Lascivious Series #4: Fumble...

By sachtych

487K 10K 499

Eos Carisa Amaro and Zechariah Lambourne's Story "Do you really want me that much?" tanong nito habang naglal... More

Hedone
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Hedone's Note
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 20

9.1K 223 30
By sachtych

Kinabukasan ay ramdam ko ang pamumugto ng mga mata ko. Ayaw ko sanang pumasok dahil bukod sa medyo masama ang pakiramdam ko, mabigat din ang loob ko sa nalaman ko kahapon.

Pero kailangan kong magpatuloy dahil ayoko naman na hanggang sa mga huling araw ko sa kompanya eh mas lalo pa na hindi maging maganda ang tingin sa akin ng mga tao.

Bagsak ang mga balikat na naglalakad ako papunta sa sakayan nang may bumusina sa gilid ko kaya napatigil ako sa paglalakad at tinignan iyon.

Nagbaba ng salamin ang sakay nito at agad kong namukhaan ang sakay nito.

"Eos! Tara sumabay ka na sa amin. Papasok ka na ba sa trabaho?" tanong sa akin ni Pia at nakita ko ang pagsilip ng iba pang kasama niya sa loob.

Nahiya ako bigla at nanliit sa itsura ko ngayon. Paniguradong halata sa itsura ko ang pagod kahit umaga pa lang.

"Naku, huwag na po nakakahiya." tanggi ko at hinigpitan ang hawak sa tangkay ng backpack ko.

Bigla niyang binuksan ang pinto ng van at hinatak ako papasok. Binati naman ako ng mga kasama niya. Iyong iba ay pamilyar sa akin pero may tatlong babae pa na ngayon ko lang nakita.

Biglang naglahad ng kamay sa harap ko iyong isang babae na singkit at may dimples.

"Hello, ako nga pala si Cholita. Ang dami kong naririnig tungkol sa'yo, girl. Totoo pala na may anghel na nakatapat ang demonyong si Zel." humagikgik pa siya at natawa na din silang lahat.

Naglahad din ng kamay iyong babaeng mukhang manika. Blonde ang buhok niya at kulay abo ang mga mata.

"Hi! I'm Cinnamon. Sister-in-law ako ni Ate Xiara." nakangiti siya sa akin at hindi ko maiwasang mamangha sa ganda niya.

"Ate Eos! I'll introduce this badass bitch na lang since hindi naman palasalita ang isang 'to. She's Everleigh, my bestfriend." pakilala ni Liona. Kinawayan ako ng babae at nginitian ako.

"Hello po sa inyong lahat. Pasensya na at naabala ko pa ata kayo. May lakad ata kayo at ito isasabay niyo pa ako. Sorry talaga." napakamot ako sa batok ko at nag-iwas ng tingin.

"You don't have to say sorry, Eos. Hindi ka naman na iba sa amin. After all, you can consider us as your friends." sabi ni Yell at hinawi ang buhok niya.

Kaibigan? Sila? Malabo ata na mangyari iyon kahit sa panaginip ko. Hindi na lang ako umimik at ngumiti na lang sa kanya.

Napalabi siya at nanlaki ang mga mata.

"Don't you want us ba to be your friend?! OMG! Sorry! We are not forcing you naman eh, we just thought that it's fine with you." sabi niya kaya nataranta ako at umiling ng mabilis.

"Naku! Okay lang naman po na maging kaibigan ko kayo ang kaso hindi naman po bagay na makitang kasama niyo ako. Kilala po kayo mga tao at hindi po magugustuhan ng mga taong makita ako na kasama kayo." sabi ko sa kanila at halos hindi ko na naisip mabuti kung ano ang sasabihin ko.

"Bakit iniisip mo ang iisipin ng ibang tao? Wala silang pakielam kung sino ang gusto mo maging kaibigan at kung sino man ang gusto namin maging kaibigan. Hindi importante ang opinyon ng ibang tao kung paano ka dapat mabuhay at kumilos. Walang kahit sino ang pwede na lang magdikta sa kung ano dapat ang gawin o maramdaman mo. We are not anyone's puppet here." sabi ni Pia at kita ko ang pagkunot ng noo niya.

Napatahimik ako. Totoo naman ang sinabi niya.

"It's the same thing with your relationship." sabi naman ni Xiara at kita ko ang maaamo niyang mga mukha pero may pinahihiwatig ang mga tingin niya.

"We all know naman kung anong ginawa ni Tito Zandie sa'yo pero wala pa din nagsasabi kay Zel. Tito is not bad naman talaga, but I think he really wants to force Zel to marry his ex-girlfriend since ang santa santitang babae lang naman na iyon ang iniharap niya sa pamilya niya noon." sabi ni Yell at kita ko ang pagkairita sa mukha niya.

"Oh gosh! I hate that girl! Hindi ko makakalimutan na tinapunan niya ng wine iyong bago kong Louis Vuitton noong girlfriend pa siya ni Kuya Zel! Tapos ako pa ang inaway ni Kuya!" tili ni Liona kaya hinatak ng kaibigan niya ang buhok niya.

