Lascivious Series #4: Fumble...

By sachtych

487K 10K 499

Eos Carisa Amaro and Zechariah Lambourne's Story "Do you really want me that much?" tanong nito habang naglal... More

Hedone
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Hedone's Note
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 13

11.5K 261 26
By sachtych

"Napakalandi mo talaga! Lumayo ka nga! Ano ba magugusot ang damit natin." natataranta ako at pilit na lumalayo sa kanya.

Natatakot ako na baka marinig niya ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Hindi maaari.

Ngumisi ito bago idinikit ang ilong niya sa akin. Sa sobrang lapit niya ay halos pigilan ko na ang huminga pa sa sobrang kaba.

"I wouldn't mind attending that party with a messy look. Ayaw mo 'yon? After sex party?" mapang-akit na wika nito bago dinampian ng halik ang labi ko.

Nanlaki ang mga mata ko kahit pa nakalayo na ito sa akin. Napahuma lang ako nang bigla itong tumikhim at binigyan ako ng mapang-asar na tingin.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi na umimik pa. Nakakainis. Nagmumukha na lang ako palaging tanga sa harap niya.

Mamaya ay isipin niya patay na patay ako sa kanya kahit hindi naman.

Pinaandar na nito ang kotse niya at ramdam ko ang pahapyaw na pagdantay ng kamay nito sa hita ko sa tuwing gagalawin niya iyong gear.

Sinasaway ko siya pero ang hudas hindi talaga nagpapa-ubra at patuloy lang sa ginagawa.

"Napaka-manyakis mo po, Sir Lambourne. Naiirita na ko."

Nginisian niya lang ako bago lumiko papasok sa isang mataas na gusali.

Paghinto ng kotse niya sa entrance ay agad na siyang sumibad palabas. Katulad ng laging gawi ay hindi ko siya hinintay pa na pagbuksan ako ng pinto.

Napapailing itong lumapit sa akin at hinapit ako sa beywang.

"Can you just wait for me to open that damn door for you?" bulong nito at ramdam ko ang pagdaloy ng kiliti sa buong katawan ko.

"May kamay ho ako. Kaya kong pagbuksan ang sarili ko." simpleng tugon ko sa kanya pero mas lalo lang niya hinigpitan ang kapit sa beywang ko.

Hindi na ako makahinga ng maayos sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Bakit ba ang hilig nitong hapitin ako palapit sa kanya?

"P-pwede bang pakiluwagan iyong kapit mo sa akin? O kaya bitawan mo na lang ako. Nakakahiya kasi sa mga tao, pinagtitinginan na tayo."

Tinitigan lang ako nito sa mga mata at ibinaba ang mukha niya para abutin ang mga labi ko. Mabilis niya lang akong dinampian ng halik sa labi pero ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa buong mukha ko.

"Kanina ka pa halik ng halik ha! Ang sama mo! Manyakis!" pilit kong itinatago ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng pagsaway sa kanya.

Napahawak ako ng simple sa tapat ng dibdib ko at grabe na ang kabog ng puso ko.

"Sa gwapo kong 'to? Manyakis lang ang tingin mo sa akin? It's not my fault. Hindi ko maiwasang ma-tempt sa labi mo. Pakiramdam ko ay ginayuma mo ako kaya ganito na lang ako kasabik sa'yo." patuloy pa din siyang bumubulong sa akin habang inaakay ako papunta kung saan.

"Ang kapal ng mukha mo. Bakit naman kita gagayumahin? Bakit gwapo ka ba?"

"Bakit hindi ba?" nakangisi itong nakipagtitigan sa akin kaya ako na ang unang nagbawi ng tingin.

"Silence means yes." pang-asar pa itong tumawa kaya lalo akong naiinis sa kanya pati na din sa sarili ko.

Gusto ko siyang barahin pero alam ko din naman na hindi siya magpapatalo at lalo lang akong pagtitripan.

Huminto kami sa tapat ng malaking pinto at may nakaukit sa itaas nito na function hall. Binati kami ng dalawang staff doon bago kami pinagbuksan ng pinto.

Halos masilaw ako nang tumambad sa amin ang napakadaming ilaw at mga tao sa paligid.

Marami ang napapagawi ang tingin sa amin at rinig ko ang impit na tili ng ibang kababaihan. Ang iba naman ay napapataas ang kilay habang pinapasadahan ako ng tingin.

