Golden Scenery of Tomorrow (U...

Od 4reuminct

74M 2.9M 10.5M

UNIVERSITY SERIES #5. Ever since they were kids, Avianna Diaz from UST Architecture and Larkin Sanchez from... Více

PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
EPILOGUE
Author's Note

35

1.7M 59.7K 170K
Od 4reuminct


"Nag-reply na ba si Sam?" 


Kanina pa ako nasa phone ko, sinusubukang tawagan si Samantha pero hindi siya sumasagot. Dapat masaya ako ngayon dahil tapos na ang oath taking namin nina Luna at Kierra, pero mayroon namang bad news kay Samantha. Hindi ko siya magawang iwanan sa sitwasyong ganito dahil maski ako ay naranasan kong maging kalaban ng media. Naranasan kong husgahan ng mga taong hindi naman ako lubusang kilala. 


"Kasama na 'ata niya si Yanna," sabi ni Kierra pagkabalik. Kausap niya si Yanna sa phone kanina. "Hayaan muna natin sila... Baka hindi pa kayang humarap ni Sam sa mga tao." 


Napatingin ako sa phone ko nang makitang nag-message ang Tita ko ng flight details. Inasikaso ko na noong mga nakaraang buwan o linggo ang requirements papuntang Spain. Okay na ako at handa nang umalis. Hindi ko pa lang alam kung paano sasabihin kina Luna. Alam kong nabanggit ko naman na dati pero hindi ko na in-open ulit ang tungkol doon.


Malapit na akong umalis. Ni hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin doon. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang bagong yugto sa buhay ko. Wala sina Luna roon sa Spain. Wala ang mga kapatid ko... Wala si Papa. Kaya ko ba? 


Natatakot ako, oo... Pero ang sabi ko sa sarili ko, saka ko na haharapin kapag nariyan na sa harapan ko. Saka ko lang malalaman ang dapat gawin kapag naranasan ko na mismo. Kaya ko ba? Kakayanin ko. Sana. 


"Ano 'yong sasabihin mo, Via?" tanong ni Sevi habang kumakain kami ng dinner. Nagkita-kita na lang kami noong gabi, maliban kay Samantha at Yanna, dahil may gusto akong sabihin sa kanila at para ma-celebrate na rin namin ang pagiging architect namin. Alam naman na ni Yanna ang tungkol sa Spain at ite-text ko na lang si Sam tungkol doon dahil mukhang hindi pa siya okay lumabas ngayon. 


"Una, congratulations sa ating lahat. Architects na tayo, pagkatapos ng napakaraming paghihirap na dinanas natin sa school. Salamat dahil nanatili kayo sa tabi ko..." Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. "Salamat sa pagdamay sa akin sa lahat. Gusto ko mang makasama pa rin kayo bilang workmates naman pero... Aalis na ako next week," sambit ko.


Muntik nang madura ni Sevi ang iniinom niya nang marinig 'yon. Napakunot naman ang noo ni Kierra at si Luna, tumigil sa kakanguya. Tumitig sila sa akin, naghihintay ng susunod kong sasabihin. 


"Pupunta na akong Spain... Nabanggit ko na kina Luna 'to noon pero heto na... Naka-book na 'ko ng flight for next week. Sevi, huwag mo sanang sabihin kay Arkin ang tungkol dito. Hindi na niya kailangang malaman," paghingi ko ng pabor. 


"Teka... Teka lang..." Napahawak si Sevi sa ulo niya, hindi pa nagsi-sink in sa kaniya ang sinabi ko. "Bakit ka pupuntang Spain bigla?" 


"Magtatrabaho ako roon para sa Tita ko, at pwede rin akong mag-aral ulit doon," sagot ko naman. "Hindi ko alam kung babalik pa ako... Pero bibisita naman ako rito." 


"Gago, masyado mo 'atang sineryoso 'yong España sa UST..." Gulat pa rin si Sevi. "Joke ba 'to? Bakit agad-agad? Next week talaga?!" 


"Paulit-ulit ka naman!" Binatukan siya ni Luna. "Next week na nga raw! Kaya dapat magplano na tayo ng Despedida party natin!" 


"Mukhang hindi lang nga si Via..." makahulugang sabi ni Kierra. 


Saka ko lang 'yon naintindihan nang malaman kong aalis na rin si Samantha papuntang New York pagkatapos ng interview niya. Okay lang sana sa akin kung ako lang ang aalis, pero si Samantha rin pala. Ano kaya ang mararamdaman nina Luna tungkol doon? Paniguradong malulungkot sila. 

Nakaupo lang ako sa sofa habang pinapanood silang magkantahan doon. Kompleto kami... kung hindi lang kasama si Arkin sa amin. Gusto man siyang imbitahin ni Samantha, alam kong hindi na niya ginawa para sa akin o kaya naman busy si Arkin sa taping. Hindi rin nga siya pumunta noong kasal ni Yanna. 


