Russian Requiem (Book 2 of RR...

By La-MarGa

7.1K 143 28

After Ariadne and Clade overcame their hellish past, they faced a new chapter in their lives. Living together... More

Note
Prologue
Requiem #1
Requiem #2
Requiem #3
Requiem #4
Requiem #5
Requiem #6
Requiem #7
Requiem #8
Requiem #9
Requiem #10
Requiem #11
Requiem #12
Requiem #13
Requiem #14
Requiem #15
Requiem #16
Requiem #17
Requiem #18
Requiem #20
Requiem #21
Requiem #22
Requiem #23
Requiem #24
Requiem #25
Requiem #26
Requiem #27
Requiem #28
Requiem #29
Requiem #30
Requiem #31
Requiem #32
Requiem #33
Requiem #34
Requiem #35
Requiem #36
Requiem #37
Requiem #38
Requiem #39
Requiem #40
Requiem #41
Requiem #42
Requiem #43
Requiem #44
Requiem #45
Requiem #46
Requiem #47
Requiem #48
Requiem #49
Requiem #50
Requiem #51
Requiem #52
Requiem #53
Requiem #54
Requiem #55
Requiem #56
Requiem #57
Requiem #58
Requiem #59
Requiem #60
Epilogue
Note

Requiem #19

83 1 0
By La-MarGa

Chapter 19

(Despair)


"Good morning!" Umalingawngaw agad ang masiglang boses ni dad mula sa hagdanan pa lamang. Dumiretso siya sa dining table kung saan kami nakaupo at naghihintay sa kanya.


He kissed his grandchildren's heads and then proceeded to sitting at the central chair. We all greeted him back.


"Good morning, dad. You woke up late." I said.


He laughed wholeheartedly. Lumitaw muli ang mga wrinkles niya sa mukha dahil doon. Pagkatapos ay dumako ang tingin ko sa kanyang buhok na maraming puting piraso. Mai-suggest ngang ipakulay ang kanyang buhok para naman mas bumata siyang tingnan.


"I slept peacefully because of the bed. On top of that, I had two little angels beside me." He answered merrily.


"Really, dad? To you, they are little angels. When it comes to me, they become little monsters." Clade jokingly said.


"That's not true, dad!" Mabilis namang depensa ni Clay. Bumaling pa ito sa kanyang lolo na tila handang magpaliwanag ng kasalanan. "Grandpapa, don't listen to dad. He's just jealous of you."


Natawa ako sa tinuran ng anak. Nang tingnan ko si Clade ay nakabusangot na din ito habang nakatingin kay Clay.


"How was I jealous, son?" Taas-kilay na tanong ni Clade.


Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain habang nakikinig sa kanila. Si dad naman ay tutok na tutok sa dalawang kalahi niyang nagbabangayan. Parang tuwang tuwa pa itong nag-aaway ang dalawa sa harapan niya.


"Because we are sweeter with grandpapa than with you! Even with mama! That's why you're always jealous of them, dad!" Clay countered with his confident defiance.


Tila umusok ang ilong ni Clade habang tinitingnan ang anak. Our patriarch laughed with joy because of the scene.


"Papa... kuya... stop." Maliit na boses na saad ni Carie sa tabi lamang ng kanyang kuya.


My smile grew wider. Binalingan ko si Clade sa aking tabi at tinasaan siya ng kilay. Mula sa madilim na pagtitig nito kay Clay na nasa aming tapat ay bumaling sa akin ang kanyang tingin.


"Hmm... you heard our daughter. Stop fighting with our son! Especially in front of the food! You're like a kid, Clade!" Inirapan ko siya.


He scoffed. "He's embarrassing me, his own dad!"


Namutawi muli ang tawa ni dad. "Clade, you're really an ass."


"Dad!" Pag-alma ng isa. "The kids are listening."


"Oh! My bad." Ani dad at bumaling sa mga bata. "Don't use that word, Clay, Carie, okay? It's not a good word. I'm sorry."


