Lovely Days (Completed)

By Iam_Sorowenpein

468 4 1

Ito ang kwento ng bakasyon ni Remy. Simula pa nung bata ay wala pang karanasan si Remy tungkol sa pag-ibig la... More

Lovely : 01
Lovely : 02
Lovely : 03
Lovely : 04
Lovely : 05
Lovely : 06
Lovely : 07
Lovely : 08
Lovely : 09
Lovely : 11
Lovely : 12
Lovely : 13
Lovely : 14
Lovely : 15
Lovely : 16
Final day

Lovely : 10

18 0 0
By Iam_Sorowenpein

( 3:00 p.m ; Abril 08, 2011 )

Hindi maalis ang mga mata ko sa cellphone ni Jake sa labis na pagkagulat.

Walang nakaregister na pangalan ang nagpadala ng mensahe na tanging numero lang ang nakalagay.

Hindi ko tuloy alam kung ano ang dapat na magiging reaksyon ko.

Ayoko namang maghisterical at maging over reacting tulad ng mga napapanood ko sa pelikula o telenobela sa mga ganitong eksena.

Dahil una sa lahat ay wala akong karapatan, di naman kami ni Jake eh, wala kaming malinaw na relasyon kung ano ba talaga kami.

Iniisip ko nalang na baka parte na ng nakaraan ni Jake ang sa kung sinuman ang nagtext na iyon.

Pero parang nag dala ang mensaheng iyon ng kirot sa aking dibdib.

Nagkaroon ako ng takot at pangamba na baka panandalian lang ang kasiyahang nararamdaman ko o di kaya ay nag iilusyon lamang ako sa mga nangyayari.

Di ko namalayan na tinatawag pala ako ni Jake sa lalim ng aking iniisip, kaya naman agad na umahon ito sa pool.

Grabe tila nawala naman lahat ng agam agam ko ng makita si Jake papaahon ng pool.

Eto yung masasabi kong tulo laway ang peg.

Parang slow motion siyang nagreregister sa utak ko papaahon sa tubig.

Mula sa basa niyang buhok papunta sa kanyang nakakaakit na mukha hanggang sa leeg pababa sa matipuno niyang dibdib na nagpatuloy hanggang sa mgandang pigura ng kanyang abs na tumuloy pa sa baba ng basang shorts niya.

Para siyang nasa isang photo shoot ng isang magazine ng mga hunk models.

Halos pasukan na nga ng langaw ang bibig ko mga friend sa sobrang pagkahumaling sa kanya.

“Remy? Ayan ka nanaman, ganoon ba kalakas ang appeal ko para tumulo ang laway mo ng ganyan?” pagpuna ni Jake sabay tawa ng malakas.

“hmph! Asa ka noh!” pagpapabebe ko na patagong nagpunas ng aking tumulong laway, sobrang kahiya naman, nakita pala niya, may kasama pang juice yun.

Tumabi siya sa akin at bigla na lang akong hinalikan sa pisngi sabay kuha sa kanyang cellphone para tignan ito.

Halos nawala naman sa isip ko ang mensahe na nabasa ko.

Lakas maka distract nitong si Jake eh.


Muli ko lang itong naalala ng mapagmasdan ang lungkot na bumalot sa kaniyang mukha.

Tama ang kutob ko, na baka iyon nga yung girlfriend dati ni Jake na naikwento ni kuya Alex.

Pinili ko na lang na huwag itanong sa kaniya ang tungkol dito dahil baka madagdagan ko pa ang lungkot na nararamdaman niya.

Isa pa ay kailangan na masaya siya dahil birthday niya ngayon diba? dapat good vibes lang.

Sa lalim ng iniisip ko, nagulat na lang ako ng biglang buhatin ako ni Jake at bigla siyang tumalon sa swimming pool karga ako.

Para akong malulunod sa ginawa niya, nakainom pa nga ako ng tubig na may chlorine sa pool eh, buti hindi ko nasinghot, hapdi sa ilong nun kung sakali.

Buti na lang at nakaahon agad kami habang inaalalayan niya ako.

Para kaming mga batang naghaharutan sa pool, yung may basaan ng tubig tapos bigla nalang papasok sa tenga mo, bakit kaya di nalang sabihin ni Jake kung gusto lang niya akong lunurin?

