IAH2: Remembering The First B...

By xxladyariesxx

35K 1.8K 281

IN A HEARTBEAT 2: REMEMBERING THE FIRST BEAT Amari's heart was healed but she forgot the first beat of it. St... More

Amari's Heart
Chapter 1: Love
Chapter 2: Voice
Chapter 3: Visitor
Chapter 4: Hospital
Chapter 5: Picture
Chapter 6: Wife
Chapter 7: Leave
Chapter 8: Call
Chapter 9: Truth
Chapter 10: Lie
Chapter 11: Accident
Chapter 12: Death
Chapter 13: Life
Chapter 14: Mother
Chapter 15: Pain
Chapter 16: Call
Chapter 17: Memories
Chapter 18: Reason
Chapter 19: Home
Chapter 20: Back
Chapter 21: Family
Chapter 22: Rest
Chapter 24: Father
Chapter 25: Tears
Chapter 26: Failed
Chapter 27: Start
Chapter 28: Search
Chapter 29: Accept
Amari's Love - Part 1
Amari's Love - Part 2
Amari's Heart - Part 3
SPECIAL CHAPTER
SPECIAL CHAPTER 2
SPECIAL CHAPTER 3

Chapter 23: Mess

734 44 1
By xxladyariesxx

Isang araw kong ipinahinga ang katawan ko.

Nag-hire pa nga si Adliana ng personal nurse sa akin habang nasa opisina ito at inaasikaso ang kompanya namin. Hindi ko na iyon kailangan ngunit dahil sa nag-aalala nga si daddy sa akin, natuloy pa rin ang babantay sa akin ng family nurse namin.

Noong naging maayos na ang pakiramdam ko, maingat akong naglinis ng katawan at naghanda na para ngayong araw. Mamayang hapon ang dating ni Ayah at mommy kaya naman ay dapat maayos ko na ang magiging silid ng anak. Maingat akong naglakad palabas ng silid ko at bumaba na mula sa pangalawang palapag ng mansiyon.

Agad akong binati ng kasambahay na nakasalubong ko sa salas namin. Nginitian ko ito at tinanong kong gising na ba si Adliana at si daddy. At noong sinabi nitong nasa kusina na sila at nag-aagahan, mabilis akong nagpasalamat dito at tinahak na ang daan patungo sa kusina namin.

Ilang hakbang pa ang layo ko sa kusina noong natigilan ako sa paglalakad. Napakunot ang noo ko noong marinig ko ang isang pamilyar na boses na ngayon ay kausap ni Adliana at daddy.

He is here? Again?

Napabuntong-hininga na lamang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

Si Adliana ang unang nakapansin sa akin noong tuluyang nakapasok na ako sa kusina. Mabilis itong tumayo sa kinauupuan nito at nilapitan ako.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo, Amari?" mahinang tanong niya at tiningnan ako nang mabuti.

"Wala na ang lagnat ko, Adliana," marahang sambit sa kapatid at binalingan ang ama. "Good morning, daddy," bati ko dito at dahan-dahang naglakad palapit sa puwesto nito. Noong makalapit ako sa kinauupuan nito at marahan ko itong hinalikan sa pisngi. Nginitian ko ito at umayos na sa pagkakatayo. Walang emosyon kong tiningnan ang kasama nila sa hapag at noong magtagpo ang mga mata naming dalawa, napako ako sa kinatatayuan ko.

"Ako ang nag-imbita sa kanya dito, Destiny," rinig kong sambit ni daddy sa tabi ko. "Nag-alala si Von sa kalagayan mo kaya naman ay ilang beses itong nagpabalik-balik dito sa mansiyon. Saktong handa na ang agahan kanina noong dumating ito."

"Hindi mo na kailangan mag-alala pa sa akin, Von. I'm fine," malamig na turan ko at naupo na sa bakanteng upuan sa tabi ni daddy. Maingat kong ikinuha ang juice sa harapan ko at ininom iyon.

"Destiny, don't be like that. Nag-alala lang ang tao sa'yo," marahang sambit ni daddy na siyang ikinabaling ko dito.

"I'm fine, dad."

"I know, darling, pero-"

"It's okay, Tito," seryosong saad ni Von na siyang ikinabaling ko sa puwesto nito. "Pero kahit ilang beses naman niya akong ipagtabuyan, babalik pa rin naman ako dito."

"Von, let's not talk about that here," ani Adliana at binalingan ako. Napalunok at napabuntong-hininga na lamang. "Kumain na lang muna tayo."

Hindi na ako umimik pa at nagsimula nang kumain.Usapang negosyo ang tinatalakay ng tatlo samantalang halos hindi ko malasahan ang pagkain dahil sa mapait kong pakiramdaman.

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at noong uminom na ako ng tubig, maingat akong tumayo at dinala ang pinggan ko. Naglakad ako patungo sa lababo at marahang inilapag doon ang pinagkain. Bubuksan ko na sana ang gripo para hugasan ito noong biglang tinawag ako ni Adliana. Taka ko itong binalingan at natigilan na lamang noong mamataan ang gulat na ekspresyon ni daddy sa akin.