Napapangiti na lang ako habang pinapanood na nagtatawanan sina Luna, Yanna, at Sevi. Nag-aasaran kasi silang tatlo. 


"You're leaving too?" Lumapit sa akin si Avrielle at hinawakan ang dulo ng damit ko. Napatingin ako sa kaniya, nawala ang ngiti sa labi. "Like Tita-Ninang?" 


Hindi ko alam ang isasagot sa bata. Yumuko ako at hinawakan ang pisngi niya gamit ang dalawa kong kamay. Marahan ko siyang hinalikan sa noo at napapikit naman siya. Pagkadilat niya ay naiiyak na naman ang mga mata niya. Napaiyak na siya ni Sam kanina at iiyak na naman siya sa akin ngayon. 


"Or like Mommy only? You will come back after three days?" Hinawakan niya ang kamay kong nasa pisngi niya gamit ang maliit niyang mga daliri. Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang luha ko. Napamahal na sa akin 'yong bata. Ilang beses din siyang nasa akin, inaalagaan ko kahit nag-aaral ako tuwing gabi para sa boards. 


"Tita will visit," sagot ko sa bata. "Okay? We will see each other again soon." 


"Like Daddy?" inosenteng tanong niya ulit, lumuluha na. "I saw Daddy again... after... a long time." 


Tumango ako sa kaniya at kinandong siya sa akin para mayakap. Hinaplos ko ang buhok niya at huminga nang malalim para hindi maluha. Napatingin sina Luna sa amin at huminto sa pagkanta-kanta nila roon. Lumapit naman si Yanna para kuhanin si Avrielle, mukhang inaantok na.


Nang mapatulog si Avrielle ay nagtipon-tipon na kami sa living room. Nakaupo ako sa sofa kasama si Luna at Kierra, habang si Sam, Yanna, at Sevi naman ay nasa sahig. Nakasandal si Sam sa pader at yakap ang tuhod, malalim ang iniisip. 


"So... I guess this is goodbye?" Ngumiti si Sam at tumingin sa relo niya. 


"Wala pa!" kontra naman ni Luna nang tignan din ang orasan. "We still have enough time... to say goodbye to each other." 


Natahimik kaming lahat, hindi alam kung paano magpapaalam sa isa't isa. Alam kong hindi rin alam ni Sam ang sasabihin dahil sa dami ng tumatakbo sa isipan niya. Hindi kami sanay malayo sa isa't isa. Simula high school kami ay halos one call away lang kaming lahat. Kapag wala na kami ni Sam, hindi na kami pwedeng pumunta sa kanila basta-basta tuwing kailangan nila kami. 


"Mas malala pala 'to sa long distance relationship," sabi ni Yanna at tumawa. "Hindi ako sanay na kami-kami na lang ang mag-uululan dito nina Sevi..." 


"We can still join via video call, right?" Malumanay ang boses ni Sam. "I know it won't be like before where we can hug each other or hold each other's hands but... It's the closest we can do. I'm really... really sorry for leaving like this."


"You don't have to say sorry for protecting your peace and for reaching your dreams," sabi naman ni Kierra. "Magiging okay kami... Magiging okay rin tayong lahat, hindi ba, Via?"


Tumango ako nang mapatingin sila sa akin. "Hindi rin ako... sanay nang wala kayo sa tabi ko." Nang sabihin ko 'yon, tumalikod si Luna ng upo sa akin at tinakpan ang mukha, pinipigilan ang luha niya. Natawa saglit si Kierra nang sumandal na si Luna sa balikat niya. 


"Alam n'yo namang hindi ako sociable na tao..." Huminga ako nang malalim para pigilan ang luha ko. "At hindi n'yo alam kung gaano ako nagpapasalamat sa inyo dahil nakilala ko kayo noong high school, at simula noon, hindi na kayo umalis sa tabi ko. You guys broke the barriers I had before... at hinding hindi ko pagsisisihang pinapasok ko kayo sa buhay ko." 


"Pucha," bulong ni Yanna at umiwas na rin ng tingin, naluluha na. "Ang drama naman. Naiiyak tuloy ako... Wala, ewan ko... Napakarami mo rin kasing natulong sa 'kin... Kayong dalawa ni Sam. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala kayo rito." 


"Hey, we won't leave your side." Tumatawang niyakap ni Sam si Yanna para patahanin ito. "We will always be here for you... Even if we can't be in the same space. Feel free to call me anytime..."


"Kami rin, tawagan n'yo lang din kami kapag kailangan n'yo kami, Via... Sam..." Napatingin ako kay Sevi nang magsalita siya. "Salamat sa pagpaparamdam sa aking mahalaga ako sa mga panahong pakiramdam ko wala akong dahilan para manatili... Hindi ko man sinasabi palagi pero, tangina n'yo, solid kayo."


