When She Found

jcatzx द्वारा

3.5K 877 198

Anya Guerero and her sister have been orphans, so Anya has the responsibility to be a mother to her sister to... अधिक

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43

Chapter 8

73 31 0
jcatzx द्वारा

EMY POV


"Pasok na po ako Ate Emy. "


Tuluyan na sana siya aalis ng tawagin ko siya.



"Ana nasaan Ate mo?" pahabol kong tanong. 



Huminto siya saka sumagot.



"Ay! Oo nga po pala Ate Emy pinapasabi nya sorry daw kung malalate siya sa duty niya napuyat po kasi Ate kagabi."



"Huh? Bakit naman sya napuyat eh maaga naman kami natapos kagabi?" taka kong tanong.



"Sumakit po kasi ulo niya Ate Emy kagabi. Sige po Ate alis na ako malalate na ako," nagmamadali nyang tugon.



Tumango naman ako.



"Ingat ka! Uwi ka ng maaga!" pasigaw kong sabi.



Siguro narinig niya naman 'yon. Mahirap na ngayon panahon lalo na sa mga kabataan. Lalo't ng may nababalitaan minsan maraming nakikidnap gamit ang puting van.



Mabalik nga kay Anya. 



Bakit kaya sumakit ulo 'non? Hindi naman kami nag inuman. Naisip ko tuloy baka napagod siguro, kung I-shift ko muna kaya kay Mira? 



Tumango ako.Tama nasaan ba si Manang para masabihan ko.



"Nasaan si Anya ?" bungad saakin ni Manang na mahanap ko sya.



"Manang kasi nasabi saakin ni Ana masak---" 



Naudlot ang sasabihin ko dahil sumabat saamin si Anya na fresh na fresh pa galing banyo. 


Ay sana all fresh.



"Bakit po Manang ?" agad niyang tanong habang inaayos yung uniporme nya.



Ganda talaga ng babaeng to! 



Mapapa  sana all ka nalang. Kung hindi ko pa siguro sya nakikilala malamang mapagkakamalan ko syang anak mayaman. 



Pwede nga siya maging artista dahil sa hubog palang ng katawan at sa gandang mukha, pwedeng pwede na siyang mag modelo.




"Pwede bang ikaw muna mag-ligpit ng mga gamit sa taas. Saka unahin mo kay Madam Lucia mo. Tulungan mo na rin mag impake," si Manang.



Oo nga pala. Aalis sila Madam at Sir Damien.



"Sige po Manang ngayon na po ba?"



"Oo "



Sinundan ko ito ng tingin ng aalis na sana siya ng bigla itong bumalik.



'Yon nga lang pala ay nakalimutan kong engot din pala. Napangiti ako.



Napabaling ako kay Manang na malalim ang iniisip na maabutan ko siya sa kusina. Ako naman nagsimula ayusin yung mga kailanganin sa kusina.



"Emy," tawag ni Manang kaya bumaling ulit ako sakanya.




"Bakit po?"



"Wala ka bang napapansin?"



"Anong napapansin Manang?"



Nalito ako sa sinabi ni Manang. Ano ba dapat mapansin ko?



"Wala-wala, " saka niya ako iniwan sa kusina.




Napapansin ba ang alin? 



Kagandahan ko? Hindi naman kailangan mapansin dahil kapansin pansin na noon pa.



Napailing nalang ako. 



Masyado na akong mahangin. 



Binuksan ko naman ang T. V habang nagbabalat ng mga bawang at sibuyas ng bigla nalang namilog ang mga mata ko!



OMG! Yung idol ko si Ma'am Adrianna!



Ang ganda talaga niya!



Lalo na sa personal.



Nong makita ko siya sa personal halos parang nanlumo yung mga tuhod ko. Lalo na makita ko si  Sir Damon pati na rin kila Madam dahil napapalibutan ako ng mga magaganda at gwapo.



Hulog talaga ng langit pag trabaho ko dito.



Noong nakaraan nagkaroon ng party sila Sir Damon at yung mga kaibigan niya ubod ng mala adonis na pag mumukha syempre hindi ko ipapatalo ang Prince charming ko (Damon) saka ang pinakagugulat doon friend pala nila si Ma'am Adrianna. 



