Lord Series #2: Drowned

By supladdict

289K 16.7K 3.4K

2/3 of Lord Series "I consider myself as the lord of the sea, but I can't even find her in the vastness and d... More

Prologue
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 22

5.5K 312 34
By supladdict

Homey

The days are fast and passing like a blur when you enjoy every bit of it. Parang mas bumibilis pa ang oras lalo na't magkasama na kami palagi ni Poypoy ko except kapag nasa school ako at siya naman ay nasa trabaho. But it's fine with me since we still have a lot of time to spend together. Hindi naman mauubos.

"Enjoy your class, okay?" saad ni Poseidon nang nasa harap na kami ng school at itinigil na niya ang kotse. He's caressing my cheek while staring deeply in my eyes.

I grinned and nodded. "Siyempre. Mas lalo talaga akong sinisipag, Poypoy ko. Kailangan ko i-maintain ang grade ko para lagi akong top 2 sa klase kagaya no'ng first grading. Ngayong nalalapit na naman ang katapusan ng second grading, lalo akong ginaganahan."

He smiled a bit. "That's good but don't pressure yourself too much, Salacia."

I winked at him. "Siyempre hindi. No pressure kaya. Sige na, baka ma-late pa tayo pareho," saad ko.

He pulled me for a tight and long hug. Napapikit naman ako at isiniksik ang mukha sa kaniyang leeg. I sniffed on his neck and my addiction on his scent was satisfied.

"I love you. I'll see you later at home, okay?" he whispered.

Tumango ako at inilayo ang mukha sa kaniya. Ikinulong ko ang mga pisngi niya sa palad ko saka siya pinugpog ng halik sa mukha. Like the usual, I heard his small laughter. When I stopped, we stared on each other's eyes.

"I love you, too, Poypoy. Ingat ka sa work!" masigla kong saad.

Kumaway-kaway pa ako sa kotse niyang papalayo hanggang sa mawala na 'yon sa paningin ko. I sighed in contentment then I smiled before I started entering the campus.

I remember no'ng sinabi ko sa kaniya na top 2 ako sa klase. He's so proud of me and we celebrated with Diana Rose' family. Ang sarap sa pakiramdam na may mga tao na masaya para sa maliit kong tagumpay. Medyo nag-alangan pa nga ako na sabihin 'yon kay Poseidon kasi ano man lang ba 'yon kumpara sa marami niya ng tagumpay but he's so happy about it.

I guess I should really stop thinking about it. Iyong pag-compare ko lagi sa mga maliit na tagumpay ko sa mga naabot na ni Poseidon. I am too insecure that I am thinking that there is a competition between me and him. Na para maging worthy ako para sa kaniya ay kailangan kong pantayan lahat ng meron siya.

I feel guilty that I thought in that way. Samantalang si Poseidon ay laging iniisip ang kapakanan ko. Hindi niya pinaparamdam sa akin na may kailangan akong gawin para maging karapatdapat sa kaniya. He never made me feel that I need to prove something.

I am too conscious and anxious about it and I should stop. Ayoko na masira kami dahil sa mga overthinking ko. Ayoko na mag-away kami dahil lang sa mga bagay na iniisip ko na 'di naman nag-eexist.

My boyfriend is always assuring me and he makes me feel secured. Ang nakaraan ko lang talaga ang dahilan bakit nakakaramdam ako minsan nang mga ganoong bagay.

I would never let it ruin us.

"Good morning, Goddess Salacia," I heard someone greeted me.

Nilingon ko ang nasa gilid ko at nakita si Samuel. Nginitian ko siya samantalang nanatili naman na seryoso ang mukha niya.

"Bakit mo ako laging binabati sa buo kong pangalan?" natatawa kong tanong.

He just smiled a bit then shook his head.

"Alam mo, 'di mo na dapat ako hinahatid sa room ko tuwing umaga. Obviously, kaya ko naman," saad ko.

Nasabi ko na sa kaniya ang napakaselan naming boundary. Mas nag-iingat na rin ako ngayon lalo na alam ko na ang kondisyon ni Poypoy. I don't want to be a burden to him then trigger him, destroying all his effort in attending his therapies to be better.

"Gusto ko lang," aniya.