"Gago ka, Sevi," sabi naman ni Kierra. "Pakiramdam n'yo mang wala kayong dahilan para manatili rito sa mundo, isipin n'yo na lang na kayo ang isa sa mga rason kung bakit kinakaya ko lahat. We will always be there during each other's healing process... Don't forget that." 


"Wala man dito si Arkin pero iparating mo rin sa kaniya 'tong sinasabi namin para maramdaman din niyang narito kami para sa kanya... Kahit ang dami nang nangyari sa kanila ni Via," sabi naman ni Luna, umiiyak. "Kasi alam kong nahihirapan din siya... at kailangan niya rin ng karamay. Pakisabi rin na sorry dahil hindi ko siya nakumusta noong mga panahong mag-isa siya." 


"Ah, I love you all so much." Tumingala si Sam at pinunasan ang luha gamit ang likod ng kamay. "How can I leave now?" 


"Tara, ihahatid na kita..." Tumayo si Yanna at hinawakan ang kamay ni Sam para hatakin ito patayo. Tumayo na rin si Sevi at lumapit kay Samantha para yakapin ito nang mahigpit. Hinaplos naman ni Sam ang likod nito at tinapik-tapik ang balikat. Sunod namang yumakap si Kierra at nagbilin ng kung ano-ano. 


"Maiiyak ako kapag niyakap kita," sabi ni Luna but Samantha opened her arms and smiled at her. Hindi na niya natiis at yumakap na rin siya kay Sam. Umiyak pa siya sa balikat nito. "Pucha kayo, bakit n'yo ako iiwan?" 


"I love you, my person," bulong ni Sam at hinaplos ang buhok ni Luna. "I will always be here for you, as a friend and as a big sister." 


Sunod naman akong lumapit at niyakap si Sam... Si Sam na walang ginawa kung hindi kumustahin ako at samahan ako tuwing malungkot ako. She always made sure that everyone was fine. Siya 'yong tipong randomly magse-send ng motivational messages sa amin at 'yong bigla na lang kaming tatanungin kung okay lang ba kami. Palagi rin niyang pinapaalala na nariyan siya para pagsabihan namin ng mga problema niya... dahil siya mismo ay hindi malabas ang sa kaniya.


"You have done so much for us," bulong ko sa kaniya. Naestatwa siya saglit bago ko naramdaman ang mabigat niyang paghinga, sinusubukang pigilan ang luha. "You deserve to rest. At alam kong ito rin ang gusto ng kapatid mo..." 


Doon na siya naiyak sa balikat ko. Humigpit ang yakap niya sa akin para itago ang mga luha niya. 


"Naomi... will be proud of me, right?" bulong niya sa akin. 


Tumango ako. "Sobra... Kung narito siya ngayon, alam kong yayakapin ka rin niya nang mahigpit at sasabihin niya sa 'yong... Ate, thank you for everything.


Napahagulgol si Sam pagkasabi ko noon at napaupo sa sofa dahil nanghina ang tuhod niya. "Ah, I'm sorry for crying like this... I just thought of my sister. I know I... I haven't talked about her with you a lot... and you must be wondering. Before I go, I just... want to keep this off my chest." 


Hinawakan ni Yanna ang kamay ni Sam at sinabing huwag na kung hindi niya kaya. Natahimik si Luna, Kierra, at Sevi. Lahat naman kami ay may idea na sa nangyari dahil sa mga balitang lumabas noong mga nakaraang linggo. Hindi lang namin tinatanong kay Samantha dahil hindi naman namin kailangang malaman lahat. Kaya namin siyang damayan kahit iyon lang ang alam namin.


"Thank you, Via, for... saying that Naomi will thank me for everything I've done because right now, I still don't think it's enough..." Halos hindi na siya makahinga kakaiyak. "This is why I always ask you guys if you are okay... or doing well... Because I want to constantly remind you that I am here... I am always here if you need me... I still feel like I failed... But when you said Naomi will thank me... It just felt... so warm."


Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya. Umiyak ulit siya sa balikat ko. Pakiramdam ko, nakikita ni Sam ang kapatid niya sa aming lahat. 


"And when you experienced that with the media, I just... wanted to protect you so bad. It sucks that I couldn't even go to you. I wanted to be there for you... Because it was the same thing my sister went through... And I don't want something like that to happen again... So, Via... Thank you for staying with me. For staying with us." Hinawakan niya ang mukha ko at ngumiti sa akin. "When you go to Spain... I know it will be hard for you to adjust... But if you feel like crying, or kapag hirap na hirap ka na, huwag mong kakalimutang sumandal sa amin." 


"You didn't fail, Sam," sabi naman ni Kierra. "You have done a lot for us, and Via too. Both of you have always been there for us, kapag kailangan namin ng kausap, o kahit kasama lang. Thank you for being the ones who listen... And I hope we did our part too. I hope we also made you feel like you can lean on us." 


