BGT 03: HIS BEAUTIFUL PUNISHM...

By AshQian

74.7K 3.6K 199

Love, and ignorance of loving brought her inside the cold corners surrounded by bars. She was left alone with... More

UNANG YUGTO
Chapter 1 - Unang Yugto
Chapter 2 - Unang Yugto
Chapter 3 - Unang Yugto
Chapter 4- Unang Yugto
Chapter 5 - Unang Yugto
IKALAWANG YUGTO
Chapter 1 - Ikalawang Yugto
Chapter 2 - Ikalawang Yugto
Chapter 3- Ikalawang Yugto
Chapter 4 - Ikalawang Yugto
Chapter 5 - Ikalawang Yugto
IKATLONG YUGTO
Chapter 1 - Ikatlong Yugto
Chapter 2- Ikatlong Yugto
Chapter 3 - Ikatlong Yugto
Chapter 4 - Ikatlong Yugto
Chapter 5 - Ikatlong na Yugto
IKAAPAT NA YUGTO
Chapter 1 - Ikaapat na Yugto
Chapter 2 - Ikaapat na Yugto
Chapter 3 - Ikaapat na Yugto
Chapter 5 - Ikaapat na Yugto
IKALIMANG YUGTO
Chapter 1- Ikalimang Yugto
Chapter 2 - Ikalimang Yugto
Chapter 3 - Ikalimang Yugto
Chapter 4 - Ikalimang Yugto
Chapter 5 - Ikalimang Yugto
HULING YUGTO
Chapter 1 - Huling Yugto
Chapter 2 - Huling Yugto
Chapter 3 - Huling Yugto
Chapter 4 - Huling Yugto
Chapter 5 - Huling Yugto
DENOUEMENT

Chapter 4 - Ikaapat na Yugto

1.7K 85 3
By AshQian

Nag-unat ng mga braso si Roanne at tumayo. Ngayon ay inatake na siya ng antok dahil sa kalokohan ni Javier buong magdamag. Lumipat na sila sa bahay nito at ang bahay niya ay gagawing staff house ng ilan sa mga trabahante ng shop na nanggaling sa iba't ibang lungsod. Kanina sa meeting ay tuwang-tuwa ang mga ito nang i-anunsiyo niya. Hindi na magrerenta ng matitirhan ang mga ito at makababawas sa personal na gastos.

Lumabas siya ng opisina at nagtungo ng showroom. Nadatnan niya ang mga crew na nanghahaba ang leeg sa pagtanaw sa shop ni Margaux sa kabila.

"Anong mayroon?" tanong niyang lumapit sa mga ito.

"Ma'am, naroon po sa kabila ang ilan sa regular customers natin. Nakita namin kanina hinarang po ng mga empleyado roon at tinangay sa loob," sagot ni Jinna.

"Let them be. I'm sure babalik sila rito. Dumating na ba si Javier?"

"Hindi pa po."

"Kapag dumating pakisabi nasa factory ako."

Tinanaw niya ang kabilang shop habang tinutungo ang factory building sa likod. Wala bang projects si Margaux? Bakit naroon pa rin ito? But who cares anyway? Iwinaksi niya sa isip ang babae at tumuloy sa quality control section.

Tumigil sa ginagawa ang mga empleyado. Sumenyas siyang ituloy lang ang trabaho. Mula sa main production ay namamayani ang ingay ng chainsaw at pukpok ng martilyo. Hinaplos niya ang makintab na mesang bilugan at dark brown.

Gumagawa sila ngayon ng dining set para sa condominium units. May orders na sila, karamihan ay mula sa mga kliyente ni Javier. Doble ngayon ang exposure ng mga produkto nila. Bukod sa website ng shop ay naka-link din ang shop sa Tauruz Architectural Firm na pag-aari ng binata. Inaalala tuloy niya ang supplies ng raw materials lalo na ang drift wood dahil sa sunud-sunod na orders.

"Ma'am, nasa shop po si Margaux!" Sinalubong siya ni Jinna paglabas niya ng factory.

Nagpanting ang mga tainga niya. "What? Nanggugulo ba?"

"Mukhang manggugulo po!" Nalukot ang mukha ng sale's agent niya.

Bumalik siya sa loob ng factory at dinampot ang kahon na lalagyan ng pako. Palulunukin niya ng pako ang babaeng iyon at nang magtagpi ang nagkalat na utak.

"Let me through!"

Nadatnan niyang nagpupumilit si Margaux na pumasok sa connecting door patungong opisina niya. Nakaharang sa pinto ang dalawang crew.

