A Subtle Art of not Falling A...

By gereyzi

116K 4K 3.7K

5/6 of Saint Series. Maria Margarita is just a typical and normal intelligent kid in their class. She's frien... More

A Subtle Art of not Falling Apart
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 25

3.9K 143 244
By gereyzi

Chapter 25
Demand

Ilang buwan ang lumipas. Today, I am preparing my things for my flight to Philippines. Pakiramdam ko'y isang linggo na akong walang tulog dahil sa kabang nararamdaman ko. Shawny and Pay's wedding is happening next month. Hindi pwedeng hindi ako uuwi. Nakapag sabi na rin naman ako kay Romulo.

Ilang beses na rin naurong ang kasalan na ito. It should be early this year, pero dahil sa ilang problema ay kinailangang i-delay ang kasal. Naging November 30th.

Ang alam ni Shawntell ay nasa tamang date pa ang kasal nila. Si Pay naman ay hindi na pinalaki ang usapin tungkol dito. Hinayaan na lang niya na isipin ni Shawntell ang gusto niyang isipin.

Kabado akong pumunta sa tapat ng aking full-length mirror. Sinipat ko ang aking suot: black round neck shirt for the top inside the gray unbuttoned flannel. Ang pang-ibaba ko ay beige slacks na siyang naka-tuckin sa aking shirt. Suot ko ang sapatos na bigay ni River.

I took a quick video of myself in front of the mirror. I sent it to Raciela. Ilang buwan na rin silang nasa Pinas. Seven months, I guess? Mabilis si Rom. Nauto kaagad si Shanne. Tsk. Marupok.

"Wow! I'm so excited to see you!" salubong ni Raciela nang tawagan niya ako.

"Me, too!" I smiled kahit hindi niya kita.

"M, let's go!"

Rinig kong sigaw ni Kuya Luigi mula sa labas ng aking kwarto. Hinigit ko naman pababa sa kama ng aking maleta. Kasunod kong narinig ay ang katok ng impatient na kapatid ko.

"Opo!" sigaw ko na.

"I'll see you! Punta ka agad dito, ha?" paalam ni Raciela nang marinig din siguro si Kuya Gi.

"Yeah, yeah, yeah!" nagmamadali ko nang sabi at pinatay ang tawag.

Pinagbuksan ako ni Kuya Gi ng pintuan, kinuha rin niya ang aking maleta. Binuhat niya iyon pababa ng second floor.

"Ano bang laman ng maleta mo at parang sobrang bigat?" kunot-noong tanong ni Kuya nang makababa ako.

"Papeles at... papeles?" lito kong sagot.

"Bakit?"

"Ewan ko kay Rom. Ang sabi ay dalahin ko raw lahat ng records ko sa company nila. May titingnan daw siya sa performance ko," I explained.

"Weird," takang-taka na usal ni Kuya. Tipid akong tumango ro'n. Totoo kasi.

What's this for? He's upto what again?

Nang masiguro na handa na ang aming mga gamit ay lumabas na kami. Kami lang dalawa ang magbabyahe dahil naunang umalis sila Kuya Ren.

Bumalik ako sa pintuan ng bahay para siguraduhin kung locked na ba iyon. Si Kuya Gi nama'y nasa garahe para kausapin ang aming driver. We can't bring cars outside the country. Masyadong hassle.

And yes, one of my fruits is a car. I bought one using my first ever salary as licensed architect. I took my licensure examination months ago. I'm only aiming to pass but I topped the exam. What a blessing to have.

"Oh! Nandyan ka na pala, e!" rinig kong pagkausap ni Kuya sa driver. Binilisan ko ang pagche-check ng paligid at sumunod na sa garahe.

Kaagad tumabang ang hitsura ko nang makita ko si River na siyang kausap ni Kuya. Napangiwi ako nang makita ko ang suot niya. Halos kagaya ng sa akin pero pinagbali-baliktad: white roundneck for top na pinatungan ng beige coat. For the bottom nama'y kulay gray na slacks at sneakers na katulad ng sa akin.