"No need to do that here, Amari. May mga kasambahay tayo para linisin iyan," marahang sambit ng kapatid ko na siyang ikinaayos ko nang pagkakatayo.

"Right," halos bulong na wika ko at napailing na lamang. "Sorry. Nasanay na ako sa ganito. Wala kaming maid doon sa Boston at ako lahat ang gumagawa ng gawaing bahay," dagdag ko pa at muling bumalik sa puwesto ko.

"For six years, darling? Ikaw ang gumagawa ng lahat?" Takang tanong ni daddy na siyang ikinatigil. Napatingin ako kay Adliana at palihim na napangiwi.

Hindi pa namin nasasabi kay daddy ang totoong naging kondisyon ko sa ibang bansa. Gustuhin man naming ipaalam ang tungkol dito, ipinagpaliban na lamang namin ito dahil nga sa kondisyon niya. He needs a total rest at kung malalaman niya ang pinagdaanan ko, tiyak kong lalo itong ma-s-stress. It can wait. I can wait till my dad's condition becomes better.

"Yes, dad," simpleng sagot ko na lamang at nginitian ito.

"That's good to hear, Destiny! You became a strong and independent woman now! At talagang nagawa mo iyan mag-isa sa loob ng anim na taon!"

"I wasn't alone, dad," mahinang sambit ko dito na siyang mabilis na ikinasaway ni Adliana sa akin. Umiling ang kapatid ko at binalingan ang ama namin.

"Dad, I think it's time for your medicine. Bumalik na tayo sa silid mo," turan ni Adliana sa ama at tumayo na ito. Tumango na lamang si daddy dito at lumapit na ang dalawang personal nurse nito. Inalalayan nila si daddy pabalik sa wheelchair nito at nagpaalam na sa amin.

"Destiny," tawag pansin niya sa akin bago ito tuluyang makalabas sa kusina. "Ngayon ang balik ng mommy mo, hindi ba?"

"Yes, dad."

"Great! Invite Von and his family for a family dinner. Magpapaluto ako ng mga paboritong dishes niyo mamaya," utos nito na siyang ikinatigil ko. "Adliana, pagkatapos mo mamaya sa kompanya, umuwi ka kaagad. Dapat kompleto tayo mamaya pagkabalik ng mommy niyo."

"Yes, dad," sagot ni Adliana at binalingan ako. "Aakyat na kami, Amari. Ikaw na ang bahala dito."

Hindi na ako nagsalita pa at pinagmasdan na lamang si daddy at Adliana hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.

Napabuntong-hininga na lamang ako at tumayo na mula sa pagkakaupo. Akmang hahakbang na sana ako noong nagsalita si Von Sirius. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at binalingan ito.

"Your dad doesn't know about your child?" seryosong tanong niya at tumayo na rin sa kinauupuan nito. "Pero alam ni Adliana ang tungkol dito?"

"Wala ka na roon, Von."

"Bakit hindi mo ito sinasabi kay Tito? Ano na lang ang magiging reaksiyon nito kapag dumating ito kasama ni Tita?"

"Ako na ang bahala sa bagay na iyan," seryosong saad ko dito at mabilis na tumalikod na dito. Nagsimula na akong maglakad at bago pa man ako tuluyang makalabas sa kusina ay muling nagsalita si Von na siyang ikinaawang ng labi ko.

"Anak ko ba ang batang iyon?"

Napapikit ako at marahang napailing. Muli kong binalingan si Von Sirius at matamang tiningnan ito sa mga mata niya.

"No, Von. Ayah is not your child," seryosong saad ko dito na siyang ikinabago ng ekspresyon nito.

"How can you say that to me, Destiny? Paano mo nasasabi ang bagay na iyan nang deretso habang nakatingin sa mga mata ko?"

"Cause I'm telling you the truth, Von Sirius. Hindi mo anak ang anak ko." Parang pinipiga ang puso ko sa bawat salitang binibitawan kay Von. Ni hindi ako kumukurap habang nakatingin dito. "Hindi mo siya anak." Pag-uulit ko dito at tuluyang tinalikuran ito.

Hindi ko na narinig pa ang pagtawag ni Von sa akin kaya naman ay mas binilisan ako ang paglalakad. At noong makabalik ako sa silid ko, mabilis ko itong isinara at napahawak na lamang sa dibdib ko. Mabilis akong napasandal sa may pinto at napapikit na lamang.

"Hindi natin anak si Ayah, Von," mahinang turan ko sa sarili at napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga.

Telling him about Ayah is one thing but telling him about our dead child is another story. Hindi ko kayang sabihin ito sa kanya ngayon. Mas priority ko si daddy ngayon kaya naman ay siya muna ang kakausapin ko tungkol sa bagay na ito.

Muli akong humugot ng isang malalim na hininga at napagdesisyunang kausapin na si daddy. Mabilis kong binuksan ang pinto at agad din namang natigilan noong makita si Von na nakatayo roon.

