PINKY PROMISE |√

By Shnn_m

1.7K 610 34

Pinky Promise [Completed] Ikaw yung tao pumasok sa buhay ko na ayaw ko ng umalis pero, pano kung isang araw d... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGTHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTYONE
CHAPTER TWENTYTWO
CHAPTER TWENTYTHREE
ATHOUR NOTES

CHAPTER SIX

54 29 2
By Shnn_m

Talia's Pov

Kinagabihan sabay-sabay kame nila Mama na kumakakain, wala si Papa ngayon kasi nasa trabaho pa. Bukas pa ang uwi niya.

Nang matapos. Si Alexis ang naghugas ng pinagkainan namin, ako naman umakyat na sa taas para naman makapag-linis na. Pagkatapos ko nagbihis lang ako ng terno panjama.

Matutulog na sana ako kaso di ako dinadaan ng antok, kanina pa ako likot ng likot dito sa higaan ko para ako'ng bulate na nilagyan ng asin.

Hanggang sa inagaw ng atensiyon ko ang cellphone ko na nakalagay sa ibabaw ng study table ko. Tumayo naman ako para kunin yun.

Nang makuha ko na, dumaritso agad sa pagpindot ng Facebook yung mga kamay ko. May sarili yata'ng isip ang nga kamay ko kaya napindot agad.

Pero teka ano nga ba ang ginagawa ko sa Facebook. Wala naman ako'ng gagawin dito. Nag-iisip ako ng pwede ko'ng gawin ng biglang sumagi sa isip ko yung pangala'ng Fatima kanina sa cellphone ni Jayden.

Agad ko nama'ng sinerch yung pangalan na yun pero ang daming lumabas na picture, isa na dun yun babae'ng model. Eto kaya yung Fatima na natawag sa kanya kanina, pero syempre di ko pinindot yung picture baka hindi. Pati di ko alam ang apelido nung babae.

Binura ko na yung pangalan nung Fatima. Yung kay Jayden naman ang sinerch ko baka naman makita ko dito yung Fatima na tumawag sa kanya.

Pagkaserch ko lumabas agad yung mga kapangalan ni Jayden pero nakita ko kaagad yung sa boyfriend ko talaga. Wala naman ako'ng makita, pero may isang picture ng babae ang umagaw sa atensiyon ko.

Yung kanina'ng Model na babae'ng nakita ko Friend niya, baka naman eto talaga ang Fatima'ng tumawag sa kanya kanina. Pipindutin ko na sana yung profile nung babae para makita ko kung sino yung kasama niya'ng lalaki kaso biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

Tumayo ako para mabuksan yung pinto. Pagbukas ko bumungad sakin yun kapatid ko na para'ng gusto na din matulog pero di makatulog.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Si ate Aubrey at ate Briella nasa baba. Hinahanap ka." Sabi niya.

"Huh, bat naman nandito sila?" Tanong ko pa.

"Aba malay ko. Babain mo na nasa baba sila."

Tumango lang ako at binuksan na ng malaki ang pintuan para naman makalabas ako. Pagbaba ko nakita ko nga'ng nasa sala sila kausap si Mama.

"Goodevening tita!" Bati nila kay Mama.

"Goodevening naman mga hija. Gabi na ah andito pa kayo?!" Tanong ni Mama.

"Ma, ako na bahala sa kanila." Sabi ko.

"Osige, sarado mo yung pinto pag-matutulog ka na huh, ilock mo." Bilin pa niya.

"Yes Ma."

Tumabi naman ako sa mga kaibigan ko na nakatingin sakin. Saka naman umakyat si Mama sa kwarto nila ni Papa.

"Oo nga naman gabi na saka kayo nagpunta." Sabi ko.

"Kasi naman sabi ni Henry nag-away daw kayo ni Jayden." Sabi niya. "Totoo ba yun?" Tanong ni Aubrey.

"Hindi, ano lang onting Selos lang para kay Jayden. Kasi naman yung lalaking nakausap ko nung Intrams kasamahan pala ni Papa yung Daddy sa trabaho." Paliwanag ko pa.

