Defiant Youth Series # 12: Un...

Bởi AthanWP

7K 424 53

PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING) Defiant Youth Series #12 (A COLLABORATION SERIES) COMPLETED Years ago, t... Xem Thêm

Defiant Youth Series
Playlist
Prologue
Chapter 1: Pagkabata
Chapter 2: Eskwelahan
Chapter 3: Magnanakaw
Chapter 4: Bugbog
Chapter 5: Dead
Chapter 6: Pagtatapos
Chapter 7: High School Life
Chapter 8: Karahasan
Chapter 9: Alak
Chapter 10: Pariwara
Chapter 11: Kicked out
Chapter 12: Pulis, Kulong, Pagbabalik
Chapter 13: Pag-alis
Chapter 14: Buhay sa Lungsod
Chapter 15: Babae sa iskinita
Chapter 16: Babae sa nakaraan
Chapter 17: Pag-alok
Chapter 18: Bagong Trabaho
Chapter 19: Aling Berna
Chapter 20: Kawalan ng tiwala
Chapter 21: Two years
Chapter 22: Paggahasa
Chapter 23: Atty. Mishel Marrey
Chapter 25: Pagsampa ng Kaso
Chapter 26: Warrant of Arrest
Chapter 27: First Hearing/Trial
Chapter 28: Feelings
Chapter 29: Last Hearing/Trial
Epilogue
Special Chapter

Chapter 24: Muling pagkikita

148 11 0
Bởi AthanWP

Laxxus POV

ISANG linggo akong nagkulong sa apat na sulok ng aking silid sa aking tinitirahan. Tulala, kinakausap ang sarili na tila isang baliw dahil hindi mawala ang pangyayari sa akin isang linggo na ang nakakalipas.

Mula noong lumabas ako sa ospital, tulala at minsan ay sinasaktan ko ang aking sarili dahil na rin sa hindi mawala sa aking isip ang pangyayaring iyon sa akin.

Lagi ko itong napapanaginipan at kahit tuwing umaga ay matutulala na lamang ako sa kawalan. Wala akong nagawa para ipagtanggol ang sarili ko. Wala akong nagawa para lumaban sa ibinigay niyang sakit sa akin.

Naghalo-halo na ang nasa aking isip. Sa loob ng isang linggo, kinukulit ako nang aking Manager na pumasok ngunit binababaan ko na lamang siya ng tawag dahil kahit kailan ayaw ko nang bumalik pa roon sa Club.

Inapakan nito ang dignidad ko maging ang karapatan ko. Binantaan niya ako at sapat na iyon sana upang magsampa ng kaso ngunit wala naman tutulong sa akin kung ganoon ang gagawin ko.

Sa mundong puno ng karahasan, kahit isang hustisya ay hindi mo makakamit dahil sa bulok na sistema sa lipunan. Kung sino ang mas makapangyarihan, iyon lang ang makakakuha ng hustisya kahit bulok naman ang ugaling pinapakita nila.

Kahit nanghihina pa rin ang aking katawan, sinubukan kong lumabas para naman masinagan ako ng kahit kaunting liwanag man lang. Nabigla si Manang Nez nang lumabas ako ngunit hindi na lang ako nag-atubiling ngitian siya.

Dumiretso ako sa labas, naglalakad at lumilipad ang aking isipan. Hindi ko alam kung saan ako tutungo, dumiretso lang ako hanggang sa may nabangga ako ngunit hindi ko iyon pinansin.

Narinig ko ang kaniyang pagsigaw, napatigil ako. Lumingon ako sa paligid at laking gulat ko nang pader na ang aking kaharap. Kung hindi lang siguro ako tinawag ng taong iyon ay mababangga na ako.

Saktong pagtalikod ko ay bumungad na naman sa akin ang magandang mukha ng isang binibini. Siya ang abogado sa ospital na tumulong sa akin.

"A-Ayos ka lang, Laxxus?" hinihingal na tanong niya.

Kumunot ang aking noo. Nagtataka kung paano niya nalaman ang aking pangalan. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" nagtatakang tanong ko.

Nang mabawi na nito ang kaniyang normal na paghinga ay umayos siya nang pagkakatayo.

"Nakita ko sa gamit mo noong nasa ospital ka. Isang linggo na rin kitang hinahanap dahil kailangan mo-" napatigil siya sa kaniyang sasabihin nang dumako ang kaniyang mga mata sa akin palapulsuhan. "Anong nangyari diyan?" may pag-aalala sa kaniyang boses.

Mabilis ko iyong itinago sa aking likuran, "wala... nasugat lang," pagsisinungaling ko.

Kumunot ang kaniyang noo at pilit na inaabot ang aking pulsuhan. "Did you just scratch yourself? What have you done?!" singhal niya sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "I have done nothing, Miss." malamig kong sumbat sa kaniya. Akma na akong aalis nang hilain ako nito.

