MISSION 3: Claiming You

By AleezaMireya

199K 8.9K 2.5K

"Pwede bang hindi kita tawaging Kuya? Crush kasi kita." Ang mga salitang iyon ang unang sinabi ni Pretzhel k... More

Author's Note
Teaser
Chapter 1 - Memory Lane
Chapter 2 - Pretty
Chapter 4 - Research
Chapter 5 - Portrait
Chapter 6 - Love Story
Chapter 7 - Gift
Chapter 8 - Seduction
Chapter 9 - The Chase
Chapter 10 - Confirm
Chapter 11 - Threatened
Chapter 12 - Getting To Know
Chapter 13 - Family
Chapter 14 - Admission
Chapter 15 - Lured
Chapter 16 - Cornered
Chapter 17 - Virtual War
Chapter 18 - Come Clean
Chapter 19 - Sweetheart
Chapter 20 - Secret
Chapter 21 - Priceless
Chapter 22 - Mission
Chapter 23 - Introduced
Chapter 24 - Unimpressed
Chapter 25 - Make Out
Chapter 26 - Future Plans
Chapter 27 - Lap Dance
Chapter 28 - Grand Slam
Chapter 29 - Warned
Chapter 30 - Taste
Chapter 31 - Tested
Chapter 32 - Unrestrained
Chapter 33 - Overheard
Chapter 34 - Wrong Verb
Chapter 35 - Evasive
Chapter 36 - Connive
Chapter 37 - Captivated
Chapter 38 - Tricked
Chapter 39 - Captured
Chapter 40 - Remorseful
Chapter 41 - Ready
Chapter 42 - Marked
Chapter 43 - Busted
Chapter 44 - Beloved
Chapter 45 - Perturbed
Chapter 46 - Cared For
Chapter 47 - Perfect Addition
Chapter 48 - Fairy Tale
Chapter 49 - Jubilant
Exciting News!!!

Chapter 3 - Jealousy

4.7K 195 42
By AleezaMireya

Ibinaba ni Pretzhel ang bintana at nginitian ang lalaki na nagbukas ng gate para sa kanya. "Thanks, Luke."

Ngumiti lang ito at kumindat sa kanya.

Pero napalitan ng kunot ng noo ang ngiti sa labi ni Pretzhel nang tuluyang maipasok sa compound ang kotse niya. A Fortuner occupied her usual parking spot. May garahe naman sila, pero usually ay weekend lang niya ipina-park doon ang kotse. Kapag ganitong weekdays ay sa tapat ng bahay na lang siya usual nagpa-park dahil aalis din naman kaagad siya the following day.

Dahil nakaparada doon ang hindi pamilyar na sasakyan ay napilitan siyang idiretso sa garahe ang sasakyan niya. Baka sa bisita o manliligaw ng isa sa pinsan niya iyon. Maaabala pa siya pag-aalis na ito kung sa likod ng sasakyan niya ipa-park ang kotse niya.

Sumulyap siya sa dashboard. Six fifty-five. Tiyak na tatanungin siya ng pamilya niya kung bakit siya ginabi. At kung mabilis kausap ang parents niya, tiyak na kay Kuya Gab siya mahihirapang magpaliwanag.

Nang maitigil ang kotse ay inabot niya ang backpack sa backseat ay saka lumabas ng sasakyan. Pero pagbaba niya ng kotse ay napakunot-noo siya. Maingay sa loob ng bahay nila. May tawanan siyang naririnig.

"Ako ang magpapaliwanang kina Tita Nellie at Tito Ron. Tiyak nagtataka sila kung bakit tayo ginabi," ani Lucas na lumapit sa kanya.

"Hindi na kailangan, Luke. At saka nadiyan ang kuya ko," aniya na napangiwi pa. "For sure na katakot-takot na tanong ang aabutin mo sa kanya."

Nagkibit-balikat ito."Okay lang. Mas okay nga iyon para maipakita ko sa kuya mo na malinis ang intensyon ko sa iyo," sagot nito na inabot ang backpack na dala niya.

College pa lang ay kilala na niya si Lucas. Member ito ng dance crew na sinalihan niya noong college. While she received several raised eyebrows at first, Lucas belonged to selected few who believed she can be a good addition to the crew.

"Bahala ka. Don't tell me I didn't warn you," sagot ni Pretzhel saka nagpaunang papasok sa bahay nila.

Pagtulak niya ng screen door ay tumingin sa kanya lahat ng tao na nasa sala.

"Hi, Pet!" bati ni Kuya Ace. At hindi lang ito ang naroon, maging sina Timothy, Eugene at Clifford.

"Hello, mga kuya," nakangiting bati niya sa mga ito. "Napasyal kayo?"

