Mady pov:
"Come in" manghang nilibot nila kuya Richard at Floyd ang bahay ko "Basho o kakuho shi, kyokanaku dare mo tachiiranaide kudasai. Rikai suru?" (Secured the place, don't let anyone come in without my permission. Understand?) utos ko "Koppībosu" (Coppy boss) sagot ni Karashi "Anata wa ima iku koto ga dekimasu, arigatō!" (you can go now, thank you!), dagdag ko pa kay Semon at karashi bago tuluyang isinara ang pintuan at hinarap ang mga bisita.
"So, anong iu-update mo?" tanong ko kay Floyd, pinaupo ko na sila "Besh, nagugut-tom...kuya." mabilis na lumundag si Cicil sa pag upo katabi ni Kuya Richard saka nagsumiksik sa braso ng kapatid. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Kuya Richard "Ey, ikaw anong ginagawa mo dito?" balik na tanong nito sa kapatid. Nakatingin lang kami ni Floyd sa dalawa "Alam mo ba kuya, ang laki ng kwarto ni Beshy, tapos may malaking machine don sa loob, may nakalagay na sources ata...ah basta parang ganun. Diko alam kong para saan yon eh." madaldal na kwento nito sa kapatid. Natigil lang ang pagkkwento nito nung may mag doorbell. Kinuha ko ang remote saka binuksan ang entercom "Who the hell are you?" supladang tanong ko, napatingin silang lahat sakin, nagtaka ata sila bakit bigla akong nagsalita "Anata wa tabemono no bosu o tsukamaemasu ka? Soto no dareka, kare wa anata ga tabemono o chūmon suru to iimashita ka? Kare o irerubekidesu ka?" (You grab food boss? Someone outside, he said you order the food? Should i let him in?) "Hala ano yon? May Alien ba dito beshy?" gulat na tanong ni Cicil habang nagsusumiksik sa braso ng kapatid nung umalingawngaw sa paligid ang boses ni Semon.
Natawa naman kami ni Floyd sa naging reaction nito, para kasi itong takot na bata si Kuya Richard tinutulak siya palayo na mas lalo naman itong nagsusumiksik. "Anata mo taberunara, kare o-chū ni irete kudasai." (Let him in, should you eat too.) sagot ko saka ko hinila si Cicil para utusan na buksan ng pintuan. Pabagsak akong umupo sa tabi ni Floyd.
"Ako talaga besh? Diba sila nangangain?" inosenteng tanong nito nung makatayo "Depende, kung type ka nila." pabirong sabi ko, namutla naman ito at tila ayaw ng umalis sa kinatatayuan "Puntahan mo na, gutom kana diba?" panunudyo naman ng kapatid niya "Ayaw ko" parang batang nagmamaktol ito "Sige na, pag pinag antay mo si Semon, kakainin ka talaga nito ng buhay." taranta naman itong nagtungo ng pintuan para kunin ang pagkaen "annyeonghaseyo! gamsahabnida!" (Hello! Thank you!) pare-pareho kaming napalingon sa direksyon ni Cicil ng magsalita ng korean kay Semon na magkasalubong naman ang kilay habang pinagmamasdan ito.
"Mukhang hindi sila nagkaintindihan." natatawang sabi ko, si Kuya Richard namula bigla parang nahihiya na iwan samantalang si Floyd nakangiti lang na parang tuwang-tuwa habang pinagmamasdan ang reaction ni Cicil.
Ngingiti-ngiting bumalik si Cicil samin "Nag korean ka?" untag ni Floyd "Oo, para maintindihan ako nila, anong tingin nila sila lang ang marunong? Hmm...akala lang nila yon, di nila ako maluluko nuh' ako pa ba?" feeling ko humaba bigla ang panga ko sa narinig na sagot nito. Proud pa talaga siyang hindi naman silan nagkaintindihan nun! Baliw talaga tong babaeng to kahit kailan.
