Russian Requiem (Book 2 of RR...

By La-MarGa

7.1K 143 28

After Ariadne and Clade overcame their hellish past, they faced a new chapter in their lives. Living together... More

Note
Prologue
Requiem #1
Requiem #2
Requiem #3
Requiem #4
Requiem #6
Requiem #7
Requiem #8
Requiem #9
Requiem #10
Requiem #11
Requiem #12
Requiem #13
Requiem #14
Requiem #15
Requiem #16
Requiem #17
Requiem #18
Requiem #19
Requiem #20
Requiem #21
Requiem #22
Requiem #23
Requiem #24
Requiem #25
Requiem #26
Requiem #27
Requiem #28
Requiem #29
Requiem #30
Requiem #31
Requiem #32
Requiem #33
Requiem #34
Requiem #35
Requiem #36
Requiem #37
Requiem #38
Requiem #39
Requiem #40
Requiem #41
Requiem #42
Requiem #43
Requiem #44
Requiem #45
Requiem #46
Requiem #47
Requiem #48
Requiem #49
Requiem #50
Requiem #51
Requiem #52
Requiem #53
Requiem #54
Requiem #55
Requiem #56
Requiem #57
Requiem #58
Requiem #59
Requiem #60
Epilogue
Note

Requiem #5

125 2 0
By La-MarGa

Chapter 5

(Encounter)


Diretsong pumasok si Malekeith sa opisina ni Clade sa isa pang mansyon nito na kanilang pinuntahan noon kung saan nila pinlano ang giyera laban kina Stefan. Bumungad sa kanya ang mga seryosong mukha ng mga kasamahan habang nag-uusap sa mahabang mesa at may mga larawang naka-flash sa projector screen. Dito nila napag desisyonang mag-meeting upang maging pribado.


"Sorry I'm late. I went here as soon as I can," aniya nang makaupo sa tapat ni Clade.


"It's alright," sagot ng katapat.


"We were just talking about how we can figure out who the hell is that mystery man lingering around us. Based on his figure from afar, we've not seen him before. But Clade suggests that there's a possibility that they know him," ani Alek na katabi ni Clade.


Ilang araw pa lamang mula nang dumating ang anim sa Pilipinas.


Kumunot ang noo ni Malekeith. "They? Who are you referring to?"


"My father and I." Sagot ni Clade.


Lumingon si Keith sa iilang larawang nakuha nila mula sa sinasabing misteryosong lalaki. Pawang malalayo ang kuha nito at kahit naka-zoom in ang camera, hindi pa rin malinaw na makikita ang itsura nito. Tanging ang hugis ng mukha, ang buhok, at ang hubog ng katawan ang nakuhanan. Ngunit ang napansin niya sa lalaki ay ang madalas nitong pagsusuot ng sunglasses at maroon na pormal na kasuotan.


"So you think you know him..." aniya habang mariing nakatitig sa screen. "Can you tell us who he is?" Baling niya kay Clade.


Napabuntong-hininga ang kausap at ilang saglit bago ito sumagot. "Just like what I said to Ariadne, I will not jump to conclusions unless I have a concrete evidence that he is who I think he is."


Isa isa nitong seryosong tiningnan ang mga kalalakihang nasa silid.


"Now that I have a hunch that he is someone I know, I'm giving you this chance to investigate more about him until you figure out who he is. All of you... While I conduct my own investigation as to why he showed up now."


"Why don't we just investigate together?" Tanong niya. 


Umiling si Clade. "I'm taking that this is a challenge he personally threw at us. If it's him, then I know that he didn't show up now for nothing. He must be planning something against us. And we have to challenge ourselves to thoroughly investigate him because I know he's good at hiding. If we could break his mask, then we will have a chance to defeat him when he starts to attack. We will do this before he launches his first attack."


"So now, we will think ten steps ahead of the new enemy?" Sabad ni Rodion.


"Yes." Walang pag-alinlangang sagot ni Clade. "I'm sure that he is also ten steps ahead of us, we have to keep up with him. I have to see you succeed in this challenge that I gave you so that I know the limits of your capabilites because I'm telling you... this enemey we have now, is not ordinary."


Napaisip silang lahat sa sinabing iyon ni Clade. Kahit na umalis na ito at iniwang silang pito upang mag imbestiga ay hindi pa rin nila maunawaan kung ano ang iniisip ni Clade at kung ano ang binabalak ng bagong kalaban na kanilang hinaharap.


"Man, we heard you're a Major now?" Pukaw ni Alek sa kanyang pag-iisip.


"Uh, yes. I was promoted two years ago."


"That's good. Can you use some connection in the police to see who this bastard is?" Turo ng kausap sa screen.


