(Agent Series Book 1) Taming...

Autorstwa miss_melle

107K 3.6K 372

(Completed) Warning: Mature Content | R-18 isang madaldal, magaling at walang kinatatakutang journalist at re... Więcej

A/N
Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Epilogue
Special Chapter
A/n

Chapter 22

2.4K 81 10
Autorstwa miss_melle

Matapos nilang mapanood ang balita ay agad na tinawagan ni Jake ang Ninong James nila. Kailangan niya itong makausap upang alamin ang mga nagaganap tungkol sa kaso. Wala siyang magawa at hindi siya makatulong sa pag-iimbistiga dahil mas importante sa kanila ang buhay ni Nathalia. At kaligtasan nito ang prayoridad nila.

Ilang ring lang ay agad din naman sinagot nito ang tawag niya.

"Ninong."

"Jake. Kumusta kayo dyan?" Mahinahong tanong nito sa kanya.

"Okay naman po kami. Kumusta po ang imbistigasyon ninong?" Dinig niya ang pagbuntong hininga nito.

"Nalagasan tayo ng witness. Alam kong malaki ang maitutulong ni senator sa kaso kung sakaling mahuli natin siya ng buhay at maging witness."

"Mukhang naglilinis na siya ng mga kalat niya Ninong. Mukhang gusto niyang unahan tayo."

"Alam kong gagawin niya iyan. Kaya nag issue na ako ng warrant of arrest. Bukas na bukas ay aarestuhin na namin sila."

"Kasama po ba siya sa aarestuhin bukas?"

"Oo siya ang uunahin ko. Total may malakas na akong hawak na ibidensya laban sa kanya, bukod sa mga ipinadala ninyo. At sisiguraguhin kong makukulong siya."

"Anong ibig nyong sabihin ninong?"

"Sa makalawa ay pupunta ako dyan. Pagpunta ko ay pag-usapan natin itong lahat. Kailangan ko munang mailagay sa likod ng malamig na rehas ang may mga sala."

Kahit papaano ay makakahinga ng maluwag si Jake kung makulong ang mga ito. Ngunit kailangan pa rin nilang magdoble ingat dahil alam nilang may mga galamay ito na malayang kumikilos nang hindi nila namamalayan.

"Mag-ingat kayo Jake. Kailangan nyong doblehin ang pag-iingat. Hindi natin alam kung ano ang susunod nitong gagawin. Kung ano at sino ang isusunod nito."

"Opo ninong. Kami na po ang bahala. Kayo rin po. Mag-iingat kayong lahat."

"Ako na ang bahala dito. Basta ingatan ninyo ang mga sarili nyo."

"Opo ninong, salamat po."

"Oh siya sige na, dahil umuusok na ang ilong ng ninang mo. Patay na naman ako nito. Baka outside de kulambo na naman ako." Tumatawang ani ng ninong niya.

Natawa siya sa sinabi nito. Napailing pa siya. Kahit may edad na ang mga ito ay para pa ring bagong kasal kung magbiruan. Halatang mahal na mahal ng mga ito ang isa't-isa.

Kinabukasan ay maaga nagising si Jake. Naaawa siya kay Nathalia dahil halos hindi ito nakatulog dahil sa labis na pag-aalala. Kaya naman naisipan niya itong pasayahin.

Pagkagising na pagkagising niya ay hinanap agad niya ang tatlo niyang kasamahan at inutusan ang mga itong gumawa ng sorpresa para kay Nathalia.

Alam niyang kahit papaano ay mapapawi ang pag-iisip at pangamba nito sa mga nangyayari.

Nang magising si Nathalia ay wala na si Jake as tabi niya. Wala na rin ito sa kwarto. Napangiwi pa siya ng makitang alas dose na nang tanghali siya nagising. Agad siyang bumangon at inayos ang kamang pinaghigaan nila.

Habang nagliligpit siya ay napansin niya ang note na nasa ibabaw ng side table. Kinuha niya iyon at binasa.

Baby, alis lang ako sandali. Hwag mo ako masyadong mamiss. I love you.

P.S. please smile. Coz you're beautiful when you smile.

Napangiti si Nathalia nang mabasa niya ang note na iniwan ni Jake sa kanya. Kahit simpleng note lang ay ngumiti na siya dahil alam niya na nag effort ito para sa kanya. Alam niyang pinapagaan nito ang kanyang nararandaman.

Muli siyang napangiti ng maalala niya ang ginawa ni Jake kagabi para lamang makatulog siya. Kahit hindi ito kumakanta ay kinantahan siya nito upang mabilis siyang makatulog.

Agad siyang naligo at bumaba ng kusina upang kumain ng tanghalian. Nahihiya siya sab mag-asawang katiwala dahil tangahali na siya nagising.

Pagpasok niya sa kusina ay naabutan niya si Manang Berta na nagliligpit ng mga pinagkainan. Mukhang katatapos lang din nila kumain.

"Magandang tanghali po Manang Berta." Nakangiting bati ni Nathalia sa matandang babae.

"Oh gising ka na pala. Ang sabi ni Jake ay hwag ka muna naming gisingin dahil hindi ka raw nakatulog ng maayos." Malungkot na saad ng matanda.