"I can help you," wika niya. "Tutulungan kitang maibsan ang depresyon na pinagdadaanan mo dahil naiitindihan kita," dagdag niya.

I smirk. "No one can understand me, Attorney. Sarili ko lang ang makakaintindi sa akin," sagot ko. "And that demon inside of me? It pains me so much... but I can handle it with my own. I can't trust anyone."

"You can trust me, Laxxus. I don't know exactly what happened to you one week ago but I have this speculation that you are raped and harassed by someone!" giit niya.

Hindi ko alam pero parang magaan ang pakiramdam ko sa kaniya. Unti-unti akong natutunaw sa kaniyang pananalita. Will she help me? Will she defend me?

Naalala ko na naman ang nangyari kaya napatawa ako. Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako o sadyang depress lang ako. Nanginginig ang aking mga kamay at tila nanghihina ang aking mga tuhod.

"C-Can I... can I trust you, Attorney? If that justice system is so cruel and unwanted?" mahinahon na ang boses ko na kanina lang ay mas malamig pa sa yelo.

She make a face, half smiling. "Of course, you can trust me, Laxxus," She said. "Basta sabihin mo sa akin ang katotohanan kung ano ang nangyari sa iyo noong gabing iyon."

Tumango-tango ako. Hindi ko alam pero naging magaan ang loob ko sa kaniya. Hindi ko siya kilala, tanging alam ko lang ay isa siyang abogado. Nilisan namin ang lugar, hindi ko alam pero basta na lang kaming nakasakay sa kaniyang kotse.

"S-Saan mo ako dadalhin, Attorney?" nagtatakang tanong ko.

Nag-drive lamang ito bago tumingin sa akin. "Punta tayo sa ospital para humingi ng tulong sa isang Doctor na kilala ko," sagot niya.

Huminga ako nang malalim, "h-hindi ako baliw..." tulalang sambit ko.

Nakaramdam ako nang paghawak sa aking kamay kaya mabilis ko iyong iwinaksi. "Huwag... huwag niyo po akong hawakan," puno ng pagsusumamo sa aking boses.

"Hindi kita sasaktan, Laxxus. Kumalma ka, malalampasan mo rin ang iyong pinagdadaanan."

Hindi ako nagsalita. Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana at bigla na lang tumulin ang takbo ng sasakyan. Tahimik lang ako sa aminig biyahe. Pagkalipas ng ilang minuto, huminto ito sa isang matayog na building. Inilibot ko ang aking tingin. Nasa ospital na pala kami.

Bumaba siya kaya bumaba na rin ako kahit nangangatog ang aking mga tuhod. May bahid ng takot sa aking sarili. Inilingkis ko ang aking braso at laking pasasalamat ko na hindi niya iyon inalis.

Ramdam rin siguro niya na ako ay takot kaya siya na ang umalalay sa akin papasok ng ospital. Maraming tao, pinagtitinginan kami. Ayaw ko sa atensyon na iyon dahil tila ako nasasakal. May humaplos sa aking kamay kaya lumingon ako rito. Nakangiti lang siya sa akin pero ako, walang ka-emo-emosyon sa aking mukha.

I don't want to be weak. I want to be brave and strong like this woman. We walked towards a room- a Doctor's room actually. Nakalingkis lamang ang aking kamay sa kaniyang braso. Kumatok siya at napapitlag ako nang biglang magbukas ang pintuan.

Sinalubong kami ng isang lalaking may puting damit, nakasalamin ito at matangkad rin.

"Good morning, Attorney." He greeted and smiled at her.

Bumati lang si Attorney Mishel pabalik ngunit nakaramdam ako ng inis. Kumunot ang aking noo. Anong problema ko kung ngumiti at binati lang siya nang Doctor na ito? Tangina, ano itong nararamdaman ko?

Pinapasok niya kami sa loob at pinaupo niya ako sa kaniyang harapan. Malamig ang aking ekspresyon maging ang aking pagtingin sa kaniya. Hindi ko alam pero bigla na lang naging ganito ang pakiramdam ko mula nang ngitian niya si Attorney.

Tumikhim siya. "So? How do you feel right now?" He asked, professionally.

"I felt nothing," tipid kong sagot.

Umiling siya, "I mean, how are you coping up with what had happened to you?" He asked again.

"I'm coping up by hurting myself to ease that fucking pain... to ease that fucking depression," gigil kong sagot. "Minsan naisip ko na lang magpakamatay, dahil paulit-ulit kong nakikita sa panaginip ko ang nakakadiring nangyari sa akin."

Naikuyom ko ang aking kamao at muli akong natulala.

"He needs someone, Attorney. We need to use hypnotism to him." naririnig kong usal ng Doctor pero parang lumalabas lang rin sa kabila kong tainga.