Binalewala ko siya at pumasok na sa frontseat ng sasakyan. It's Kuya Gi's car so I'm pretty sure that he'll sit at the back—

"Let's go?" tanong ni Kuya Gi matapos umupo... sa backseat. Si River ay naupo sa driver's seat.

What the heck?!

"Kuya, palit!" tawag ko sa aking kapatid. Sinamaan lang niya ako ng tingin. Wala akong nagawa nang ini-start na ni River ang sasakyan.

I just looked outside the window and let the two talk. I stayed quiet.

For the past months... or let's say almost a year, River has always been there. He's not saying anything or what. He isn't pursuing me, I guees. I don't know. He's just there wherever I go. I never had the time to talk to him. I mean, yeah, we talk pero mga casual conversations lang. Hindi rin naman kami naiiwang dalawa lang sa iisang lugar.

Basta ang alam ko, galit ako. Not because he had this thing for Jia or this Yumi baby he had told me before. Wala lang, I just feel nothing at all. Wala rin namang reason ng pagkagalit o ano pa. Saan ako huhugot ng sama ng loob? Syempre, kay Lolo, River, at Kuya Reegs! Saan pa ba?

"I'm pretty sure there are lots of people in the airport later," usal ni River. Tahimik akong tumango. Nilingon ko pa si Kuya Gi na naka-earphone dahil may kausap.

"Of course, it's your official comeback after a year, too," tumatango kong usal. Hindi na ako nag-abala pang lingunin siya.

"I'm visiting there every now and then, excuse me!" he replied lightly with a smirk. "Reego's gonna be shocked once he knew that the kids are his," he added. Doon ako napairap.

Hindi ko na kinausap pang muli si River nang banggitin niya ang pangalan ni Kuya Reego. Nababadtrip lang ako. Ayaw ko na sa taong iyon.

"Kuya, my bag!" tawag ko kay Kuya Gi nang makarating kami sa airport. Ang magaling na si Luis Gideon Manzanilla ay tila bingi at hindi ako pinansin. Tuloy-tuloy ang lakad niya papasok!

Ano ba 'yan!

I have no choice but to get my things on my own. Bumalik ako sa sasakyan. Napailing na lang ako nang makita na hinihigit na ni River ang aking maleta.

Muli akong tumalikod at pumasok na sa loob ng airport. Si River nama'y kaagad na sumabay sa akin. Gusto ko nang magtaklob ng mukha dahil pinagtitinginan siya ng mga tao.

"So, your gown for their wedding is ready?" tanong ni River. Ipinagtaka ko iyon.

Bakit ba kinakausap na naman niya ako?!

"Yeah," tipid kong sagot. Dumiretso ako ng upo sa waiting area. Si River nama'y kay Kuya Gi lumapit at nakipagkwentuhan.

Naiiling akong pumikit at sumandal sa upuan.

I just can't believe this! He owns planes then he's here?! Riding publicly? Is he out of his mind?! Ni wala wala siyang gwardya! Paano kapag pinagkaguluhan siya? Sino ang maghaharang sa kaniya? Stressful!

Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako. I heard a click and that awaken me. Masamang tingin ang ibinungad ko kay River nang makita na kinuhanan niya ako ng picture with flash.

"What the heck is your problem?!" pigil-sigaw kong sabi. I tried covering his phone's camera using my palm. He laughed and sit on the chair that is in front of me.

"What? You're just beautiful, that's it!" he replied and laughed. Inirapan ko siya at nilingon si Kuya Gi na ngayo'y abala naman sa laptop. "I even wanna ask you, how can you be so beautiful without doing anything!" River added.

Napaayos ako ng upo dahil sa narinig. Nagde-quatro ako at mayabang na nagkibitbalikat. "Ewan. Queen things?" and I flipped my short hair.

"Hambogera ng taon!"

Napasimangot ako nang marinig ko ang komento ni Kuya Luigi. Hindi ko na lang siya pinansin at kinuha ang aking cellphone. Doon ko nakita ang text ni Raciela saying na, 'I posted you in my IG story and I guess Kuya River saw your attire today'.