"I'm here, bitch!" sigaw niya.

Gigil na lumingon si Margaux. "There you are copy-cat criminal!" Dinaluhong siya nito. "Someone told me you're stealing some of my designs from the shop."

"Someone told you? Sino? Iyong mga customers kong pinirata mo? Kung wala kang ebidensiya lumayas ka na bago ko pa ipako iyang dila mo!" Dumakot siya ng pako mula sa kahon at ibinigay ang lalagyan kay Jinna. "O, baka gusto mong mag-miryenda ng pako?"

Nahulog ang nanlilisik nitong mga mata sa kanyang kamay.

"Makikita mo, I will sue you for this!" She pointed a finger on her.

"What is happening here?" Bumagsak ang boses ni Javier mula sa may pintuan. Lumapit sa kanila ang lalaking nakabusangot at nagbubuhol ang mga kilay.

"I have sources telling me that some of my designs were stolen," sumbong ni Margaux.

"Are they patented? If you can show me a proof, I will personally terminate the design you said we copied. Most of Akira's products are aligned to my projects. I cannot risk the trust of my clients for petty things like stealing your designs, Ms. Peters." Kinuha ni Javier sa kamay niya ang mga pako at ibinalik sa kahong yakap ni Jinna.

"Teka, bakit tayo ang mag-terminate? Kung may nagnakaw rito, siguradong ang shop niya hindi tayo!" sikmat niyang nagngingitngit. "Pati ikaw gustong nakawin."

"I'll have my lawyer deal with you about this," pahayag ni Margaux. "Plus the charge of assault dahil tinangka mong saksakan ng pako ang bunganga ko."

"Ay, talaga naman! Akin na nga iyan, Jinna." Hinablot niya ang kahon pero hinawakan ni Javier ang braso niya.

"Stand down, Roanne!" angil ng lalaki.

"Javier," hindi siya nakahuma.

Hinawi siya ng nobyo papunta sa likod nito.

"You came here causing trouble for the shop and to my fiancee, I can also charge you for that. I have everything kept in files about police blotters against you. Nagkakamali ka kung iniisip mong hindi ko alam ang mga ginawa mo para sirain si Roanne. The adultery thing and the drugs, I can send you off to jail anytime. Hindi lang shop mo ang ibabagsak ko, pati career mo. Now, get your butt out in this place." Javier motioned the door.

Namilog sa takot ang mga mata ni Margaux at umalis itong namumutla. Tawanan ang mga crew niya at kanya-kanyang balik sa puwesto para magtrabaho. Makikitawa na rin sana siya pero si Javier nakabusangot pa rin habang nakatitig sa kanya.

"To your office, now," matigas nitong utos at nagpatiuna.

Mistulang paslit na sumunod siya sa binata. Siguradong masasabon siya. Sa tuwina ay hindi ito nagkulang ng paalala sa kanya tungkol sa pag-iwas sa gulo. Hindi pa tapos ang probation period niya. Isang mali lang ay pwedeng maging ground para ibalik siya sa loob ng kulungan.

"Lock the door," ungol nito pagtawid niya ng pintuan.

Ni-lock niya iyon at lumapit sa lalaking nakasandal sa kanto ng desk niya.

"Javier, I'm-" he trapped the words inside her mouth with his kiss.

Inangat siya nito sa sahig at isinampa sa desk. Lumalalim ang halik nito at nililiyo na siya ng masarap nitong dila na kumikiliti sa loob ng kanyang bibig.

"I can't think of an effective punishment for you," humihingal nitong bulong. "What will happen to me and Aki if you would let them get to your logic? That woman will do nothing but to provoke you. Please, think of me and our son before you lose yourself to them."

Hinaplos ang panga nito. "I'm sorry I get carried away in there. Hindi na mauulit."

"You promised me and I'm holding you to it." He pressed a soft kiss on her lips again and again.

"I love you," sambit niyang namumungay ang mga mata.

"I love you," tugon nito at ikinulong siya mga bisig.

***
Sabado.

Luluwas sila ng Manila para sa quarterly meeting ni Javier sa Hyatt Empire at sa iilang concerns na kailangan nitong ayusin sa LSA at sa firm. Ayaw ng lalaki na maiwan sila ni Aki.

"Isasama mo kami ni Aki sa Hyatt Empire?" tanong niya at sinulyapan ang bata sa backseat na nawiwili sa laruan.

"LSA and at the firm as well," sagot ni Javier, nakangisi. "I'll introduce you to my friends."