Ngumiti ako at bigla na lamang natawa. Nababaliw na siguro ako at alam kong iyon ang iniisip nila.

"Hindi ako baliw," sambit ko habang sinisipat ang aking mukha. "Gago siya... gago ang lalaking iyon!" tuluyan kong sigaw.

Hindi ako makalma. Tanging naramdaman ko na lang ay may biglang yumakap sa akin at humahagod sa aking likuran. Bigla na lamang tumulo ang aking luha. Humagulgol ako sa balikat ni Attorney.

"Gago siya, Attorney. I-I want him jailed..."

"Shh... it's alright, Laxxus. I'm here, we are here to help you," naaawang sambit ni Attorney.

Naging kalmado ako sa kaniyang balikat. Hindi ko alam pero naging komportable ako sa kaniyang bisig. Ang tila ibang anyo kanina ay bigla na lamang naglaho. Humiwalay ito sa pagkakayakap sa akin bago ako bigyan ng maiinom.

Tumingin ako kay Attorney Mishel. Humugot ako ng isang malalim na paghinga. "A-Attorney... ayaw akong tantanan," panimula ko.

"Magiging maayos rin ang lahat, magtiwala ka lang." sambit niya bago tumingin muli sa Doctor. "Nais ko siyang tulungan, Doc. Kung kinakailangan siyang gamitan ng hipnotismo, maaari mo bang gawin iyon ngayon?" pakiusap ni Attorney.

"Yes! Yes, of course. I want to help too and I want to know the truth." pahayag ng Doctor.

ISANG oras ang lumipas nang pinaupo ako sa isang upuan. May inilagay sa aking harapan na parang laruan pero isang aparato iyon para sa hipnotismong kanilang gagawin.

"Handa ka na ba?" tanong ng Doctor sa akin. Tanging tango lamang ang aking naisagot sa kaniya.


Attorney Mishel Marrey's POV

NAGSIMULA na ang pag-hipnotismo kay Laxxus. Inihanda ko na rin ang aking selpon para sa pag-record ng kaniyang kasagutan. Naghanda rin ako ng ballpen at papel para isulat ang pangyayari na kaniyang naranasan noong gabing iyon.

"Isipin mo lang ang mga ginawa niya sayo and at the count of three, close your eyes." Doc Laz instructed. "One, two, three, close your eyes, Laxxus." He said.

Nakinig ako sa mga katanungan ni Doctor Laz at sa mga sagot ni Laxxus. Hindi ako makapaniwala. Ang bigat sa aking dibdib. At the age of 21, he was raped and harassed. I can't believe it. May binanggit siyang pangalan, Zach Versoza is the name of the man who force to raped him.

Habang tinititigan si Laxxus, bigla na lamang siyang humagulgol at nanginig. Naging mabusisi si Doc Laz kaya tinulungan ko siyang pakalmahin si Laxxus.

"Open your eyes, Laxxus! Open up!" sigaw niya.

Hindi umimik si Laxxus at tila wala siyang pinapakinggan. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang pisngi. Hindi ko alam pero bigla ko na lamang inilapat ang aking labi sa kaniya. I took five seconds for him to open his eyes.

"A-Attorney," that is the last word he said before he passed out, again.

Napapikit ako. Naaawa ako sa kaniyang kalagayan at sa kaniyang pinagdaanan sa lalaking iyon. Ginahasa siya nang walang kaawa-awa at binantaan pa. Dalawang kaso na maaaring isampa sa lalaking iyon. Attempted rape and sexual harassment kasama na rin doon ang pagbabanta sa kaniya.

"Kailangan niyang maging matatag para makapag-file kami ng kaso sa lalaking iyon," pahayag ko sa Doctor. "Maaari ko bang kunin ang dokumento na nagpapatunay na siya ay ginahasa sa kaniyang puwitan?"

He nodded. "Yes, I'll get the documents to Doctor David, the one who checked on him last week."

I sighed deeply. Mabuti na lamang at mayroon agad akong hawak na ebidensya na magpapatunay na ginahasa siya. I need to find more evidence to support my claim in the court.

"Paggising mo, Laxxus. Let's file a case towards the man who raped and harassed you. I promise to win this case for you, I'll give you the justice you deserve even if the justice system is cruel and unwanted." bulong ko habang tinitignan siyang natutulog sa sofa ng opisina ni Doctor Laz.



To be continued...

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

2.2K 110 43
El Belamour Series #4: A Change of Heart --- Lykadine is the family breadwinner and an ambitious person who aspires to be wealthy one day. She wanted...
382K 10.6K 48
"A girl so soft and genuine, so innocent and full of life, shouldn't fall to the likes of me." - Axl Genesis
14.9K 582 64
"Did you miss having sex with me, Pierce? Because I did." ©️2022
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...