Luna's Pov
Maagang Maaga Pa Nung Magsimula Kaming Pasukin Ang Ancient Elemental Temple, Ramdam Ko Ang Gem Of Elements Na Nasa Loob Ng Temple Kaya't Dali-Dali Akong Pumasok Habang Ang Iba Naman Ay Nanatili Sa Labas Upang Bantayan At Matyagan Ang Buong Paligid Habang Ako Naman Ay Kukuhanin Ang Huling Gem. Ang Gem Of Elements.
Sinasabing Mayroong Napakalakas Na Elementalist Na Nagngangalang Charlotte. Isang Blood Elf Na Siyang Pinagkatiwalaang Alagaan At Ipagtanggol Ang Gem Of Elements Laban Sa Mga Nagtatangkang Kumuha Dito.
Pagpasok Ko Sa Loob, Ramdam Ko Ang Malakas Na Presensiya Ng Elementalist Na Si Charlotte, Sobrang Lakas Na Kapangyarihang Dulot Ng Gem Of Elements.
Dali Dali Kong Hinanap Pinanggalingan Nito Ngunit Sobrang Lawak At Malaki Ang Lugar Na Ito. Mayroong Limang Iba't Ibang Klaseng Halimaw Ang Nakabantay Sa Bawat Parte't Sulok Ng Ancient Elemental Temple.
Sila Ang Mga Halimaw Na Pumatay Sa Bawat Taong Nagtatangkang Kuhanin Ang Gem Of Elements Sa Pangangalaga Ni Charlotte.
Nasa Gitna Ako Nang Malawak At Madilim Na Kawalan Sa Loob Ng Templong Ito, Gumawa Ako Ng Torch Gamit Ang Apoy Na Magbibigay Ng Liwanag Sa Buong Kaloob-Looban Ng Pook Na Ito. Mahabang Hallway Ang Tanging Daanan Patungo Sa Iba Pang Maaring Makita Dito.
At Nahanap Ko Ang Una Sa Limang Halimaw Na Tagapagbantay Sa Lugar Na Ito. Isang Fire Bird. Malaki't Nakakatakot Ang Anyo Nito Malalaking Mga Pakpak At Matutulis Na Kuko. Kailangang Mabilis Ang Paggalaw Dahil Mabilis Din Ang Kalaban.
Nagsimulang Umatake Ang Kalaban Gamit Ang Kanyang Fireballs Na Hindi Kagaya Ng Nagagawang Palabasin Ni Bonimir, Kanya-Kanyang Laki Ang Mga Fireballs Na Patuloy Ginagamit Pang Opensa Ng Kalaban.
Nagcast Ako Ng Water Daggers At Pinalipad Iyon Sa Direksiyon Ng Kalaban, Napinsala't Nanghina Ito Hanggang Sa Tuluyang Hindi Na Nakabangon Pang Muli Dahil Sa Pinsalang Idinulot Ng Water Daggers Na Tumama Sa Kanya. Madali Akong Nagpatuloy Na Pasukin Ang Hallway Sa Magdadala Sakin Patungo Sa Kasunod Na Halimaw.
Isa Namang Nature Bear Ang Nakita Kong Nandito't Inaabangang Ang Paglapit Ko Sa Kanya. Mahirap Kalabanin Ang Ganito Kalakas Na Halimaw Ngunit Kung Nais Mong Magtagumpay Magagawa Mong Matalo Kaagad Ang Kalaban.
Nagsimulang Umatake Ang Nature Bear Sa Pamamagitan Ng Pagtatapon Ng Vines Na Mayroong Lason Na Kapag Tinamaan Ka Ay Unti-Unting Hihina't Magkakaroon Ng Pagkaparalisa Ang Taong Sumalo Ng Atake Niya. Doubleng Bilis At Pagiingat Ang Dapat Na Gawin.
Naglabas Ako Ng Elemental Fireball Na Pinalakas Pa Ng Mga Elementong Nakapaloob Sa Pagatake Kong Gagawin Sa Kanya. Magdudulot Iyon Ng Mas Mataas Na Pinsala Kung Sakaling Matamaan Siya Sa Katawan O Kung Saan Parte Ng Kanyang Buong Katawan. Kita Kong Naging Mas Mahina Ang Kalaban Kaya't Gamit Ang Elemental Staff Tuluyan Konang Tinapos Ang Nagaganap Na Laban.
Nagpatuloy Muli Ako Hanggang Sa Madala Muli Sa Ikatlong Halimaw Na Tagapagbantay Sa Lugar Na Ito. Ang Wind Serpent Na Hindi Madaling Mamatay Hangga't Hindi Mo Napuputol Ang Ulo Nito Ngunit Mahirap Dahil Sobrang Liksi't Bilis Ng Paggalaw Nito.