Buti nalang at marunong din akong lumangoy kaya naaabutan ko din siya, akala niya ha?

Dati ata akong sirena sa dagat.

Muntik ko pa ngang masagi si Junior niya dahil sa kaharutan niya eh, sayang hahaha.


05:45 p.m ( Abril 08,2010 )

Sobrang napagod kami sa paghaharutan sa pool.

Hindi na din namin namalayan ang oras.

Akalain niyo yun? malapit na palang lumubog ang araw? ang bilis talaga ng oras pag kasama mo ang taong labis na nagpapasaya sayo.

Bakit kaya ganun no? Di man lang maki cooperate ang mga time gods para mas pahabain pa ang oras na ma-enjoy namin ang araw na ito.

Nakapagpalit na kami ni jake ng mga basa naming damit pagkatapos namin magbanlaw.

Kainis nga eh, magkahiwalay pa kami ng cubicle, sayang naman.

Agad niya akong hinila papunta sa terrace kung saan daw makikita namin ang napakagandang view ng paglubog ng araw.

Magkatabi kaming naupo sa bench na may tig isang mainit na tasa ng tsokolateng inumin sa tabi namin.

Sobrang panatag yung feeling ko lalo na nung umakbay siya sa akin at sumandal ako sa balikat niya.

Nung mga panahon na iyon ay masasabi kong parang sa amin ang mundo, walang makakaaabala, walang huhusga, walang mangingialam, napakapayapa.

Yun nga lang, wala din naman kaming label kung ano kami sa isa't isa.

Pero keri lang, basta ang alam namin ay masaya kami at yun ang mahalaga.

Sinasabayan pa ng paglubog ng araw ang liwanag na nagpapakinang sa buong dagat na animo'y binuhusan ito ng sandamakmak na glitters.

Napaka 'breath taking' ng moment na ito.

“masaya ka ba sa buhay mo?” tanong sa akin ni Jake na labis kong ikinataka.

Inangat ko ang mukha ko mula sa balikat niya at tinitigan siya.

“sa totoo lang, sobrang masaya ako Jake,  dahil nakilala ako ng lalake na katulad mo, hindi nga ako makapaniwala na makakatagpo ako ng pagmamahal mula sa iyo eh, as in sa super straight na katulad mo” tugon ko kay Jake na nag uumpisa nang mangilid ang luha sa aking mata.

Totoo nama diba? napaka imposible ng ganitong pangyayari, although meron naman talaga na ibang bading na nakakatagpo ng lalaking totoo na maaring magmahal sa kanila.

“paano mo nasabi iyan? Lahat naman ng tao sa mundo ay may karapatang magmahal o mahalin kahit ano pa siya, kahit nga mga hayop o halaman eh” paliwanag ni Jake.

Ibinaling ko ang mga mata ko sa paglubog ng araw at sumandal muli sa balikat niya.

“pero, hindi lahat ay katulad mo na malawak ang pang-unawa, bihira lang ang taong tulad mo, ang lalaki na gaya mo, alam mo Jake, ang mundong ito ay nababalot ng mga taong mapanghusga, sakim, mga taong hihilahin ka sa baba para makaangat sila, yung mga inggit na ayaw nila na makitang masaya yung isang tao, pero Mahirap man sa mundong ito ang mabuhay lalo na sa mga katulad ko?dahil sa diskriminasyon at mga pangungutya ay kelangan pa rin naming maging matatag, kelangan ang maluwag na pang-unawa at pagtanggap at mahalin ang sa sarili” napaluha ako at natigilan sa pagsalita.

Matapos kong punasan ang luhang dumaloy sa aking pisngi ay nagpatuloy akong magsalita samantalang siya ay nag aantay lang sa susunod kong sasabihin, dama ko ang bawat paghinga niya sa kanyang dibdib.

“alam mo Jake, natatakot ako na baka pansamantala lang ang mga kaligayahang ito, mahirap naman kasi na umasa na pang habang buhay ang pagmamahalang ganito eh” pagpatuloy ko na patuloy pa din sa pagluha.

Niyakap ako ni Jake at hinaplos ang aking buhok.