"Oo naman." Ngumiti ako at tumango, naluluha na rin. "Kahit hindi ako masyadong nagsasabi tungkol sa nararamdaman ko, presensya n'yo lang ang kailangan ko para maging okay... Dahil kapag nandiyan kayo, nararamdaman kong hindi ako mag-isa. Kaya nga ang hirap sa 'kin umalis... dahil wala na kayo sa lugar na tatapakan ko." 


"Kapag hindi mo na talaga kaya, Via, tawagan mo lang ako. Book ako ng flight. Puntahan kita sa Spain," sabi naman ni Sevi at ngumiti. "Hindi ako magsasama..." bawi niya kaagad. 


Niyakap na ulit kami ni Sam bago siya hinatid ni Yanna sa parking lot. Napapikit ako at napasandal sa sofa, nakatakip ang braso sa mga mata. Wala na... Umalis na si Samantha. Ako na ang susunod. Kaya ko ba? 


"Via," tawag ni Sevi sa akin nang ihatid niya ako sa tapat ng bahay. Sumandal siya sa sasakyan at nagpamulsa. "Hindi mo talaga sasabihin kay Arkin? Hindi ba deserve niya namang malaman kahit papaano?" 


"Para saan pa? Tinigil ko na 'yong sa amin." Yumuko ako, nag-iisip pa rin tungkol doon. "Wala na kaming koneksyon ngayon." 


"Hindi ka ba nanghihinayang?" seryosong tanong niya ulit. "Ganoon-ganoon na lang nawala 'yong koneksyon n'yo sa isa't isa kahit halos buong buhay mo... Hindi nga halos, eh... Buong buhay mo, kasama mo siya? Limang taon nga, nahihirapan ako... Nag-aalala lang ako para sa inyong dalawa dahil pareho ko kayong kaibigan." 


"Kakayanin niya nang wala ako," sabi ko naman sa kaniya. "At kakayanin ko rin. Huwag kang mag-alala... Pwede mong sabihin sa kaniya kapag nakaalis na 'ko."


"Bakit? Ayaw mo ba siyang makita for the last time bago ka umalis? Ganoon na lang ba? Wala nang paalam? Kahit bilang kaibigan na lang..." Alam ko naman kung saan siya nanggagaling at kung bakit niya sinasabi 'to. Siyempre, nagi-guilty rin siya dahil kaibigan niya si Arkin. 


"Pag-iisipan ko..." Tumalikod ako sa kaniya at kumaway bago ako pumasok ng bahay. Nakatulog ako kaagad pagka-shower dahil naubos ang lakas ko kakaiyak kanina. 


Kinabukasan, nagsimula na akong magbalot ng mga gamit ko. Nakita ko si Aidan sa may pinto, pinapanood ako at mukhang malungkot ang mukha. Tinawag ko tuloy siya at sinabing tulungan niya ako para makausap ko siya. 


"Magpakabait ka kapag umalis na ako, ha," sambit ko sa kaniya habang nagtutupi siya ng damit. Ngumuso siya at tumango sa akin, hindi nagsasalita. "Alagaan mo si Papa at makinig ka sa mga Ate mo... Huwag makulit, ha?" 


Natahimik siya bigla. Nang lingunin ko siya, nakita kong lumuluha na siya kaya nag-panic ako. Lumapit kaagad ako at niyakap siya, hinahaplos ang likod. Hindi ko naman sinasadyang paiyakin siya sa mga sinasabi ko. 


"Bakit parang hindi ka na babalik?" tanong niya sa akin habang umiiyak. 


"Babalik ako para bumisita sa inyo... Nagbibilin lang ako para hindi ko makalimutan kapag aalis na talaga ako," pagpapaliwanag ko. "Alam kong nasanay ka nang narito ako... Simula bata ka, mas madalas mo akong kasama kaysa kay Mama, pero huwag ka masyadong malungkot dahil makakausap mo pa rin naman ako, 'di ba?" 


Ang mga kapatid ko ang iniisip ko. Para ulit silang nawalan ng ina kapag umalis na ako. Ako na ang sinasandalan nilang lahat simula noong nawala si Mama... o kahit nga noong mga panahong nariyan pa siya. Sa akin sila tumatakbo kapag umiiyak sila, kapag nasasaktan sila, at kahit kapag masaya sila. Ako ang nag-aasikaso sa kanila sa school, nagtuturo sa assignments nila, sumusundo sa kanila, naghahatid, at nagpapabaon ng pagkain. Kahit noon, ako rin nga ang nagbibihis sa kanila at tumutulong sa kanilang maligo noong bata.


Si Aidan, ako ang nagturo sa kaniya ng lahat dahil madalas ding wala si Papa. Ako ang kasama niya kahit sa Parents' Day. Ako rin ang binabati niya kapag Mother's Day dahil wala naman daw Sister's Day. Ako ang nagturo sa kaniya gumamit ng kutsara't tinidor, tumulong sa kaniya sa ABC, at ang nagpapatahan sa kaniya kapag umiiyak siya noong baby... Nasaksihan ko siyang lumaki kaya alam kong masakit sa kaniyang makitang aalis ako. 


