The Casanova Got Me Pregnant

By LadyCode

4.8M 93.9K 22.6K

I'm just an ordinary girl who fell in love with a casanova. Lahat ng babae kaagaw ko. Pag sexy at maganda nap... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Author's note:
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter 2
QUESTION AND ANSWER
Author's Note
Special Chapter 3
Last Special Chapter

Chapter 13

124K 2.6K 548
By LadyCode


Scarlett's POV

Mula noong dumating kami rito sa States wala na akong ibang ginawa kundi titigan ang litrato ni Jack. Baby, bakit mo ba pinapahirapan si mommy? Siya yung nanakit sa'tin kaya bakit gusto mo siyang makita?

Hinaplos ko ang tiyan ko, ilang gabi na ba akong umiyak dahil gusto kong makita si Jack? Alam kong dala ito ng pagbubuntis ko at nahihirapan ako sa moods ko.

Kahapon nga naisip kong umuwi ng Pilipinas para makita si Jack pero pinigil ako ni Leo. Sinabi niya na siya ang dahilan kaya ako umalis ng Pilipinas kaya dapat na hindi muna ako bumalik doon lalo na't magulo pa ang lahat.

Dumaan sa harapan ko si Leo na nakabusangot ang mukha kaya napahagikgik ako. Ang cute niya pag nakabusangot para siyang bibe. Binitawan ko ang litrato ni Jack at binalingan si Leo.

"Pssst! Leo!" tawag ko rito

"Oh?" bored na sagot nito

"Lika rito." utos ko

"Bakit nanaman?! Kukurutin mo nanaman ang pisngi ko?!" inis na tanong nito

Napakurap kurap ako at napayuko dahil naiiyak nanaman ako. Nakakainis talaga. Naiiyak nanaman ako sa simpleng bagay.

Hindi ko na napigilan ang magpakawala ng hikbi at pagtulo ng luha ko. Napagdidiskitahan ko kasi palagi ang pisngi ni Leo.

"H-Hey Isabelle! I'm sorry.. Frustrated lang ako." pag-aalo nito sakin

Hindi ko siya inimik at mas nilakasan ko ang hikbi ko. Nakakainis kasi sila. Hindi nila nararamdaman ang hirap ng magbuntis kaya ganyan sila.

"Sorry na Isabelle.. Pinapauwi kasi ako ni papa sa Korea kaya naiinis ako."

Huminto ang pag-iyak ko at napatingin sa kanya. Pupunta siyang Korea? Iiwan niya ako?

Mas lalo akong napaiyak sa sinabi niya. Waaaaah! Hindi ko na siya mapipisil sa pisngi! Hindi ko na siya mayayakap!

"Hush, Isabelle.. Next week pa naman akong aalis eh! May gusto ka bang kainin? May masakit ba?" tarantang sabi nito

Niyakap niya ako pero tinulak ko lang siya. Naiinis ako sa kanya.

"Ayoko sa'yo! Hmp!" pagtatampo ko rito

Yayakapin sana ulit niya ako nang may mag-door bell. Pinunasan ko ang luha ko at masiglang pumunta sa pinto. Moodswings. Tss.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang nasa labas ng bahay.

"Surprise?" patanong na sabi nito

"EDWAAAARRRDDD!" masayang sigaw ko

Mabilis na niyakap ko siya at nagtatalon sa tuwa. Namiss ko siya at masaya ako na nandito na siya.

"Hey! Stop jumping!" saway nito sakin

Tuwang-tuwa ako kaya hindi ako makatigil sa kakatalon pero natigil ako nang hawakan niya ang bewang ko iangat ako kaya hindi na ako makatalon.

"You are pregnant. Stop jumping, okay?" seryosong sabi nito

Tumango ako sa kanya kaya nilapag na niya ako. Napatingin ako sa dala-dala niyang paper bag. Parang may naaamoy akong mangga eh.

"Seth?"

Naalis ang atensyon ko sa mangga at napatingin kay Leo. Oh. Hindi pala niya alam ang tungkol kay Edward.

"Leo.." seryosong sambit ni Edward

"What are you doing here? Magkakilala kayo?"

Hindi ko na pinansin si Leo dahil hindi naman ako ang kausap niya. Mabilis na kinuha ko ang paperbag na dala ni Edward at pumunta na ako sa kusina. Bahala na sila doon.

Nagtataka rin ba kayo kung bakit nandito si Seth or Edward?

