God's Perfect Timing

Por Garnetwrites_2215

66 3 1

She was reading her bible during her quiet time, and there is a verse that caught her eye. It is from Ecclesi... Más

Prologue
Chapter 1: First crush
Chapter 2: Louis
Chapter 3: Goodbye.
Chapter 5: Unexpected

Chapter 4: Sana ako na lang ulit.

8 1 0
Por Garnetwrites_2215

"I-iannounce ko na ang best in investigatory project ngayon at alam niyo naman kung sino ang Top 3 na napili ng ating mga hurado." sabi ng aming science teacher kasi isang linggo na ang nakalipas na natapos na namin ang pagdedepensa ng aming IP sa mga hurado galing sa UP. 

Akalain mo yun? Hindi ko ineexpect na mapapabilang kami sa Top 3 kahit ang dami naming nagpagdaan sa aking grupo at pati na din sa kanya. Nung final defense namin, super napabilib namin ang mga hurado kasi nagulat sila sa resulta ng aming proyekto. Epektib pala yung ginawa naming pagtrtrial and error sa research na to at marami rin kaming mga pagkukulang na variables pero naitaguyod namin lahat ng ito. 

"Ang grupo na best in IP ay ang group nina Adalia!" masayang sabi ni Ma'am Rose. Hindi ako makapaniwala na kami ang makakakuha ng award na yun kasi mahusay ang pagsulat nina Felix at Ericka sa kanilang mga research at palagi silang may mataas na grado kesa sa amin. 

Nagulat ako sa ginawa ni Alex sa akin dahil bigla niya na lang ako yinakap sa likod. Bakit hindi ko ma-proseso na kami ang na nakuha nito? Dahil ba feeling mo ay nakakapanibago na naging epektib kang lider sa iyong grupo? Dahil ba mababa yung grado na binibigay sa inyo pero tignan mo ngayon! Best in Investigatory Project ang grupo mo, Adalia! 

Proud na proud ako sayo dahil nakayanan mo kahit heartbroken ka. 

"Congrats sa atin! Hala hindi ako makapaniwala na makukuha natin to. Thank you sa pinsan mo Austin! Napakagaling niyang mag-suggest!" rinig kong sabi ni Raphael at napalingon ako sa kanilang gawi. Wow, nagkupol-kupol sila dun pero di man lang ako tinawag! napakagaling naman po! 

"Bakit wala si Louis?" mahina kong sabi sa aking sarili ngunit nagulat ako dahil may kumalabit sa aking gilid. 

"Anak ng -"  malakas na sabi ko pero naputol nung nakita ko kung sino ang kumalabit sa akin. 

"Kabayo?" natatawang sabi ni Louis sa akin at napatitig na lang ako sa kanya dahil naguguilty ako kasi feeling niya na mabilis ako maka-move on sa kanya. Ang totoo niyan ay hindi ako maka-move on sa kanya kaya ginawa kong panakip butas si Kevin. 

Miss na kita sobra pero hindi na talaga tayo pwede kasi sigurado na ako sa desisyon ko. Kung may nababalitaan ka sa amin ni Kevin, paumanhin sobra. 

"Uy, bakit ka naiyak?" natatawang sabi ni Louis kaya napabalik ako sa aking katinuan. 

"Psh, pake mo ba." naiinis kong sabi kaya tumayo ako sa aking upuan at iniwan siya dun. Kainis yung lalaking yun, bakit niya pa sinabi yun kaya tuloy napatingin si Kevin sa amin at halatang nagseselos. 

Nang makalayo-layo na ako sa kanya, naisipan kong lumabas at umupo sa hagdan. Dami kong naalala sa spot na to dahil ito yung tamabayan naming dalawa. Dito kami nagrereview tuwing may quiz at exam, nag-away at nag-bati na rin kami dito, at higit sa lahat, dito kami nagkaaminan ng aming damdamin. Si Louis yung pinakamatagal na nanligaw sa akin at akala ng iba ay magjowa kami ngunit hindi pa pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay ni-reject ko siya. 

"Joke lang yun ano ka ba." seryosong boses niya kaya pinunas ko ang aking luha ng palihim para hindi niya mahalata na nagbabalik tanaw ako ng aming memories. Iniiwasan ko ang mga tingin niya sa akin habang naghahanap siya ng magandang pwesto sa tabi ko. Bwiset, naiiyak nanaman ako. Kailangan ko talagang sabihin na sa kanya ang totoo para makalaya ako sa nakaraan kahit kaunti. 

"Naistorbo ba kita?" napatingin ako sa kanya at kusang tumulo ang aking mga luha dahil namiss ko siya ng sobra pero nasaktan ko siya kaya hindi niya ako deserve na maging jowa. Naiinis ako sa sarili ko dahil nireject ko siya. 