She forgot when was the last time this group visited their home. As in 'yong halos kompleto sila. Tanging si Kuya Jason lang ang wala, which is understandable dahil nasa honeymoon ito.

"Dadayuhin namin ang kuya mo. Madaya, eh. Hindi pumunta sa Bulacan kahapon kahit t-in-ext at tinatawagan namin. Hindi sumasagot," nailing na dagdag ni Kuya Timothy.

Tumango siya at ngumiti. "May inasikaso si Kuya kahapon kaya hindi nakasama sa Bulacan."

Bago sila umalis kahapon ay sinabi nitong hindi ito sasama dahil darating daw ang gagawa ng bintana sa bahay nina Tita Odessa. Ito raw ang mag-a-assist kaya hindi makakasama. At hindi malilimutan ni Pretzhel ang kislap sa mga mata ng kuya niya nang tudyuin niyang si Redge naman talaga ang dahilan kaya ayaw nitong umalis sa kanila.

"At saka break-in na rin muna namin ang bagong oto nito," ani Eugene na sumulyap pa kay Clifford.

Ang lalaki naman ay tahimik lang na nakatitig sa kanya. Pinasadahan nito ng tingin ang kabuuan niya.

Pretzhel is wearing a high waist denim shorts paired with a red floral off-the-shoulder midriff. Naka flip-flops lang siya. Sa ulo niya ay ang salamin na siyang naging headband.

Nagkibit-balikat lang siya. Nilingon ang lalaking kasunod niyang pumasok sa bahay. "Mga kuya, si Lucas nga pala. Luke, mga mistah ng kuya ko, sina Kuya Timothy, Ace, Eugene at Clifford. Tanda mo ba sila?"

Ngumiti si Lucas, "Familiar sila. Kasama sila sa eighteenth roses mo. Tama ba?"

Ngumiti siya at tumango. "Yes."

Bumaling si Lucas sa mga ito, "Magandang gabi, mga Sir."

"Walang maganda sa gabi. Nasira pa nga," salubong ang kilay na salita ni Clifford.

Umangat ang kilay ni Pret.

"Tanda mo kami? Hindi kita tanda. Sorry, brod," sagot naman ni Ace.

"Kasama rin siya sa eighteenth roses ko, Kuya. Siya rin ang kapartner ko noong cotillion at saka noong production number namin. Siya yung naglift sa akin kahit na ang taba-taba ko."

"Hey. Hindi ka mataba noon, Pret. Curvy is different from fat. Kung mataba ka, hindi kita mabubuhat mag-isa."

Ngumiti si Pret. "Thanks for the confidence boost, Luke."

"Oh, Pretzhel. Ginabi ka na. Akala ko'y hanggang alas dose ng tanghali lang kayo sa Anawangin Cove?" anang ina niya na bagong labas sa kusina.

They stayed overnight at Anawangin Cove. Buti na lang at game din sa biglang pagyayaya niya ang mga kaibigan at dating kasamahan sa dance crew. Kahapon, habang inaayos nila ni Abby ang cake table ay dumating sina Lucas, Dennis, Nympha at Jessica. Sa Bulacan nakatira ang mga ito at napagkasunduan nila na mag-convoy na lang papunta sa cove. Ang ibang kaibigan na kasama rin nila ay sa Anawangin na nila nakatagpo.

And the overnight trip help her disconnect and recharged. She felt invigorated.

Empowered to start her plan.

"Pasensya na po, Tita Nellie. Nagkayayaang mag-stay, hanggang alas tres ng hapon. Tapos nag-food trip na rin po along the way," paliwanang ni Lucas.

Tumango ang ina niya.

"Si Papa po?" tanong niya ang hindi mapansin ang ama sa sala.

"Wala pa. Nag-surprise inspection sa mga poste ng guwardiya. Pero pauwi na rin daw siya."

"Si Kuya Gab po?"

"Nasa bakeshop. Sinusundo si Regine. Nagkasalisi sila ng mga kuya mo. Kakaalis lang halos ng Kuya Gab mo nang dumating 'yan sila." Pagkasabi noon ay bumaling ang mama niya kay Lucas. "Nakahayin na, Luke. Kumain ka na muna bago ka umuwi, anak."

Ngumiti si Lucas, "Salamat po, Tita Nellie, pero sa susunod na lang. May kasama po ako sa sasakyan. Ihahatid ko pa rin po sina Jessica at Nympha." Bumaling sa kanya si Luke, nakangiting iniabot ang backpack.

"Itaas mo na muna ang gamit mo, anak. Bumaba ka na rin kaagad at kakain na tayo." Pagkasabi noon ay bumaling ito sa mga lalaki sa sala nila. "Halina, mga anak. Kakain na tayo."