Gumamit Ako Ng Sandata Upang Madali Kong Magawa Ang Pagputol Sa Ulo Nito Ng Mabilisa't Para Magawa Ko Ding Magsugatan Ang Halimaw Sa Bawat Parte Ng Katawan Nito. Hindi Maghihilom Ang Mga Sugat Hangga't Hindi Pinagagaling Ng Sinuman.
Nasa Ilalim Palagi Ang Wind Serpent At Humahanap Ng Tiyempong Umatake Sa Oras Na Hindi Ako Maging Alerto Sa Paligid, Kaya't Nang Maramdaman Ko Ang Presensiya Ng Kalaban Ay Itinutok Ko Doon Ang Sandatang Dala Ko Bukod Sa Elemental Staff. Lumabas Ang Wind Serpent Na Hindi Pansin Ang Espadang Tangan Ko Kaya't Mabilis Naputol Ang Ulo Nito Dahil Sa Hindi Pagpansin Sa Kung Anong Makikita Niya.
Diniretso Kong Muli Ang Hallway Hanggang Sa Makaharap Ko Ang Water Giants Na Higit Sa Dalawa O Tatlo Ang Kasama. Hindi Gagana Ang Apoy Sa Ganto Dahil Madaling Maabsorb Ng Kalaban Ang Atake. Kaya Mas Higit Kong Gagamitin Ang Nature Magics Upang Masalag Ang Kanilang Mga Water Daggers Na Kanilang Primary Weapon.
Isang Mortal! Huwag Siyang Hayaang Makadaan Upang Hindi Maging Matagumpay Ang Kanyang Binabalak! Sigaw Ng Isa Sa Mga Water Giants At Binigyang Hudyat Ang Mga Kasama Niya Na Umatake Ngunit Hindi Sila Nanalo Dahil Sa Pinalibutan Sila Ng Mga Malalaki't Matitibay Na Vines Na Isinummon Ko Upang Hindi Nila Ako Masundan Hanggang Sa Pinakahuling Halimaw Na Nasa Pinakadulo.
Mali Ang Pagkakaintindi Kong Halimaw Ang Huling Tagapagbantay Sa Lugar Na Ito. Kundi Isang Grupo Ng Mga Necromancers Na Tinatawag Death Crew Na Mayroong Limang Malalakas Na Miyembro.
Sina Riolos,Cieven,Lamien,Dorius At Dreilak Na Mula Sa Lahi Ng Scourge. Sila Ang Mga Natitirang Undead Na Ginawang Tagapagbantay Sa Lugar Na Ito.
Prinsesang Nagmula Sa Isang Kaharian Na Sumagisag Sa Limang Elemento, Isang Elementalist Ang Muling Napadpad Sa Ancient Elemental Temple. Si Riolos.
Tumabi Kayo Riyan Mga Undead, Kailangan Kong Bilisan Ang Pagkuha Ng Gem Of Elements Kay Charlotte. Ang Elementalist Na Tagapangalaga Ng Gem. Sabi Ko Ngunit Wala Ni Isa Sa Kanila Ang Nakinig Sa Akin.
Wala Akong Magagawa Kundi Ang Intayin Ang Kanilang Pagatake Sa Akin. Para Makuha Ang Tyempo Kung Paano Sila Mapapabagsak Ng Isa Isa At Mabilis Na Mapuntahan Si Charlotte Upang Hingiin Ang Gem Of Elements Na Kanyang Pinangangalagaan Ngayon.
Gaya Ng Inaasahan Kong Mangyayari, Umatake Sila Ng Sabay Sabay, Nakuha Ko Ang Tyempong Atakihin Sila Ng Mabilisan Gamit Ang Elemental Staff. Ngunit Hindi Naging Madali Ang Pakikipaglaban Sa Kanila Ng Hindi Gumagamit Ng Light Magics. Kaya't Isang Light Flame Ang Aking Ginamit Laban Sa Kanilang Lima Upang Magkaroon Ng Mas Malakas Pinsala Ang Bawat Pagatakeng Ginagawa Ko At Para Hindi Sila Mabilis Na Makalapit Sa Direksiyon Ko.
Hindi Lang Light Flame Ang Ginamit Ko Pati Nadin Ang Light Daggers Na Mas Mataas Ang Pinsalang Matatanggap Ng Kalabang Undead At Madali Itong Manghihina't Mamamatay Kaagad Dahil Sa Pinsalang Dinulot Ng Light Daggers Na Itinapon Ko Sa Kanila.
Naglaho Sila't Naging Abo, Nawala Na Ang Natitirang Undead Kaya Wala Nang Uusbong Ng Panibagong Legion Ng Mga Undead Sa Bawat Lugar At Kingdoms.