Ano ba itong lugar na 'to? Nagsusumigaw ng karangyaan at alam kong hindi ako nababagay sa ganitong lugar.

Hindi ko maiwasang mapayuko dahil sa atensyong nakukuha namin o mas mabuting sabihin na atensyon na nakukuha nitong katabi ko.

"Don't mind everyone. Huwag kang lalayo sa akin. Kapag sinabi kong sa tabi lang kita, sa tabi lang kita." bulong nito kaya wala akong nagawa kundi napatango.

Para namang gugustuhin kong lumayo sa kanya eh wala naman akong kilala sa lugar na ito. Atsaka nandito ba ang kapatid ko?

"Akala ko ba dadalhin mo ako sa kapatid ko para malaman ko kung ano ba talaga ang pinapagawa mo sa kanya?" ganting bulong ko sa kanya.

"Just wait and see." simpleng sagot nito bago kami napahinto sa isang malaking mesa.

IHindi ko maiwasang mamangha dahil napapalibutan ako ng maraming m magaganda at gwapong nilalang.

"Pare! Finally, nagpakita ka din! Akala ko nasa hukay ka na eh!" bati ng isang lalaki na mayroong asul na mga mata.

"The fucker is here!" sigaw naman ng isang lalaki sa kaliwa na mayroong brown na buhok.

Nagsitawanan silang lahat at rinig ko naman ang pagmumura ni Zel.

"So, who's this pretty lady beside you? Mukhang menor de edad ha? Pedophile ka ba?" sabi ng isang lalaki na hindi ko maiwasang mamangha sa kagwapuhan niya. Tao pa ba sila?

"Fuck you, Lex!" sigaw ng katabi ko kaya kinalabit ko siya ng pasimple.

"Pwede bang hinaan mo ng kaunti yung sigaw mo kasi nakakahiya sa mga tao oh, pinagtitinginan tayo lalo." bulong ko sa kanya kasi hindi talaga ko sanay sa atensyon sa paligid.

Napalingon ako sa gilid ko nang biglang tumayo iyong isang babae na parang isang manika sa liit ng mukha. Napakaganda nito at mas lalo pang bumagay sa kanya ang suot niyang itim na gown. Bagay pa rito lalo ang maikling itim niyang buhok.

"You know what, girl. If I were you, huwag na huwag kang magpapauto sa isang kolokoy na Zechariah. Babaero 'yan. By the way, I'm Pia." ngumiti ito sa akin kaya hindi ko maiwasang matulala at mapalabi.

"Hello, ako po si Eos. Nice meeting you po." nahihiya kong sagot sa kanya at hindi maiwasang pamulahan ng mukha.

Ang ganda kasi niya talaga. Lalo itong ngumiti ng malapad bago ako hinatak palapit sa kanya kaya napalayo ako kay Zel.

"Ikaw ha, namumula ang mukha mo. Type mo ako? Makikipaghiwalay ako sa asawa ko kung type mo ako. Ang ganda mo pa naman. Bagay tayo." nakangisi ito sa akin.

Narinig ko ang tawanan sa paligid at pagtikhim ni Zel pati na ng isang lalaki na tumayo na din para hapitin sa beywang ang babaeng nasa harap ko. Napalayo tuloy sa akin ang babae sa ginawa niya.

"What did you say, my dearest wife? Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo mamaya buong magdamag kung kanino ka lang dapat?"

Kulang na lang ay lumubog ako sa kinatatayuan ko. Ganito ba talaga sila ka-vocal? Parang ako ang nahihiya.

Pinulupot ni Pia ang mga braso niya sa beywang ng lalaki at tiningala ito.

"Sorry to burst your bubbles, my baby Wage pero mainit ang ulo ko sa'yo ngayon kaya sa guest room ka matutulog. Hudas ka talaga." nakangiti ito ng matamis sa lalaki habang sinasabi ang mga salitang iyon.

"Yown! Under nga naman ang Lolo Wage mo!" pang-aasar ng isa pang gwapong lalaki at sinabayan pa ito ng tawa.

"Shut up, Tyler! Palibhasa ayaw ka ng balikan ng ex mo kaya tigang ka pa din hanggang ngayon!" balik na sagot noong nag-ngangalang Wage.