Tumango siya sa sinabi nito. Lumapit siya sa ref at kumuha ng pitsel na may lamang tubig saka nagsalin sa baso na hawak niya.

"Hala maupo ka na at ipaghahain na kita." Agad na tumalima ang matanda at mabilis na naghain ng pagkain.

"Salamat po Manang." Saad niya bago siya umupo sa harapan ng mesa.

"Hwag kang masyadong mag-isip. Alam kong malalampasan nyo rin ang kaguluhang nangyayari. Mahuhuli din ang may mga sala."

"Sana nga po. Para matapos na ito. Nakaka pagod na rin po ang ganito."

Nakakaunawang ngumiti sa kanya ang matanda. Umupo ito sa tabi niya at hinawakan ang kanyang kamay.

"May awa diyos anak. Magdasal lang kayo at siguradong didinggin niya ang mga hinaing nyo."

Napangiti siya sa mga salita ni Manang Berta. Naisip niya na bakit ba hindi nagmana dito ang anak nitong si Liza.

Matapos siyang kumain ay hinugasan na niya ang kanyang pinagkainan. Pinipilit sana ng matanda na siya na ang maghuhugas ngunit hindi siya pumagay.

Nahihiya siya rito dahil wala naman siya sa sarili nilang bahay kaya ayaw niyang umasta na parang seniorita.

Nang matapos siyang kumain ay nagpaalam siya kay Manang Berta na papasyal na lamang siya sa niyugan. Nalaman niyang naroon ang Magandang lalaki na asawa nito at abala sa pagha-harvest ng buko kaya naisip niyang pumunta doon. Gusto niyang makainom ng sariwang bukod juice.

Mababait at wala siyang masabi sa mga tauhan ng ninong James nila. Base sa mga kwento at masayang mukha ng mga trabahador ay mabait na Ami ang mga ito.

"Mam Nathalia ito po, tikman nyo." Ani ni Lando na isa sa mga trabahador sa niyugan. Trabaho din nito ang umakyat sa puno ng niyog at manguha ng tuba na ginagawang alak.

Inalalayan siya nitong makaupo sa kahoy na upuan na nasa ilalim ng puno. Hindi naman napansin ni Nathalia na hinawakan nito ang kanyang braso at beywang dahil excited siyang nakatingin sa buko na nasa mesa. Gusto na niyang matikman ang bagong pitas na buko.

Iyon ang eksenang naabutan ni Jake ng makarating siya sa niyugan. Agad siyang pumunta doon ng sabihin sa kanya ni Manang Berta na naroon si Nathalia. Hindi niya gusto na pupunta si Nathalia doon ng mag-isa kaya naman sumunod agad siya dito ng malaman niya. Hindi rin niya gusto ang mga tingin ng mga kalalakihan kay Nathalia. At hindi nga siya nagkamali.

Agad na nagdilim ang mukha niya ng makita ang simpleng paghaplos ni Lando sa braso at beywang ni Nathalia. Kung hindi lamang masamang pumatay, ay napatay na niya agad ito. Nagtatagis ang bagang niyang lumapit sa mga ito. Nakita pa niya ang simpleng pagngisi ni Lando dahil siguro ay hindi napansin ni Nathalia ang pangmamanyak nito. Kaya lalong nagpuyos siya sa galit.

Nang makalapit siya ay agad niyang kinuha ang baril at pinatunog ang pagkasa nito. Kaya mabilis na napatingin sa kanya ang lahat lalo na si Lando. Namutla ito nang makita siyang. Lalo pa itong namutla at pinagpwisan pa ng makita ang hawak niyang baril.

"Baby!" Masayang bati ni Nathalia ng makita siya. Lumapit siya kay Nathalia nang hindi inaalis ang masamang tingin sa mukha ni Lando na namumutla pa rin. Hinalikan niya ang noo ni Nathalia.

Humarap siya kay Lando na halos hindi maigalaw ang katawan nito. Animo'y naging estatwa ito. Lumapit naman si Mang Ambo sa kanila dahil napansin niya ang madilim na anyo ni Jake habang nakatingin kay Lando. Mukhang naisip na ni Mang Ambo na may ginawa si Lando na hindi nagustuhan ni Jake. Kaya napailing na lamang ang matandang lalaki. Talagang si Jake pa ang tinalo nyo. Umiiling na bulong ni Mang Ambo.

Pinaglaruan ni Jake ang baril habang nakaharap kay Lando. Si Nathalia naman ay nakamata lamang sa kanila at pawang naguguluhan kung ano ba ang nangyayari. Wala siyang kamalay malay sa ginawa ni Lando sa kanya.

"Alam mo ba kung ano ang ayoko sa lahat, Lando?" Hindi ito sumagot at ilang beses lamang itong lumunok ng laway habang tumatagaktak ang pawis nito sa noo. "Ang ayaw ko sa lahat ay ang hinahawakan ang pagmamay-ari ko. Kahit dulo ng buhok niya ay ayaw kong masasayaran ng daliri ng iba. Kaya hindi ko matanggap ang ginawa mo."