"Okay, grandpapa!"


"Going back," muling baling ni dad kay Clade. "Ariadne's right. You're like a kid! Why would you fight with your child like that?"


"Well..." nangapa ng idadahilan ang mokong. "It's our bonding, dad."


Pinigilan kong matawa. Mula sa aking peripheral vision, kita ko ang matalim na tingin ni Clade ngunit hindi ko pinansin.


Bonding ka d'yan. Sabihin mo, seloso ka lang talaga at uhaw sa atensyon ng mga anak mo! Napaka-clingy kasi!


"What a unique bonding you have!" Pabalang ngunit pabirong sagot ng nakatatanda.


"I know, dad. Don't be jealous with our bonding. I'm sure my son loves you just enough."


Parang sira talaga ito! Rinig ko ang pagtawa ni dad at kita ko naman sa aking harapan ang pag-ismid ni Clay. I caught his attention to let him see my sharp eyes.


Yumuko siya na parang tuta dahil sa nakita. Napailing na lamang ako nang magpatuloy ang usapan doon. I mean, how can these two boys argue with each other a lot of times when they look like each other so much?


Magkapareho na nga sa mukha, magkapareho pa sa ugali. Kaya naman laging nagbabangayan. But I know better. It's just really a kind of bonding for them to argue like that. And knowing my husband and my son, they really love each other more than anything. I can especially attest to that whenever I see Clay looking at his father with so much adoration. Sa kabila ng mga pang-aasar niya sa ama, malaki ang respeto at paghanga niya rito. And I know Clade knows that too.


Sadyang isip bata lang din talaga ang isa minsan kaya pinapatulan niya!


"Alright! What should we do for today?" Ganadong tanong ni dad matapos magpahinga mula sa pag-aalmusal.


"Swimming, grandpapa!" Taas ang kamay na suhestyon ni Clay.


"No!" Sigaw ni Carie. "Play house!"


"No! Swimming!" Giit ng kuya.


"Play house!"


"Alright, alright..." agad na pumagitna sa dalawa ang lolo. "We'll do both, okay?"


"How, grandpapa?" Nagtatakang tanong ni Clay.


"Oh, we have ways, my dear boy! We will swim while playing house with Carie."


"Huh?"


"Yes. Just trust me, okay? Let's go!"


Hinayaan namin silang maghanda para sa balak gawin. Nanatili naman kami ni Clade sa sala habang pinapanood sila. Hinihintay din naming dumating ang bisita kaya hindi kami nakisali sa mga maglolo.


"What are you two still doing here? Go on and change." Puna ni dad nang makita kaming nakaupo sa sofa.


Nakasuot na lamang ito ng may kalakihang swimming trunks. Kahit matanda na ay naroon pa rin ang ganda ng kanyang katawan. Naghihintay naman sa may pinto ang dalawang bulilit na naka swimming attire din. May kanya kanya pang salbabidang dala.


Umiling ako. "We'll have a visitor, dad. We're waiting for her."


"Oh? A visitor?"


"Yes."


"Who?" Kuryosong tanong niya.


"A friend of mine. She's also a doctor in IMC." Sagot ko.


"Oh, I see... But why is she visiting?"


I smiled. Sumulyap ako kay Clade na tamad na nakikinig sa aming usapan. Nakasalampak lamang ito sa sofa at nakapatong ang ulo sa sandalan na para bang antok na antok.


Inirapan ko ito bago bumaling kay dad. "She's asking Clade for help for her hospital. Clade is mentoring her for a few weeks now."


Kumunot ang noo ni dad. "Mentoring? Clade?"


Tumango ako. "Yes, dad."


Bumaling ang namamanghang ekspresyon nito sa anak. "Wow. I never knew you like mentoring other people."


"I don't." Clade answered nonchalantly.


"Then why do it?"


"For Ariadne. She asked me this favor."


Napatikhim ako sa kanyang sinaad. Pilit itinatago ang ngiting wagi.