"Mag-aaral ako nang mabuti para maka-graduate kaagad... Tapos hindi mo na kailangang magtrabaho roon. Babalik ka na rito..." sabi naman niya.


Napangiti ako at ginulo ang buhok niya. "Sabi mo 'yan, huh? Basta, huwag mong kakalimutang alagaan si Papa at mga kapatid mo kahit ikaw ang bunso. Makinig ka kina Ate." 


Tumango siya sa akin at tumahan na habang nagtutupi ng mga damit ko. Iyon ang pinagkaabalahan ko noong mga sumunod na araw. Kinausap ko na rin sina Mira at Ysha para magbilin. 


"Alam n'yo na gagawin n'yo kapag nagugutom kayo, ha... At tsaka 'yong susi huwag n'yong iwan sa labas. Ito 'yong vitamins. Huwag n'yong kalimutang inumin, tsaka si Papa at Aidan painumin n'yo rin nito kasi palaging nakakalimot. Huwag n'yo ring kalimutang tanungin si Papa kung okay siya o kung kumusta ang araw niya..." sabi ko sa dalawa. 


"Ate..." mahinang tawag ni Ysha. Nang lingunin ko siya ay lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Thank you po..." 


Natahimik ako at niyakap siya pabalik. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi naman siya umiiyak pero ramdam ko ang lungkot niya habang mahigpit ang yakap sa akin na para bang ayaw akong pakawalan. 


"Kapag nahihirapan ka, Ate, huwag mong itago. Magsabi ka kina Tita," sabi ni Mira sa akin. "Ako na ang bahala muna rito..." 


"Thank you." Ngumiti ako at kumawala naman si Ysha sa yakap ko. "Kaya n'yo na ba nang wala ang Ate?" 


"Kailangan," sagot ni Mira. "Huwag kang mag-alala... Ang sarili mo ang isipin mo. Mag-iingat ka roon, ha?" 


Hanggang sa isang araw na lang ang natitira bago ako umalis, iniisip ko pa rin kung pupuntahan ko ba si Arkin o kung ipapaalam ko lang sa kaniya. Naabutan pa ako ni Papa noong gabi, nakatulala sa kusina habang tulog na ang lahat. 9 PM pa lang iyon nang makauwi siya. 


"Gusto mo bang ihatid ka namin bukas o ayaw?" tanong ni Papa nang maupo sa harapan ko. 


Ngumiti ako nang malungkot sa kaniya at umiling. "Huwag na... Baka hindi ako makapasok sa airport. Hindi matatapos ang paalam natin sa isa't isa." Tumawa ako. 


Tumango siya at natahimik saglit bago tumingin ulit sa akin. "Via... May galit ka ba sa akin? Noong mga panahong... nahihirapan ka, simula noong bata ka. Ni minsan ba, hindi mo naisip na sisihin ako dahil nagkukulang ako sa inyo?"


Napakunot ang noo ko at mabilis na umiling. "Hindi ka nagkulang sa amin, Papa... Hindi ka nagkulang sa pag-alaga sa akin at sa mga kapatid ko kaya huwag mong iisipin 'yan. At noong mga panahong nahihirapan ako, hindi kita sinisi... Oo, naiinggit ako noon sa ibang mga bata dahil kaya nilang gawin ang gusto nila pero... Mahal ko kayo, eh. Kahit hindi mo sabihin, aalagaan ko kayo..." 


"Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa ko noon... Sobrang swerte ko sa 'yo, Via... At sobrang swerte ng mga kapatid mo sa 'yo... Pati na rin ng mga kaibigan mo. Salamat... sa lahat ng ginawa mo para sa amin. Alam kong ang dami mong nasakripisyo para sa pamilya natin, at kahit ngayon, ginagawa mo 'to para sa amin... Hindi ko alam kung paano ako makababawi sa 'yo, anak..." Naluha na nga si Papa kaya lumapit ako at tinapik-tapik ang balikat niya.


"Basta manatili kayong masaya at healthy kahit wala ako, okay na 'yon sa akin, Papa... Huwag mo pong papabayaan ang sarili n'yo at pati ang mga kapatid ko. Kailangan nila ng... magulang," sabi ko sa kaniya. "Huwag mong kakalimutang tanungin sila tungkol sa araw nila, at tignan kung nasasaktan sila tuwing gabi." 


"Ang dami kong pagkukulang sa 'yo, anak... Hindi ko alam kung bakit hindi ka pa rin galit sa 'kin. Noong panahong nawala ang Mama mo, halos nawala rin ako sa sarili ko, pero hindi ka nagalit... Tahimik mong inasikaso ang lahat kahit bata ka pa at kahit kailan, wala akong natanggap na reklamo sa 'yo. Anak, minsan... Kapag masakit na, huwag mong pipigilang magsabi, ha?" 