"Bakit ka umiiyak?" natatarantang sabi niya sa akin kaya yinakap na lang ako para walang makakita na umiiyak ako. Hinaplos niya ang aking likod ng dahan-dahan dahil alam niya kung papaano ako patahanin. 

"Ilabas mo lang lahat ng nasa iyong puso, my baby lo." malambing na sabi niya sa akin kaya mas lalo akong naiyak kasi napaka-selfless niyang tao. 

Sa loob ng  pitong buwan na niligawan niya ako, nagpapasalamat ako kay God dahil may taong nakakaintindi sa akin at papatawanin ako sa aking mga pinagdadaanan. Ginawa ko yun sa kanya kasi nalaman ko lang lately na hindi pa ako ready ma-inlove at magkajowa. 

 God, bakit pinatagal mo pa kami ni Louis kung ganito lang naman mararamdaman ko? Bakit sa taong nakakaintindi, nakakaunawa, at may respeto ko pa ginawa yun? Napaka-walang hiya ko talaga. 

"Okay lang ako, my baby lo." malambing na sabi niya pero alam ko may halong kirot pa sa kanyang puso dahil wala pa akong maibigay na sapat na rason kung bakit ganun ang ginawa ko sa kanya. 

"Sorry, Louis kung nasaktan kita.." naiiyak kong sabi at kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya. 

"Shhh, parehas tayong nagkamali. Sorry kung feeling mo napressure kita sa mga panahong nililigawan kita at kung nabubully ka dahil minahal mo ako tulad ko. Nagpatong-patong rin problema ko sa bahay kaya mas lalo kang bumitaw sa aking piling at nakuha ng iba. Hindi ako naging responsable sa aking mga nagawa noon at hinayaan kitang makawala sa akin. Naabutan pa ako ng science teacher nating nagwawala sa classroom natin dahil wala akong makapitan kasi nawala ka sa akin at ang daming problema sa bahay. Hindi kita sinisisi sa desisyon mo dahil nagkamali rin ako sa atin. Buti nga hindi naging issue ang problema natin sa grupo natin at muntikan na rin tayong mabuwag dahil sa akin. Sorry kung nasaktan kita, Adalia. Sana mas iniintindi kita ng husto at nagpakalma." seryosong pagtatapat ng kanyang nararamdaman sa aming nangyari. 

"Ni-reject kita dahil..." kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung ano magiging reaksyon niya sa mga sasabihin ko. 

"Dahil? sabihin mo na ang totoo kasi para wala na madamay. Nadamay pa sina Felix at Sam eh noon." seryosong sabi niya sa akin. Okay, sasabihin ko na. 

"Dahil naguguluhan ako sa feelings ko. Hindi ko matukoy kung totoo ba yung nararamdaman ko sayo kasi nagugustuhan ko yung ideya na mainlove at mali yon. Hindi ko naranasan kasi taong nagmamahal sa akin since iba ang binibigay ni Tyrone sa akin nun na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin. Natauhan ako nung may nagsabi sa akin na mas maganda yung feeling na may taong nagmamahal sayo kesa sa magustuhan mo yung ideya na mainlove. Sinaktan ako ni Tyrone ng sobra kaya naapektuhan ang feelings ko kasi natatakot akong mag-commit sa atin. Sorry kung ganito yung nararamdaman ko. Sorry kung umabot pa tayo sa ganito. Hindi ko sinasadya na ganito yung mangyari sa atin. Naiintindihan ko kung bakit ka nasasaktan ngayon at kung bakit ganyan yung reaksyon mo sa akin. Kilala kita kaya alam ko na nasasaktan ka at nanalangin na sana tayo pa rin pero ngayon, parehas tayong broken. Yung sa amin ni Kevin? labas ka dun. Wala kami ni Kevin. Umamin siya sa akin pero kilala mo naman ako na natauhan ako sa pagrereject ng tao kaya sinabi ko din sa kanya na gusto ko siya. Ayun nililigawan niya din ako pero tatlong araw pa lang naman. Natakot kasi na akong magreject ng tao dahil sa nangyari sa atin baka lumala rin. Sorry if nasasaktan kita dahil sa mga desisyon ko, pati rin ako ay hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkakaganito eh. Sorry talaga, Louis..." seryoso ako nung una pero napapaiyak ako kasi sinasaktan ko nanaman siya. 

"Okay lang, Adalia. Mahal kita at naiintindihan kita. Parehas tayong nagkamali kasi nadala tayo sa ating mga damdamin. Pwede ba tayo maging magkaibigan? Alam kong hindi tayo mababalik sa dati pero sana kahit yun lang ay maibigay mo sa akin." naluluha niyang sabi sa akin kaya napaluha na rin ako. 