Nagpatuloy lang silang nagbabangayan kaya ako na halos ang nahihiya para sa kanila.

Pinaupo naman na ako ni Zel sa isang upuan at napalingon ako sa tabi ko. Halos mapaamang na naman ako sa babaeng nasa tabi ko.

Required ba talagang maging ganito kaganda ang mga girlfriend or asawa nila?

Nakatingin sa akin ang babae at nginitian ako. Iniabot nito sa akin ang kamay niya kaya agad ko iyon tinanggap.

"Hello, I'm Xiara. Pasensya ka na sa mga lalaking iyan ha? Ganyan lang talaga kadudumi ang bibig ng mga 'yan pero mababait naman silang lahat." mahinhin na wika niya kaya hindi ko maiwasang matulala na naman.

Para siyang anghel. Pati iyong boses niya ay masyadong malamyos at hindi ko maiwasang humanga habang nakatitig sa kanya.

"Hala, ayos lang po iyon. Medyo nahihiya lang ako kasi andaming nakatingin sa gawi dito. Hindi ako sanay. Eos nga po pala."

"Masanay ka na. Masyadong malaki ang grupo nila at kilala talaga silang lahat. Bukod kasi sa may mga sinabi sa buhay e hindi naman mapagkakaila na gwapo talaga silang lahat. Mga babaero nga lang." humagikgik pa ito.

Napalingon naman ako sa tabi ko nang pumulupot ang braso niya sa beywang ko. Seryoso lang itong nakatingin sa akin at idinantay ang baba niya sa balikat ko.

Ayan na naman siya sa kilos niya. Nag-init ang pisngi ko lalo pa nang marinig ko ang mga kantsawan sa paligid.

"Hi guys! Ang iingay niyo wala talaga kayong mga hiya." napalingon ako sa likod namin at nakita ang isang matangkad na pamilyar na babae.

Nakita ko na ito dati pero hindi ko lang maalala. Maganda rin ito at sobrang puti. Napatingin ito sa akin at nanlaki ang mga mata.

"OMG! The pretty girl! Natatandaan mo pa ba ako? It's me, Liona!" excited itong lumapit sa akin at nakipag-beso.

"Hoy, Kuya Zel! Umalis ka nga diyan at upuan ko 'yan. Lumipat ka doon sa tabi ni Kuya Lex. Magsama kayo tutal pareho kayong babaero."

Kinunotan siya ng noo ni Zel at lalo lang ako inilapit sa kanya.

"Shut up, brat. Doon ka sa tabi ng Kuya mo." inis na wika nito pero hindi siya pinansin ng babae at hinatak ito palayo sa akin.

Napalabi ako dahil sobrang lakas niya. Mabilis itong umupo sa dating pwesto ni Zel at kumunyapit sa braso ko.

"Shit! Hoy Andres! Kuhanin mo nga itong kapatid mo bago ko 'to pitikin palabas!" naiinis na duro ni Zel sa babae pero iniiwas ko na lang ang tingin sa kanya.

Mas komportable ako kung itong magandang babae ang katabi ko kaysa sa kanya. Hindi na kaya ng kabog ng dibdib ko kapag malapit lang siya.

"Napakaingay niyo! Hindi ba kayo nahihiya sa mga bisita? Aba! Kahit kayo pa ang may pa-party, you are so annoying! Ikaw naman, Zel. You are so like linta! Doon ka nga umupo!"

Napalingon na naman ako sa gilid nang may dumating na naman na isang babae. Literal na atang malalaglag ang panga ko.

Matangkad din ito at may bilugang mga mata. Ito iyong masasabi ko na nakakaintimidate pero sobrang ganda.

"Si Ate Yell iyan. Siya lang naman ang literal na lioness ng barkadang ito. Lahat sila taob na kapag siya ang nagsalita. Konyo nga lang." humagikgik pa si Liona kaya napangiti ako.

Umupo ang bagong dating na babae sa tabi ni Pia at palinga-linga ito sa paligid bago ako tinignan.

Nginitian niya lang ako bago muling tumingin sa paligid na tila may hinahanap.

Nag-simula na ang party at unti-unti na din naman akong nagiging komportable sa kanilang lahat.

Madaldal din kasi si Liona kaya kahit paano ay nababawasan iyong kaba ko habang nasa paligid ko lang sila.