Siguro nga... Tinanggap ko na lang 'yon lahat. Walang reklamo. Walang sabi. Lahat ng masasakit na pangyayari sa buhay ko, tinitiis ko dahil pakiramdam ko wala akong oras para maging mahina. Maraming nakasandal at nakasalalay sa akin. 


Kailan ko kaya mararamdamang maging malaya? Kahit isang beses lang... Kahit hindi ngayon. Sana sa susunod, alam ko na ang gusto ko sa buhay ko. Ang gusto ko... Sariling desisyong hindi nakasalalay sa iba. 


"Kung naghahanap ka ng magsasabi sa 'yo kung ano ang gagawin mo... Ito na 'yon, anak. Puntahan mo si Arkin at magpaalam ka sa kaniya... Hindi bilang taong minahal niya, kung hindi bilang taong nakasama niya buong buhay niya. Iyon ang dapat..." sabi ni Papa sa akin.


Napatitig ako sa kaniya. Nang ngumiti siya sa akin at tinapik ang balikat ko, dahan-dahan akong umatras. Gumalaw kaagad ang mga paa ko paakyat para magbihis at kuhanin ang gamit ko. Gabing gabi na pero pinuntahan ko pa rin siya sa condo niya. Wala na akong pakialam kung wala siya roon.


Kapag wala siya... Senyales na 'yon para sa aming dalawa. 


Pinindot ko ang doorbell sa tapat ng unit niya. Naghintay ako... Naghintay ako nang matagal hanggang sa pindutin ko ulit 'yon. Aalis na ba ako? Mukhang ito na 'yon. 


Nang wala ulit sumagot ay tumalikod na ako at maglalakad na sana paalis pero biglang bumukas ang pinto. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang magtama ang tingin naming dalawa. Bakas sa mga mata niya ang gulat, ngunit napalitan 'yon ng pagtataka. 


"Hi," mahinang sabi ko. 


"Pasok ka... Sorry, nasa shower ako kanina..." Tumalikod siya sa akin at binuksan ang pinto. Hindi na dapat ako papasok dahil magpapaalam lang naman ako pero hindi niya ako hinintay magsalita kaya humakbang na lang ako papasok. 


Hindi niya tinatanong kung bakit ako narito kaya hindi ko masabi. Bakit nga ba hindi siya nagtatanong? Hindi naman normal na narito ako pagkatapos namin maghiwalay. 


Nilibot ko ang tingin ko sa condo niya at nakitang malinis iyon. Mukhang kakauwi nga lang niya at dumeretso sa shower kaya natagalan. Basa pa ang buhok niya nang pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig. Nakasuot lang siya ng shirt at sweatpants, handa nang matulog. 


Bumaba ang tingin ko sa gamot na ininom niya. Nilalagnat yata siya. Sunod-sunod panigurado ang schedule niya at hindi na nakakapagpahinga. Palagi naman siyang ganito kahit noon pa. 


"May sakit ka pala... Magpahinga ka na. Uuwi na ako." Tumayo na ako at naglakad papuntang pinto. Okay na 'to... Nakita ko na siya. Okay na 'yon... 


"Rye," tawag niya bigla kaya napatigil ako. "Wala ka bang sasabihin sa akin?" 


Bumilis ang tibok ng puso ko sa tanong niya. Nang lumingon ako ay nasa harapan ko na siya. Sinandal niya ako sa may pintuan at nilagay ang isang kamay sa gilid ko, hinihintay ang sasabihin ko.


Matagal kong tinitigan ang mga mata niyang nasasaktan. Hindi ko na napigilang haplusin ang mukha niya gamit ang isa kong kamay. Ngayon ko lang ulit nakayanang tignan siya nang ganito... at parang bumalik sa akin lahat ng pinagsamahan namin noon. 


Kung huli na 'to, bawal bang magpanggap na kami... ulit? Kung huli na 'to, bawal bang umakto sa nararamdaman ko? Kung huli na 'to, hindi ba kami pwedeng umaktong mahal niya pa rin ako at mahal ko rin siya? 


"Kaya mo bang hindi magtanong at umakto na lang na walang... nangyaring masakit sa ating dalawa? Hindi ba pwedeng bumalik na lang tayo sa panahon bago mo sinulat 'yong kanta?" halos hindi na ako makapagsalita dahil sa luhang nagbabadya sa mga mata ko. 


"Kahit ngayon lang?" tanong niya sa akin. 


"Kahit ngayon lang." 


Yumuko siya at huminga nang malalim, pinapakalma ang sarili bago inangat ulit ang tingin sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko at lumapit para halikan ako. Hindi gumalaw ang mga paa ko at sinalubong ko pa ang halik niya. Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko 'to... at kung bakit ang sakit sa dibdib ng halik na 'yon. 


Kung huli na 'to... Pwede bang gawin ko na lahat ng gusto ko? Pwede bang maging malaya ngayon? 