"May nakilala kang lalaki nung Intrams tapos di mo sinabe samin." Sabi pa ni Briella.

Para naman di unfair kinwento ko sa kanila yung nangyari nung intrams kung pano ko nakilala yung lalaking damuho na yun na balak pa yata'ng sirain yung Love Life ko.

Pati yung nangyari kanina. Sabay naman sila nagreact kung anong ginawa ni Jayden sakin nung nakita niya'ng may kausap ako'ng lalaki.

"Buti na lang ganon ang sinabe mo, sana naman matauhan na siya na may boyfriend ka na." Sabi ni Aubrey.

"Sana nga." Sabi ko.

Wala na kame'ng napagkwentuhan ng biglang pumasok sa isip ko na magtanong kung kilala nila yung Fatima na tumatawag kay Jayden kanina.

"Aubrey." Tawag ko.

"Oh bakit?." Sagot niya.

"Diba sabi mo matagal na mag-kakaibigan si Jayden, Henry at Tyler?" Tanong ko.

"Oo bakit, since kinder daw. Sabi ni Henry." Sabi pa niya.

"May nasasabi ba si Henry sayo na tungkol kay Fatima?" Tanong ko.

"Wala naman. Pero teka sino yang Fatima na yan?" Tanong niya.

Kinewento ko naman sa kanila yung nangyari kanina nung tumatawag ang Fatima na yun, kasi hanggang kanina pa ako binabagabag talaga.

"Yun naman pala eh, kaibigan lang ni Jayden sa States malay mo totoo." Sabi ni Briella.

"Eh pano kung hindi, edi ako ang kawawa."

"Eh ano ba'ng punto mo dito, Talia?" Tanong ni Aubrey.

"Ang punto ko bat, di siya makatingin sa mga mata ko ng sabihin niya na kaibigan niya lang yung babae na yun. Malay ko bang Girlfriend niya yun o Asawa, edi ako pa ang nagmuka'ng kabet." Sabi ko. Hinimas naman ni Briella ang likod ko kasi siya ang katabi ko. "Pati ramdam ko na may iba pang ibig sabihin yung babae na yun kaya tumawag." Sabi ko pa.

"Sigi itatry kong magtanong kay Henry." Sabi ni Aubrey.

"Ako din, kay Tyler." Sabi din ni Briella.

Nginitian ko sila sa mga suggest nila, buti kahit papano may mga kaibigan ako na dadamayan ako kahit saan. Sana lang may makuha sila'ng sagot sa Dalawa nilang Boyfriend.

Di rin nagtagal umalis na sila kasi anong oras na, ang tagal pa naman dumaan ng Taxi ng ganitong oras, mga wala pa pala'ng dala'ng kotse tong dalawa'ng to.

Ako naman nilock ko lang yung pinto at umakyat na, itutuloy ko na sana yung pagtingin ko ng profile nung Fatima pero naakit na agad ako ng antok. Kaya nakatulog na din ako.

**********

Nandito kame'ng magkakaibigan sa cafeteria kame lang nila Aubrey,ako,Briella at Tyler. May pinuntahan kasi sila Jayden at Henry pero di nila sinabe kung saan. Pinilit ko si Jayden na sabihin sakin pero mamaya na daw, pag-balik niya.

Kaya naman di sumama si Tyler tinatamad daw siya pero di niya alam kung saan naman pupunta yung dalawa, di pa nga sinasabe nung dalawa kung saan sila pupunta ang sagot niya 'tinatamad ako' kaya ayun naiwan siya.

Pati si Jayden ang sumundo sakin sa bahay kanina, kasabay ko din yung kapatid ko kasi wala si Papa walang maghahatid sa kanya, yung boyfriend naman niya nasa states na bumalik na kasama daw yung ate don, kaya lang naman umuwi yon gawa ng monthsary nila ng kapatid ko. Kaya ngayon balik LDR sila'ng dalawa.

Medyo na awa ako sa kapatid ko. Pano kung isang araw si Jayden naman ang umalis di na magpakita. Baka di ko na kayanin yon. Pero syempre di ko siya papayagan.

