After The Sunset

By FallenMademoiselle

1.2K 62 0

Elementos Series #1 Maeve Gabriella Valderrama was always defeated by the charming Jack Evander de Silva. She... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Epilogue
Author's Note

14

39 1 0
By FallenMademoiselle

Mas matagal ang naging hospital tour namin ngayon kung ikukumpara noong isang araw. Inabot kami ng tanghalian dahil mas malaki ang pribadong ospital na ito. Mas madami din ang facilities at hanggang limang palapag ang mga gusali. 

Kasalukuyan kaming tinuturuan kumuha ng blood pressure ng isang nurse. Nakatitig lang ako sa kanya habang nagbibigay siya ng instructions. Mayroong mga nag-volunteer na susubukan daw. Pumayag naman ang nurse. Matapos ang ilan ay ako naman ang sumubok. Kabado pa ako ng una dahil natatakot akong magkamali.

"120/80 po" sabi ko sa nurse. Chineck niya pa ulit kung tama nga ako.

"Tama nga" ngumiti siya sa akin.

"Mahirap po ba ang maging nurse?" tanong ko sa kanya. Umalis na ang ilan sa mga kasama ko dahil pinanood naman nila kung paano ang tamang paraan ng pag cpr.

"May iba't ibang pananaw ang mga tao patungkol diyan. Pero para sa akin hindi naman mahirap dahil gustong gusto ko ang trabaho ko. Nakakapagod nga lang madalas dahil maraming pasyente na kailangang alagaan. Masaya ako sa pagiging nurse dahil araw-araw iba't ibang tao ang nakakasalamuha ko. At ang isa sa mga napakasarap na pakiramdam bilang isang nurse ay ang makita mo ang mga pasyente mong gumaling" kitang kita ko ang saya sa kanyang mga mata habang sinasagot niya ang tanong ko. Kapag kaya nalaman ko na ang gusto kong maging profession paglaki magiging ganito din kaya ako kasaya? 

"Lipat na po ako doon. Thank you po!" sabi ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at nagpaalam na rin dahil kailangan na niyang bumalik sa Nurse Station. Kasalukuyang ipinapakita sa harapan ang tamang pag cpr. Tumabi ako kay Cede na nakatayo sa gilid.

"Saan ka kanina?" tanong niya sa akin.

"Kausap ko yung nurse na nagturo kung paano kumuha ng bp. Madali lang pala! Mukha lang mahirap. Eh ikaw?" tanong ko sa kanya.

"Wala nandito lang ako. Kanina pa kita hinahanap akala ko kung saan-saan ka nagpunta.

"Hindi nalibang lang ako" gaya ng nakagawian ay may iilang nagvolunteer para gawin ang cpr. Halos tama naman silang lahat. Nang matapos iyon ay pinapunta na kami sa pinaka conference room ng ospital. Malapit lang ito sa gym. Ngayon ko lang nalaman na pwede palang magkaroon ng gym sa ospital!

Pinakain muna kami ng lunch. Kasama ko si Cede, Hanes at Ian. Mabuti nalang talaga at hindi ako hinahanap ni Ma'am Rowena. Hindi ko kasi talaga ka-close yung mga schoolmates ko kaya kina Cede ako sumasama palagi.

"Ayaw ko na.." napalingon naman ang tatlo sa akin. Ang lunch na ibinigay sa amin ay Chicken Fillet, Sipo Egg at Kanin. Sa drinks at dessert naman ay maaari kang pumili. Tubig at Fruit Salad ang sa akin.

"Ang hina mo namang kumain Gabriella! Kaya nangangayayat ka eh!" sabi ni Ian na patapos na sa Leche Flan.

"Ubusin mo yung ulam. Sayang naman. Alalahanin mong maraming batang nagugutom sa lansangan ngayon! Bawal ang magsayang ng pagkain" dagdag pa ni Hanes. Wala akong nagawa kung hindi ubusin ang ulam. Nang maubos ko ay kinain ko na ang Fruit Salad.

"Akin na yung pinagkainan mo Maggy ako nalang ang magtatapon" sabi sa akin ni Cede. Binigay ko naman sa kanya iyon. Sinama na rin ni Hanes at Ian ang kanila. Natawa nalang ako kay Cede na ngayon ay nakabusangot na. 

"Dapat palagi ka naming kasama Gabriella!" sabi ni Hanes.

"Bakit naman?"

"Syempre nauutusan namin si Jack ng hindi nagrereklamo..." humalakhak ako sa sinabi niya. Kakabalik lang ni Cede at may dala siyang fruit salad.

"Akin nalang 'yan Jack. Kuha ka nalang ulit" pang-aasar ni Ian. Hindi siya pinansin ni Cede na ngayon ay kumakain na ng fruit salad. Pagkatapos kumain ay nagpaalam muna akong mag-restroom. Pagbalik ko sa conference room ay nakaayos na ang mga upuan. Magkakasama na rin ang mga magkaka-grupo.

"Good Afternoon Young Health Workers! Please settle down so we can start. It's already 1 o'clock" sabi ng isang Doctor. Naupo na ako sa tabi ni Cede.

"For this afternoon's activity, the poster making will be held. You will be given 2 hours to make a poster related to the theme. After that, a representative from each group will present the poster and discuss its content. The theme will be about Saving Mother Earth" kaagad na akong nag-isip ng maaari naming ilagay. Siguro naman ay may mga idea din ang mga kagroupo namin? 