"Sige pero pwede ba after graduation ay huwag muna tayong mag-usap or mag-interact para humilom muna tayo sa isat isa? Ichchat kita kapag okay na ako na maging kaibigan kita. Sana makahanap ka ng babaeng mamahalin mo ng sobra at alagaan mo siya ha? Huwag kang padalos-dalos baka mabitawan mo siya." naiiyak kong sabi sa kanya at niyakap siya sa huling pagkakataon. 

"Sige, nirerespeto ko ang iyong desisyon. Nandito lang ako para sayo at may panagrap pa tayo na maging CPA. Hihintayin ko ang pangalan mo dun ah at sana makahanap ka ng taong mamahalin ka ng sobra." napahigpit ang yakap niya sa akin kasi umiiyak siya ng sobra na parang ba na ayaw niya akong pakawalain. 

Ako na yung unang kumalas sa aming yakap baka mahuli kaming nagyayakapan at ayaw pa ng aming paaralan na may Public Display of Affection. Nagulat kaming dalawa ni Louis ng may magsalita sa gilid namin. 

"Adalia? Louis? Anong ginagawa niyo dyan at bakit nagiiyakan kayo?" seryosong sabi ni Brannon sa aming dalawa. Oh shocks! 

"Nagheart to heart talk ba kayo?" tanong niya ulit sa aming dalawa pero nakaramdam siya kaya binigyan niya kami ng space at pumasok na lang sa CR. 

"Maghilamos na tayo para hindi mahalata na nag-iyakan tayo dito." natatawang sabi ko kay Louis kaya tumayo na kaming dalawa sa aming inuupuan at pumasok na sa CR. 


One week later.

"Kevin! Kevin! Sandali!" hinihingal kong sigaw habang palayo ng palayo ang agwat naming dalawa ni Kevin. Binigla niya ako sa kanyang mensahe sa text kaya gusto kong pakinggan ang rason niya kung bakit tinigil niya ang panliligaw sa akin. Ang bilis ng pangyayari sa buhay ko ngayon at namamanhid na ang aking puso pero bakit naghihintay pa rin ako ng magandang rason niya? 

Now, taste your own medicine!

Wala akong pake kung masagasaan ako dito pero kailangan ko makuha yung rason niya kasi sinabi niya lang sa akin na "Ayoko na. Hindi na kita liligawan dahil iba ang paaralan natin at strict ang parents mo." Naguluhan din ang mga kaibigan kong sina Sam at Felix dahil hindi makatarungan yung sinabi niya sa akin at alam namin na may iba pa siyang rason kung bakit niya ginawa yon sa akin. 

Padalos-dalos akong tumatawid dito sa kalsada ngunit may pangyayaring hindi ko inaasahan... 

"Mahal ko kayong lahat." 


Louis' POV

Nakita ko si Adalia na kasama ang kanyang mga kaibigan at masayang nagtatawanan. Mas gumaganda ka kapag naka-ngiti Adalia kaya kahit hindi ako ang rason sa pagtawa at pagngiti mo, okay lang dahil masaya akong minamahal kita sa malayo. Nataranta ako na nakita kong nagmamadaling lumabas si Adalia sa cafe at napansin ko na hinahabol niya si Kevin. 

Ang sakit sobra.

Makaalis na ako dito sa lugar na to kasi naluluha nanaman ako. Gusto ko sanang gumamit ng computer shop kasama sina Andrew, Jay, at Jake kaso busy naman sila kaya maglalakad na lang ako. 

Sa wakas, nakalayo-layo na rin ako sa lugar kung nasan si Adalia at Kevin ngayon pero nandito naman ako sa pinaka-paborito naming lugar. Minamalas ako ngayon kainis. Dito ako umamin kay Adalia at unang lunch namin na magkasama. Ang saya namin dito noon at ang dami naming nasabi sa isat isa kaya napamahal ako sa kanya. 

Naiintindihan ko naman kung bakit ganun ang nangyari sa amin at nagkamali rin naman ako sa aking ginawa. Hindi ko macontrol ng mabuti ang aking nararamadaman lalo na't kapag nagpatong-patong ang mga ito. 

Lord, bakit nasasaktan pa rin ako kahit isang buwan na nakalipas simula nung ni-reject niya ako? Kahit alam ko naman ang tunay na rason, bakit mas dumodoble ang sakit na nararamdaman ko? Pwede pa kaya kami o hindi na?

Sabagay, nandyan naman si Kevin para pasayahin ka pero masaya ka ba sa kanya? 

Nagulat ako ng may tumatawag sa aking telepono. Oh bakit tumatawag si Sam sa akin? Himala ah. Sinagot ko yun at naguguluhan ako dahil mas nauna ang hikbi niya kesa magsalita. May nangyari ba? 