>>Flashback

Nakatingin lang ako kay Seth habang nakatingin ito sa bahay nila Edward. Matagal ng wala diyan sila Edward dahil umalis sila at ilang taon na siyang hindi umuwi.

"Scarlett..." gulat na sabi nito nang makita ako

I looked at him intently. Kabisado ko ang mukha ni Edward pero mahabang taon na ang nagdaan kaya alam kong malaki ang pagbabago ng mukha niya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na haplusin ang mukha niya.

Napapikit ito habang dinadama ang kamay ko sa mukha niya. Nakita ko ang umalpas na luha sa mata niya kaya pati ako naluha na lalo nang maalala ko ang sinabi niya noong huli ko siyang makita.

"Edward.... My Edward...." umiiyak na sambit ko

Hinila ako nito at niyakap ng mahigpit. Ramdam ko ang pangungulila niya at ang lungkot. Humiwalay ako sa kanya at hinawakan ang mukha niya.

"You came back.." nakangiting sabi ko

"I came back for you. I-I'm sorry. Patawarin mo ako kung natagalan akong makabalik. I came back two years ago."

Nakangiti ito ng malungkot sakin. Masaya ako na bumalik siya. Binalikan niya ako tulad ng pangako niya noon.

"I always watch you from afar. Natakot akong hindi mo na ako makilala kaya hindi ako nagpapakita sa'yo. Forgive me. A-Alam ko ang tungkol sa plano ni Jack sa'yo pero wala akong nagawa para ilayo ka sa kanya. Para ilayo ka sa sakit."

Unti-unting nahulog ang kamay ko sa mukha niya dahil sa sinabi niya. Alam niya. Alam niya pero hindi niya sinabi sakin.

"Y-You knew.." nanginginig na sabi ko

"P-Please forgive me, Red. Hindi ko naman alam na aabot sa ganun. Na aabot hanggang sa mabuntis ka--"

I cut him off. Alam niyang ako si Isabelle at alam niyang buntis ako. Ano pang alam niya?

"How did you know?"

"I always have my ways to know everything about you, Red."

"I hate you.." mahinang sabi ko

"I-I know.." nakayukong sabi nito

"I hate you but I forgive you, Ed. Can you fulfill your promise this time?" naiiyak na sabi ko

Hindi makapaniwalang tumingin ito sakin ng may kinang ang mata. I want to be with him. Am I selfish for asking this?

"I am willing to fulfill it, Red. I am." masayang sabi nito

He calls me Red because that's what my name means. While his name means guardian.

He held my face and wiped my tears away. Masaya ako dahil bumalik siya. Wala akong pakialam kay Jack. All I care is to be with someone that I first loved.

"You're leaving, right?"

Tumango ako sa tanong nito. Paano ba niya nalalaman na--

"Your brother. Siya ang source ko sa lahat ng nalalaman ko." sabi nito na parang nabasa ang nasa isip ko

"Hmmp! Tsismoso talaga iyon!" inis na sabi ko

"Nah. I came for him when I came back. I ask for his help and knowing your brother. Kung anu-ano pang pinagawa sakin para mapapayag ko siya sa gusto ko."

Nangingiti ako sa sinabi niya dahil pakiramdam ko naghirap talaga siya.

"What did he tell you to do?" excited na tanong ko

"You don't want to know."

Napasimangot ako sa sinabi nito. Napakadamot niya talaga.

"Stop frowning. I will go with you pero may aasikasuhin pa ako rito kaya susunod ako. I will fulfill my promise."

Napangiti ako sa sinabi niya at niyakap siya ng mahigpit.

"I will be your guardian angel. I will protect you and take care of you. I will be your prince when you don't find your prince. I will marry when no one wants to marry you. I will love you when no one loves you. I will always be with you. Guarding you. Don't forget my promise because I will fufill it when I came back. Just wait for me, my Princess Red" nakangiting saad nito

That's his promise to me before he left me. And I want him to fulfill it because I need him.

-End of Flashback

Patuloy lang ako sa pagkain ng mangga habang yung dalawang lalaki, malay ko dun. Wala akong pakialam sa kanila basta makakain ko ang mangga ko.. Hahaha.

Parang gusto ko ulit ng marshmallow tapos i-di-dip sa chocolate syrup. Nakakalaway yun---

Napatingin ako ng masama sa nag-mamay-ari ng kamay na kumuha ng isang piraso ng hiniwa kong mangga. Magnanakaw!

"What?" maang na tanong nito

"Iluwa mo yang mangga ko!" singhal ko rito

"Ako ang nagdala nito, Red."