"You know what, Ate. I really find you so pretty. Akala ko si Ate Xiara lang ang mukhang anghel na nakilala ko ever pero ngayon dumagdag ka na. Sana all diba?"

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya at napahawak sa batok ko.

"Hala hindi. Ikaw nga ang ganda-ganda mo tapos ang tangkad mo pa. Ilang taon ka na ba?" nahihiyang tanong ko sa kanya.

Kanina pa kasi kami magkausap tapos ina-ate niya ako. Hindi ko naman alam kung mas matanda ba siya sa akin.

"I'm 19 years old pa lang. College student. Ako lang naman ang teenager pa din sa kanilang lahat and I hate it sometimes kasi ginagawa nila akong bata. Like hello? Mag-20 na kaya ako next month."

Napaamang ako at pinakatitigan siya. Natawa naman siya at pinindot ang kaliwang pisngi ko gamit ang hintuturo niya.

"Cute mo po, Ate. Mukha lang akong super mature dahil sa dede at height ko. Atsaka you know what, mas bet ko ang sa'yo, infairness sis. Anong cup mo?"

Halos umakyat ang lahat ng dugo sa mukha ko sa tanong niya. Jusko, buong araw ba ay magiging pula na lang ang mukha ko sa hiya.

"A-ano..." hindi ko alam ang sasabihin ko at narinig ko ang mahinang tawa ni Xiara sa tabi ko.

"Liona, uyy be. Hinay-hinay ka naman sa mga tanong mo. Nahihiya na si Eos." nakangiti ito habang pinaglalaruan ang daliri ng asawa na nakadantay sa beywang niya.

"Hala, sorry. Masyado na ba akong overboard?" napanguso pa si Liona habang nakatingin sa akin.

"A-ah ano kasi, nahihiya kasi ako. Alam mo na." napakamot pa ako sa batok ko.

"Ate Eos?"

Napalingon ako sa likod ko nang may tumawag sa pangalan ko. Doon ko nakita ang kapatid ko na kunot ang noo na nakatingin sa akin.

Napatayo ako ng wala sa oras at nilapitan ito. Hinatak ko ito palayo sa pwestong iyon hanggang makarating kami sa tahimik na lugar.

"Ate anong ginagawa mo dito? Kilala mo ba sila?"

"Ah oo. Boss ko si Sir Zel at dinala niya ako dito. Gusto ko lang naman kasi malaman kung anong trabaho mo dahil ayaw mong umamin sa akin."

Napabuntong hininga ito bago pinisil ang ilong niya.

"Wala ka bang tiwala sa akin? Ayaw ko lang naman sabihin sa inyo dahil ayaw ko kayong mag-alala pa. Mapapadalas kasi na wala ako sa bahay kaya ayaw ko na sabihin pa sa inyo."

"Hindi naman sa ganoon, Jaxon. Ang sa akin lang naman, mano man lang sabihin mo sa akin dahil Ate mo ako. Ano bang masama kung sasabihin mo sa akin diba? Normal lang naman na mag-alala ko."

"Bakit, Ate? Ikaw ba hindi ka kailanman naglihim sa amin kung ano man ang nagiging trabaho mo?" balik na tanong nito.

Para akong napako sa kinatatayuan ko at wala akong maapuhap na salita.

"Ate alam ko. Nag-trabaho ka isang beses sa isang bar. Nakita ka ng kaibigan ko pero sinekreto namin iyon kahit kay Nichola. Alam mo kung ano yung nakakasama ng loob? Hindi mo kami pinagkatiwaalan na mismong mga kapatid mo. Hindi mo man lang nagawang sabihin sa amin na ginawa mo iyon para lang mabuhay at mapag-aral kami. Sobra-sobra yung konsensya ko noong mga panahon na iyon, Ate. Halos sisihin ko ang sarili ko kasi ako iyong lalaki e. Dapat pinoprotektahan ko kayo ni Nichola pero hindi ko nagawa. Paano na lang kung napahamak ka? Paan mo na po 'yon?"

Napatingala ito at kita ko ang pagdaloy ng mga luha niya. Hindi ko maiwasang maiyak bago abuting ang mga kamay nito.

"S-sorry, Jaxon. S-sorry kung nagiging kahihiyan ako sa inyo." napahagulgol na ako at niyakap ang kapatid ko.