"Yeah. I'm actually thinking about it... Or I could ask Red and Joshua's help. Let me see what I can do."


"Right. You're more on office work now, isn't it? You're not that active in the field?" Tanong ni Mikhail.


Tumango siya. "I'm glad to be in the office because that made my wife feel at ease. She easily gets worried of me if I'm in the field... But I cannot deny that I miss some real action."


Natawa si Mikhail sa kanyang sinabi. Sa nakalipas na ilang taon, nakuha din nitong mag move on sa kanyang asawa at ngayon ay maayos na sila sa isa't isa.


"Well brace yourself because we might be facing some real action soon." Kibit balikat ni Rodion.


"That's another problem. Ariadne and I both have the same thinking... that if this is really another enemy, then our lives are at risk and that includes the kids." Nag-aalalang sambit niya.


Napagtanto naman iyon nina Alek. Bumakas din ang pag-aalala sa mukha ng mga ito.


"Exactly," napabuntong-hininga si Artem. "I also fear for the safety of the kids. They're too innocent for this. I am especially worried about them because I feel affection for them. They're like my kids too."


"We will not let anything bad happen to the kids, to Ms. Ariadne and to Ms. Michaela. That's why we're here, to get the facts about this fucking dude who keeps on lingering like some ghost." Si Maxim.


"Even Clade looks worried. He might not say it, but he feels more vulnerable now because the situation has changed. There are already kids to be protected." Dugtong ni Mikhail.


"This man looks more dangerous than Stefan actually. Stefan was not discreet with his actions. We always knew his major steps... but this one is really like a ghost. We can't penetrate the walls he built around him," seryosong saad ni Artem habang nag-iisip ng malalim.


"Cannot penetrate the walls built around him..." bulong ni Malekeith nang may mapagtanto. "Just like someone I know."


Nakatutok ang atensyon ng lahat sa kanya.


"Who?" Tanong ni Alek.


Saglit siyang hindi nagsalita dahil sa pag-iisip ng kahulugan ng kanyang ideya. Bigla na lamang itong pumasok sa kanyang isip.


"When we were still working undercover to figure out you guys in the underground, there's only one person whom we cannot really investigate on..."


"And that is?" alertong tanong ni Leonid.


"Clade..." bumuga siya ng malalim na hininga.


"Right..." ani Alek na parang may naisip. "He kinda moves like Clade. Keith is right. Clade was so good at building a very tall wall around him before, that no one can really penetrate him and know details about his life."


Tumango siya.


"So that's what Clade was telling us a while ago... He really knows who this man is, then?" Tila naliwanagang saad ni Leonid.


"Then we have to be more careful. He is not an ordinary enemy, just like what Clade claimed." Humilig si Alek sa mesa at pinagsalikop ang kanyang mga kamay. Pinasadahan niya ng tingin ang bawat isa na nasa mesa. "We will assign tasks for ourselves, do the thing we are best at individually. Then we will slowly piece the puzzle until we can already see the whole picture clearly."


"We have to know first where the man is from. We should contact our men from different parts of the world that have the influence of the underground society." Suhestyon ni Rodion.


"I will handle our contact in Russia," prisinta ni Alek. "Maxim and Mikhail, you handle our contact in Latin America."


Tumango ang dalawa.


"Leonid, focus on the people we know in some farther parts of Europe." Sumang-ayon ito. Binalingan ni Alek si Malekeith. "How about you?"


"I'll focus my attention here." Tipid niyang sagot.


"Okay... Artem, you search for some data in Asia and Middle East."


"Noted," sagot ni Artem.


"I will contact Mr. Morelli. He has his own group in Italy, right?" ani Rodion.


"Yeah. But his group is not involved in the underground." Sagot ni Alek.


"It's alright. We just have to ask for his help and see if he can give us some information about the man if he is actually from there."


"Okay." Sang-ayon ni Alek. "So our first assignment is to know the origin of this man and if he is indeed involved in the underground. I am giving ourselves two weeks maximum to gather some information."


Sumang-ayon ang lahat sa sinabi ni Alek.


Nagkanya-kanya sila ng alis sa silid upang gawin ang misyong kanilang sinimulan.


Sa kabilang dako nama'y tahimik na naglalakad si Clade sa parking lot ng kanyang company building. Pauwi na ito mula sa buong araw na pagtatrabaho. Patungo siya sa pribadong parking space na nakalaan para sa kanya kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan. May kadiliman sa parteng iyon at nag-iisa ang kanyang sasakyan roon.