Pasimple akong nag-angat ng tingin kay River. He's now busy with his phone. Napailing ako at tiningnan ang suot niya. Scrambled attire ko iyon. I raised a brow at that.

Ilog n'yo, simp. Tsk!

Ilang oras pa ang itinagal namin sa airport bago tinawag ang aming flight. Sinigurado kong si Kuya Gi ang katabi ko sa upuan, kaya nagkaroon ako ng kapayapaan buong byahe.

Tanghaling nang umalis kami sa US, umaga naman nakarating sa Pinas.

"Here, wear this," ani River at inabutan ako ng bucket hat. Kasalukuyang pababa na kami ng eroplano. Ang mga stewardess ang siyang nag-asikaso ng aming gamit.

Tinanguhan ko si River at isinuot ang binigay niya. Si Kuya Gi nama'y nasa likuran lang namin, hinahayaan si River na sirain na naman ang buhay ko.

"Maraming tao sa labas, Rivs," Kuya said nang maglakad na kami pababa ng eroplano. Ang ilan pa'y kani-kaniya na ang lingon nang lumabas kaming VVIP section.

"Yeah. I'm prepared," River replied. Bigla siyang may nginitian at kinawayan sa malayo. Nilingon ko iyon at pilit na kinilala. "Payton asked Jacos to prepare Platoon Z for this."

"Finally! Thank you for choosing my airline!" Payton said.

Gulat na gulat ako nang mabilis siyang yumakap sa akin. "Shawnybunny can't wait to see you," he whispered. Gulat akong tumango.

"Me, too," I replied. Natawa si Payton sa aking reaksyon. Tinapik niya ako sa balikat, sinulyapan niya si River at nginisian.

"The Maria Margarita that no one knows River would be addicted to," he suddenly said. "It's funny how River is still as smitten as he is before. Kudos sa'yo, M! Napaamo mo ang nag-iisang malandi sa evenue!" muli niyang baling sa akin.

"Gago! Tara na nga!" inis na sabi ni River. Natawa sila Kuya dahil doon at naglakad na ulit.

Takang-taka naman ako sa mga nangyayari. Wala akong maunawaan, lalo na sa closeness nila Kuya at River. Ang alam ko kasi ay ayaw ni Kuya kay River dati. Ngayon ko lang din kasi ulit nakasama si Kuya Gi after years. Hindi ko alam na friends na sila ngayon.

Is the world healing na ba?

Nang makalabas ng airport ay doon dumagsa ang tao. Saktong sinalubong naman kami ng Platoon Z na sinasabi ni Payton.

Pito sa kanila ang siyang umuna sa amin. Lahat ay nakasuot ng all green attire with their gun. Hindi ko maiwasang mapanganga nang paglingon ko sa aking likuran ay may dalawang babae pa. Isa roon si Sally na crush ni Kuya Jabz. Ang isa nama'y hindi ko kilala pero ubod din ng ganda.

I can't believe this! They're so cool!

Napalingon ako kay River nang bigla siyang lumapit sa akin. Kumapit pa sa aking braso at nagsumiksik.

"What are you doing?!" gulat na gulat kong sabi. Bahagya pa siyang nagtago sa aking coat! "River!"

"S-saglit lang, Mahal," marahan niyang sabi at patuloy na nagtago. Bahagya naman akong natigilan nang marinig ang sinabi niya.

"River, ano ba?! Lalong magkakagulo fans mo! Layuan mo'ko!" mariin kong bulong. Wala siyang nagawa kun'di ang umalis sa aking coat. Nanatili ang braso niya na naka-kawit sa akin braso.

He pouted. "Iyang si Sally kasi ay ipinipilit sa'kin ni Astrid!" parang bata niyang sabi. Nagsusumbong. "Hindi ko lang masabi palagi na ikaw gusto ko,  baka sabihin lang niya na mamamatay na lang ako bago mo mapansin!" asik niya.

I bit my lower lip at that.

Astrid must be missing lots here. Kung alam lang niya kung gaano ako karupok sa kaibigan niya. Baka sabunutan ako no'n 'pag nalaman niya ang katangahan ko.