"Next time planuhin natin para mas matagal. We can drive up north. Pagudpud tayo. Mga three-days/two-nights getaway," ani Lucas habang naglalakad sila papunta sa front door

Ngumiti si Pret kasunod nang pagtulak pabukas sa screen door. "Sure."

"Alis na ako. See you on Saturday?"

Tumango siya, "See you. Thank you ulit."

"You're always welcome, Pret," masuyong salita nito habang nakatitig sa kanya. "I'll go ahead."

"Okay. Ingat ka. Ingat kayo pauwi."

"Thank you. Mag-iingat talaga ako para hindi ka mag-alala. Magte-text din ako kapag nasa bahay na ako."

"Naka dalawang paalam ka na, brod. Alis na kung aalis na," sabat ni Clifford. Ito na lang ang naiwan sa sala. Ang ibang mistah ay nasa kusina na.

Pinaikot ni Pret ang mga mata.

Si Lucas naman ay kumamot sa ulo at bumulong sa kanya. "Akala ko isang military kuya mo lang ang makakaharap ko ngayon, nadagdagan bigla." Umuling ito. "Grabeng makatingin. Parang gusto akong i-torture, ah."

Napatawa si Pret. "Hindi. Ako ang bahala."

"Alis na ako. Text na lang ako mamaya," ngumiti muna si Lucas bago tumalikod.

Walang salitang nilampasan ni Pretzhel si Clifford. Umakyat siya sa ikalawang palapag ng bahay. Matapos maayos ang mga dinalang gamit sa biglaang beach trip ay bumaba na rin kaagad siya. Inabutan niyang kumakain na ang mga bisita. Pero si Clifford ay kaagad na tumayo nang makita siya.

Hinigit nito ang bangko sa tabi nito, "Dito ka na, Pret."

"Thanks," balewalang sagot ni Pret na naupo sa tabi nito.

Inabot ni Cliff ang bandehado ng kanin at itinapat sa pinggan na nasa harapan niya. Imbes na kutsara ay ang bandehado ang kinuha ni Pretzhel.

"No need for this. I can perfectly manage," she whispered in a voice filled with sarcasm. Sinigurado niyang ito lang ang makakarinig at hindi madi-distract ang ibang kumakain at nagkukuwentuhan na kasama nila sa lamesa.

"I know. Pero gusto kong pagsilbihan ka, Pretty," ganting bulong nito. Ipinihit ang katawan paharap sa kanya.

Umangat ang kilay niya, "May I remind you na ako ang taga rito at ikaw ang bisita kaya hindi mo ako kailangang pagsilbihan."

"Sa Anawangin pala kayo nagpunta, Pet. May mga cottages na ba roon? Huling punta namin doon, sa tent pa kami natulog," agaw ni Eugene sa atensiyon niya.

"Sa tent din kami, Kuya. Nag-bonfire din kami sa tabi ng beach. It was nice to sleep under the stars every once in a while," nakangiting sagot niya. She tried to ignore the intense stare of the man beside her.

Ngumiwi si Eugene. "Not really, Pet. Kung may choice ako, sa malambot na kama ako magpapaligas ng gabi."

Pretzhel's eyes softened. Naunawaan niya ang ibig sabihin nito. Sa tulad niyang sibilyan ay recreation ang pagtulog sa tent, pero sa linya ng trabaho ng mga ito, ang pagtulog sa tent ay nangangahulugan na nasa mission ang mga ito.

"Kung may choice din ako between kama at tent, kahit saan ako. Basta may katabing maganda at sexy na chicks," ani Ace sa pagitan ng pagnguya. Matapos malunok ang pagkain sa bibig ay nagsalita ulit ito, "Actually, kahit nga sa buhanginan o sa ilalim ng puno, pwede na. Di ba, Clifford?" nakangiting tanong nito.

"Ace! Ang bibig mo! Nasa hapag kainan ka, bok," naiiling na saway ni Timothy.

"Dumali na naman ang mga playboy ng grupo," natatawang salita ni Pretzhel.

"Ku! Ito talagang si Ace, kapipilyo," nailing na salita naman ng ina niya.

"Fuck!" nahagip niyang bulong ni Clifford.

Kunot-noong bumaling siya rito. "Excuse me? Are you cursing? Nasa harap ka po ng pagkain."

Hindi ito sumagot. Salubong ang kilay nang tumingin sa kanya. Mariing naglapat ng mga labi nito.

***********

Hindi mapigilan si Pretzhel ang mapangiti dahil na naririnig na pambubuska ng mga mistah ng kuya niya rito. At maging siya man ay gustong asarin ang kapatid.