"You bitch! How dare you?!" singhal ni Liona sa kaibigan niyang si Everleigh pero nginisian lang siya ng babae. Napailing na lang sila at parang sanay na sa eksenang iyon.

"Mabalik tayo sa'yo, Eos. We all know that there's something special between you and Zel pero nasa in denial stage pa kayo. Ang sa amin lang naman, you shouldn't just say Yes na lang palagi." sabi ni Yell at tumango naman silang lahat.

Napabuntong hininga ako at isa-isa silang tinignan.

"Aaminin ko. Gusto ko si Zel pero hindi sapat iyon na basehan para lang hindi ako sumunod sa gusto ng tatay niya. Wala naman din kaming relasyon ni Zel eh. Komplikado lang ang naging relasyon namin at matagal na din naman simula noong putulin namin iyon. Wala din naman sapat na dahilan ang tatay niya para paghiwalayin kami ng anak niya kasi walang kami ni Zel." mahabang paliwanag ko kahit parang paulit-ulit lang naman iyon.

Natahimik silang lahat at para bang malalim ang iniisip.

"Bakit sapul ako doon?" biglang wika ni Everleigh kaya napatingin kami sa kanya.

"Hindi naman kayo pinaghihiwalay ni Tito Dion ha? Boto nga sila sa'yo eh." nakangising wika ni Liona at kinurot nito ang kaibigan.

"Walang kami. Asa ka pa sa manhid na iyon." nag-iwas ng tingin si Everleigh.

"Don't worry, Eos. I'm sure naman kikilos ang mokong naming kaibigan soon. We like you to be our amiga, not that evil girl." irap ni Yell.

Napabuntong hininga ako. Ilang sandali lang din ay nakarating na kami sa tapat ng building.

"Salamat sa pagsabay sa akin. Pasensya na ulit sa abala."

"Ano ka ba, girl. Wala yun 'no. You can always count on us. Before I forget, can you give me your number? Sama ka sa amin this Friday, kung gusto mo lang naman." sabi ni Pia at inabot sa akin iyong phone niya.

"Ah sige, ok lang naman kaso 6pm pa ang out ko eh."

"Don't worry, we can wait for you since wala naman kaming ibang gagawin." sabi ni Xiara at nginitian ako.

"Sige, salamat ulit ha." pagkababa ko ay hinintay ko muna sila makaalis bago ako pumasok sa building.

Kaka-scan ko pa lang ng ID ko pero nakita ko na agad ang mga tao sa paligid ko na nagbubulungan habang nakatingin sa akin.

Naiilang ako at hindi ako mapakali kaya nagmamadali akong pumunta sa locker area. Papasok pa lang ako pero agad akong sinalubong ng mga kaibigan ko at bakas ang pag-aalala sa mukha nila.

"Bakit?" tanong ko sa kanila pero agad nila akong hinatak papunta sa CR at ni-lock iyon.

"Girl! Usap-usapan ka sa buong opisina! May nagkalat na mga mahadera tungkol sa pagkatanggal mo sa trabaho at pinagkalat na nilalandi mo daw si Sir Zel!" gigil na kwento ni Habi.

"Naku! Sinasabi ko sa inyo! Malaman ko lang kung sino iyon, makakatikim talaga sa akin!" gigil na wila ni Adel.

Ramdam ko ang mabilis na pagpintig ng puso ko at ang pagpait ng sikmura ko sa nalaman. Pakiramdam ko ay nanlalata ako sa nangyayari.

Heto na nga ba ang sinasabi ko. Hindi ako magtataka kung isang araw malalaman nila ang lahat.

Napakagat ako sa labi ko at napayuko.

"P-paano kung kumalat din ang tungkol sa trabaho ko noon? Baka madamay pati kayo." nag-aalala kong tanong sa kanila.

Kumunot ang noo nila at nameywang sa harap ko.

"Iyan pa talaga ang inisip mo ha! Jusko, Eos! Intindihin mo ang sarili mo, huwag kami. Kaya namin manapak, ikaw hindi. Umayos ka sinasabi ko sa'yo, hindi na uso magpaapi ngayon!" singhal ni Habi sa akin kaya napangiwi ako.

"May kutob talaga ako na iyong bruha na receptionist ang nagkalat eh! Naku! Makakatikim na talaga ang isang iyon sa akin!" akmang lalabas si Adel ng CR nang pigilan ko siya.

"Ayoko ng gulo. Hayaan na lang natin sila dahil mas lalo lang naman lalala kung papatulan natin sila. Pasok sa kabilang tenga, labas sa kabila. Ganoon na lang siguro hanggang sa huling araw ko sa kompanya." sabi ko sa kanila kaya nakatikim ako ng kurot nila sa akin.

"Eos! Dati naman kahit papaano lumalaban ka, anong nangyari?!"