Nang mapatingin ako kay dad ay hindi nakalampas sa aking paningin ang nanunuksong tingin niya. He's even smirking at me like he smells something fishy!


Ganyan ba talaga ang mga matatanda? Mas malala pang mang-asar kaysa sa mga teenager. Kulang na lang mangisay sa kilig rito ang ama namin.


"What a thoughtful husband!" Bulalas ni dad na ikinailing ko.


Wait... Parang narinig ko na 'yon ah?


Inisip ko kung kanino ko nga narinig iyon nang pumasok sa isipan ko si Chef Rossi. Muli akong napailing dahil isa din iyon na malakas mang-asar. At kung titingnan ay pareho sila nitong matandang nasa harapan namin.


I laughed inwardly when a silly thought suddenly came across my mind. I looked at dad and equaled his knowing smirk.


Napalitan ng pagtataka ang ekspresyon niya.


"Why are you looking at me like that, Ariadne?" Tumaas ang kanyang kilay.


I shrugged. Gamit ang malumanay na boses ay tinanong ko siya. "Have you met our dear chef, dad?"


His brows furrowed thoroughly. "Chef? What chef?"


"Our chef. Our beautiful chef."


I looked at Clade beside me when I heard his chuckle. He's amused at what I'm doing.


"Well... is there anything special about this chef?"


"Oh. It depends on you. If you'll see something special in her." Mas lumapad ang aking ngisi. Tinaas-baba ko pa ang aking mga kilay. Dad looks so clueless.


Akala nito siya lang marunong mang-asar ng ganito ah?


"Hello, my babies! You look so cute in those outfits!"


Napatingin kami sa pintuan nang marinig ang boses na iyon. Grazie, in her white halter top and black trousers, sat down in front of my kids and hugged them.


She looks confident again. Glad that she's being consistent in that department already.


"Good morning, Aunt Grazie." Bati ni Clay sa kanya.


Nagtago naman sa likod ng kanyang kuya si Carie. Napanguso ako sa inasta ng anak. Bakit naman matatakot ito kay Grazie? Nakakahiya naman sa tao.


"Good morning!" Grazie giggled.


I stood up and went to them.


"Good morning, Grazie!" Bati ko.


She looked up to me. "Oh, hey, Ari! Good morning. Your kids look so lovely."


"Well, thank you." Nakangiting sagot ko. "Come in."


"Okay."


She gracefully strode the floor of our living room. Her high-ponytailed hair is swaying synchronously with her well-defined hips as she makes her way inside. Her shiny black handbag looked classy on her hand.


"Dad, this is the friend I was talking about. Her name's Graziella." Pakilala ko sa kanya kay dad.


"Hello, sir! Good morning. You can call me Grazie. Nice to meet you," naglahad ng kamay ang isa.


I watched dad's reaction as he accepts my friend's hand. He's smiling a bit, but there's doubt in his face. Tuloy ay nagmukhang pilit ang kanyang ngiti.


"Nice to meet you..." he said in a serious voice.


Awkward akong tumawa nang matapos ang pagkikipagkamay nila.


"He's Clade's father. He's staying with us." Sambit ko kay Grazie.


"Oh?" Namamanghang aniya. "That's so nice! Bigger family!"


Ngumiti ako sa kanya.


Nagpabalik balik naman ang kanyang tingin sa mag-ama.


"But... why don't they look like each other? Aren't the sons supposed to look like their fathers?" She asked with pure curiosity. "Well, maybe you look like your mom huh, Clade?"


Mas lalo kong naramdaman ang pagiging awkward. Lalo na tahimik ang mag-ama sa aming harapan.


I gently held Grazie's shoulder to get her attention. Tumawa pa ako ulit para bawasan ang katahimikan. Bumaling naman siya sa akin gamit pa rin ang nagtatakang ekspresyon.


"Shall we go to the office?" Nakangiting suhestyon ko.


Napakurap kurap siya. "Oh... yeah. Sure!"


I smiled more. Sinulyapan ko si Clade at sinenyasan na igiya na ang aming bisita sa itaas.