Kumakain pa sila kanina nang marinig niya ang pagdating ng motor nito. Bago pa makapasok ang kuya niya at si Regine sa bahay nina Tita Odessa ay nakalabas na sila. Gano'n na lang ang gulat ni Gab nang makita ang mga kaibigan. At gano'n na lang ang frustration sa mukha nito nang ma-realize na hindi ito makakapagpalipas ng gabi na kasama si Redge.

She like Regine. Unang kita pa lang niya rito ay magaan na kaagad ang loob niya sa babae. Maalam makisama, sa kabila ng alam niya na hindi ito galing sa simpleng pamilya. The way she move, the way she carries herself, the way she speak were indication of that.

Alam niyang kilala talaga nito ang babaeng kausap sa Dusit. Kung bakit nito itinanggi ay palaisipan sa kanya. Pero darating ang panahon na malalaman din niya ang lahat.

Kung ano ang dahilan nito at ayaw aminin ang totoong pagkatao ay inirerespeto niya. She have her reasons, for sure. At buhay iyon ni Redge. The least she can do is respect her decisions.

Nang matapos sa paghuhugas ng pinggan ay nagtuyo siya ng kamay.

"Boyfriend mo ba 'yon?" ang matiim na tanong na iyon ang magpalingon kay Pretzhel.

"Ano naman sa iyo kung boyfriend ko siya?" sagot niya pagharap dito. Nakataas ang isang kilay niya. Sumandal siya sa lababo. Iyon pa rin ang damit na suot niya. Ang naiba lang ay ang ayos ng buhok niya. Pinuyod niya iyon bago siya naglinis ng lamesa at naghugas ng pinagkainan nila. "Hindi naman nakakagulat na magkaboyfriend ako, di ba?"

"Alam ba ito ng Kuya Gab mo? Pumayag siya?"

Humalukipkip si Pret, "Ano naman sa iyo kung alam o hindi alam ng kuya ko ang tungkol sa amin ni Luke? At teka nga, ano bang paki mo? Wag ka ngang umasta na parang kuya ko."

Nagtagis ang ngipin ni Clifford. "Concerned lang ako, Pretzhel."

Nagbuga siya ng hangin sa bibig kasabay ng pagtirik ng mata. "Salamat sa concern. Hindi ko kailangan. Kaya kong protektahan ang sarili ko." Pagkasabi noon ay umalis siya sa pagkakasandal sa lababo at lumakad palabas ng kusina.

Humarang ito sa daraanan niya. Matiim na nakatitig sa kanya. "Did he sleep in the same tent with you?"

Umangat ang kilay ni Pretzhel. "Excuse me?"

"Just answer me, damn it!"

Lalong lumalim ang gatla sa noo ni Pretzhel. "Excuse me lang, ha. Wala ka sa lugar na tanungin ako niyan. Sino ka ba?" aniya na muling humalukipkip kasunod ang pagtaas ng mukha.

"Just answer me, Pretzhel!"

"Why would I? What made you think na sa sagutin ko iyang tanong mo? Parents ko nga hindi ako tinanong at pinagpaliwanang," aniya kasunod nang pagtalikod dito.

"Fuck! Don't push me, Pretty," ani Clifford na muling humarang sa daraanan niya. Jealousy written in his eyes.

Hindi niya intensyong manggamit ng tao. She planned to make Clifford fall for her. To make him crazy about her. She did not intend to use Luke or other people on her scheme. Kaya nga maging kay Abby ay hindi niya sinabi ang plano. But it's nice to see that as early as now, her plans seems to be working accordingly.

Pretzhel smirked. "Ano bang problema mo?"

"Gusto ko lang malaman ang totoo."

Tumaas ang kilay niya. "Uulitin ko lang, ha. Hindi tayo magka ano-ano. Wala tayong relasyon, kaya wala akong obligasyong magpaliwanag sa iyo," may kayabangang sagot niya. Pagkasabi noon ay tinalikuran niyang muli ito.

"Damn it!" ani Clifford. "Pretzhel! Come back here!"

Palabas na siya sa pinto ng kusina nang makasalubong niya ang kuya niya. Tumingin ito sa kanya, saka nagdududang tiningnan si Clifford. "Anong nangyayari dito?"

Continue Reading

You'll Also Like

22.1M 534K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
6.4M 240K 64
A battle between love and service.
238K 9.1K 53
The Wattys 2021 Winner | New Adult Stefan Carreon is a simple rich guy living in Manila. Gaya ng simpleng pamumuhay, simple lang din ang pangarap niy...
59.5M 1.1M 38
All his life, Andrius Salazar only wanted three things. A peaceful life that he plans to live to the fullest, he wanted to be left alone by his famil...