Nakatingin lang ako sa kanya habang nginunguya niya ang ninakaw niyang mangga ko. Nakakaiyak siyang tingnan habang kinakain niya iyon. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagdadabog na lumabas doon.

"Red!" tawag nito sakin

Hindi ko siya pinansin at tumungo ako sa kwarto ni Leo. Nakadapa ito sa kama pero napaupo siya nang makita niyang nandito ako sa kwarto niya.

"Bili mo ako ng marshmallow at chocolate syrup." utos ko rito

"Ha?" gulat na tanong nito

Sisinghalan ko sana siya nang may magsalita sa likuran ko.

"Scarlett, let's talk."

Nilingon ko si Edward at tinignan siya ng masama. Pagkatapos niyang kainin yung mangga ko gusto niya akong kausapin? Eh kung sipain ko kaya ito pabalik sa Pilipinas?

"Gusto mong kausapin kita? Bumili ka ng marshmallows tsaka chocolate syrup." mataray na utos ko rito

Napakamot lang ito sa ulo at aalis na sana pero pinigilan ko. Kakagaling lang pala niya sa biyahe baka may jetlag pa to.

"Mamaya ka na bumili. Hmp!" sabi ko at mabilis na tumalikod

Nagtungo ako sa kwarto ko dahil inaantok nanaman ako. Itutulog ko na lang para masaya kami ni baby.

Enrique's POV

Tinignan ko ang pinto ng opisina ko nang bumukas ito. Bumungad sakin si dad at si Tito Michael (Jack's father).

"Good morning dad, tito." bati ko sa kanila

Naupo sila sa couch kaya naupo rin ako sa harapan nila. I can sense that this matter has to do with my sister.

"Magandang umaga rin, Enrique. Asan na yung mabait na sekretarya mo?" nakangiting tanong ni tito

Napaismid ako sa sinabi ni Tito Michael. Mabait? Hindi iyon mabait. Mukhang mabait lang. Tsk.

"Naglakwatsa." tipid na sabi ko

"Hijo, masama pa rin ba ang loob mo sa sekretarya mo?" tanong sakin ni dad

"Who wouldn't? Puro kalokohan ang alam niya!" nakakunot noo na sabi ko

Bwisit talaga ang babaeng iyon. Maalala ko lang ang ginawa niya naiinis na ako.

Napakapilosopo! Napakabaliw! Napakayabang kung magsalita! Huh!

"Anyways, we went here to discuss about Scarlett and Jack." seryosong sabi ni dad

Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi ni dad. Wag niyang sabihin na itutuloy niya ang kasal nila? Nasa States na si Scarlett kasama si Seth. Alam kong aalagaan yun ng kumag na yun.

Sayang ang pagiging alila niya sakin ng isang linggo kung hindi niya maaalagaan ng maayos ang kapatid ko.

"Enrique, ako na ang humihingi ng paumanhin sa ginawang katarantaduhan ng anak ko. Lumapit siya sakin noong nakaraang araw para ipahanap si Isabelle." mahinahong sabi ni Tito

"Hindi niya mahahanap si Isabelle." madiin na sabi ko

Nagkatinginan naman si dad at Tito na parang nag-uusap gamit ang mata. Ano nanamang pinaplano ng mga matatandang ito?

Isasali nanaman nila ako sa kalokohan nila. Bwisit. Idadamay nanaman nila ako, eh may sarili akong plano.

"How can he find Isabelle Garcia if she doesn't exist?" nakangising sabi ni Tito

Hindi na ako nagulat na alam ni Tito. Alam ko naman na may alam siya dahil matalik silang magkaibigan ni dad. Wala rito ang mga malalapit na kamag-anak ni dad at wala siyang kapatid kaya wala siyang pamangkin.

Tanga rin yung si Jack eh. Napapaisip nga ako kung hindi siya naghinala kay Scarlett habang nagtatalik sila. Tsk.

"Ano nanamang pinaplano niyo?" bagot na tanong ko

Sabay na ngumisi ang dalawa sakin bago magsalita si dad.

"Hahayaan ka muna namin na mag-laro, Enrique. And when the right time comes, we will join the game."

"Don't worry. I'll make sure my son will compensate for his sins. In the meantime, magsasaya muna kami ni kumpadre dahil may apo na kami." nakangiting sabi ni Tito

"That's right. I'll not let him get any single information for now. Magkikita rin sila when the right time comes." I said shrugging my shoulders

We're not manipulating them. Gumagawa lang kami ng hakbang para maayos ang lahat. May anak silang nag-uugnay sa kanila kaya hindi malabong magkabalikan sila.