Patago siyang bumuntong-hininga bago pinilit ang katawan na tumayo mula sa sofa. Nauna itong maglakad sa hagdanan kaya inudyok ko si Grazie na sumunod.


Nang mawala ang dalawa, bumaling ako kay dad. He's looking at me seriously.


"Are you okay, dad?" I nervously asked.


Tinaasan niya ako ng kilay. "Did you say she's your doctor friend?"


Dahan dahan akong tumango. "Why? Is there a problem?"


"Nothing..." labas sa ilong na sagot niya. "Just... stay closer to her. And watch your husband all the time."


"Huh?" Nagtatanong ang mga mata ko nang titigan siya.


Maya maya ay natawa siyang bigla. Lalo namang kumunot ang noo ko doon.


"I'm just kidding! Look at your face! All serious!"


Napapadyak ako sahig. Kainis! Nang-aasar lang pala! Akala ko naman kung anong seryoso na usapan ito!


"Dad!" Naiinis na saad ko.


He continued to laugh. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.


"Sorry, dear. I just wanted to tease you. You know... make you a jealous wife."


"That's not a good joke, dad!" I hissed. I wanted to tell him that Grazie has a serious background, but I refrain from doing so. I must remember that it's a sensitive topic.


"I know! Sorry!" Natatawa pa ring sagot niya.


"Tss!" Humiwalay ako sa yakap at sinamaan siya ng tingin. Hindi ko pinansin ang paglambot ng ekspresyon niya para lang aluin ako. Kahit hindi sila magkadugo ni Clade, manang mana talaga ang isa sa kanya!


"Alright. I will take care of your kids. We'll enjoy the pool... And you, you go to your husband and friend. Don't mind us here."


"You sure, dad?"


He nodded.


"Okay. Don't forget their sunblock. Carie is scared of the deep parts. Just let her stay on the shallow parts. And please watch Clay too."


"I know, I know!" He waved his hand dismissively and left me alone here in the living room.


Umiling na lamang ako bago nagpunta sa opisina. Nasa parehong ayos ang dalawa gaya ng mga nakaraan. Grazie is still observing her behavior in front of Clade. May ppt ulit sa harapan nila ngunit mas tutok ang mga mata ni Grazie kay Clade.


She is all smiles at my husband, although the other one's attention is on the screen. She didn't even notice me entering the room kahit na halos katapat niya lang ako.


Tahimik akong nagpunta sa upuan ni Clade sa kanyang mesa. Nasa likod na nila ako ngayon at dahil parehong tutok sa ppt, hindi nila ako napansin sa pag-upo ko rito.


I just sat here as minutes go by, silently watching the two in front of me. They both look comfortable with each other. I can see that Clade isn't as annoyed with her presence as before.


"I plan on getting international investors to boost the potential of the business itself." Malumanay na saad ni Grazie.


From looking at the paper he's holding, Clade looked at her. Hindi nakatakas sa paningin ko ang kalambutan ng kanyang ekspresyon.


"Hmm. I think that would be a bad idea. Start with local investors first. It's a new hospital, you need to start humbly before taking risks with other bigger investors." He said in a soft voice.


"Oh. Do you think so?" Parang kuminang pa ang mga mata ng aking kaibigan.


Tumango si Clade at muling tumingin sa mga papel.


"Founding a hospital is not an easy task. You need to create a strong connection with the locality first, especially the government and local business sector to ensure the stability of your hospital."


"Ah I see! In short, I need to build a good foundation here first. Like gaining the trust of the people?"


"Yes, that's right." Clade chuckled.


Grazie's like an active kid in the class, trying to impress her teacher with her brilliant answers. No matter how I look at it, Clade is really comfortable with her already. Come to think of it, hindi man lang nagalit si Clade kanina sa tanong ni Grazie tungkol sa kanilang mag-ama. Is it because he felt that they are the same? That they both have struggles in life, that's why he needs to be more lenient with her?