"Baka magkasakit ka rin..." Humiwalay kaagad siya sa akin nang mapagtanto 'yon. Napakagat ako sa ibabang labi ko at lumapit sa kaniya. Tumingkayad ako at pinalupot ang braso ko sa leeg niya para mahalikan siya. "Via-" 


"Kahit ngayon lang, hindi ba?" Bakas sa boses ko ang sakit. Napabuntong-hininga siya bago pinalupot ang kamay sa bewang ko para halikan ako. 


He pushed his tongue inside my mouth to taste me while his hand was on the hem of my shirt. Umatras siya hanggang sa makarating kami sa kwarto niya. Umupo siya sa kama at hinatak ako papalapit sa kaniya. 


Bawat halik niya sa akin, pakiramdam ko maluluha ako. Tinignan niya ulit ako nang mahiga ako sa kama, nag-aalangan pa. Niyakap ko siya nang mahigpit para itago ang luha ko. 


"Okay lang..." bulong ko. 


Hindi siya nagsalita at hinalikan lang ako sa noo bago bumaba ang halik sa dibdib ko. In just a few seconds, I was left with my underwear. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalinlangan kaya hinawakan ko ulit ang mukha niya para halikan. Alam kong ang dami naming kailangang pag-usapan pero pagkatapos nito... Wala na lang 'yon lahat. 


Ito na lang ang kaya kong gawin ngayon... Ito na lang dahil huli na 'to. 


"It's okay, Arkin," ulit ko sa kaniya. "Okay lang ako..." 


He stared at me again without talking. We communicated through our eyes, both reflected pain. Binuksan niya ang drawer at may kinuha bago lumayo sa akin at lumuhod sa tapat ko. I didn't know what to feel. It was just... painful. Naramdaman ko na lang ang kaniya sa gitna ko nang lumapit siya at tinungkod ang mga kamay sa gilid ko. 


"I'm sorry," bulong niya sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba sa sakit na nararamdaman ng katawan ko o ng puso ko. 


Napatakip ako sa bibig ko nang lumuha na ako dahil sa sakit nang maramdaman kong napupuno na ako... pero hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ako umiiyak ngayon. Tinago ko na lang ang nararamdaman ko. 


He wanted to pull away when he saw me crying but I pulled him back. Sabi ko ay tapusin niya 'yon. I wanted all my firsts to be with him. Kung hindi siya, hindi ko na 'to kayang gawin sa iba. I wanted this to happen.


Alam kong naguguluhan pa rin siya pero ginawa niya ang sinabi ko. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang ulo ko. Nakatakip lang ako sa bibig ko at pinipigilan ang sariling gumawa ng ingay. Tinago rin niya ang mukha niya sa leeg ko. Nang matapos, nanghina siya dahil nilalagnat kaya bumagsak siya sa taas ko. 


Niyakap ko siya nang mahigpit at hinawakan ang likod niya gamit ang isa kong kamay. Ang isa ay tinakip ko sa bibig ko para hindi niya marinig ang mga hikbi ko. Bumagal na ang paghinga niya habang nakayakap ako sa kaniya. Hinaplos ko rin ang buhok niya at pinunasan ang luha ko nang gumalaw na siya. 


I felt guilt... I wanted to say sorry so bad because I know after this, I'll be leaving him again. He probably hoped... that after this, something will change between us. 


Gusto niya akong buhatin papuntang C.R pero ang sabi ko kaya ko na ang sarili ko. Pumasok ako roon at umiyak na lang sa sahig. Matagal akong nasa loob, hindi alam ang gagawin o sasabihin ko. 


Nang makapaglinis at makapaghilamos ay lumabas na ako at naglakad pabalik sa kama kung saan siya nakahiga at nakapikit. Nakabihis na rin siya, mukhang mataas nga ang lagnat. Lumabas ako at kahit nahihirapang maglakad ay kumuha ako ng towel at binasa 'yon bago nilagay sa noo niya. 


Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya. "I'm sorry," bulong ko ulit kasabay ng pagtulo ng luha ko. "I'm sorry... I'm sorry I doubted you... I'm sorry I wasn't there when you were hurting. Sorry dahil iniwan kita... at iiwanan kita ulit." 


I did not regret what happened. I wanted that. I wanted him to have that. I wanted him to have me before I leave. It was meaningful to me... pero alam kong hindi niya naiintindihan. Ginawa niya 'yon dahil gusto ko. 


Alam kong ang daming tanong sa isipan niya pero pumayag siyang huwag magtanong kahit ngayon lang kaya hindi siya makapagsalita kanina. Ni hindi niya nga alam kung bakit niya ginagawa 'yon... Pero si Arkin siya, eh. Palagi niya akong iniisip. 


"Sorry... dahil wala ako noong mga panahong nahihirapan ka rin. Sorry... dahil binitawan kita noong kailangan mo ako... Sorry dahil hindi ako lumaban para sa 'tin." My voice broke. Ngayon na lang ulit ako umiyak nang ganito. Wala na akong pakialam kung naririnig niya o hindi. 