"Yey! Welcome back!" masayang sabi ni Kuya Reego habang may hawak na typewriting. Nakarating na kami sa condo na kinuha ko. May nakasulat do'n na 'Welcome back, dearest and lovely Maria!'.

Pagod kong tinanguhan lang siya at akmang lalagpasan pero mabilis niya akong hinigit at niyakap.

"Sorry na! Kuya is very, very sorry talaga!" aniya habang yakap ako. He then kissed my forehead. Saktong may tumulak sa noo niya.

"Oo na, layo na!" si River naman. Hinigit pa ako sa braso para itago sa kaniyang likuran. "Bad influence ka, bobo!" asik pa niya.

Naiiling kong inalis ang kapit sa'kin ni River. Kinuha ko ang aking maleta.

"Inaano ka r'yan?! Pinsan ko 'yan!" sigaw naman ni Kuya Reego.

Pumasok sa loob si Kuya Gi. Kaagad kumunot ang noo niya nang makita ang pag-aaway ng magkaibigan na may tama sa ulo.

"Tsk! Lumayas kayo kung magtatalo kang kayo rito! Magpapahinga si M! Ang iingay n'yo!" pagalit ni Kuya Gi sa dalawa. "Alis! Shoo! Mga mapag-imbento!" dagdag niya na tinanguhan ko ng sunod-sunod.

Tuluyan kong hinigit ang aking maleta. Hinanap ko ang kwarto at hinayaan sila sa pagtatalo.

"Yumi-yumi pa kayo r'yan! Mga bully!" rinig kong sermon ni Kuya Gi. Pabagsak akong nahiga sa kama at tumitig sa kisame. Pinakinggan ang pagtatalo nila sa sala.

"Bakit? Maganda naman ang Yumi, ah?" Kuya Reegs replied. Napairap na ako at kumuha ng unan para yakapin.

Mga manloloko!

Ilang araw kong iniyakan 'yan Yumi at Jia na 'yan! Wala naman pa lang Yumi na nage-exist! Wala na rin si Jia dahil kasalukuyang nasa Ireland.

"Maganda?! Tunog anime, Reego Miguel!" masungit na sabi ni Kuya Gi. Nakarinig ako ng tunog. Binatukan na yata ni Kuya Gi ang magkaibigan.

"Aray naman! Gago naman!" rinig kong angal ni River. "Nadamay nga lang ako, e! Nasabihan pa ako ni M na disappointment na naman dahil sa kagaguhan niyang si Reego!" dagdag pa niya.

"Sinubukan ko lang naman kung maniniwala s'ya o 'di kaya nama'y uto-uto ka at susunod!" natatawang usal ni Kuya Reegs.

"Oo, parehas kayong magdusa! Bahala kayong suyuin 'yon! Lumayas na kayo!" tuluyan nang nagalit si Kuya Gi. Ilang sandali pa'y narinig ko ang lagapak ng pinto. Nawala na rin ang ingay. Ako nama'y masama na naman ang timpla na pumikit.

Nakakaasar! Kaya ayaw kong makita ang dalawang 'yon, e! Mga mananakit! Gigil na gigil ako kay Kuya Reego! Hindi na yata mawawala ang inis ko sa kaniya!

Sabihin ba naman kay River na sabihin sa'kin nagkaanak s'ya with Jia! Maypa-Yumi pa! Nakakainis talaga!

Ilang araw akong iyak nang iyak dahil sa galit kay lolo at disappointment naman kay River, tapos malalaman ko lang na pakana lang ni Kuya Reego ang lahat!

He told River to tell me that he loved Jia and had baby with her para lang magkabati sila. Ang totoo naman pala'y hinanap ako ni Jia matapos ang sagutan namin sa arcade para makahingi ng sorry dahil aalis na rin siya. Hindi ko mawari kung bakit uto-uto itong si River! Iyon ang kinaiinis ko ng sobra!

At ang sinabi ni River tungkol kay Lolo? They were all true. Si Kuya Gi ang nagsabi ng lahat-lahat sa'kin. Wala naman daw deep reason si Lolo. He's plain crazy. Kaya pala hindi rin malapit si Shawny sa kaniya dati. Ayaw naman sabihin ni Kuya Gi kila Mommy ang kabaliwan ni Lolo dahil ayaw niyang pangunahan ako, bagay na na-appreciate ko.