"Pa-Pasensya na b-boss J-Jake. Hi-Hindi na po ma-mauulit." Nauutal nitong sagot kay Jake. Hindi rin ito makatingin sa kanya ng deretso.

"Talagang hindi na mauulit. Dahil kapag naulit pa ay sisiguraduhin kong ipuputok ko sa iyo ang baril na hawak ko. Nagkakaintindihan ba tayo Lando?" Mahinahon ngunit may diing bigkas ni Jake.

Tumango tango ito na parang batang napagalitan. Sabay silang napatingin ng may tumapik sa balikat ni Jake.

"Sige na Lando, tapusin nyo na ang mga trabaho nyo. Puro kasi kayo kalokohan" Pigil ni Mang Ambo sa kumusyon na nangyayari. Napailing pa siya ng nagmamadali umalis si Lando.

"Pasensya ka na Jake. Hayaan mo't pagsasabihan ko ang mga iyan."

"Pasensya na rin po kayo Mang Ambo. Hindi ko lang talaga nagustuhan ang ginawa niyang pangbabastos kay Nathalia."

Napatingin si Nathalia sa dalawang nag-uusap. Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ni Jake. Bastos? Ako nabastos? Bakit parang wala akong alam? Bulong niya sa isip habang abala sa pagsipsip ng straw ng kanyang bukod juice. Ganon ba kasarap ang bukod na iniinom niya at hindi man lamang niya namalayan na nabastos na pala siya. Napakamot na lamang siya sa noo niya.

Lumapit si Jake sa kanya at niyakap siya nito mula sa likuran. Napangiti siya sa ginawa nito. Kapag kasama niya si Jake ay pakiramdam niya na safe siya at walang ano mang mangyayari sa kanyang masama.

Nakangiti niyang isinandal ang likod sa dibdib ni Jake habang nakayakap ito sa kanya.

"Baby!"

"Hmm."

"Saan ka galing?" Tanong ni Nathalia dito.

"May inasikaso lang ako." sagot naman ni Jake dito. 'At siguradong magugustuhan mo'. Karugtong pa nitong bulong sa isip.

Maghapon siyang ipinasyal ni Jake. At nang sumapit ang ala sais ng gabi ay nagulat siya ng mag-aya ito na pumunta sa tabing dagat. Nagulat pa siya ng sa isang resort sila pumasok.

"Bakit dito tayo?" Nagtatakang tanong ni Nathalia. Imbis na sagutin siya ni Jake ay nginitian na lamang siya nito.

Kahit gusto pa niyang magtanong dito ay hindi na siya nagtanong pa dahil mukha naman wala itong balak na sagutin siya. Kaya nanatili na lamang siyang tahimik.

Nang makarating sila ay inalalayan siya nito bumaba sa hammer na sasakyan. Naglakad sila malapit sa dalampasigan.

Madilim ang parteng iyon at ilaw lamang na nagmumula sa buwan ang tanging liwanag. Nakita niya ang isang cabin malapit sa dagat.

Nang makalapit sila ng husto sa dalampasigan ay biglang siyang napapikit at nasilaw sa ibang ibang ilaw na bumungad sa kanya.

Nakita niya ang isang romantic dining set na pang dalawahan, na napapaligiran ng mga ilaw at bulaklak. Maganda ang pagkaka set up nito. Ginawang romantic ang lugar.

Agad siyang napatingin kay Jake. Nakangiti itong nakatingin sa kanya. Kusang tumulo ang mga luha sa kanyang mata. Nag-uumapaw ang kasiyahan sa kanyang puso. Hindi niya maiwasang magpasalamat kahit na nanganganib ang buhay niya ay binigyan naman siya ng pagkakataon ng panginoon na makilala ang lalaking kanyang mamahalin.

Naisip niyang hindi na masama na nasa panganib siya kung si Jake naman ang kasama niya. Parang gusto pa ata niyang magpasalamat sa mga gustong pumatay sa kanya. Kung hindi lang masama ay magpapasalamat siya sa mga ito.

Dahil sa kanila ay nakilala niya at minahal siya ng isang Captain Jake Romualdez.

************miss_melle*************

Ilang episode na lang po at matatapos na ang kwento nila. Kaya abangan nyo ang malaking pasabog ni Liza. Tiyak na mamahalin nyo siya..😂😂😂

The photo came from Pinterest. Ctto of the photo.
For visual purposes only.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

196K 5K 30
" If this is the only way para manatili siya sa tabi ko gagawin ko! I can father her child from another man. Kahit masakit, manatili lang siya sa tab...
339K 4K 31
WARNING: SPG /R- 18| " You're Mine madison. Simula pa lang sakin kana! Ayokong umaalis ka sa tabi ko kasi sakin ka! Mababaliw ako pag hindi ka nakiki...
63.7K 1.7K 38
Nhixed Suarez a billionaire doesn't believe in true love. But after seeing those emerald eyes...he can't stop thinking about that woman. Started: De...
41.1K 1.8K 34
(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Kapag nagmahal ka wala itong pinipili..kahit sino ito o kahit ano pa ito.. kapag tumibok ang iyong puso h...