Come what may. In every game, there's a loser but you need to play your cards wisely in order to win.

Basta ako. Gagawin ko ang mga ito para bantayan si Scarlett. Hindi ko siya kayang diktahan dahil alam kong matalino siya at kaya niyang gumawa ng sariling desisyon.

And for Jack, don't worry. Sasamahan ko sila para sa parusa ni Jack. Alam kong darating ang panahon na pupuntahan niya ako rito sa opisina ko para hanapin ang mag-ina niya. As if I'll help him.

"Sir Freak!"

Umangat ang tingin ko at tinignan ng masama ang babaeng nasa harapan ko. Nakaalis na sila dad at Tito kanina pa kaya balik trabaho ako.

"What the f*ck?! Don't you know how to knock?!" singhal ko rito

"Ang hot mo talaga Freak. Sasabihin ko lang na may appointment ka ulit this 5pm." nakangiting sabi nito

"What?! Anong appointment?!"

Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis sakin at nagpacute pa. Tss. Hindi naman cute.

"Ihahatid mo ako pauwi." nagpapacute na saad niya

"What the hell?! Hindi mo ako driver! Umuwi ka mag-isa mo!" singhal ko

"Ihahatid mo ako pauwi o ihahatid?" naniningkit ang matang sabi niya

Ayan nanaman siya! Ayan nanaman! Nagiging witch na siya. She's casting a spell on me!

"HINDI KITA IHAHATID!" sigaw ko

"Kulang ang pamasahe ko kaya ihatid mo ako!" she demanded

"Why should I?!"

"IHAHATID MO AKO! SABI NI SIR RICARDO MAGING MABAIT KA SAKIN!" madiin na sigaw nito

Napuouno na talaga ako sa babaeng ito. Napakademanding! Nakakainis! Minsan hindi ko alam na pumapayag na ako sa gusto niya!

"Hindi nga---"

"DAHIL MAGBABAR KA? YAN ANG HIRAP SA'YO! HINDI PORKE MAYAMAN KA EH BAR KA NG BAR! SPEND YOUR MONEY WISELY!" sermon nito

"Ano bang pakialam--"

"Ihahatid mo ako o ihahatid mo ako?" matigas na sabi nito

Matalim ang titig nito sakin na akala mo maling salita ko lang gigiliitan niya ako ng leeg. Wala sa sariling napatango ako sa kanya. Ngiting tagumpay naman ito at prenteng naupo sa silya na kaharap ko.

Saang lupalop ba kinuha ni dad to at parang kung sino kung umasta? Tsk. Babaeng-babae nga ang dating pero pag nagalit nagmumukhang maton.

*knock knock*

"Who's there?" sarkastikong tanong nito

"Haley po." sagot ng nasa labas

"Haley who?" sarkastikong sabi ulit ni Zea

"Haley Mitch."

"Ay. Akala ko Haley Bitch or Haley Parrót." nakairap na sabi nito bago tumayo at buksan ang pinto

See? Ganyan yan makipag-usap sa mga taong ayaw niya.

Nakakasakit ng ulo talaga ang mga babae. Katulad ni Scarlett! Dahil sa katigasan ng ulo, ayun, nabuntis at nasaktan. Tss. Kung pwede lang sana na gilitan ng leeg ang Jack na yun nang makita ko sa mall ginawa ko na.

**************************

Guysssss! Nakakatuwa naman yung mga comments niyo! Hindi ako makapadedicate kahit na gustong-gusto ko dahil cp ang gamit ko.

Anyways, sa anong paraan niyo gusto pahirapan si Jack? Sabihin niyo at baka magustuhan ko. Gagawin natin yan dito.

Bwahahahahahaha! Gusto kong pahirapan ang role niya eh. Yung kawawa talaga siya.

Keep Reading!

-LadyCode

Continue Reading

You'll Also Like

29.7M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
1K 114 43
Back to the place she once live in yet she had forgotten, Nieva has no choice but bear with the guy who claimed to be her husband that she abandoned...
The Mayor By Dany

General Fiction

14M 255K 61
.
8K 92 6
𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝐑-𝟏𝟖 | 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 ¦ 𝐀 𝐂𝐎𝐋𝐋𝐀𝐁𝐎𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 ¦ THIS STORY MAY CONTAIN MATURE CONTENT THAT IS NOT SUITABLE FOR...