Agartha: The Lost Civilization

By anjelasheyn

1K 69 33

Daphne Benson, a young girl whose world is upended when her parents mysteriously disappear, leaving her in th... More

Prologue
Chapter I (Odd)
Chapter II (Missing)
Chapter III (Well)
Chapter IV (Hope)
Chapter V (Trouble)
Chapter VI (Agartha)
Chapter VII (Adapt)
Chapter VIII (Death?)
Chapter IX (Guardian)
Chapter X (Strong)
Chapter XI (Training)
Chapter XII (Friends)
Chapter XIII (Weird)
Chapter XIV (Lost)
Chapter XV (Pixie)
Chapter XVI (Way)
Chapter XVII (Brave)
Chapter XVIII (Deal)
Chapter XIX (Impossible)
Chapter XX (Mask)
Chapter XXI (Bad)
Chapter XXII (Start)
Chapter XXIII (Clip)
Chapter XXIV (Pair)
Chapter XXV (Impossible)
Chapter XXVI (Revelation)
Chapter XXVII (Caught)
Chapter XXVIII (Death?)
Chapter XXIX (Real)
Chapter XXX (Visitor)
Chapter XXXI (Purpose)
Chapter XXXII (Gone)
Chapter XXXIII (Truth)
Chapter XXXIV (Hero)
Chapter XXXV (Home)
Chapter XXXVI (Queen)
Epilogue
Author's Note

Last Chapter

22 2 0
By anjelasheyn

Everything happened so fast.

Nakapangalumbaba ako sa pasimano ng bintana habang nakatanaw sa napakalawak na bakanteng lupaing natatanaw ko. Presko ang simoy ng hangin at mataas ang sikat ng araw. Kung pwede lang ako manatili sa ganitong pwesto ay hindi na talaga ako aalis. Sobrang payapa sa pakiramdam. Hindi ko tuloy maiwasang magbalik-tanaw sa lahat ng mga pinagdaanan ko.

Ordinaryong estudyante lang ako n'on na may ordinayong buhay kasama ang Lola ko. O iyon nga ba talaga ang buhay na meron ako? Sa kabila ng lahat ng nalaman ko tungkol sa pagkatao ko hindi ko na talaga alam kung sino nga ba talaga ako. Pero mahalaga pa bang alamin talaga ang katotohanan? Parang mas gusto ko na lang kasing kalimutan lahat ng 'yon at magsimula ng panibago. 

I sighed. Here I am, thinking about that again. Sabi ko hindi ko na ulit iisipin ang bagay na 'yon eh. I have a peaceful life now. Wala na sa panganib ang buhay ko hindi katulad dati pero kaakibat naman n'on ay ang isang napakabigat na obligasyon ko sa Agartha.

Natigil ako sa pagmumuni-muni ng makarinig ng katok. 

"Mahal na reyna, nandiyan po ba kayo?" I rolled my eyes. Pinilit pang baguhin ang boses pero halata namang siya. Tumayo ako at lumapit sa pinto para pagbuksan si Trixie.

She's in her human form again na mukhang napapadalas na yata. Namimiss ko na tuloy siyang makita bilang pixie. Ang hindi lang siguro nagbago sa kan'ya ay ang hilig niya sa mga kagamitang kulay dilaw. Ewan ko ba sa babaeng 'to. "Ano? Feel na feel mo namang tawaging 'Mahal na Reyna' 'no?"

Sinimangutan ko siya at naglakad pabalik sa pwesto ko. "Kung wala ka namang sasabihing matino pwede bang lumabas ka na lang sa kwarto ko?"

"Aba! Hoy, hindi gan'yan magsalita ang isang reyna."

Simula nang maipasa sa akin ang korona wala na talaga siyang ibang ginawa kung 'di asarin ako ng paulit-ulit sa reyna na 'yan. Para namang ginusto ko talaga 'to? Bwisit. Naalala ko tuloy no'ng araw na isinawalat ko ang itsura ko sa buong Agartha sakto sa araw na mamatay ang Hari. Walang pag-aalinlangan ang lahat ng nilalang sa Agartha na ihalal ako bilang reyna nang dahil lang sa itsura ko. Masiyadong naging madali ang lahat. Hindi man lang ako nahirapan.