Sinulyapan ko ulit siya. Parang may nagbago talaga sa kaniya. Bigla na lang siyang super duper seryoso. Hindi naman siya ganito dati.

Hindi nawala ang pagiging pabida ko sa klase na minsan, hindi na ako tinatawag ng teacher dahil puro ako na lang ang sumasagot. Mas ginanahan talaga ako mag-aral nang mabuti para sa sarili ko at kina Poseidon. I am feeling better, too, because I have something to excel on that will make me feel more alive.

Lagi kong kasabay sa paglabas si Samuel pero ngayon, wala siya. Hindi ko alam kung nauna na siya umuwi o nahuli pero ano man sa dalawa, ayos lang sa akin. Okay lang naman sa akin na walang kasabay.

"Goodbye, Manong! Ingat ka po sa pag-uwi mo later," paalam ko sa matandang gwardiya nang dumaan ako sa guard house niya malapit sa gate ng school.

He saluted to me as an answer to my hand wave. Paglabas ko ng gate ay nakita ko si Ashton na nakasandal sa kotse niya, tila may hinihintay. Nilakihan ko ang hakbang paalis lalo na nang makita na niya ako. Before I can even walk away, he was able to caught me by my wrist.

"Ashton!" iritado kong saad at pilit na binawi ang kamay.

"Mag-usap tayo," mahinahon niyang saad at binitawan ako saka itinuro ang kotse niya.

Mariin akong umiling at tinignan siya. He looks sad and the dark circle under his eyes told me that he had sleepless night.

"Hindi, ayoko! Tantanan mo na ako, Ashton, please," utos ko sa kaniya.

He shook his head and stared at me with determination on his face. "Sumama ka na sa akin, please! I'll make you safe. I saw that someone is following you!" he said desperately.

My forehead creased. "Ano ba'ng pinagsasabi mo? Pwede ba, leave me alone, Ashton. Nirerespeto ko pa ang dati nating pagkakaibigan. Pag nalaman 'to ni Poseidon na hinaharass mo ako, pwede ka niyang ipakulong at saktan! Kaya tumigil ka na dahil kahit nakakapikon ka na, hindi ko pa rin 'yon gusto mangyari!"

"Goddess, please. Makinig ka sa akin. I just want you to be safe..." he caught me by my wrist again kaya agad kong tinampal palayo ang kamay niya at umatras na ako. "I already have a beautiful house for us. Pakasalan mo ako, ibibigay ko sayo ang magandang buhay! I'll make you happy," he said desperately then tried reaching for me again.

Maaabot niya sana ako nang pumagitna na si Manong guard. Sa laki ng katawan nito ay walang nagawa si Ashton. The guard signaled me to leave and I immediately did. Habang nasa tricycle ay naaalala ko ang mga sinabi ni Ashton.

Hindi ko inakala na aabot sa ganito ang pagkakaibigan namin. Sinira niya at ngayon naman ay nagiging desperado na siya. I closed my eyes and sighed. But something is bothering me.

Months ago, I felt like someone is following me pero katagalan ay nawala na rin iyon. Then just now, Ashton told me that he saw it. Totoo kaya 'yon o sinasabi niya lang para sumama ako sa kaniya?

Dumaan muna ako sa palengke bago umuwi nang tuluyan. Bumili ako ng oranges at apple dahil gusto ko lang kumain ulit no'n. I cleaned myself and changed my clothes before I started cooking for our dinner while munching on the apple.

"Good evening, my lovely girlfriend," he greeted then he hugged me from my back.

Nakagat ko ang labi habang hinahalo ang niluluto bago ko pinahinaan ang apoy. Then I faced him to kiss him. Tumingkayad ako para maabot ang labi niya saka ko ikinawit ang kamay ko sa leeg niya.

"Magandang gabi, pogi kong boyfriend," bati ko sa kaniya at hinalikan siya muli.

We stared on each other's eyes for a while. Katulad ng palagi, ang lalim niya tumitig na tila nakikita niya ang kaluluwa ko. I smiled at him then he crouched a bit to kiss me on my forehead.

Tinulungan niya ako sa paghahanda ng dinner table namin. His aura is just so dominating na parang lumiit ang lugar dahil sa kaniya. He pulled the chair for me and let me sat before he proceeded on his seat.