"Ate naman. Kahit kailan hindi ka naging kahihiyan sa amin, alam mo 'yan. Proud kami palagi kasi ikaw iyong Ate namin. Ang ayoko lang naman eh iyong hindi ko alam na lahat isinusuko mo na at halos hindi na magkanda-ugaga para lang mapunan ang mga pangangailangan namin. Magkakapatid tayo e, hindi ba dapat nagtutulungan na lang tayo kaysa ganito na sinasarili mo lahat? Diba dapat ganoon ang isang pamilya?"

"Patawarin mo ako, Jaxon." patuloy lang ako sa pag-iyak habang hinahagod niya ang ulo ko.

"Ate, sorry din. Kasi masyado ng mabigat iyong pasanin mo kaya hindi kita nasunod na huwag muna akong mag-trabaho. Naging matigas ang ulo ko at naghanap pa din ako ng pagkakakitaan para makatulong sa inyo. Heto nga ang nabanggit sa akin ng isa kong kaklase. Naghahanap lang naman ng bodyguard iyong isang kaibigan ni Sir Zel e. Pansamantala lang naman. Hindi ko masabi sa iyo agad dahil alam kong mag-aalala ka lang."

Napalayo ako sa kanya at pinahid ang mga luha ko. Hindi ko maiwasang mag-alala habang nakatingin dito. Doon ko lang din napansin na naka-tuxedo ang kapatid ko na itim at may ear-piece din ito.

"Delikado ang trabahong iyan ha. Sigurado ka ba dito? Hindi ba maaapektuhan nito ang pag-aaral mo? Jaxon." napalabi ako at hindi maiwasang maiyak.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko sa'yo, Ate eh. Babantayan ko lang naman iyong mga anak ni Sir Wage. Iyong isang kaibigan ni Sir Zel. Atsaka pansamantala lang naman habang naghahanap pa sila ng mapagkakatiwalaan na pwedeng mag-bantay sa mga anak nila." napakamot pa ito sa kilay niya at hindi malaman kung anong gagawin.

Gusto ko man siyang pigilan pero alam kong magtatalo lang kaming dalawa. Ayokong magkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa aming magkakapatid kaya kung maaari lang ay lagi ko silang iniintindi.

Napabuntong hininga na lang ako bago hawakan ng mahigpit ang mga kamay niya.

"Ipangako mo ha? Mag-iingat ka? Huwag na huwag kang magpapalipas ng gutom at bigla na lang mapapaaway. Ayokong uuwi ka sa atin ng maga iyang mukha mo o kung ano man ang may tama sa'yo."

Napangiti naman ito bago ako niyakap.

"Salamat, Ate. Huwag kang mag-alala lagi akong mag-iingat. Kayo din ni Nichola ha? Habang wala ako madalas ngayon sa tabi ninyo, mag-iingat kayo lalo na sa mga lalaki. Mahirap na sa panahon ngayon."

"Opo, Kuya Jaxon." biro ko sa kanya kaya natatawang ginulo nito ang buhok ko.

"Kuya Jaxon!"

Napalingon ako kung saan nanggagaling ang munting boses na iyon. Nakita ako ang isang cute na bata na nakasuot ng baby pink na dress. Nakalugay din ang mahabang itim nitong buhok kaya lalo siyang nagmukhang manika.

Kunot nga lang ang noo nito habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ng kapatid ko.

"Ingrid! Hindi ba at sinabi namin sa iyo ng mga magulang mo na dapat hindi ka na lang basta basta lalayo sa ibang bodyguard mo. Ang kulit mo talaga."

Nameywang naman ang bata at sinamaan ng tingin ang kapatid ko.

"Eh you nga, you're just landi landi here with someone like my mommy and daddy kaysa bantayan ako."

Hindi ko maiwasang matawa sa cute na bata habang sinasagot ang kapatid ko.

Alam kong masama iyon at dapat na pagsabihan pero hindi ko maiwasang maaliw sa kanya.

Napabuntong hininga naman ang kapatid ko bago lapitan ang bata.

"Kapatid ko po siya, Ms. Ingrid. Hindi maganda na bigla-bigla ka na lang nagiging brat sa ibang tao. Mag-sorry ka sa Ate ko." saway nito sa bata.

Para namang maamong tupa ito at nahihiyang napatingin sa akin.