Inukutan ko na lang siya ng mata at muling tumanaw sa labas ng bintana. Sinusulit ko na ang mga oras na wala akong gagawin dahil sigurado na tambak na naman ang mga trabaho ko mamaya.

Ang buong akala ko talaga ay walang ibang ginagawa ang mga Hari at Reyna bukod sa pagpapasarap sa palasyo pero peke lang pala 'yon. Naalala ko no'ng unang linggo ko palang halos maikot ko yata ang buong Agartha dahil sa sobrang dami ng dapat kong gawin. Kaya siguro walang halos naghahangad ng trono kasi madami talagang responsibilidad.

Gusto ko na lang maging ordinaryong mamamayan ng Agartha!

"Anyway, hindi naman ako nagpunta dito para asarin ka. May maganda akong balita!"

Nilingon ko siya. "Huhulaan ko, tungkol na naman kay Favian 'no?" Walang gana kong tugon.

Nawala ang excitement sa mukha niya nang marinig ang tono ng boses ko na agad ko namang pinagsisihan. "Sorry, Trixie. K-kasi ewan ko ba. Hindi ko na bilang kung pang-ilang balita na ba 'yan na napaasa lang tayo."

"Nawawalan ka na ba ng pag-asa?"

"Hindi. Gusto ko lang sanag magpahinga na lang muna. Limang taon na tayo sa paghahanap sa kan'ya pero lahat ng lakad natin para mahanap siya ay palpak. Gusto ko muna sanang siguraduhin na this time ay sana totoo na." Pangangatwiran ko at nag-iwas ng tingin sa kan'ya.

Mabilis ang panahon. Anim na taon na akong namumuno sa Agartha. Ang buong akala ko ay mapapadali ang paghahanap namin kay Favian ngayon na nasa akin na lahat ng pwede naming kailanganin pero hindi. Ilang beses na kaming naloko at sumubok para mahanap siya. Nagbigay pa kami ng pabuya pero wala namang nangyari. Parang ayaw ko na tuloy ituloy ang paghahanap sa kan'ya kasi natatakot ako sa mga pwede kong malaman.

What if, wala na pala talaga siya? Kasi wala akong ibang maisip na way para magtago pa si Favian. Wala nang patong sa ulo niya. Wala na sa panganib ang buhay niya. So, bakit? Bakit hindi namin siya makita? Nasaan siya?

"Ako din, Daphne. Sa totoo lang, napapagod na din ako pero ayaw kong mawalan nang pag-asa hangga't wala pang patunay na wala na si Favian."

"He's alive. Don't say that." Sabi ko pa kahit na ako mismo ay may pagdududa na rin.

"Pero, hindi naman masamang umasa 'di ba? Gawin natin 'to para kay Fiona. Promise, last na talaga 'to. Kapag palpak pa rin, pangako ititigil na natin ang paghahanap sa kan'ya."

Gusto ko sanang tumutol pa pero may parte pa din sa akin na gusto na lang talagang sumuko kasi natatakot ako sa katotohanan. Parang mas gusto ko pang isipin habang buhay na nawawala si Favian kesa malaman ang katotohanan na wala na siya.

I let out a sighed again. "Okay. Let's schedule it tomorrow. Marami kasi akong gagawin ngayong araw na 'to."

"Thank you, Daphne" She then smiled at me.

Do'n natapos ang usapan naming dalawa ni Trixie. Hindi rin siya nagtagal at nagpaalam na din dahil may pupuntahan pa daw siya kaya naiwan na naman akong muli sa kwarto ko. Sinusulit ang mga natitirang minuto ng pahinga ko. 

Nang tumunog ang orasan ko ay saktong nakagayak na rin ako. I look at myself in front of the large mirror. Obligated din akong magsuot ng kasuotan na naangkop sa akin kaya kahit ayaw ko talagang napapasuot ako ng gown. Ewan ko ba! Feeling ko tuloy araw-araw akong nasa prom. Nakakaloka. Sino ba kasing nag-pauso nito?! I'm also wearing the golden crown with three ruby diamonds na simbolo nang pagiging maharlika ko. Napatawa ako sa sarili, pekeng maharlika lang pala. Well, might as well as panindigan na lang. 