“kung ako ang tatanungin? Depende naman sa tao kung paano sila magiging masaya, tulad ko, naramdaman ko ang kasiyahang dulot kapag kasama ka, kaya kinuha ko na agad ang pagkakataon at hindi ko na iniisip pa kung anuman ang sabihin ng ibang tao, maikli lang ang buhay natin eh at di natin masasabi kung hanggang kelan lang tayo tatagal sa mundong ito, Basta alam kong lalake ako na nagmahal sa tulad mo, ikaw ang nagbigay ng panibagong kasiyahan sa malungkot kong buhay, Walang mangyayari kung iisipin lang natin ang panghuhusga ng ibang tao, hihilahin lang tayo nito palayo sa ating kasiyahan at mabubuhay sa mundo ng pagpapanggap” paliwanag ni Jake.

Tinignan ko siya sa mga mata.

Nagulat ako ng makita kong nangingilid ang mga luha sa kanyang mga mata habang siya ay nakatutok lamang sa paunti-unting paglubog ng araw na parang nilalamon ng karagatan.

“Remy, makinig ka sakin, kung sakali man na may mangyari sa pagmamahalan nating ito, tandaan mo na nandito ka lang parati sa puso ko, magkalayo man tayong dalawa, itong puso ko ang hahanap ng daan pabalik sa iyo, Ipinapangako mo bang hindi mo ako iiwan? na hindi mo ako kakalimutan diyan sa iyong puso? At kung paglayuin man tayo ng tadhana, maipapangako mo ba na titirhan mo ako ng puwang diyan sa pagmamahal mo? Para kung sakali na mahanap kong muli ang daan patungo sa iyo ay maipagpatuloy natin ang ating nasimulang pagmamahalan?” tanong sa akin ni Jake na sa bawat pagbigkas niya ay ramdam ko ang kalungkutan na nararamdaman niya.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang mga katagang kanyang binitiwan.

Kinakabahan ako dahil ayaw kong isipin na mangyayari ang bagay na iyon.

sinagot ko na lamang siya ng mga salitang mula sa aking puso.

“hinding hindi kita iiwan Jake, minsan lang ako makakatagpo ng taong tulad mo,ng lalaking kagaya mo, lalaking makakaintindi sa tulad ko, kaya kahit anong mangyari ay ipaglalaban kita hanggat nakikita ko itong tama, Pero kung sakali ngang tayo ay paghiwalayin ng tadhana, ipapangako ko na parating bukas ang puso ko para sa iyo, na tutuparin ko ang mga pangarap ko, kasama ka bilang inspirasyon ko, hinding hindi ka mawawala sa puso ko Jake"

Kasabay ng paglamon ng dagat sa araw ay ang paglapat ng aming mga labi.

Mapusok ito at punong puno ng damdamin.

Tanging ang mga halik naming iyon ang nagpapatunay sa wagas naming pagmamahalan.

Di na namin napigilan pa ang aming mga sarili at umakyat na kami ng bahay papunta sa isang silid at ipinagpatuloy ang aming mga halik na walang patid para sa isa't isa.

Ramdam ko ang bawat halik niyang pumapaloob sa aking bibig, pababa sa aking leeg na animo’y wala nang dadating pang bukas.

Mapusok ngunit banayad.

Masakit pero Masarap.

Inalis niya ng mabilisan ang kanyang pantaas na damit at sumambulat sa aking mga mata ang mala adonis niyang katawan, wari ay ayaw niyang mabitin sa aming ginagawa at nagpatuloy siyang muli sa paghalik sa akin.

Langhap ko sa kanya ang halimuyak na lalaking lalaki na amoy na lalong nakapagpadagdag ng init sa aking katawan.

Di ko napigilan ang paghigpit ng aking yakap at paghaplos at pagsabunot sa kanyang buhok na gawa ng sensasyon ng matinding paghalik niya sa aking leeg.

Naging hudyat din ang yakap at pagsabunot ko sa kanya para makapagpadagdag ng init sa kanyang nararamdaman.

Mula sa aking leeg ay di na niya napigilan pa na bumaba sa aking dibdib na natatakpan lang ng sando at ....

Yun na nga mga friend..

Di ko napigil pa ang aking sarili..

Suot ang aking pulang Victoria's Chiclet ay nangyari na sa amin ni Jake ang init ng aming pagmamahalan.

This is it mga sister! Naibigay ko na ang bataan! For the first time of my entire life!

Ok lang, sa lalaking mahal ko naman eh.