Ang Huling Hallway Ay Mayroong Bakal Na Nahaluan Ng Mga Kulay Na Sumasagisag Sa Limang Elemento't Mayroong Mukha Ng Dragon Na Ang Kulay Ay Halo Katulad Ng Kapangyarihan Ng Isang Elementalist. Kusa Itong Nagbukas At Natanaw Ko Ang Babaeng Elementalist Na Nangangalaga Sa Gem Of Elements.
Kulay Berdeng Mga Mata,Pinaghalong Ginto't Pula Ang Kanyang Mahabang Buhok,Matangkad. Ang Kanyang Pagkakakilanlan. Siya Si Charlotte Na Pinili Bilang Tagapangalaga Ng Gem Of Elements Dahil Na Din Sa Kanyang Pagiging Isang Malakas At Matalinong Blood Elf Na Nagawang Makuha Ang Kapangyarihan Ng Bawat Elemento.
Elementalist? Nakakunot Noo Na Tanong Nito Sa Akin Kayang Tumango Na Lamang Ako Bilang Tugon Sa Kanya. Mukhang Hindi Kaagad Siya Magtitiwala Sa Akin Hangga't Hindi Niya Pa Ako Nakikilala.
Anong Sadya Mo Dito? Ang Gem Of Elements? Hindi Ba? Tanong Nito Muli. Mukhang Alam Niya Kaagad Ang Pakay Kong Makuha At Ang Dahilan Kung Bakit Ako Pumunta Sa Lugar Na Ito.
Tama Ka, Kaya't Ibigay Mo Na Sa Akin Ang Gem Para Makaalis Na Ako't Upang Makabalik Na Kami Sa Lugar Na Pinanggalingan Namin Ng Mga Kasama Kong Nasa Labas Na Nagbabantay Sa Akin At Sa Temple Na Ito. Sagot Ko.
Mukhang Natapos Na Ang Oras Ng Pamamalagi Ko Sa Lugar Na Ito.. Tanggapin Mo Ang Gem Of Elements. Unti Unting Nagiging Abo't Naglalaho Si Charlotte At Isang Gem Ang Nabuo Matapos Na Siya'y Maglaho. Ang Gem Of Elements Ay Si Charlotte Mismo Kaya Hindi Nakakapagtakang Naging Immortal Siya Ayon Sa Kagustuhan Ng Gem Na Nasa Kanyang Katawan.
Ngayon Kumpleto Na Ang Mga Gems Na Dadalhin Namin Pabalik, Maari Nakong Umalis Sa Lugar Na Ito. Madali Akong Kumilos Upang Mabilis Na Makalabas Habang Walang Nangyayarihang Kakaiba Dito Sa Loob. Ngunit Isang Surpresang Pagatake Nanaman Ng Mga Darkians Ang Nangyayari Sa Labas.
Kaagad Ko Silang Nilapitan, Alam Nilang Tapos Na Kaya Dalawang Pagpipilian Na Lamang Ang Gagawin Namin Sa Sitwasyon Na Ito. Ang Tumakas O Ang Labanan Ang Napakaraming Bilang Nila.
Sa Wakas Nakumpleto Ninyo Na Din Ang Mga Gems. Maari Ko Na Bang Makuha Ang Mga Iyan At Dalhin Sa Dark Kingdom? Si Elijah. Ang Pinakamatapat Na Tauhan Ng Dark Prince.
Wala Kang Kukuhaning Gem. Makakaalis Kana't Isama Mo Ang Buong Hukbong Darkians Bago Pa Magbago Ang Isip Ko't Ubusin Ko Ang Mga Tauhan Mo. Malamig At Seryosong Tunog Ni Lancelot.
Mainit Agad Ang Ulo Mo, Gusto Mo Bang Makipaglaro Sa Mga Tauhan Ko? Nakangising Sagot Nito. Sinenyas Niya Sa Pinuno Ng Mga Kawal Darkians Ang Kanilang Pagatake.
Gamit Ang Pinagsama Samang Kapangyarihan Namin Nagpalabas Ng Isang Malaki't Sobrang Lakas Na Elemental Fireball Na Ako Mismo Ang Nagtapon Sa Mga Kalaban Kaya't Naubos Ang Kalahati Sa Kanilang Bilang. Si Prime Ay Ginamit Din Ang Lightning Strike. Ang Kakayahan Niyang Magamit Ang Kidlat Upang Maubos Ang Mga Kalabang Nakakaharap Niya.
Kami Na Ang Lumalaban Sa Mga Darkians Habang Si Lancelot At Elijah Ang Naglalaban Sa Kabilang Banda Kami Ang Nakaubos Kaagad Ng Ilan Sa Mga Darkians Na Nakapaligid Sa Amin. Sina Shammy At Gracielle Ang Nakapwesto Sa Likuran Namin Para Depensahan Kami Mula Sa Likod. Sina Asterin At Xena Ang Kasama Ko. Habang Sina Bonimir,Aillard,Brianna At Priamos Ang Patuloy Na Umiikot Upang Mabilisan Nilang Maubos Ang Mga Kalaban Namin.