This is so corny! Pero oras na naman para harapin ko ang obligasyon ko bilang Reyna ng Agartha. Napabuntong hininga na naman ako bago lumabas ng kwarto ko. I keep my face straight habang naglalakad patungo sa silid kung saan naghihintay na sila sa kin.

Every single one of them greeted me with a bow. Diretso akong umupo sa trono ko at pinasadahan ng tingin ang buong kwarto. Himala at tatlong nilalang lang ang nasa harapan ko ngayon, kadalasan kasi ay anim sila. Sa gilid ko ay ang robot na dama na taga-rekord ng mga sasabihin at mga utos ko at sa bawat sulok ng kwarto ay may mga kawal na nakabantay.

I look at the oldest, sign for him to talk and I'm gonna listen.

"Magandang umaga, Mahal na reyna. Naparito ako ngayong araw para ibalita sa inyo na madaming palayan ang apektado ng tagtuyot sa bandang Sutton. Dahil dito madami ang nawawalan ng pagkabuhyan at umuunti ang suplay natin ng bigas."

"Magpapadala ako ng dalawa sa pinakamagaling na salamangkero para solusyonan ang tagtuyot. Asahan niyo na masosolusyonan ang problema na 'yan sa loob lamang ng isang linggo." Pinal na sabi ko. 

"Maraming salamat, mahal na Reyna." Bumakas naman sa mukha ng ministro ang kasiyahan.

Gusto ko mang ngitian din siya pabalik ay hindi ko magawa. I have to look cold because that's what Trixie told me to become. Kapag kasi naging mabait ako ay mahirap na. Hindi lahat ng tao o nilalang ay pwedeng pagkatiwalaan. Sunod kong tiningnan ang katabi niya, ngayon ko lang nakita ang nilalang na 'to na may anyong kabayo sa itaas na parte ng katawan at sa baba naman ay anyong tao. Kung tama ako, tikbalang ang tawa sa nilalang na 'to.

Nagsimula siyang magsalita pero wala akong maintindihan dahil ibang linggawahe. Nilingon ko ang robot na dama na nasa gilid ko. Otomatiko niyang sinalin sa salita ang sinasabi ng tikbalang. Binasa ko 'yon mula sa screen.

"Krimen? May nagaganap na krimen sa siyudad  ng Arkala at hindi magawan ng aksiyon ng mga kapulisan dahil hindi matukoy kung sino ang salarin?" Pagkumpirma ko. Tumango ang tikbalang. Napakunot ang noo ko at mabilisang nag-isip ng solusyon.

"Magpapadala ako sa lugar niyo ng mga kawal at tiktik para mag-imbestiga sa mga nangyayari. Sa ngayon, mas maganda munang paaalalahan niyo ang lahat na mag-ingat para mabawasan ang mga kaso ng pagpatay." The tikbalang nodded so then I look at the last one which is a kid.

Before I can utter a word, nagulat ako nang biglang nasa harapan ko na siya at may nakatutok na kutsilyo sa leeg ko. Mabilis na gumana ang reflexes ko at agad na hinaklit ang isang braso niya para pilipitin iyon paikot, dahilan para mabitawan niya ang kutsilyo. Bago pa siya makapalag ay may mga kawal na lumapit sa amin at nilayo siya sa akin.

I was still in shock while looking at the kid. He's just a kid! Why would he do that?! Abot-abot ang kaba ko pero hindi ko 'yon pinahalata sa kahit kanino. Muntikan na ako do'n. Good thing, I still know how to fight kasi kung hindi, paniguradong nasaksak na ako ngayon.

I compose myself immediately while looking at the kid na ngayon ay hawak na ng mga kawal. 

"Ayos ka lang ba, mahal na reyna?" Tanong ng isa. I nodded, hindi natatanggal ang tingin sa bata na diretso ding nakatingin sa akin. Wala man lang bakas ng takot sa itsura niya na pinagtaka ko.

Gusto ko mang tanungin kung bakit niya ginawa 'yon ay hindi pwede. Trixie taught me well how to act as a queen during this times. I look at the guard na may hawak sa bata at alam na niya kung ano ang ibig sabihin no'n. Kinaladkad nila 'yon paalis sa harapan ko.