"Sorry po, Ate. I didn't mean to po na maging bad sa inyo. Please don't tell it to my mommy and daddy. Magagalit sila sa akin and lalo po akong hindi papayagan mag-play sa labas." sabi nito kaya hindi ko maiwasang mapangiti.

Nilapitan ko silang dalawa at hinaplos ang pisngi nito. Napaangat naman ito ng tingin sa akin na tila nahihiya pa din.

"It's okay, baby girl. Basta huwag ka na magsasabi ng mga ganoon ulit ha? Bad iyon. Atsaka mas matanda pa din sa iyo itong si Kuya Jaxon mo kaya dapat hindi ka ganoon magta-talk."

Napatango naman ito bago kumapit muli sa leeg ng kapatid ko.

"Sorry po ulit. Sorry, Kuya Jaxon." namumula pa ang ilong nito pati pisngi kaya hindi ko maiwasang matawa.

Napatingin naman ako sa kapatid ko na marahang binaba ang bata sa pagkakabuhat niya.

"Halika na at ihahatid na kita muna sa Mommy at Daddy mo. May kailangan lang akong puntahan." mahinahong inalalayan ni Jaxon ang bata hanggang makapasok kami sa loob.

Lumapit muli kami sa grupo nila Zel. Napatingin naman ako sa binata at nakita ko itong nakatitig lang sa akin ng seryoso.

"Bro, baka matunaw. Hinay-hinay lang." rinig ko pang-aasar noong kapatid ni Liona na si Lex.

"Ms. Pia. Magpapaalam po muna sana ako. Pwede po ba akong umuwi ng maaga ngayon? Ihahatid ko lang po sana ang Ate ko pauwi. Babalik na lang po ako ng mas maaga bukas sa bahay niyo po." rinig kong paalam ni Jaxon.

"Su--"

"You don't have to worry about your sister, Jaxon. Ako na ang maghahatid sa Ate mo mamaya. We still have to talk about something."

Nakita ko naman ang mga mapanuksong tingin ng mga kaibigan niya sa kanya.

Napatingin naman si Jaxon sa akin ng nagtataka kaya napakibit balikat na lang ako.

"It's settled now, Jaxon. Sa bahay ka na lang din matulog dahil baka gabihin na tayo sa party na 'to. Delikado naman kung babyahe ka pa pauwi. Is it okay with you, Eos?" nakangiti sa akin si Pia kaya napatango na lang ako.

At totoo nga, inabot na halos ng ala una ng madaling araw bago natapos ang party. Nag-kwentuhan kasi silang magkakaibigan at madalas ay tungkol sa business iyon.

Nasa tapat na kami ng bahay namin ng mga kapatid ko at hindi ko pa din magawang lingunin si Zel.

"Ah ano, salamat sa paghatid. Salamat din kasi ngayon maliwanag na sa akin kung ano ba talagang trabaho ng kapatid ko."

Napatigil ako sa sasabihin ko at pinaglaruan ang mga daliri ko.

"Sorry din pala kung naghinala ako ng hindi maganda sa'yo. Mahirap lang talagang magtiwala sa kahit sino ngayon kaya nasabi ko ang mga iyon."

Hindi pa din ito umiimik kaya nag-angat na ako ng tingin sa kanya.

Halos mapasinghap ako nang mahuli itong titig na titig sa akin. Bumaba ang mga tingin nito sa labi ko kaya wala sa hulog na binasa ko ang mga labi ko gamit ang dila ko.

Nakita ko ang paglunok nito at hinapit na naman ako palapit sa kanya.

"H-hoy..." natataranta ako at pilit na lumalayo sa kanya.

"I can't take it anymore." napasinghap ako ng bigla na lang niya akong kabigin para sa isang mainit na halik.

Continue Reading

You'll Also Like

371K 17.8K 53
[ Iskwala Series #1 ]
81.1K 2.9K 41
Hacienda Alegre Series 4 -Lessandro Vincent Verdejo||Matured Contents Si Levi Verdejo ay ang tagapagmana at nagma-may-ari ng isa sa napakagandang hac...
147K 4.9K 21
Hacienda Alegre Series 1 "Your touch healed by broken heart..." __ Malvine was an ex-OFW who came back to the Philippines to reach her dream of becom...
1.9M 54.4K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...