Mayroong Isang Grupo Na Binubuo Ng Limang Mandirigmang May Angking Lakas At Abilidad Na Mas Maging Brutal Sa Battlefield.
Sila Ay Sina Belerick,Gloo,Grock,Hylos At Irithel. Agad Nila Kaming Sinaklolohan Sa Gitna Ng Labanan. Si Belerick Ay Tinatapon Sa Iba't Ibang Direksiyon Ang Kalaban. Habang Si Gloo Ay Gumagamit Ng Slime Sa Pagatake Sa Kalaban. Si Grock Ay Naglalabas Ng Isang Barrier Na Kapag Tinamaan Ang Kalaban Sa Direksiyon Ng Barrier Ay Agad Madaling Mamamatay Ang Kalaban. Si Hylos At Irithel Ay Umiikot Para Maubos Ang Nasa Nakapaligid.
Mas Naging Mabilis Ang Pakikipaglaban Sa Mga Darkians Sa Tulong Nila Belerick At Mga Kasama Niya. Patuloy Na Nauubos Ang Bilang Ng Mga Darkians Na Kanina'y Sobrang Dami Ngunit Paglipas Ng Oras Ay Naging Kakaunti. May Ilang Muntik Pang Tumakas Ngunit Tinamaan Ng Pinaulang Mga Palaso Ni Irithel. Si Elijah Ay Tumakas Na Dahil Natalo Sila Samin.
Nagpasalamat Kami Kay Belerick At Sa Mga Kasama Niyang Tumulong Sa Amin Sa Pagtalo Sa Hukbo Ng Mga Darkians Na Dala Dala Ni Elijah. Nagpaalam Na Din Sila Belerick Na Babalik Sa Lugar Kung Saan Sila Namamalagi. Kami Rin Ay Nagpaalam din Sakanila.
Napagtagumpayan Natin Ang Misyon, Maari Na Tayong Bumalik. Ngunit Malayo Ang Pinaglapagan Ng Air Ship Natin. Si Priamos.
Pinaihip Ng Mabilis Ni Xena Ang Hangin At Dinala Kami Nito Sa Lugar Kung Nasaan Ang Airship Namin. Sa Wakas Mas Malakas Na Ang Pwersa Namin Kaysa Sa Dark Kingdom.
Inistart Ni Bonimir Ang Engine Ng Airship Dahil Siya Naman Ang Piloto Nito. Ang Iba Ay Inayos Ang Mga Dinalang Gamit Namin At Dinala Sa Kanya Kanyang Kwarto. Si Priamos Ulit Ang Tagaluto Ng Kakainin Namin Habang Nagpapahinga Sa Oras Na Ito.
Madaming Nangyari Sa Misyon, Masaya Akong Natapos Din Ang Lahat. Si Shammy.
Hindi Nanaman Nagtagumpay Ang Dark Kingdom Na Makuha Ang Mga Gems Na Nakuha Natin Sa Bawat Isang Ancient Temples Lagi Silang Natatalo Sa Lakas At Hindi Sa Bilang. Si Xena.
Madami Din Tayong Mga Bagong Nakilala, Katulad Nalang Nina Belerick At Iba Pa Na Tumulong Sa Atin Para Malabanan Ang Bawat Pagatake Ng Mga Darkians. Sabi Ko Naman.
Anong Plano Pagbalik Natin? Mayroon Bang Ibang Magaganap? Tanong Naman Ni Prime.
Magkakaroon Seguro Ng Piging Para Ipagdiwang Ang Muling Pagbabalik Natin At Ang Matagumpay Na Makumpleto Ang Mga Gems. Si Brianna.
Tahimik Naman Si Lancelot At Aillard, Mukhang Pagod Padin Ang Dalawa Kaya Hindi Sumasama Sa Usapan Namin. Nagpatuloy Ang Paglalakbay Naging Mabilis Iyon Kaysa Sa Inaasahan Kong Kagaya Nung Una Na Sobrang Bagal. Ilang Araw Kaming Naglakbay Hanggang Sa Marating Namin Ang Aming Destinasyon.
Maligayang Pagbabalik Mga Prinsipe't Prinsesa! Bati Ng Buong Bayan Sa Amin Dahil Sa Wakas Ay Bumalik Na Din Kami Galing Sa Matagal Na Paglalakbay. Nagdaos Ng Piging Ang Palasyo Upang Magdiwang Dahil Sa Matagumpay Naming Nakuha Ang Mga Gems Na Kailangan.
Nagsaya Ang Lahat Buong Araw Hanggang Sumapit Ang Hating Gabi Ay Patuloy Ang Dinaraos Na Piging Hanggang Bukas. Magdamag Na Masaya Ang Lahat.