Hindi nga ako maka tyempo makapapicture 'eh. Sayang nga dahil wala pa 'non si Anya.



Iba talaga pagmayayaman.



Nang malaman ko nga na isa sa pinaka top richest successful business ay ang Terranova nakaramdam ako ng pressure dito sa mansyon. 



Noong unang salang ko kasi akala ko isang strikto or ano paman na malulupit na amo 'kun tawagin ang mararanasan ko pero naging akala ko lang pala 'yon.



Nang nameet ko sila Madam Lucia saka Sir Damien wala akong masabi kundi sobrang bait nila sa kasambahay. Sir Damon naman ay nasanay na rin kami sa pagiging masungit niya tignan pero kung sa gawa naman, never pa naman kaming sinungitan.



Saka bihira lang naman talaga siya makita dito sa mansyon dahil ewan ko ba kung saan-saan pumupunta.


Alam ko bukod sa company nila may mga pinag-aabalahan rin kasi si Sir Damon.



 Syempre nag search ako sa google 'eh. 



Mas lalo ako na turn-on na nag ca-car racing pala siya kasama rin yung mga kaibigan niya saka alam ko madami pa siya pinag-kakaabalahan bukod sa car racing hindi ko nga lang alam kung ano. 



Kaya malaking respeto ang naibigay ko sakanila hindi lang sa gaano sila kayaman 'o kaya't amo ko sila.



Kusa ko ibinigay ang respeto sakanila dahil sila yung pamilya nakilala kong mabait na deserve talaga nilang irespeto lalo na kay Madam Lucia na walang ibang ginawa kundi tumulong sa mga kapwa namin sa mga walang kaya.




Sobra kong hinahangaan ang pamilya na ito dahil sa mga achievements nila. Alam ko hindi sila nag hirap noon pa man sa mga ninuno nila pero kung titignan mo sila 'yong kahit mayaman hindi sila matapobre at mayabang tignan tulad ng iba.




Napabaling ako na makita ko si Ma'am Adrianna sa isang News break at nainterview sya.



"Hello Miss Adrianna welcome back here in the Philippines."



"Yeah it's good to be back."



"Madaming naghihintay sayo ng mga fans dito kaya ano masasabi mo sa kanila?"



"Hi guys. Thank you very much for always supporting me. Hope to meet you soon. Love lots!"



Pagkatapos nyang sabihin 'yon. Napatili ako.



"OMGGGGG!! NASA PILIPINAS NA SIYAAAAAA"



"Hoy! Kung makasigaw ka naman parang may nanalo sa lotto."



Inirapan ko siya, "Kahit kailan talaga Beth. Alam mo basag trip ka palagi, tss."



"Kung makasigaw ka kasi diyan,  pano kung narinig ka diyan ni Madam 'e pasalamat ka wala sila Sir Damon at Sir Damien."



"Sorry nama.  Kasi naman bumalik na si Ma'am Andrianna sa Pilipinas!"



"TALAGA?!!!!"



Tangina ito.   -_-



Kapal niyang sitahin ako 'e siya rin naman pala. 



Kung hindi ko lang 'to kaibigan jusko nasampal ko na 'to ng sandok.



Sinamaan ko naman sya ng tingin kaya nag peace sign lang sya. Hay naku. Makabalat na nga ng sibuyas.



_____________


ANYA POV



"Hello Miss Adrianna welcome back here in Philippines."


"Yeah it's good to be back."



"Madaming naghihintay sayo ng mga fans dito kaya ano masasabi mo sa kanila?"



"Hi guys. Thank you very much for always supporting me. Hope to meet you soon. Love lots"



Pagkatapos 'non bigla naman pinatay ni Madam Lucia ang T.V



"Hmm, She's back. " bulong ni Madam pero rinig ko naman.



Nandito na ko sa kwarto niya na maabutan ko siya nag-aayos ng iilan nyang mga damit dahil plano talaga nilang mag out of town.



Tinutulungan ko naman siya. Habang ako tahimik lang nag tutupi ng mga damit nya at nilagay sa luggage nya.