"Ay, di niyo ba ako tatanungin pano ako nakapag Korean?" masiglang tanong nito, nung hindi siya makatanggap ng sagot mula samin, siya na mismo ang sumagot "Nalaman ko yon sa pinapanood kung Movie ni Park min young eh. Diba ang galing ko, sa palabas nila ni Lee min ho yong City Hunter ba yon? Oo tama yon nga." tila proud pa niyang sagot. Sanadaling katahimikan bago kami nagtawanan na ikinagulat niya. "Buti nalang marunong ako sa salita ni Semon" napapakamot batok na sabat ni Kuya Richard "Ba't kayo tumawa?" takang tanong niya "Bakit hindi? Nag korean ka eh mas lalong hindi kayo nagkaintindihan ni Semon." natatawang sabat naman ni Floyd "Bakit hindi? Eh diba ganon din sila mag salita?" pakikipagbangayan nito "Eh japanese yon tapos nag korean ka? Tingin mo ba nagkaintindihan na kayo? Buploks lang." gigil na nilapag ni Cicil ang pagkaen saka binatukan si Floyd na tawang-tawa parin. Kahit kami ni Kuya Richard nakikisabay narin sa tawa ni Floyd na mas lalong ikinainis ni Cicil.
_ _ _
Habang kumakaen kami, binuksan naman ni Floyd ang dalang laptop "Anong meron diyan?" tanong ko nasa gitna namin siya ni Cicil, magkatabi naman si Kuya at Cicil. Nasa iisang upuan lang kaming apat "Ahm...nakuha to ni Yellow Bladder, napag alaman niyang pinsan ni Orange Cocktail ang step sister ni Grace o Red Chimni." "So, ano namang mayron diyan?" kunot-noong tanong ko "Isa itong Congressman, at may ugnayan sila ni Grace, marami itong ginagawang kalukuhan. Nagnanakaw siya ng fund, yon nga lang wala sa mga bank accounts niya ang pera, kaya kailangang mapasok natin ang mansiyon nya. Pagkakaalam ko may volt ito baka sakaling makita natin ang milyon-milyong perang ninakaw niya sa iba't ibang klasi ng pamamaraan." napaisip ako sa sinabi nito "Malaking halaga ng pera ng nawawala satin. 2.5 million, tingin mo ba may kinalaman siya?" napatitig ito sakin, "Sa tingin ko besh nasa kanya din ang ibang perang nawawala sayo." singit ni Cicil habang panay subo parin. "Maybe." kibit balikat na sagot ni Floyd.
Napabuntong hininga naman ako "Sa tingin ko, may kinalaman siya sa pagkamatay ni Papa." napatingin kami kay Kuya Richard, natigilan naman si Cicil sa pagsubo "Anong ibig mong sabihin?" enteresadong tanong ko "Si papa kasi bago mamatay, isa siya sa mga hardenero ng mansyon ni Leon Ledezma. Tapos nung nag-aagaw buhay na siya nabanggit niyang may krimen siyang nakita at may kinalaman si Leon kaya lang nung namatay si papa biglang may perang inabot kay mama pero hindi ako sure kung galing sa kanya yon." may bahid ng lungkot na sabi nito "Teka, ibig mo bang sabihin may krimeng nasaksihan ang papa mo?" tanong ni Floyd "Ey. Kuya bakit wala akong alam?" inosenteng tanong ni Cicil "Masyado ka pang bata para maintindihan yon. Kaya ako sumali sa gang na to para magkaroon ng proteksyon hindi lang sa kapangyarihan. Gamit ang gang na to, magagawa ko na ang gusto ko ng walang nakakaalam." seryosong tugon niya "Talaga? Pano?" napatitig si Floyd kay Cicil "Ow bakit ganyan ka makatingin?" gulat nitong tanong nung magtama ang paningin nila. Nag iwas bigla ng tingin si Floyd, saka tinuon ang atensyon sa laptop pero hindi nakatakas ang pamumula ng pisngi nito.