Sobrang dami kong gustong sabihin sa kaniya. Sobrang dami kong gustong itanong o linawin... Pero para saan pa? Sabi ko nga, pagkatapos ng gabing 'to, wala na rin 'yon lahat. Ito na ang huli para sa amin. 


Gumalaw siya saglit at pinalupot ang braso niya sa bewang ko. Napahiga ako at humarap sa kaniya. Natutulog na siya ngayon. Mas lalong tumulo ang luha ko habang hinahaplos ko ang buhok niya. 


"Nagkita na tayo ulit... Pagkatapos ng yakap na 'to, kailangan mo na 'kong pakawalan ulit," bulong ko. "Thank you... for everything. Thank you for staying with me and being with me my whole life... Ikaw lang ang kaya kong mahalin nang ganito..." 


Hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan siya sa noo, pinipigilan ang sariling pumikit at makatulog dahil ayaw kong makita niya 'kong umalis. 


"Thank you... for making music for me. Salamat sa musika... sa saya at sa pagmamahal. Hinding-hindi kita kayang kalimutan. Ikaw 'yong taong hindi ko kayang mahiwalay sa akin. Ikaw 'yong tumulong sa akin bumangon... Ikaw 'yong nag-alaga sa akin habang abala ako sa pag-aalaga sa iba... Ikaw 'yong nagparamdam sa 'kin ng pagmamahal... Kung hindi dahil sa 'yo, paniguradong hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung paano magmahal ng ibang tao bukod sa pamilya ko." 


He was the one who pushed me to have friends. He was the reason why I had Luna, Kierra, Sevi, Yanna, and Sam. He pushed me into doing good things. Siya ang nakakaalam ng makabubuti sa akin. Siya ang nagtutulak sa aking gawin ang mga gusto ko bago ko pa maamin sa sarili kong interesado ako sa bagay na 'yon. 


How could I possibly live without the man who knew me more than I knew myself? Na kahit hindi ko pa sinasabi, alam na niya. Kahit hindi ako nagsasalita, nababasa niya pa rin ang nararamdaman ko... at paniguradong kanina, alam niya rin kung bakit ako umiyak. Naguguluhan siya pero hindi siya nagtanong... dahil alam niyang ayaw ko. Alam niyang hindi ko sasagutin.


"Sorry... kung sumuko ako." Umiyak ako lalo. He was... too precious to me. He was the man everyone would wish for. "Alam kong hindi mo na rin kaya pero salamat dahil pinaramdam mo sa 'king kaya mo pa akong ipaglaban." 


Dahan-dahan kong inalis ang yakap niya sa akin at tumayo sa gilid ng kama. Kinumutan ko siya at hinalikan sa noo. 


"I love you... so much," bulong ko. "Goodbye... my best friend, my love, my music." 


Matagal ko pa siyang tinitigan bago ako naglakad paalis at sinara ang pinto ng kwarto niya. Umuwi ako sa amin nang wala sa sarili. Nakatulala lang ako hanggang sa makarating sa sariling kwarto. Tumingin ako sa paligid. Okay na ang lahat. Nakaayos na lahat ng gamit ko. 


Hindi ako nakatulog noong gabing 'yon kakaiyak. Noong umaga, nagpaalam na rin ako sa pamilya ko at mag-isang pumunta sa airport. Hindi na ako nagpahatid kina Luna. Ayaw kong manatili sa labas. 


Hatak-hatak ko ang maleta ko habang nakapila at naglalakad papasok ng airport. Nilabas ko na ang passport at flight details ko para i-check ng guard. 


"Via!" 


Natigilan ako nang makarinig ng pamilyar na boses. Lumingon ako at nakita si Arkin na lumilingon sa paligid, kakababa lang ng sasakyan. Agad nagbulungan ang mga tao nang mapansin siya. 


Umiwas ako ng tingin at binigay sa guard ang mga kailangang i-check. Hindi... Hindi ako lilingon. Nanatili ang tingin ko sa harapan habang hingal na hingal siyang hinahanap ako sa bawat gate. Pasikip nang pasikip ang dibdib ko. 


Nang ibalik na sa akin ng guard ang gamit ko, hinatak ko na ang maleta ko at naglakad papasok, hindi na ulit lumingon sa kaniya. 


I moved forward without looking back... so I could completely let him go. 

________________________________________________________________________________

.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

7.2M 230K 12
Special chapters/AUs that are written during my Write with Me session in KUMU! Join me for spoilers, polls, and prizes! Kumu: @gwy.saludes
917K 20.9K 13
Teaser: Third only want one thing from her and that is his niece. Crescent only want one thing from him and that is her life's peacefulness. But...
106K 6.1K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
30.7K 970 42
Meet Elisse Joson, Marc Carlos De Leon, Loisa Andalio and Ronnie Alonte.