"Ayoko lang ng gulo, Habi. Mahirap na at malaki ang koneksyon ng kompanya na 'to. Mamaya ay maapektuhan pa ang records ko at hindi ako makapaghanap ng trabaho."

Tinignan nila ako ng malungkot kaya napaiwas ako ng tingin.

"Tara na at kailangan na natin makapagpalit. Malapit na magsimula ang office hours."

Nauna na akong lumabas at mabilis akong napa-preno nang may tao pala sa harap ko.

"Pasensya na po, Ma'am." paumanhin ko at nag-angat ng ulo sa taong kaharap ko.

Tinignan niya ako simula ulo hanggang paa kaya hindi ko maiwasang manliit lalo pa noong taasan niya ako ng kilay.

"So, you're the cheap woman. I wonder kung anong nakita sa'yo ng fiancé ko. You are nothing but a trash." lait niya sa akin.

Parang nagpantig ang tenga ko at gusto kong tabasin ang bibig ng babaeng nasa harap ko.

Siya pala ang ex-girlfriend ni Zel? Napailing ako. Kaya pala.

"Aba'y hindi ko na nga gusto ang hilatsa ng mukha ng babaeng espasol na 'to, pati ang bibig pasmado!" gigil na wika ni Adel kaya pinigilan ko siya.

"Oh! Your cheap friends! No wonder y'all flocks together." panlalait niya kaya halos sugurin na siya ng dalawa kung hindi ko lang napigilan.

"Huwag na lang natin patulan ang isang 'to. Paniguradong naghahanap lang ang babaeng 'to ng gulo para mawalan tayong tatlo ng trabaho. Hindi dapat tayo magpakababa sa matapobreng kawayan na 'to. Tara na."

"How dare you!" akmang sasampalin niya ako nang mabilis ko siyang hawakan sa palapulsuhan.

"Hangga't may natitira pa akong respeto sa'yo bilang tao, huwag mong subukan na ilapat sa akin ang kamay mo. Kaya kong ibalik sa'yo ng triple ang sampal. Baka isugod ka pa sa ospital kapag nabali iyang ilong mong peke." walang emosyon kong sabi bago ko siya talikuran.

"Fiancée iyon ni Sir Zel? Tang ina! Mas maganda pa ako doon!" bulalas ni Habi kaya napailing ako.

Binalewala ko na lang ang mga bulungan at pagpaparinig ng mga tao sa paligid ko. Wala naman akong mapapala sa kanila.

Ako lang din naman ang mapapasama kung papatulan ko sila. Huwag lang talaga sila mangingimi na pagbuhatan ako ng kamay dahil baka hindi ako makatiis at mapigtal na ang natitira kong respeto at pasensya sa kanila.

Maga-ala sais na nang may biglang lumapit sa aking may katandaan ng babae at tinignan ako simula ulo hanggang paa.

"I never knew mahilig sa basura ang son-in-law ko. I should really thank Zandie for kicking you out from their company. Mukha ka na ngang chipipay, gold digger ka pa."

Napangisi ako at napakuyom ang kamao ko. Mag-ina nga silang dalawa. Matapobre.

"Mawalang galang na ho, pero hindi po ba mas basura ang ugali niyo sa ginagawa niyo ngayon?"

"What did you say?! Ganyan ba talaga ang mga walang pinag-aralan?! Disgusting trash!" sigaw niya sa akin kaya nakakaagaw na kami ng atensyon.

"Hindi po ba mas nakakadiri ang ugaling ipinapakita niyo? Ganyan po ba lahat ng may pinag-aralan?" mahinahon pa din ako pero ramdam ko ang galit na namumuo sa loob ko.

Simula kahapon ay hindi na maganda ang timpla ko at lalo pang nadadagdagan dahil sa mga tao sa opisinang ito. Napakamapagmataas. Nakakahiya.

Bago pa siya makapagsalita ay tinalikuran ko na siya pero bago pa ako tuluyang makaalis ay narinig ko pa ang mga binitawan niya salita na lalong nagpabigat sa damdamin ko.

"No wonder you're just a cheap toy to my son-in-law. Mabuti din at tinapos niya na ang pakikipaglaro sa'yo bago pa ang engagement party nila ng anak ko next month. Remember this Ms. Amaro, stop dreaming 'cause you will never be a Lambourne. You can never have Zel no matter what you do and I'll make sure of that."

Continue Reading

You'll Also Like

372K 17.8K 53
[ Iskwala Series #1 ]
4.8K 156 49
(--)"I hate her and I'm loving it." (---) "I love him and I hate it." "Love must not be force. It must be freely given." Some people tryin to force...
10.3K 285 34
DJC Series 3: Minea "Mina" Therese Fille She is the most kindest and nicest person in all the waitress of DJ Cafe. She was always the purest and no o...
265K 5.2K 39
Lucia just wanted a simple and quiet life, but because of her mother's decision everything changed. Will her mother be able to control her when the p...