"Anak..." Mommy said when I enter our house the day after my arrival. Narito ang lahat, bukod kay Lolo. I don't know what happened to him, ang sabi lang ni Kuya Gi ay may biglaang lakad daw nang malaman na uuwi ako.

Huh! Coward!

"Hi," tipid kong sagot. Kaagad kong binalingan si Shawny na ngayo'y manghang nakatingin sa akin.

"Ang ganda-ganda mo!" she said and hugged me quickly.

She even cried!

"You too," bulong ko. Kinakalma ko siya dahil mukhang nagpapanic siya.

"Anak... kumusta?" rinig kong tanong ni Daddy.

Mula sa pagkakayakap ko kay Shawntell ay hinarap ko si Daddy. "Ayos lang po matapos ninyo akong iwan sa ere," I answered honestly. Natigilan ang lahat dahil doon.

"Anak, sorry..." it was Mommy this time. Tipid ko siyang tinanguhan. Saktong nag-vibrate ang aking cellphone. Nagtext si Romulo na kaylangan kong sumaglit sa office niya.

"I have to go. I have a meeting with my boss," I informed them. Hindi ko na hinintay ang sagot nila, kaagad na akong umalis ng bahay.

Napangiwi ako.

Kaunting oras lang. Mapapatawad ko rin kayo, Mommy at Daddy. I will forgive you two. Huwag lang ngayon. Huwag agad-agad. I want to give my forgiveness sincerely.

Nakalabas ako sa aming village. Nothing much change, actually. Halos hindi ko rin naman maalala-ala ito dati dahil gustong-gusto ko na ngang kalimutan.

I am now at Kuya Ren's car. Pinahiram niya sa akin ito kagabi nang puntahan niya ako sa condo. Hindi ko alam pero... bigla akong napangiti nang madaanan ko ang park na pinuntahan dati namin ni River. Nung inihatid ako ni Ate Mira? One of the best memories.

Niliko ko ang papunta sa crossing at doon tumigil. Saka ko lang kasi naala-ala na hindi ko nga pala alam ang location ng company ni Rom. Tsk!

I quickly dialed his number. Mabilis naman niyang sinagot iyon.

"Yes? Pasensya na't wala si Engineer Cabin, nasa meeting kasi s'ya right now, e!"

It was Shanne pala who answered the phone. I can't stop myself from smiling the moment I hear her. Magaling ka talagang Rore ka!

"Uhm... This is Architect Manzanilla, I just want to ask Engineer Cabin about the location of his company?" I replied.

"Oh! Ikaw pala! You're the one that is from U.S, 'di ba?" she replied. Seems excited. "I'll tell him, ha? Just wait for his response. Patapos na rin ang meeting."

Matapos ang aming usapan ni Shanne ay pinili kong pumasok sa milktea shop na sikat na sikat noon sa mga Santo. Ang pangit nga lang ng ala-ala ko rito.

Lahat naman sumama.

I ordered one milktea before sitting. Pahigop na sana ako nang biglang mag-ring muli ang aking cellphone.

"Yes, Engineer?" sagot ko sa tawag ni Rom.

"Can't send to you the main location, baka mag-leak, e," aniya. Kaagad kumunot ang noo ko.

"Hoy, anong akala mo sa'kin?" I rolled my eyes. Natawa naman siya.

"Just kidding, chill!" he then laughed."By the way, parating na ang sundo mo. Convoy ka na lang," he added. And with that, he ended the call.

Napailing na lang ako. Paniguradong si River iyon. Ang mga kalokohan talaga ng mga 'to!

Nang makita ko si River na nasa parking lot ay kaagad na akong lumabas. Medyo maramin din kasing tao sa loob, baka makita pa siya.

He's currently wearing white button down long sleeves that is folded upto his arms, black slacks with belt, and a black leather shoes. He's still with his watch that I gave him before. Ang mahaba niyang buhok ay naka-ipit din ngayon. Ang ilang hibla pa ang nakababa.