Nilagyan ko ng pagkain ang kaniyang plato. Kabisado ko na ang gusto niyang dami noon. I noticed him staring at me with a small smile on his face.

Tinaasan ko siya ng kilay sa pagtatakha. "Bakit?"

He bit his lower lip then shook his head. "I am just so amazed how you make everything better," he said.

Kumunot ang noo ko at nagpatuloy naman sa paglagay ng pagkain, ngayon ay sa plato ko naman. Nakatitig ako sa ginagawa at minsan siyang sinusulyapan.

"Huh? What do you mean?"

"I always have a good meal but you make it extra special. My normal dinner becomes extra, hearty, and more delish. Your presence is homey and comfortable. Habang malayo ako sa Manila, you made another home for me," he said with so much sincerity on his voice.

Naitigil ko ang ginagawa at napatitig sa kaniya saka ngumiti. I feel happy that he's experiencing that from me.

"You're so warm and comforting, Salacia. There's no better place than here with you," he added that came out as a whisper.

Uminit ang pisngi ko pati ang aking kalooban. Idinaan ko sa halakhak ang tila sasabog na nararamdaman.

Remembering the past few years of my life, all I can see is the pain and abused that I went through. Akala ko hindi 'yon magtatapos. In the past, I always feel cold and alone. Ngayon, hindi na.

"You feel warm and comforting, too, Poypoy ko. You're my home," bulong ko at ngumiti nang halos nakapikit na ang mga mata.

I will take care of this. At sana siya rin ay alagaan ito. Aalagaan namin 'tong pareho. I don't want this to end.

"Pupunta akong Manila sa susunod na araw then after that, when I go back, I'll bring you there. I'm going to introduce you to my parents and friends," he said.

Unti-unting nanlaki ang mata ko. "S-seryoso ba 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Biglaan naman! Sobra ang kaba na nararamdaman ko tuloy.

The side of his lips rose. "Seryoso. And you wouldn't know, maybe you'll come back here with Thomas as your last name."

Lalo pang nanlaki ang mata ko at napahampas ako sa lamesa.

"Poseidon! Magseryoso ka nga at huwag mo gawing pambiro 'yan sa akin!" saad ko sa tono na kunwari ay galit pero ang puso ko ay dumadagundong na.

Humalakhak siya at hinawakan na ang mga kubyertos bago sumulyap sa akin. "Baby... I'm serious," mabagal na aniya.

Kinagat ko ang labi at parang kiti-kiti tuloy ako sa upuan.

"Seryoso saan?" tanong ko.

"Seryoso sayo, sa lahat ng tungkol sayo."

Parang gusto ko na tumili. Napatakip ako ng mukha at kahit morena ako, alam ko na kitang-kita na ang pagkapula ng mukha ko. He chuckled then he tried to pull my hands away from my face.

"Let's eat..."

"Ih! Poypoy!" nag-iinarte kong tili.

"Come on. Gusto mo bang subuan kita?"

Biglaan kong tinanggal ang kamay ko mula sa mukha ko at napangisi. His forehead creased when he saw my reaction.

"Sige, subuan mo ako," energetic na saad ko at tinaas-taas ang kilay.

The crease on his forehead slowly faded then he shook his head like he realized something.

"Naughty woman..." he whispered.

"Dali na!" Humalakhak ako.

"Later. For now, eat this," he pushed the plate near me with a naughty smirk on his lips.

Napatawa ako at nagsimula na sa pagkain.

"Poypoy gusto ko maranasan mag-bar sa Manila. Ipasyal mo ako sa mga sayawan doon, ha?" tanong ko habang magana na kumakain.

He glanced at me and smiled a bit. "I will let you experience a lot of things but of course, kasama mo ako. My parents and friends are also excited to meet you."

Tumango ako habang nakangiti. I'm excited to meet them, too, pero kinakabahan din ako. But nevermind. For sure they will like me! Lalo na ang future in laws ko. I'll make sure of that.

Continue Reading

You'll Also Like

3M 69.1K 36
Gustong sumikat ni Hana Russo sa mundo ng pag momodelo at pag arte ngunit laging hadlang ang kanyang ama na gustong ipagpilitan sakanya ang pag hawak...
1.6M 27.1K 23
Book 2 of Seducing My Gay Bestfriend.
22.1M 534K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]