Nagiimagine ako ng bigla ako'ng kuhitin ni Aubrey at tinuturo sila Briella at Tyler. Yun pala nagtatanong na si Briella tungkol don sa tanong ko kagabi.

"Love, pwede ba ako magtanong?" Tanong ni Briella kay Tyler. Syempre kame'ng dalawa ni Aubrey kunyari busy para di mahalata ni Tyler na nakikinig kame.

"Tungkol saan love?" - Tyler.

"Tungkol kay Jayden sana."

"Oh ano yun sa kanya, wag mong sabihin na may gusto ka don." Sabi pa niya kaya naman umangat yung ulo ko at tumingin kay Tyler, nakatingin din naman siya sakin.

"Hindi. Tatanong ko lang sana kung may pinakilala sayo si Jayden na Fatima ang pangalan?" Tanong ni Briella.

Si Tyler naman halata'ng humahanap ng sasabihin dahil bubuka na sana ang bibig niya pero wala'ng lumalabas ng salita.

Tas humarap pa siya sakin tinitignan niya yata ako kung ano'ng reaction ang makikita sa muka ko pero alam kong di naman niya makikita kasi nakayuko ako.

"Ahh, kasi love wala na ako'ng alam don. Oo sa states pa lang magkakilala na kame'ng tatlo pero, sa Family na kasi yon private na. Fatima, wala ako'ng naririnig na ganyan pangalan sa bibig ni Jayden, para ngayon pa lang." Sabi ni Tyler.

Tinaas ko yung ulo ko para makita yung reaction sa muka ni Tyler. Napansin ko din na katulad siya ni Jayden na naiilang at ayaw tumingin sa mga mata ng kausap pag si Fatima na yung topic.

Di naman na namin na tuloy yung mga itatanong namin, dahil biglang dumating yung dalawa. Agad nama'ng tumabi sakin si Jayden at ganun din si Henry kay Aubrey. Hinalikan muna ako ni Jayden sa pisngi bago umupo. Pati may dala sila'ng donut.

"Dhie, san nga pala kayo galing?" Tanong ko. Sabay kagat sa kapit kong donut.

"Sa bahay lang, Mhie." Sabi niya, habang nag-pupunas ng pawis.

"Anong ginawa niyo don?" Tanong naman ni Aubrey kay Henry na nakain din.

"May chineck lang kame." Sagot niya pero di siya makatingan sa mga mata ni Aubrey.

"Ahh ganon. Anong chineck niyo?" Tanong pa ni Briella.

"Ano lang naligaw na tao sa bahay nila." Sabi pa ni Henry.

Tumango-tango naman kame'ng mga babae wala na talaga'ng ibang laman ang utak ko kung di ang Fatima na yan. Tinuloy ko na lang yung pagkain ko ng biglang may tumabi sa upuan ko.

Tumabi lang naman sa upuan ko yung kapatid ko na ang saya-saya ng muka, pero LDR sila ng boyfriend kaya naman nagtanong na ako sa kanya.

"Bakit ang saya-saya mo?" Tanong ko. Lahat naman kame nakaharap sa kanay.

"Ate... Babalik na daw si John sa Pilipinas kasama yung ate niya." Sabi niya. Sabay yakap pa sa akin.

"Di nga." Sabi ko ng di pa nakakapaniwala, kasi kakauwi lang niya nung isang linggo tas ngayon uuwi na naman.

"Yes, ate totoo... Yung ate daw niya kasi andito sa Pilinas yung fiance at gusto niya'ng sumama para makita ako at dito na rin siya papasok. Diba ang bait ni tadhanan sakin." Sabi pa niya.

"Teka ano'ng pangalan ng boyfriend mo, marami kasi ako'ng kilalang John?" Tanong pa ni Henry.

"Si John, Alfie Garcia." Sabi ng kapatid ko.

Bigla naman kame'ng nagulat ng biglang nabuga ni Henry yung iniinom niya'ng coke. Nagtaka naman kame bigla sa ikinilos niya.

"Di ka nagbibiro?" Tanong pa ni Tyler.