The two have finally found a good relationship with each other. A good relationship between a mentor and a mentee.


I continued listening and watching them. Naiinis ako sa sarili dahil sa walang kwentang nararamdaman ko ngayon. I mean, what the hell, right?


Why would I be... jealous right now? Ano ngayon kung maayos ang pakikitungo ni Clade sa kanya? Hindi ba't mas maganda nga iyon?


This is a useless feeling. Bakit ko nga ba pinag-iisipan ng masama ang aking kaibigan at asawa? That's so absurd!


Patuloy kong pinaalalahanan ang aking sarili na walang katuturan ang aking mga naiisip. Jealousy makes people irrational. Kaya hindi talaga maganda ang pagseselos.


Nang hindi ko kayanin ay tumayo ako at nagdesisyong bumaba na lamang sa kusina upang ipaghanda sila ng meryenda. Kailangan kong lumabas rito upang makalanghap ng sapat na sariwang hangin. Para akong maso-suffocate.


Because I felt it... my presence here wasn't needed at all. The two can go on with their meeting without me just fine. Besides, una pa lang naman ay hindi ako pinag-stay dito ni Clade para makatulong sa kanila. Kundi para gabayan sila sa isa't isa upang iwasan ang pagkailang nila.


At ngayon na nakikita kong maayos na sila sa isa't isa... baka hindi na kailanganin ang presensya ko rito kahit kailan. Baka makaistorbo pa ako ng wala sa oras.


Bago ko maisara ang pinto, narinig ko pa silang nagtawanan dahil sa isang biro ni Grazie. Yes... my Clade laughed with her.


"Oh, ma'am? Ano po 'yon?" Nilapitan ako ni Mae nang makarating sa kusina.


"Uh... pahanda ng meryenda ang Sir Clade n'yo pati iyong bisita namin."


"Yung kaibigan n'yo po ba ulit iyon, ma'am?"


Tumango ako.


"Madalas na po ang punta niya ngayon ah?"


Tipid na lamang akong ngumiti sa kanya. Pagod na akong mag-explain sa mga tao. Lagi na lamang ako ang nang-iintindi.


"Sige, ma'am, ihahanda ko na po ang meryenda n'yo-"


"Pang-dalawahan na lang, Mae. Hindi ako makakasali sa kanila ulit. May kailangan kasi akong gawin sa opisina ko." Sinubukan kong lagyan ng buhay ang aking boses.


"Sure kayo, ma'am?" Nagtatakang tanong niya. Malamang ay dahil iniisip niyang palagi akong kasali sa dalawa.


Tumango ulit ako at ngumiti. "Yes. Pakihatid na lang sa opisina ng asawa ko, ah? Salamat."


Tinalikuran ko na siya at nagpunta na lamang sa aking opisina. Lumipas ang kalahating oras ngunit nanatili lang akong nakatanaw sa bintana kung saan napapanood ko ang masayang paglangoy ng mga mag-lolo.


A small smile still managed to crept on my lips despite my sour mood. It's making me so annoyed! Sinabi ko na ngang huwag dapat magselos dahil hindi maganda iyon ngunit patuloy pa rin ako. I am such a petty woman!


Hindi ko maialis sa aking diwa ang mga nasaksihan ko kanina... maging nang mga nakaraan. Clade's finally soft with her. He can already laugh with her. Bakit ngayon ko lang narealize iyon?


Maybe he started to like her when she abided by his rules. She became well-behaved, just like how he wanted. Kaya wala dapat ipagtaka kung nagiging malapit sila sa isa't isa. After all, it's just a meeting about the hospital. And in the course of time that they'll meet, it's just natural to become friends with each other.


Tama 'yan, Ariadne. Punuin mo lamang ng mga logical excuses ang sarili mo upang iwasang magselos. Everything makes sense anyway... Ako lang naman ang hindi.


---


"Send n'yo agad sa akin ang report tungkol sa kasong ito kapag may sapat nang ebidensyang nakalap." Saad ni Malekeith sa mga tauhang pulis nang dumating muli ang araw ng Lunes.


