ko alam kung ano na naman ang chika nila.

"Baka ako ang namimimiss niyo? Bilis na, sino na naman ang may bagong chika? Parang mga wala kayong pasok kinabukasan kung makapagpuyat ah? "

Napakunot-noo ako at pinagmasdang mabuti ang taong nakita ko na dumaan sa likod ni Waffle.

"Hoy, Waffle?! Si Alyxir ba 'young dumaan sa likod mo? "

Kita mo 'tong si Neptune napaka-observant din. Naunahan agad ako sa pagtanong.

"Oo, nakikain lang dito sa apartment ko. " Waffle at mayamaya ay nasa tabi niya na si Alyxir na kumaway agad sa'min.

"Hi ate, miss you po. Kailan ka uuwi?  Almost five years na po ah? "

He's right. Almost five years na ako rito sa USA. Dito ko na tinapos ang pag-aaral ko at plano kong magpatayo  ng boutique sa Pilipinas tapos gusto kong palagyan ng extension para naman sa book shop. May target na akong pwesto na malapit lang sa Sageus University. Nagtataka kayo siguro kung sino ang kausap ko pagdating sa pwestong bibilhin ko? Ipapakilala ko siya sa inyo soon.



"I'm coming home. "

Nawala bigla ang antok na naramdaman ko dahil sa sabay na tilian nila.

"Sa wakas! Akala ko forever ka na lang diyan. Friendship over talaga tayo." Waffle

"Oo! Salamat na lang sa lahat 'pag nagkataon. " Anne

Napatawa na lang ako sa mga reaksiyon nila. Kinuha ko ang plane ticket sa tabi ng laptop at pinakita sa kanila.

"Kailan and flight mo? " Ava

"Next week"

"Huwag mong kalimutan ang pasalubong namin ah? Imagine 5 years kang nandiyan. Siguro nay boyfriend ka ng spokening dollar diyan no? " Neptune

Pinili ko na lang ang manahimik kaya mas naintriga sila.

"Meron?! W-Wala na bang pag-asa? " Ava

Alam ko kung ano at sino ang tinutukoy niya. Ngumiti lang ako at kumaway kay Alyxir  na nagpaalam. Nakatunog siguro na may magaganap na usapan babae sa babae.

"Alam mo bang sikat na engineer siya? Maraming nag-aagawan sa kaniyang mga clients. One more thing! He's single and very much available! " Waffle

"Parang wala pa nga kaming nabalitaang babae na naging girlfriend niya eh. Baka hinihintay ka nga talaga. " Neptune

"Paano kayo nakakasiguro? Baka may secret relationship 'yon. "

"Selos ka naman, Aesthe. " Anne

"Pati ba naman ikaw Anne sasali sa panunukso sa'kin? Sa tagal ko na rito napaka-impossible na walang nagkainteres sa kaniya. "

"Bakit? Gusto mo talaga meron? Wala ka na bang nararamdaman sa kaniya? Paano kung naghintay siya? " Neptune

Natahimik ako ng mga ibang segundo sa sinabi niya. Sa tagal kong hindi pagpapakita sa kaniya lalo na't walang komunikasyon, impossibleng hindi siya nawalan ng gana.

"Impossibleng naghihintay siya. Kunyari kayo, iniwan kayo ng limang taon kaya niyo ba 'yong tiisin? Kaya niyo bang hintayin ang pagbabalik niya? Tapos wala pang kasiguraduhan na mahal ka pa niya? "

"Itabi niyo na. Ako na 'to. Ako nang sasagot kay,  Aestherielle. "

Napairap na lang sila kay Anne.


"Ire-real talk na kita Aesthe ah? Instead of setting us as an example, why don't you set yourself as the perfect one? Oo, iniwan mo siya ng limang taon pero nakaya mong tiisin diba? Nakaya mong maghintay at ngayon babalik ka. Babalik ka kasi umaasa kang may babalikan ka pa. Wala ngang kasiguraduhan na mahal ka pa ni Khirro Nixon Ledesma pero ako naman ngayon ang magtatanong sa'yo, sa loob ba ng limang tao walang araw ba na hindi mo iniisip si Khirro? May araw bang hindi mo inaalala ang kalagayan niya? O 'di kaya walang pagkakataon ba na naisip mong sana may babalikan ka pa? Na may naghihintay sa'yo? Na sana ikaw pa rin ang mahal ni Khirro. No matter how hard you try to deny your feelings but remember you cannot fool your heart. You both suffered and 5 years is enough. Give yourselves a chance. Your happiness is here so come home Aestherielle and be with your home. "

Lahat ng mga sinabi ni Anne ay parang nagmistulang mga susi para pakawalan ang puso kong limang taon ko nang pinoprotektahan. Lahat ng pag-aalinlangan, galit at lungkot na nagsilbing kadena sa puso ko ay nagkandabasag dahil sa muling pagkabuhay ng puso ko.