"Yes, wala nama'ng masama kung magiging boyfriend ko siya." Sabi pa ng kapatid ko.

"Anong pangalan ng ate niya?" Tanong ni Briella.

"Alara lang ang alam ko ate. Yun lang kasi ang laging sinasabe sakin ni John pag kinikwento niya yung ate niya. Model kasi ang ate niya sa US." Kwento pa ni Alexis.

"So, may name pa siya sa una. Kasi kung alara lang baka meron pa ano, so pagbuo Alara Garcia." Sabi pa ni Aubrey.

"Oo ate. Tatanong ko kay John pag-tumawag na." Sabi ni Alexis.

Siya nama'ng biglang Ring ng cellphone ng kapatid ko. Kaya naman agad niya'ng sinagot kame nama'ng tatlo magkakaibigan nagpunta muna'ng C.R.

"Guys, nakita niyo ba yung reaction ni Tyler nung tinatanong natin siya?" Tanong ni Briella.

"Oo naman." Sabay nami'ng sabi ni Aubrey.

"Para'ng may mali ie. Para'ng may alam siya pero ayaw niya'ng sabihin." Dagdag pa ni Aubrey.

"Kaya nga dapat may malaman tayo. Pati yung problema ni Henry sa pangalan ng boyfriend ng kapatid ko. Bakit kaya naging ganon yung reaction niya?" Tanong ko pa.

Nagkatinginan kami'ng magkakaibigan. Bago namin maisipan na bumalik sa Cafeteria, napansin pa namin na nag-uusap-usap din yung mga boy's pero wala don yung kapatid ko.

Tumigil lang sila ng makita nila kame na paparating na. Naupo na kame ng saka dumating yung kapatid ko na masaya ang muka may nakuha na naman yata na balita.

"Ate una na pala ako sayo umuwi susunduin ko si John sa airport bye!" Paalam niya sabay halik sa pisngi ko.

"Sigi mag-ingat ko. Pati gusto ko mameet yung ate niya sa isang linggo, pakisabi na lang." Sigaw ko pa sa kanya kasi palayo na siya. Nag-iba naman ang aura nung sinabe ko'ng mameet. Mood yata ni Jayden yung nag-iba.

May bigla pang sinigaw yung kapatid kong pangalan pero di ko naintindihan, ang naintindihan ko lang ay...

"Ate ang pangalan pala ng ate ni John, ate..." Di ko masyado narinig yung banda sa pangalan kasi biglang may sumigaw na lalaki.

Kaya naman nagtanong ako sa mga kaibigan ko pati na rin dun sa mga lalaki na kasama namin pero parang may mali sa kanila.

"Ano'ng pangalan daw?" Tanong ko sa mga kaibigan ko.

"Francescha." Sabi nilang dalawa.

"Ikaw?" Tanong ko kay Tyler.

"A-ako ano, Francescha din." Sabi niya medyo na bubulol parin.

"Oo tama, Francescha nga." Sabi pa ni Henry, habang pasulyap-sulyap kay Jayden na nasa tabi ko.

"So ang totoo'ng pangalan ng ate ni John is, Francescha, Alara Garcia." Sabi ni Aubrey.

"Wow ang ganda. Pero wala naman ako'ng kilala'ng ganya'ng pangalan sa mga Model ng US." Sabi ni Briella.

Tama siya kahit ako wala'ng kilala, pero atleast alam ko na diba. Nang matapos kame kumain bumalik na din kame sa Room para sa next class.

PINKY PROMISE.

Continue Reading

You'll Also Like

858 127 28
Agent Leo is a very known Secret Agent in her generation. Marami siyang natagumpayan na misyon at hindi maikakaila na magaling siya sa larangan na pi...
708K 2K 50
πŸ”žπŸ”žπŸ”ž warning sex!! you can cancel if you don't like it.This is only for the guys who have sensitive desire in sex.πŸ”žπŸ”ž
2.2M 71.2K 54
I pushed him with as much force as I could which made him stumble slightly but he succeeded in maintaining his balance and escaped from falling. That...