"Hello Sam? Bakit ka umiiyak? May nangyari ba?" kalmadong sabi ko at baka mataranta siya kahit naguguluhan ako sa nangyayari. 

"S-si A-adalia... n-nnasagasaan ng k-kotse." nahihirapang sabi ni Sam kaya napatulala ako sa kawalan ng saglit pero napabalik ako sa aking katinuan ng marinig ko boses ni Felix. 

"Louis, puntahan mo bahay nila Adalia. Inform mo mommy niya or kung sino man dun kasi sinugod namin siya sa ospital ngayon. Papunta na kami dun. Palowbat na telepono ni Adalia kaya ibigay mo na lang number ko kay Tita. Thank you." seryosong sabi ni Felix sa kabilang linya at mabilisan kong binaba yon kasi kailangan kong tumakbo papunta sa bahay nila. 

Limang minuto ang nakalipas at nakarating na ako sa bahay nila kasi matataranta sila kung bakit hindi pa nakakauwi sa ganitong oras si Adalia. Nag-compose ako ng aking sarili at pinindot ang doorbell. 

"Hi po Tita." seryoso kong sabi at pinilit kong ngumiti. 

"Hello, nakita mo ba si Adalia? kasama mo ba siya? hindi siya sumasagot ng kanyang telepono eh." natatarantang tugon ni Tita sa akin. 

"Tita, huwag po kayong magulat pero nasagasaan po siya kanina dyan sa gumamela street." kinakabahang paliwanag ko kasi kilala ko si Tita at mabilis siyang mataranta. 

"Sino nagsugod sa kanya? Anong ospital?" nag-alaalang sabi niya sa akin. 

"Sina Felix at Sam po ang nagsugod po sa kanya sa Smile Hospital po sa may lotus street po." seryosong sabi ko sa kanya. 

Anong nangyari sayo, Adalia? Isang buwan na lang ay graduation na. 

"Sige, iready lang namin gamit niya at samahan mo ako pumunta dun." kalmadong sabi niya sa akin. 

Pagkatapos ng sampung minuto ay paalis na kami sa bahay nila at sumakay ako sa kotse nila. Kinakabahan ako kung ano nangyari kay Adalia. Mawawala ba yung mga memorya niya? Makakagraduate ba siya on time? Hindi bale, one month preparation naman ang graduation namin at tapos naman na yung exams namin. May isang linggo kaming pahinga at dalawang linggo para sa paghahanda. 

Nakarating na kami sa Smile Hospital at nakita namin sina Sam at Felix na nasa labas ng operating room. 

"Sam. Felix." kalmadong bati ko sa kanila kaya napatayo at nilapitan namin sila. 

"Musta si Adalia? May balita na ba? Anong nangyari bakit humantong sa ganito?" naiiyak na sabi ni Tita sa kanilang dalawa. 

"Sinuri lang po si Adalia sa ER po kanina tas biglang sinugod po siya sa OR kasi lumalala po yung vitals niya po. Nasa cafe lang po kaming tatlo at bigla na lang po siyang lumabas na may hinahabol po. Sinundan po namin siya at tinatawag po ang kanyang pangalan ngunit hindi po siya nakikinig sa amin." seryosong paliwanag ni Felix kay Tita. 

"Sino hinahabol niya?" kalmadong tanong ni Tita sa kanilang dalawa.

 "Si Kevin po." kinakabahang sagot ni Sam. 

"Okay lang yan, Sam. concern lang si Tita." pabulong na sabi ko sa kanya. 

"Bakit niya hinahabol si Kevin?" naguguluhang tanong ni TIta ulit sa kanila. 

"May kasalanan po kasi siyang ginawa kay Adalia pero kusa pong hinabol ni Adalia si Kevin kaya nagulat rin po kami nun." si Felix na sumagot kay Tita kasi kinakabahan talaga si Sam. 

"Okay, thank you sa inyong dalawa. Umuwi na kayo at ako na bahala dito. Louis, ikaw na bahala sa kanila. Salamat." kalmadong paalala ni Tita sa amin. 

"Ingat po kayo Tita." mahina naming sinabi kasi hindi pa rin nagsisink in ang lahat ng nangyayari sa amin, lalo na kay Adalia. 

Adalia, you do not deserve him. Pangako kapag pinagtagpo ulit tayo, aalagaan kita.

*********************

Author's Note: 

Very unexpected! HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA. I hope that you are all doing well and please do not forget to register at your nearest COMELEC for PH's Elections next year. I'll try to upload the next chapter next week if I am not too busy.

Stay safe and God bless!

Do not forget to cast your vote if you like this chapter!

-CG 

Seguir leyendo

También te gustarán

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...