Marahan ang kanyang paglalakad habang nakapamulsa. Okupado ang kanyang isipan ukol sa trabaho at sa kanina lamang na pagpupulong nila ng kanyang mga tauhan ngunit natunugan niya pa rin ang presensyang nagbabantay sa kanya sa paligid.


Bumagal ang kanyang paglalakad. Agad tumalas ang kanyang mata at pandinig habang nakikiramdam sa paligid. Ilang segundo nang magsalita siya matapos i-assess ang presensyang kanyang nararamdaman.


"You're alone. You have a gun. And you're only a few steps away from me..." aniya sa nakakapanginig balahibong boses.


Tumalikod siya upang harapin ang bahagi kung saan niya nararamdaman ang sumusunod sa kanya. Walang ibang tao sa parking lot kundi sila lamang dalawa lalo pa't kaunti na lamang ang natitirang sasakyan sa may kalayuan.


"Show yourself, bastard." Malamig niyang tugon habang nakatingin sa makapal na poste.


Unti unti ay lumabas ang anino ng isang baril na agad na nakatutok sa kanya. Ni walang takot o pangambang lumukob sa kanyang katauhan. Tanging pagkaalerto lamang ang kanyang naramdaman.


Nang tuluyang nakalabas mula sa madilim na poste ang lalaki, tanging ang mga mata lamang nito ang kanyang nakikita. Naka bull cap ito at itim na mask. Naka jacket din ito at pantalon, tipikal na kasuotan ng mga hitman.


Hindi nawala sa pagkakatutok ang baril sa direksyon ng kanyang mukha ngunit nanatili lamang si Clade na walang emosyong nakatingin sa lalaki habang nakapamulsa. Tumigil lamang ito ilang hakbang mula sa kanya.


"Who sent you?" Walang emosyong tanong niya.


"I will not answer any of your questions. I'm just here to kill you, Clade Ivanov." Mas itinutok pa nito ang baril sa kanya na tila ba'y tinatakot siya ngunit hindi siya natinag. Hindi pamilyar ang boses nito kaya't nasisiguro niyang ngayon lamang niya ito nakasalamuha.


"Alright," walang bahid ng takot na sagot ni Clade. "Then send a message for me, will you? Tell your boss to show himself to me and not be a coward like a boy hiding behind the skirt of his mother."


Kita niya ang pagtalim ng mga mata ng lalaki. Galit itong sumigaw sa kanya.


"Fuck you for disrespecting my boss like that! You don't know him. You don't know who you're going against with-"


"I do." Sarkastiko siyang tumawa. "It's only you who do not know who you're going against with. I don't think your boss told you about me. But I think your boss and I know each other very well. And of course, this face..." turo niya sa kanyang mukha. "is very familiar to you, right?"


"You know what? Just fucking die." Mabilis nitong kinasa ang baril na hawak at muling tinutok sa kanya.


"Alright," sagot ni Clade.


Nang kalabitin ng lalaki ang gatilyo ay sinabayan ni Clade ang pag-iwas ng kanyang katawan mula sa bala kung kaya't tumama iyon sa pader sa tabi ng kanyang sasakyan. Agad naman niyang inilabas ang kanang kamay mula sa bulsa upang mabilis at tiyak niyang ibinato ang susi ng kanyang sasakyan sa mukha ng lalaki. Tumama ang matulis na dulo nito sa kaliwang mata ng kaharap.


Napahawak ang lalaki sa kanyang mukha at ininda ang sakit ng kanyang mata. Dahil doon nabitawan nito ang baril na hawak. Sinipa ni Clade ang baril malayo sa kanila at siya naman ngayon ang naglabas ng sariling baril.


Itinutok niya ito sa mukha ng lalaki gaya ng ginawa nito kanina.


"You're easy to take down, just like that. But I will give you a chance to fight me, so that you'll know the real me."


Binalibag niya ang baril sa gawi ng kanyang sasakyan at muling hinarap ang lalaki na unti unting nakakabawi sa sakit na natamo ng kanyang mata.


"Let's have a one-on-one combat."


Walang sabi sabing sumugod sa kanya ang lalaki. Inatake siya nito ng sunod sunod na suntok na agad niyang nasasalag. Gumanti siya ng iba't ibang suntok. Natamaan niya ito ng ilang beses sa mukha. Maging ang tiyan nito ay hindi niya pinalampas. Mabilis siyang umikot upang ipatama ang kanyang paa sa mukha ng lalaki na ikinatumba ng isa.


Hinihingal na hinawakan ni Clade ang gilid ng kanyang labi na isang beses na natamaan ng kalaban. Pinagmasdan niya itong nakahandusay sa semento habang muling iniinda ang tinamaang mukha. Bakas na bakas ang mga tinamong suntok at sipa nito mula sa kanya.