Adrianna Cuanco



Bumalik na pala sya sa Pilipinas. Pero hindi ko naman sya kilala 'o talagang wala lang kaming T.V noon.



"Anya what do you think?"



Bumaling ako sakanya at pinapakita niya yung isang damit na maganda.



"Maganda po Madam," ngiti kong sabi sakanya.



Ngumiti rin sya pabalik saakin. Saka nag hanap pa ng mga damit para ilagay sa luggage ng mag salita siya.



"You know Anya I don't know, bakit napakagaan ng loob ko sayo?"



"Ah-eh," 



Nawalan akong salita ng marinig ko 'yon kay Madam.



Kahit ako naman naging komportable ako sakanya pero alam ko naman 'yong limitasyon ko.



Narinig ko ang mahinang tawa ni Madam kaya napalingon ako sakanya. 



Nang maisarado nya ang walking closet niya bigla sya umupo sa kama. At ako naman naka upo sa carpet habang maingat kong inaayos ang luggage ni Madam.



"You don't have to say Anya I'm just stating the fact. Sa totoo lang meron akong pabor sayo."



"Ano po 'yon?" 


Nagtataka akong tumingin sakanya.



Ngumiti ito ng nagpakaba ng husto saakin. 



_____________



ANA GUERERO POV



"Psst! Hey!"



Nilingon ko siya na naiirita. "Ano nanaman ba?"


Mas lalo siya ngumiti na nakakaasar dahil nakaharap na ako sakanya at lalo akong nainis sakanya. 


Gusto niya talagang palagi niya ako nakikitang na naiinis. Hindi ata magiging kompleto araw nito kung hindi niya ako inisin. 



"Alam mo? kung gusto mo mapagalitan ng teacher natin 'wag mo ako idamay," saka ako humarap ulit sa blackboard. 



Nag-aaral pa naman akong mabuti.



Kaso ayaw niya talaga ako tantanan. Nakakainis na talaga, bakit ko pa kasi siya naging-kaklasi?



"Hahaha I just want to annoy you " 


See? Sarap upakan.



"Mr Vaugn baka may gusto ka ipahayag sa klase dahil kanina pa kita naririnig diyan. "



"Nothing Ma'am."



Salamat nalang at napagalitan siya para matahimik na kaluluwa niya. Mga ilang minutong lumipas ay narinig na namin yung bell at agad ako nag ayus ng gamit para maka uwi na.



"Tara Ana sabay na tayo," sabi ni Jena. Ang kaibigan ko. Tumango ako sakanya.



Nang lalabas na kami sa classroom na bigla kami hinarangan ni Nicolas kaya sinamaan ko siya ng tingin.



"Ganda mo pala pag nagsusungit hahaha" sabi niya na nakaharang pa rin saamin kasama niya yung mga ka-basketball team niya na nasa likod lang niya. Umikot lang ang mga mata ko sa sinabi niya. Napaka landi naman nito.



"Yieeeee, crush ka lang niyan Ana," bulong ni Jena. 


Crush? Nagpapatawa ba siya? 


Inilingan ko lang si Jena para sabihin na hindi ako crush ni Nicolas.



"Tumabi ka nga diyan, pano kami lalabas kung haharang ka?" pagtataray ko sakanya.



Kaya mas lalo ngumiti ang kupal.



Aba't inuubos talaga nito pasensya ko. Nakakagigil na talaga sobra. Wag niya ako igaya sa mga babae na nagkakagusto sakanya dahil gwapo raw siya. 



Gwapo? 



Saan banda naman. May mga sira ata mata nila eh.



Tignan mo to, ang yabang pa "Kaya ko nga hinarangan dahil hindi pa kita pwede palabasin. "



"Bakit hindi? Kung hindi ka ba naman bobo. Dinadaanan yan hinaharangan mo. Nicolas pwede ba humanap kang iba matritripan mo 'wag ako. Masasayang lang oras mo."



Pagkatapos ko sabihin 'yon. Hinawakan ko sa kamay si Jena at nagpumilit lumabas sa hinaharangan niya. Buong lakas kong hinawi ang pag-haharang niya saakin. 