Mukhang nag work ang plano kung gamitin si Cicil laban sa kanya.
"Ito ang mansyon ni Congressman Leon Ledezma." pang iiba niya saka niya pinakita ang picture ng bahay nito "Marami ang guards at mga armado pa, paniguradong mahihirapan tayo." tahimik lang kaming nakatutok sa laptop at inaanalized ang masyon "Patingin." nakipag-palit ng upuan si Kuya Richard kay Cicil. Saka kinulikot ang laptop ni Floyd para mabuksan ang ilang lugar para makapasok. "Gotcha." ni long press niya ang master keyboard, nagulat kami sa nakita isang malaking kwarto ang nakita namin at nakita namin na sa ilalim ng mesa nito. May cabinet dun pero hindi naman talaga cabinet kundi secret volt. "Pano mo napasok ang kwarto na yan? Maraming blocks diyan, hindi ko nga ma access yan eh." tila di makapaniwalang tanong ni Floyd. "Simple lang, hinahanap ko ang address ni Congressman at nung ma locate ko na, inisa-isa kong i hack ang cctv footage nila. Hindi madali, saglit lang na b-block ang area na covered ng camera at pwedeng makapasok ang isa satin dun." seryoso kaming napatingin kay Kuya Richard "May meeting sa Shangrila hotel si Congressman, at kukuha siya ng babae para i table..." "Grabe, sa tanda ng lalakeng yan, nililibugan pa siya." napaawang ang bibig ko nung biglang sumingit si Cicil "Can you pleased shut up?" napatanga naman ako ng mag seryoso si Floyd.
"Ganito ang gagawin natin, aakyat ko sa rooftop bago pa makarating si Congressman sa loob ng building. Ikaw black dragon kasama mo si yellow bladder, kailangan niyong ma corner ang babaeng papasok para itable si Congressman. Kailangan niyong mapigilan ang mga babae." tumango naman si Floyd "Orange Cocktail at Silver moon ang mag papanggap na service crew. At pag pumasok na sa kwarto si Congressman, may tauhan parin ito sa labas kaya kailangan doble ingat. Blue Lady, pink panter, kasama si Lavander kayo ang papasok bilang mga babae nito sa gabi." napaisip ako "Don't worry, magsusuot kayo ng eyemask yon nga lang kailangan niyong maging sexy. Gamit ang card at ID ng mga babaeng ma c-corner nila Floyd at buknoy makakapasok kayo ng walang naghihinala. Kayo na ang bahala Blue lady paano papaamuhin si Congressman." tumango ako "Tandaan niyo, isang beses lang kayo makakapasok sa mansiyon niya. Paniguradong dadalhin kayo sa bahay nito para makaiwas sa issue pag may nakakitang may kasama siyang mga babae maaaring masira ang pangalan niya." "Tama ka, ako ng bahala pag nakapasok kami sa loob." sagot ko "Yes, kaya kong i block ang camera sa area na pupuntahan mo kaya hindi magkakaroon ng record at makakapasok ka ng malaya." tumango ako "Ito, gamitin mo to." may inabot si Floyd na parang pito sakin. "Para saan to?" takang tanong ko "May malaking aso sa mini-office niya, kaya walang nakakapasok isang pulis dog yon kaya kailangan mo to para paamuin ang aso t hindi kumahol na maaring maka agaw pansin." kinuha ko ang pito saka ito mariing tinignan. "Okay, tawagan mo ang iba Floyd, sabihan mo nalang sila may papasukan tayong lungga ng kalaban para sa ebidensya laban sa pagnanakaw nito." seryosong tugon ko bago kami tuluyang maghiwa-hiwalay...
_ _ _
.
Update:
Hope you like this chaps...
If you asks kung bakit wala na si Kean sa kwento?
Relax lang, may mission pa kasi si Mady Lean ehk kaya kailangan mo na niyang isantabi ang feelings...
Ansabi?😅
Vote and comments are allowed.
Hehe