"Yes, sir!" Sumaludo ang pitong unipormadong pulis sa kanya bago lumabas ng kanyang opisina.


Abala siya sa pag-aayos ng maraming papeles sa kanyang mesa nang biglang tumunog ang kanyang telepono.


Kumunot ang noo niya nang makitang si Aleksandar ang tumatawag roon.


"Hello?" Sagot niya sa tawag habang nagpapatuloy sa ginagawa sa mesa.


"Has Clade asked you to accompany him again lately?" Mababang boses na tanong ni Aleksandar. "This is about that mysterious man."


Mas lalong kumunot ang noo niya. Umayos siya ng tayo. "Did you know that he's asking me to accompany him in his own investigation?"


"Wait, so you mean to say that he really did ask you to accompany him again?"


"No... It was just once. We went to some mansion which turns out to be a death zone. Why? Is there something wrong?"


Matapos ayusin ang mga papeles sa kanyang mesa, naupo si Malekeith habang kausap si Aleksandar sa telepono.


"Nothing yet. He already told me about that mansion. I was just checking on you to see if he really hasn't dragged you to somewhere again."


"We stopped for a while now. How's your investigation anyway? Do we still have no lead about this man?"


Bumuntong-hininga ang nasa kabilang linya. "Yes. Still no progress. Ours has stopped too because Clade was ambushed just recently. We need to tighten his security first."


Hindi na siya nagulat sa narinig.


"Yeah... Ariadne told me about that. That was a fucking terrible move on the part of this fucking mysterious man." Galit na saad niya. "How about my sister? My niece and nephew? Are they all safe?"


"They are. We made sure to tighten their security too. Clade even ordered more men to guard Ariadne and the kids to wherever they go."


Nagpakawala ng malalim na hininga si Malekeith. Kahit papaano ay naginhawaan siya sa narinig.


"That's good. But still not enough. We don't know when and how this man really moves. He's been surprising us with his attacks. What more to the next ones?"


"Well... that's the problem. I've been asking Clade to tell me everything about this man at least. But he's really uncomfortable in telling the truth. I cannot force him to say anything when all I can see in his eyes is despair."


Natutop ang bibig niya dahil doon. Naalala niya ang mga inamin sa kanya ni Clade noong araw na nagpunta sila sa mansyong iyon. Nalaman niyang ang Aed na siyang kaaway din nila ngayon ay matalik na kaibigan ni Clade noon.


Ngunit bakit sa kanya lamang sinabi ni Clade iyon? Bakit hindi sa kanyang mga tauhan?


Subalit kahit na sinabi ni Clade sa kanya na ito'y dating matalik na kaibigan, malabo pa rin para kay Malekeith ang tunay na katauhan nito.


"Malekeith?" Anang nasa kabilang linya.


Bumuntong-hininga siya at sumandal sa upuan. "Let him be for now. Maybe it's really hard for him to say anything about that man. That was the reason why he challenged us to know who this man is in the first place... Because he might not know how to tell us."


"I know. I'm starting to feel bad for him again. The last time I saw him this miserable was before he met Ariadne. And now, I don't know how to help him because I know nothing about his enemy this time." Rinig niya ang kabiguan sa boses ni Alek.


"Let's help him in the way we can." Suhestyon niya na sinang-ayunan ng isa.


Matapos ang kanilang tawagan, tumayo mula sa kanyang mesa si Malekeith at lumabas dala ang kanyang susi, wallet, at cellphone. Nang makatapat sa reception area ng kanilang headquarters ay hinabilinan niya ang kanyang tauhan na naroon upang tawagan siya kapag may emergency.


Habang naglalakad patungo sa kanyang kotse, okupado ang kanyang isipan sa mga napag-usapan nila ni Aleksandar. May ideya na siya kung sino ang lalaking iyon sa buhay ni Clade noon ngunit ni minsan ay hindi niya pa nakita kahit ang pigura lamang nito. Ni hindi niya ito napansin noong nagbakasyon sila sa beach kung saan nakita ni Ariadne ang naturang lalaki. Tanging sa larawang hindi malinaw pa lamang niya ito nasilayan.