Nakita ko agad ang street foods kaya dumako kami doon.



"Manong dalawang kwekwek po yong mainit pa po sana. " 



"Sandali lang at initin ko lang yung mantika."



Tumango ako saka kumuha ng dalawang stick para saamin ni Jena.



Halos mabitawan namin ni Jena ang stick ng may malakas na bumusina. Kahit ibang estudyante ay napatingin rin.



Sa loob ng itim na kotse nakita namin doon si Nicolas na nakangiti nanaman saakin.



Yung sundo niya pala dumating na.



Napaka epal talaga. Attitude pa! Siguro pinabusina niya sa driver nila. Pati ibang tao nahahawaan sa pagkamaldito niya.


"Ingat sa pag uwi Angry bird," sabay tawa niya at saka niya sinarado ang bintana ng kotse at agad rin umalis.



"Hindi mo sinabi may nickname pa pala siya sayo Ana," sabay tawa ni  Jena.




"Alam mo pinapanalangin ko nga na lumipat siya ng ibang classroom para walang asungot araw araw."




"Sikat siya sa school Ana kaya swerte mo dahil inaasar ka 'non at hindi mo ba alam?"



Kaya napalingon ako sakanya "Ang alin?" 



"Ang pamilya Vaugn ay may 30%shares dito sa unibersidad kaya kahit saan at ano gusto nyang gawin, gagawin niya, kilala rin nga siya na badboy alam mo ba 'yon?"




Umiling ako  "Hindi" dami naman alam ni Jena sa lalaking 'yon.



Sabagay Elementary palang dito na agad siya pinapasok ng magulang niya sa Hope University, matalino kasi si Jena kaya siguro nakapasok siya sa standards ng eskwelahan na ito.



Kaya maswerte ako dahil binigay saakin ni Madam Lucia ang libre pag-aaral para sa kinabukasan ko.




Nakakatuwa yung mga sunod-sunod na biyaya na binigay saamin ni Ate.



Kaya nagpapasalamat ako sa panginoon at kila nanay, tatay na alam ko hindi nila kami pababayaan.




Pagkatapos ko kumain ng kwekwek nagpaalam na saakin Je a para umuwi kaya hinihintay ko naman yung sundo ko na si Kuya Robert.




Habang naghihintay.



Nasagip ng mata ko ang isang lalaki sa hindi kalayuan na nakatingin ito saakin.




Hindi ko siya makikilala dahil narin sa sa gamit na itim na mask at may katawagan pa.



Nang nakita ko na ang kotse ni Kuya Robert agad ako sumakay nagmano pa ako kay Kuya Robert bago umupo ng maayos at napatingin ulit ako sa lalaki ng malagpasan namin at wala na itong katawagan.




Nakatitig lang talaga siya saakin.




Nakaramdam ako ng takot.




"Ana, himala ata tahimik ka," sabi ni Kuya Robert saka tumingin saakin saglit.




"Ah, wala po naiirita lang po kasi ako doon sa lalaki na 'yon. Nangaasar nanaman kasi Kuya."




"Sinasabi ko kasi sayo may gusto 'yon sayo."




Alam ni Kuya Robert ang tungkol kay Nicolas dahil palagi ko kasi naikwekwento sakanya tuwing sumusundo siya saakin.



"Imposible naman kasi Kuya may gusto 'yon saakin. Gusto niya lang talaga ako tripan."




"Lalaki ako Ana. Alam ko kasi yung mga paandar ng mga lalaki at ang gusto lang kasi 'non pansinin mo siya "




"Pwes! Bahala siya sa buhay niya. Ang babata pa namin para sa mga crush crush nayan,"



"New generation Ana mga mapupusok na ang mga kabataan ngayon." habang natatawa niyang sabi. Ngumiti lang ako.





Sa hindi kalayuan nakikita ko na ang mansyon. Pero napaisip pa rin ako kanina sa hindi ko kilalang lalaki kanina. 



Kilala niya ba ako?

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

14.7M 325K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
6.4M 328K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
1.6M 62.9K 37
Lucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out wh...
2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...