Parang nagising ulit ako sa katotohanang kailanman hinding-hindi ko maloloko ang puso ko. Kahit anong pagsisinungaling ko sa sarili ko na naka-move on na ako ay patuloy na kumokontra ang puso ko. Naka-move on na ako sa mga masasakit na nangyari 5 years ago pero babalik ako at ako naman ang gagawa nang paraan upang maipagpatuloy ang naudlot naming pagmamahalan.

"Thank you for everything, my bestfriends. God knows how lucky I am to have you. I love you, girls. Now, I'll make a move to get what's mine. "

I saw them giving me 'fighting' pose kaya napangiti na lang ako. Natapos ang video call namin ng alas singko ng umaga. 2 hours din pala kaming nag-virtual bonding.










Busy ako sa paglalagay ng mga damit ko sa maleta nang pumasok si Healle sa kwarto. I chuckled when she hugged me on my waist.

"Hindi na ba kita mapipigilan? "

"Bakit? May balak ka bang pigilan ako? "

She just pouted and dropped herself in bed.

"Ang eroplano ang gusto kong pigilin eh kaso mag-e-exert pa ako ng effort, kapagod kaya 'yon. Gusto ko ring punitin ang ticket mo pero naalala ko na passport mo na lang pala. "

Nasapok ko nga dahil sa kalokohan niya.

"Ikaw naman kaya ang sumama sa'kin? "

"You know naman na hindi pa ako pwede sa ngayon? "

"Ah yes! May 1 year contract ka pa pala as waitress sa D'Hearklle bar. Kung hindi ka ba naman lima't kalahating lutang na pinagtataob ang mga mesa sa bar na 'yon edi sana hindi ka na nagkaroon ng utang na loob kay Dark. "

"Kasalanan ko bang paharang-harang sa daan ko ang mga mesang 'yon? Pati mga tao na pinaglihi sa kiti-kiti kung sumayaw, paharang-harang din sa daan. Itutumba ko rin sana sila eh kaso baka mapa-advance ang good-bye earth ko. "

"Bukas na diba start ng trabaho mo? Ibig sabihin niyan araw-araw mo nang makikita ang kagwapuhan ni Dark. Imagine? May pinsan akong sinundan talaga ng isang lalaki hanggang USA? Sana all sa'yo, Healle! Pwede ka nang magpakalunod sa Pacific Ocean."

'Yong Dark Fekizario na nakilala ko sa Sageus University at Dark na may-ari ng D'Hearklle bar ay iisa. Hindi ko alam kung anong namamagitan sa kanila pero I'm sure na may something sa dalawa. Isang beses nakausap ko si Dark at inamin niya sa'kin na gusto niya si Healle. Wala sana akong balak sabihin sa kay Healle kaso hindi ako nakatiis. Sinabi ko sa kaniya pero wala man lang siyang reaksiyon aside sa nag-blush siya. Aso't-pusa pa rin naman sila pero nasesense kong nagiging marupok na si Healle na made in plywood.

"Pacific Ocean pa kung may 3 feet namang sapa riyan sa likod ng bahay natin. Anyways! Mamimimiss kita, Aesthe. I know na mas sasaya ka sa Pilipinas. Good luck. "

We ended up hugging each other.

Goodbye USA. See you, Philippines.





[A/N: Sana all bumabalik! Essss 😂 bawi ako ng update. Nakakatakot naman kasi dahil may balak kayong ibulsa ako 😂 Enjoy reading, Zingersss 😘

D'Hearklle pronounced as The Herkel]

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

74.5K 1.6K 30
• C O M P L E T E D • Sierra Marpua. Isang writer. At unti-unti ng nagkakaroon ng pangalan sa industriyang kanyang pinili. Ngunit kung gaano naman si...
194K 8.6K 46
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
455K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...