Tunay niyang nais na makatulong sa pagtuklas sa kung sino ang taong ito at nang malaman nila kung paano ito kakalabanin. Ngunit alam niyang manganganib na naman ang kanyang buhay matapos ang ilang taon na katahimikan. At sigurado siyang mababahala ang kanyang asawa kapag nangyari iyon.


"Tsk!" Napailing siya sa mga naiisip.


Mabigat ang loob niyang pinindot ang susi upang patunugin ang kanyang sasakyan. Hindi niya alam kung paano titimbangin ang mga problemang naibato sa kanya. Ngunit bago pa siya makapasok sa kanyang sasakyan ay nahagip ng kanyang paningin sa kaliwang gilid ang isang tao.


Mabilis siyang bumaling doon at umalerto nang makita niya ang pigura ng isang lalaki sa kabilang daan. Nakakaswal na damit ito at nakaitim na salamin habang nakatayo sa sidewalk sa labas ng parking area. Dahil walang gaanong sasakyan na dumadaan, walang humaharang sa kanyang paningin.


Kumunot ang noo niya at humigpit ang hawak sa kanyang baril. Pinakatitigan niya ang lalaking alam niyang nakamasid din sa kanya ngayon. Pansin niya ang kayumanggi nitong buhok at ang pamilyar na pigura ngunit dahil sa salamin na suot at sa layo ng kanilang distansya, hindi niya ito mamukhaan ng maayos.


Sinara ni Malekeith ang pinto ng sasakyan at humakbang pasulong upang mas makita ng maayos ang lalaki. Nakapahinga lamang sa kanyang baril sa likuran niya ang kamay habang naglalakad palapit rito.


Subalit nakakailang hakbang pa lamang siya ay kita niya itong gumalaw mula sa kinatatayuan. Mabilis niyang nilabas ang baril na hawak at tinutok sa lalaki ngunit imbes na gayahin ang kanyang ginawa, inayos lamang ng lalaki ang salamin nito habang nakatingin pa rin sa kanya.


Kitang kita ni Malekeith ang mga peklat sa kamay nito na abot hanggang braso nang ayusin ang kanyang salamin. Naestatwa siya nang umalis ito sa kinatatayuan at umikot sa grey na kotseng nasa tabi nito. Tila hangin lamang siya nang dumaan ito halos sa kanyang harapan mismo. Naiwan siyang nakatulala nang mabilis na humarurot paalis ang sasakyan na lulan noong taong kanyang nakita.


Hindi alam ni Malekeith kung ano ang iisipin dahil sa kaunting paglapit nito sa kanya kanina... hindi niya inaasahan ang itsura nito. Hindi siya sigurado ngunit, tila may ideya siya kung bakit hindi magawang sabihin ni Clade kung sino ang lalaking ito.


Mabilis niyang tinakbo ang kanyang sasakyan at sumakay roon. Ang plano niyang magpunta sa isa pang presinto ay hindi natuloy dahil sa hindi inaasahang bisita niya.


"Keith?" Sagot ni Clade sa kanyang tawag habang nagmamaneho.


"Where are you?" May bahid ng pagmamadali sa kanyang boses.


"In my company. Why? What's the matter?"


"I'll see you in five."


Pinatay niya ang tawag at ilang minuto lamang ay narating niya ang VCI Corp. Agad niyang tinungo ang pinakataas na palapag kung nasaan ang opisina ni Clade. Hindi siya hinarangan ng kahit na sino habang papasok siya. Hula niya'y sinabihan ang mga ito ni Clade sa kanyang pagdating.


Nang buksan ang pinto ng opisina ay bumungad sa kanya si Clade na nakaupo sa sentrong sofa sa gitna ng silid. Sa isa pang sofa ay nakaupo naman sina Aleksandar at Rodion.