Mayroon ng mga nakahandang table for each group. Dumiretso nalang kami sa table na naka-assign sa amin. Binigay na rin ang mga materials na gagamitin para sa paggawa ng poster. Naupo ako sa isang tabi habang nag-iisip kung ano ang mga pwedeng ilagay na symbols at kung ano-ano pa.

"You can start now" sabi ni Doc. Linapag na nila ang kartolina sa lamesa. Linapit ko ang upuan ko doon para marinig ang pag-uusapan nila.

"Sinong magd-drawing?" Tanong ni Henaiah.

"May magaling bang mag-drawing sa inyo?" tanong ni Jeia. Umiling kami halos. Lumapit ako kay Cede at bumulong sa kanya.

"Hindi ba marunong ka?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ako magaling mag-drawing. Magaling lang akong magkulay" sagot niya sa akin.

"Di ba hilig mo ang pagda-drawing?"

"Ikaw ang mahilig doon Maggy baka nakakalimutan mo?" sabi pa niya. Oo nga pala. Artistic siya pero more on abstract. Habang ako naman ay medyo may talento sa pagguhit. Kung hindi dahil sa kanya ay baka hindi ko iyon madi-diskubre.

"Kami nalang ni Gabriella" sabi ni Cede. Hahampasin ko sana siya sa braso ngunit umilag siya kaagad. 

"Sige, ganito ang iguguhit niyo" si Lars iyon. Inexplain niya kay Cede ang gagawin habang ako naman ay hindi pa rin makapaniwala sa gagawin. Ako? Magd-drawing!? Ang tagal ko na ring hindi gumuguhit! Paano kung pangit? 

Nagsimula ng gumuhit si Cede. Ininstruct niya ako sa mga iguguhit ko. Sumunod naman ako kaagad sa kanya at nagsimula na. Bahala na nga! Sana lang ang maging maayos! Napapasulyap ako sa kanya paminsan minsan. Sobrang magkalapit lang kami pero parang ang layo pa rin namin sa isa't isa. Nang makita kong tumapat ang camera sa amin ay kaagad naman akong yumuko. For documentation siguro. 

Mahigit isang oras kaming gumuguhit ni Cede. May mga detalye na hindi ko makuha ng maayos kaya siya nalang ang nag-aayos sa mga iyon. Hindi naman magkalayo ang guhit naming dalawa. Pero mas malinis talaga ang gawa niya. Nang matapos kaming gumuhit ay nag-umpisa na kaming magkulay. Tumulong na rin ang mga ka-grupo namin.

"Oo nga pala...kailangan pa ng sasabihin. Gawin niyo nalang ni Jack, Gabriella. Mayroon na kaming ginawang draft" sabi ni Angel. Hinayaan nalang namin silang magkulay. Naging abala naman kami sa pag-aayos ng explanation ng ginawa naming poster.

"Ikaw nalang ang magp-present. Ikaw naman ang nag-drawing!" sabi ko sa kanya.

"Hala! Ako na nga yung nag-drawing ako pa yung magp-present!" reklamo niya.

"Aba syempre mas alam mo ang ibig sabihin ng mga ginuhit mo"

"Ikaw din naman nag-drawing ka sa poster. Pwede ka rin!" umiling nalang ako sa kanya. Binasa ko ang draft na ginawa ng mga ka-grupo namin. Maayos naman iyon. Mayroong terms lang akong pinalitan. Rine-write ko iyon pagkatapos. Sakto naman kaming natapos sa oras. Dahil Group 1 kami, kami rin ang unang magp-present.

Si Jimwel at Ron ang humawak sa poster. Wala ng nagawa si Cede dahil pinilit ko siyang mag-explain sa harapan. Naging maayos naman ang presentation. Kinabahan nga lang ako para sa kanya dahil akala ko ay may mga itatanong ang mga judges. Mabuti nalang at wala. 

Halos magaganda ang mga posters na ginawa ng bawat grupo. Paniguradong mahihirapan ang mga judges sa pagpili. Pero sa totoo lang, hindi naman kami umaasa na manalo talaga. Ang goal lang naman namin ay ang makapagpasa.

Natapos ang session namin ng 4:30. Bago kami pinayagang umalis ay pinaalalahanan kami tungkol sa nalalapit na exam. Pagkatapos ay dinismiss na kami. Nalungkot tuloy ako sa kadahilanang malapit na namang maghiwalay ang aming mga landas. Palagi nalang ba? Darating pa ba ang araw na hindi na kami magkakahiwalay ulit?

"Ang lalim ng iniisip mo ah..." sabi ni Cede. Nakadungaw lang ako sa bintana ng sasakyan.

"Wala pagod lang ako..." tumango lamang siya. Nagpatuloy lang ako sa pagtanaw sa magandang tanawin na siyang linikha ng Panginoon. 

"Pumupunta ka pa ba sa bukid?" tanong ko sa kanya.

"Hindi na masyado...bakit?"

"Punta tayo minsan.." ngumiti ako sa kanya.

"Sige kapag pwede ka" ngumiti din siya sa akin. 


Continue Reading

You'll Also Like

Cry-Baby By Criss

Teen Fiction

3.3M 106K 30
I wiped my eyes once again to see deep piercing green ones looking down at me. More tears came as I saw the root of my anger, and I stood up pushing...
36.9K 622 58
Bernadette Zynn Alavaro (COMPLETED) Start: January 31 2021 End: October 14 2021
4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...