"Jesus!" bulalas ko at mabilis na napahawak sa dibdib ko dahil sa gulat. "Seriously?" Naiiling kong sambit at masamang tiningnan ito. "Von, stop this already, okay? Umuwi ka na."

"Tito told you to invite us for a dinner later," walang emosyong sambit nito na siyang ikinatigil ko. "Hindi mo pa iyon nagagawa."

Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.

"Kahit hindi ko na iyon sabihin sa'yo, pupunta rin naman kayo, hindi ba?"

"No," anito habang hindi inaalis sa akin ang seryosong mga titig na ito. "Kung hindi ito manggagaling sa'yo, hindi kami pupunta dito."

"Von, huwag na natin pahirapan pa ang mga sarili natin. Gawin mo ang kung anong gusto mong gawin. Hindi mo kailangan ng approval ko sa bagay na ito," mabilis na sambit ko dito at akmang iiwan ko na sana itong muli noong maingat nitong inabot ang kamay ko at hinawakan ito.

"Stop this already, Destiny Amari," anito sa mababang boses. "Stop it, please."

"Von, ano bang-"

"Alam ko kung ano ang naging kasalanan ko sa'yo noon, Destiny. I already suffered and almost lost myself because of what happened to us, so please, love... kung ipagpapatuloy mo ito, baka matuluyan na talaga ako!"

"Von..."

"Amari. Von."

Pareho kaming natigilan ni Von noong marinig ang boses ni Adliana. Umayos ako nang pagkakatayo at binawi ang kamay mula sa pagkakahawak nito. Tiningnan ko ang pagbuntong-hininga ng kapatid ko at nilapitan kami.

"Kung mag-uusap kayo, huwag dito, Amari. Maaring marinig kayo ni daddy. It might stress him more."

"Uuwi na lang muna ako," ani Von na siyang ikinabaling kong muli sa gawi nito. "I'll tell my parents about the dinner. Baka hindi na rin ako makasama mamaya dahil may meeting ako at hindi ko alam kung anong oras na matatapos."

"I already rescheduled the company meeting later, Von. Free na ang mga schedule natin mamaya. Sumama ka na," ani Adliana at binalingan. "Right, Amari?"

Napangiwi na lamang ako at wala nang nagawa pa. I know. Adliana is trying to help me here. Alam niyang wala akong lakas ng loob para sabihin kay Von ang lahat-lahat kaya naman ay siya na mismo ang gumagawa nang paraan para makapag-usap kami.

"At kung hindi nakakaabala sa'yo, maari mo bang samahan si Amari mamaya sa airport, Von?"

Nagulat ako sa naging tanong ng kapatid ko kaya naman ay mabilis ko itong pinigilan.

"Adliana," mariing sambit ko sa pangalan nito. "Hindi na kailangan. May driver naman at-"

"Sure, sasamahan ko siyan mamaya, Adliana."

"Oh my God! Stop it already, Von Sirius! Hindi ka sasama sa akin mamaya! Umuwi ka na!"

"Then it's settled," ani Adliana na tila ba walang naririnig na angal mula sa akin. "Amari, napaayos ko na rin ang magiging silid ni Ayah. Huwag mo nang alalahanin iyon at magpahinga ka na lang muna. Rest until mom and Ayah arrives later."

Nakangiting nagpaalam sa akin si Adliana at bumaba na. Napailing na lamang ako at hindi na kinausap pa si Von. Mabilis ko itong tinalikuran at binuksan na ang pinto ng silid ko. Pabagsak ko itong isinara at napamura na lamang sa isipan.

"No. This is not happening." Naiiling na sambit ko at naupo na sa gilid ng kama ko.

Mayamaya lang ay tumunog ang cellphone ko kaya naman ay mabilis ko itong kinuha. Napakunot ang noo ko noong makitang may text message si Adliana na sa akin at napasimangot na lamang noong makita kung ano ang mensahe nito.

'It's now or never, Amari. Von deserves to know the truth. At alam kong maniniwala ito sa kahit anong sasabihin mo. Tell him about Ayah and your child. I also witnessed how he suffered at ito na lamang ang magagawa ko para sa inyong dalawa. Sorry kung ako na ang nagdesisyon sa bagay na ito. This is me being your older sister. I love you.'

Napabuntong-hininga na lamang muli ako.

Paniguradong magugulat si Ayah kapag makita nito si Von.

And Von... I just hope he can handle this mess.

Continue Reading

You'll Also Like

5.9K 350 5
and your voice is like a siren that guides me to wild uncharted waters. [roronoa zoro x female oc] [one piece season one]
108K 696 132
HI! this story's are made by @SuperNinja and @hello_humans! If you like them then follow the usernames that are above! THANK YOU and ENJOY! Book has...
1.8M 127K 45
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
12K 426 3
3 years after High school, during a vacation to Brazil, you reunite with Oikawa Tooru. However, love hurts when there's a whole ocean between you two...