Ayun siyempre sa sobrang pagkapagod at sa mala fifty shades of grey na eksena namin ay nakatulog kami.

08:00 p.m ( Abril 08, 2010 )

Nagising ako na yakap yakap ni Jake at parehas kaming walang saplot sa aming katawan.

Ay mali! suot ko pala yung panty ko niyan.

Napakasarap sa pakiramdam mga friend! para akong lantang puno na nadiligan sa mahabang panahon.

Kahit sa kabila ng aking utak ay hindi makapaniwala na totoo itong nangyari sa amin. Pero totoo at ramdam ko talaga.

Pinagmasdan ko muli ang mukha ni Jake habang natutulog, napakagwapo na animo’y isang anghel na mahimbing na natutulog.

Di mo aakalain na napaka wild niya kanina eh, hahaha, Chareng!

Nagulat nalang ako ng bigla na lang siyang nagsalita.

“tinutunaw mo nanaman ako ha”

Siyempre pinagana ko nanaman ang pagkataray ko.

“hindi ah, pangit mo kasing matulog, nakanganga ka pa, hmph!”

Natawa lang siya sa ng malakas sa sinabi ko at tinitigan niya ulit ako.

“pangit pala ha? Eh ba’t mo pa ako tinitignan kung pangit pala? Halos sarap na sarap ka nga sa kakatitig sa mukha ko eh” pagmamayabang na sabi ni Jake.

“A-a-ah, E-e-eh, wala lang gusto ko lang, bakit masama ba?” palusot ko nalang dahil huli na din naman ako sa akto.

Pabebe kasi ako eh.

Tawa na lang ang isinukli sa akin ni Jake at bigla nalang ako nitong hinalikan ulit.

“ang saya ng birthday ko ngayon, salamat sa iyo, eto ang pinakamasaya sa lahat, promise” sambit ni Jake sabay pisil sa ilong ko.

Of course, dahil alam ko naman na eto din ang first time niya sa katulad ko.

“masaya ako para sa iyo, happy birthday sa pinakamamahal ko” tugon ko sa kanya at pinisil ko din ang ilong niya.

Nagtawanan kami at napagpasyahan namin na kumaing dalawa para manumbalik ang aming lakas.

Habang kumakain ay pinasabay na ni Jake si mang Efren, para naman maka-chikahan namin siya.

“master Jake, dito po ba kayo magpapalipas ng gabi?” tanong ni mang Efren.

“hindi na muna siguro, babalik na lang kami ni Remy ulit sa ibang araw, hindi din kasi namin nasama sa plano na dito kami matutulog” tugon ni Jake.

“sige po master kung yan ang pasya ninyo, pwede kayong bumalik dito kahit anong oras, pati kayo master Remy” dagdag ni mang Efren.

Halos mabulunan naman ako dahil sa pagtawag sa akin ng master nitong si Mang Efren, hehe grabe to the highest level, nag upgrade na ako from beki to reyna Elena.

“salamat po mang Efren, sarap nga po ditong tumira eh” tugon ko sa kanya.

“eh di dito na tayo tumira, magsama na tayo dito” sabat naman ni Jake at nagtawanan lang kaming tatlo.

Kung pwede lang ba eh..

Jusko, pag siguro nagsama na kami nitong si Jake kakailanganin ko na ng wheel chair, iba yung pagka wild eh.

Pagkatapos noon ay nagpaalam na kami at bumiyahe pabalik sa lugar namin....

ITUTULOY......   

Continue Reading

You'll Also Like

4.1M 199K 101
โœ… "We always long for the forbidden things." ๐๐ฒ๐ฌ๐ญ๐จ๐ฉ๐ข๐š๐ง ๐ง๐จ๐ฏ๐ž๐ฅ โ†ฏ โš”๏ธŽ ส™แดแดแด‹ แดษดแด‡ แด€ษดแด… แด›แดกแด แด„แดแดส™ษชษดแด‡แด… โš”๏ธŽ ...
15.3M 468K 32
"We can't do this." I whisper as our lips re-connect, a tingling fire surging through my body as his hands ravage unexplored lands; my innocence di...
194M 4.6M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
16.4M 546K 35
Down-on-her-luck Aubrey gets the job offer of a lifetime, with one catch: her ex-husband is her new boss. *** Aubrey...