"Remember my message?" Tanong niya rito. "Make sure to tell your boss that. I know that you did not really come here to kill me. You just wanted to visit me, right?" Lumuhod siya at humilig ng bahagya sa mukha ng lalaki. "I tell you what? Your swollen face right now is my welcome gift for your boss."


Walang inhibisyon siyang tumayo at kinuha ang kanyang susi bago naglakad papunta sa sasakyan. Inabot niya ang kanyang baril nang tuluyang makalapit rito. Suot ang malamig na ekspresyon, pinaharurot niya ang kanyang sasakyan paalis sa lugar na iyon.


---


"What the hell happened to you?!" Naghisterikal agad ako nang pumasok si Clade sa aming kwarto. Buti na lang talaga at hindi pa ako tulog kundi ay hindi ko malalaman na may pasa siyang ganito. Sigurado akong susubukan niyang itago iyon sakin ngunit nakita ko agad ngayon dahil gising pa ako.


"You're still up?" Kaswal niyang tanong. Pinatong niya ang kanyang coat sa pang-isahang sofa sa tabi ng kama namin na parang wala lamang.


Kita ko ang gusot niyang dress shirt at ang kaunting dumi sa kanyang slacks. Humilig siya sa akin upang halikan ako sa ulo. Hinayaan ko naman siya ngunit naiirita pa rin ako sa sugat niya sa gilid ng labi. Maliit iyon ngunit nakakairita pa ring tingnan.


Humalukipkip ako at matalim siyang tiningnan habang nakaupo siya sa single sofa chair sa aking tapat.


"Explain." Malamig kong utos.


He sighed. "I had an encounter with a stranger. We fought for a moment, but don't worry I gave him his lesson."


Napaawang ang labi ko sa pagiging kalmado niya. Here he is telling me that he was almost caught in danger, but he is just shrugging it off!


"What does he want from you?! My God, Clade, I'm starting to think that our lives are really in danger again!" Nasapo ko ang aking noo.


Agad siyang tumayo at umupo sa tabi ko para yapusin ako. Hinagod niya ang aking braso habang nakaakbay sa akin.


"We're all trying our best to evade the danger. Please trust us... trust me."


Napalingon ako sa kanya nang unti unting humina ang boses niya. Tila ba maging ang sarili niya ay pinapakiusapan niyang magtiwala.


"Clade..."


"We are doing our best now just to protect our families. We cannot let this new enemy hurt us, can we?"


Umiling ako. "The kids..." bulong ko. "They cannot be harmed, Clade."


"I know." Muli siyang napabuntong-hininga. "I'm also thinking about them. And about your safety too. Our family's safety is the priority."


Tahimik akong tumayo at lumapit sa drawer sa kaliwang bahagi ng kama. Kinuha ko mula doon ang first aid kit. Tahimik pa din ako nang maupo sa tabi ni Clade. Siya nama'y nanatiling titig lang sa akin habang ginagamot ko ang maliit niyang sugat.


"We have to be strong together..." aniya. "If worse comes to worst, we have to face the danger coming our way together, that is why we need to draw strength from one another."


"I know that too, Clade. I just can't prevent myself from feeling afraid and worried. Our lives are at stake again."


Bahagya kong diniin ang bulak sa gilid ng kanyang labi.


"I think I know who sent him."


Napatingin ako sa mga mata niya matapos sabihin iyon. I stopped tending his wound for a moment.


"Is it... that mysterious man?"


Marahan siyang tumango. Umiwas ang mga mata niya sa akin. Itinuko niya ang kanyang mga siko sa tuhod habang nag-iisip ng malalim.


"I have a strong feeling that it's him who sent the man. Which is why I sent him back a message through the hitman. I just hope we can counterattack him before he gets to harm us."


Tahimik akong napaisip sa sinabi niya. Ngunit mas lumaki lamang ang aking pangamba na baka hindi dito nagtatapos ang pagbabanta ng lalaking iyon. Kung ganoon, anong gagawin namin?

Continue Reading

You'll Also Like

4.9K 51 37
Calista Beltran Montreal, Beyond Gorgeous. A daughter of both elite family in Hacienda De Bel yet simple and humble, lahat ng nakapaligid sakanya ay...
238K 7.6K 54
"She was an ugly intruder who stole his heart" Master Jerk's goal is to get rid of the ugly intruder on their house and make her regret she came into...
1.4M 19.7K 42
Dice and Madisson
599K 14.3K 41
SERIES OF 'THE FATHER OF MY BABY': So, meet Ole. Pinakasalan ang babaeng minsan niya lang nakilala para maging ina nang anak niya sa dating karela...