Hindi ko alam kung nasa labas ba ang isang 'to nang magpaulan ang D'yos ng kagwapuhan. Or sadyang favorite s'ya ni Lord?

Ah! Nevermind!

"Hi! Convoy service is here! I'm free to guide you to your location and you're free to bring me home, too, ma'am!" salubong ni River.

"Anong gagawin ko sa'yo kapag iuuwi kita?" pagsakay ko sa kalokohan niya. Lumapit na ako sa'king sasakyan.

"I'll be your trophy in life, ma'am!" he answered. Napangisi naman ako.

"Sorry, I got too many," balik ko. Pumasok na ako sa sasakyan bago sumilip bintana. "I-lead mo na 'ko sa company ni Rom!" utos ko sa kaniya.

Nakarating kami sa CARRGroup nang mabilis. Malapit lang naman pala kasi iyon.

"Welcome! Welcome!" salubong sa amin ni...

"Leandro?!" gulat na gulat kong tanong.

He's my boss in the arcade!

"The one and only!" he replied. Akmang yayakap siya sa akin nang may humigit sa braso niya at gano'n din sa'kin. Si River ang humigit sa'kin.

"Maypa-yakap ka r'yang malandi ka!" asik ng babae. Nanlaki ang mata ko nang mamukhaan ko siya. "By the way, kamusta, Architect?" baling niya sa'kin.

"Ayos lang naman, Engineer Juarez," I replied. Overwhelmed.

"I told you to bring your files, right?" tanong ni Romulo.

Kasalukuyan na kaming nasa office niya. Narito rin si River, Leandro, at Bianca. May hinihintay lang daw kami.

"Yes, Engineer," I replied.

"Okay, good— puta naman, River! Hindi ko aagawin, kalma!" nagulat ako sa biglaang sigaw ni Rom. Kaagad kong nilingon si River na nag-iwas tingin.

"So, as I was saying—"

"Oh my goodness, sorry I'm late!"

Natigilan na naman si Rom nang may babaeng magsalita mula sa pintuan nang makapasok ito.

"Buti't dumating ka pa?" Bianca rolled her eyes to the girl.

"Sorry, nanood akong hearing, e!" the girl replied. Tuluyang pumasok.

"Architect Manzanilla, she's the Architect that is your soon to be partner to the project I'll give you," Rom informed. Tumango ako at tumayo. I offered my hand to this very familiar girl.

"Hi! I'm Ameliah Zeich! Just call me Liah—"

"Yuck! Feeling single!" biglang react nila Rom at Bianca. Umirap ang babae.

"Maria Manzanilla," baling ko sa kaniya.

"Mas maganda ang Margarita. Tunog masarap," rinig kong bulong ni River sa aking likuran. Palihim ko siyang siniko. "Aww!" daing niya.

"By the way, Engineer, sa'n ba sa U.S kami mabe-base?" tanong ko at muli nang naupo. Si River ay sinulyapan ko. He's now looking at me with sharp eyes while pouting.

What the heck?!

"U.S? Dito lang ako, Rom! Sinasabi ko sa'yo!" ani Architect Liah.

"Sino ba kasing nagsabi na sa U.S?" tanong naman ni Rom. Nagtataka ko siyang nilingon. Kaagad siyang ngumisi sa'kin.

"Uh, C.R lang ako," biglang paalam ni River. Nagmamadaling lumabas.

"Pardon me?" I asked cluelessly.

"Due to high demand, you'll be based here now," Romulo replied. "When I said high, it is high as tower, demanded like a water in the river," makahulugang dagdag ni Rom.

Napairap na ako nang maunawaan ko iyon.

"No! Hindi ako papayag!" desedido kong sabi.

Maka-demand 'tong River na 'to!

Continue Reading

You'll Also Like

91.9M 2.9M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...
4M 162K 69
Highest rank: #1 in Teen-Fiction and sci-fi romance, #1 mindreader, #2 humor Aaron's special power might just be the coolest- or scariest- thing ever...
44.4M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...
1.7M 17.5K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...