"What's with the urgency?" Napatingin siya kay Clade.


Tahimik niyang sinara ang pinto at nagtungo sa isa pang sofa, katapat nina Aleksandar. Seryoso siyang tinitingnan ng mga ito ngunit ibinaling niya ang tingin kay Clade.


Gamit ang seryoso ding mukha ay nagsalita siya. "I finally saw that mysterious man."


"What? Where?" Agad na tanong ni Aleksandar.


Binalingan niya si Alek. "In front of our quarters. He was wearing casual clothes, but he wasn't armed or anything. He was... just standing on the pavement, looking at me."


"How did you know it was him?" Tanong ni Rodion.


"His sunglasses, hair, and figure all look familiar. The same with the man on the pictures we have." Bumaling siya kay Clade na bahagyang nakatungo ngayon at tila nag-iisip. "I saw some scars on his right arm too. And..."


Natahimik si Malekeith dahil hindi niya matuloy ang sasabihin.


Nag-angat ng tingin si Clade sa kanya. Bigla na lamang nawalan ng emosyon ang mata nito. "And?"


Dahil sa iritasyon, nagpakawala ng marahas na hininga si Malekeith at bahagyang tumungo upang kalmahin ang sarili.


"Can't you really tell us who he is and what the hell is happening?" Mariing tanong niya rito.


Maging si Aleksandar at Rodion sa kanyang tapat ay hinihintay din ang reaksyon ni Clade.


Walang emosyong umiling si Clade. "I can't... I don't want to... I really don't know anymore."


Tunog walang pakialam, ngunit naramdaman pa rin nilang tatlo ang sakit at pagkalito na nakakubli sa mga salitang iyon.


"I understand, Clade... I really do," aniya habang nakatitig sa kausap. "But time will come, you will have to tell us who he is. Or else we will never know how to win against him. He's becoming more dangerous by the second... I know it's hard for you to tell us about him. But you still have to do it in the end."


"You weren't able to finish your words a while ago," puna ni Aleksandar nang sumabad ito sa usapan. "What was the 'and' for?"


Saglit na natahimik si Malekeith nang tingnan si Alek. Hindi niya malaman kung siya ba ang dapat na magsabi noon o hindi.


"Keith? What is it?"


Nag-angat siya ng tingin kay Alek at dahan dahang nagsalita.


"The man..." sumulyap siya kay Clade. "Looks very familiar."


Kumunot ang noo ni Alek. "To you?"


Tumango siya. "Yes."


"How so?" Si Rodion. "Isn't it because of the pictures?"


Umiling siya. "I was able to look at him from a short distance. It was enough for me to... recognize him."


"So who is he? Who the fuck is this Aed? Tell us what he looks like, so that we can hunt him down!" Siya ngayon ang mariin na tinatanong ni Aleksandar.


Sasagutin niya sana ito nang sumabat sa kanilang usapan ang kanina pang tahimik na si Clade.


"I will tell you about him when I'm ready... Because right now, I don't have the strength to talk about him... Because right now, I don't know what to do with him... Hell, I can't even think of killing him."


Malabo ang mga tinuran ni Clade. Ngunit kahit na ganoon ay alam ni Malekeith sa kanyang kaloob looban kung bakit ganito kahirap ang sitwasyon para sa kanyang bayaw. At ngayon pa lamang, nalulungkot na siya para rito.

Continue Reading

You'll Also Like

26.5M 1.1M 57
{FIRST BOOK IN 'THE GIRL IN THE HOODIE' SERIES} {2014-2018} A girl moved to California two years ago. No one knows what she looks like. All th...
18.6M 493K 41
After being involved with a cold-hearted mafia boss, Robyn Lehman decides its time to run. Little did she know, she was carrying the future heir to h...
21.6M 787K 89
When she was 14, Dalia was sold to Matteo Martinelli, the former leader of the largest Italian mafia. Flash forward with his son, Vittore Martinelli...
194M 4.6M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...