Tumango siya at ngumiti. Kung siya ay nag-aatubili dahil sa posibleng maging impression ng mga tao, si Javier ay halatang excited na makita silang magkasama sa publiko. Sa uri ng lipunang ginagawalan nila imposibleng hindi makakaapekto sa reputasyon ng binata ang record niya sa batas. Ang hirap sanayin ng sarili na maging manhid sa hatol ng iba.

Sa Hyatt Empire sila unang nagpunta. Malawak ang bar lounge na pinasukan nila. Sa gitna ay ang couches na may kanya-kanyang mesita sa harapan. Limang bartenders ang nasa bar counter at naghihintay ng orders. Kombinasyon ng malamig na asul at malamlam na dilaw ang liwanag na nagmumula sa mga chandeliers sa ceiling. Slow rock ang tugtuging maririnig sa mga audio speakers.

Karga ni Javier si Aki at hawak nito ang kamay niya. Sumaludo sa kanila ang bartenders na nakatanaw sa kanilang pagpasok gaya roon sa mga guwardiyang nagbabantay sa bukana. Two of he's friends were there. She knew them by faces. Hector Lim, and Wayne Lacrimma.

"Hi there, Little Noaj!" Tumayo si Wayne at sinalubong sila. Nakangising kinuha nito si Aki kay Javier. "Hey, it's me, Tito Wayne, from the video call remember?"

Tumango si Aki. Ngumiti ng malaki.

"Matindi, Brod! Pati pilik-mata mo ay kinopya nito," baling nito kay Javier.

Humalakhak ang binata. "Ako pa ba? And this is Roanne Mercado, my fiancee." Inakbayan siya nito.

"Myrre Aguilar, Wayne Lacrimma. Crush kita, alam iyan ni Javier. Wala pa akong hakbang sinulot ka na agad," maloko nitong pakli.

Binigwasan ito ni Javier pero nakailag. Tumuloy sila sa mga couches. Tumayo si Hector at lumapit. Nakipagkamay kay Javier at nag-iwan ng tapik sa balikat nang bumitaw.

"Aki, he is Tito Hector," sabi ni Wayne.

Tumitig ang bata kay Hector na banayad na nakangiti.

"Hello, Tito Hector. I'm Aki."

Hinaplos ni Hector ang ulo ng bata at sumulyap sa kanya, binati siya ng marahang tango.

Aware siya sa mga ito noong aktibo pa siya sa showbiz. These men were working behind the shadows of Hyatt Empire. It is impossible not to notice them with their striking appeal in spite of being low key. Madalas mas pinipili ang mga ito ng mga celebrities kaysa sa mga kasamahan sa industriya.

"Hindi pa nakabalik si Marco?" tanong ni Javier. Naupo silang tatlo sa iisang couch lang.

Si Aki sa tabi niya ay malikot ang mga mata at hindi mapakali. Naninibago sa mga nakikita sa lugar.

"He is having trouble taming his beauty queen," sagot ni Hector.

"Nag-file ng indefinite leave para guwardiyahan ang girlfriend. Alam mo 'yong playboy, ngayon takot na takot masungkit ng iba si Carmina," salo ni Wayne at tumawa.

"Edan?"

"Can't make it, it will be the three of us."

Tumango si Javier. "You can go over to the counter for a drink and ask something for Aki too," he leaned toward her.

"Okay, but powder room muna ako." Nagpaalam siya.

She excused herself. May signage sa gilid ng bukana papunta ng ladies' room. Pumihit siya at nahagip ng tingin ang pagdaan ng lalaking bawat hibla ng mapangahas na tindig ay pamilyar sa kanya. Her heartbeat stopped abruptly.

Rheeva Andromida!

Continue Reading

You'll Also Like

269K 6.8K 58
R18 3rd Generation of Villaraza Legacy This is a series where girls squad encounters different pleasure. Zyren Goron Villaraza BLURB: Zyren took an...
4.6M 73.3K 43
De La Cerna 1 (Completed) Napakislot si Queennie. Feeling niya ay may nakahawak sa kanyang kamay. Marahan siyang nagmulat and to her surprise she fo...
3.8M 78.3K 48
Meet Lucas. Suma Cum Laude Graduate in Bachelor of Sex in Human Mangiiwan. Number one'ng Bolero. At nangunguna sa number one na palikero. Walang baba...
129K 5.4K 58
On the night of her wedding, Oshema Yzabella woke up next to a man who is not her husband. Gumuho ang mundo niya lalo na nang matuklasan niya kung a...