Not because he's a kid I will show mercy.

Tumikhim ako at humarap sa dalawa na bakas rin sa itsura ang gulat sa mga nangyari.

"Maraming salamat sa pagsasabi ng mga problemang kinahaharap niyo. Pangako ko na masosolusyonan ang lahat ng 'yan. Pwede na kayong umalis." Sabi ko, paulit-ulit naman ang pasasalamat ng dalawa hanggang sa mawala sila sa paningin ko.

May inabot sa aking mga dokumento ang dama na agad ko namang tinanggap at binasa kung ano ang nakasaad do'n. This is my work good for a week. Parang biglang sumakit ang ulo ko nang malamang ito na namang kaso na 'to katulad no'ng isang buwan, ang pinagkaiba nga lang ay sa ibang lugar. Kailangan ko na namang mag-isip ng solusyon.

Tumungo ako sa silid aklatan at naghanap ng mga libro. Mukhang gugugulin ko na naman ang buong araw ko sa pagbabasa. Kailangan ko matapos lahat ng 'to ngayon kasi aalis nga pala kami nila Trixie at Fiona bukas. Sobrang nakakatamad pero kung para naman sa ikabubuti ng Agartha, bakit hindi 'di ba? Gano'n nga ang ginawa ko buong araw hanggang sa hindi ko namalayang papalubog na ang araw. Sakto namang natapos ko ang mga dapat kong gawin.

Nagunat-unat ako nang biglang kumalam ang sikmura ko. Nakalimutan ko na namang kumain! Dali-dali akong lumabas ng silid aklatan at akmang didiretso na sana sa kusina nang maalala ko kung sino nga pala ako kaya dumiretso na lang ako sa kwarto ko at dinampot ang maliit kong kampana. Umupo ako sa kama at pinatunog 'yon ng dalawang beses.

Wala pang tatlong minuto ay dumating na ang mga pagkain ko. I said my thanks before I start eating. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang bigla akong maaninag na dilaw na liwanag na paikot-ikot sa bintana ko. I know that! Mabilis kong tinapos ang kinakain ko at sakto namang nakalapit na siya sa akin.

She turns into her human form.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko kay Trixie.

She stares at me with confusion. "Kasi aalis tayo?"

"What? I thought bukas ang plano?"

"Girl? It's already 3:00 in the morning!" Napatingin ako sa orasan pagkasabi niya n'on at nagulat nga ako na alas-tres na nang madaling araw! Hindi ko namalayan ang oras.

"Hindi pa ako nakakapagpahinga." Sabi ko atsaka ko lang naramdaman ang pagod. Napahawak ako sa batok ko at ngayon ko lang naramdaman ang pagkangalay n'on.

I'm so tired. "Atsaka, are you really sure na this time ay totoo na 'yan?"

Hindi siya nakasagot. Sabi ko na eh. "I have lots of things to do tomorrow, Trixie. Hindi pwedeng mawala na lang ako basta-basta. To tell you the truth, wala pa talaga akong pahinga."

She stared at me for a moment at napabuntong hininga. "Okay, it looks like kami muna ni Fiona ngayon. Sorry sa abala. Halata nga sa itsura mo ang pagod. You go rest now." Sabi pa niya.

Aapila pa sana ako when she suddenly turn into a pixie at bago pa ako makapagsalita ay wala na siya sa paningin ko. Napasapo naman ako sa noo ko. Should I go with them or not?

I'm afraid that this is another fraud, besides, sobrang dami ko pang kailangan asikasuhin. Mawala lang ako ng isang araw baka kung ano ang mangyari. Bigla akong natigilan sa mga iniisip. What the fuck am I thinking? Am I seriously prioritizing Agartha over Favian? Daphne? Baka nakakalimutan mong siya ang dahilan kung bakit ka nasa trono ngayon?

Napapikit ako ng mariin at nakipagtalo sa sarili. What should I do? Sa huli ay nagpasiya din akong sumunod. Sabi naman ni Trixie huling beses na ito eh. Tinanggal ko na lang sa isipan ko na baka palpak na naman ang mangyari at mag-aaksaya na naman kami ng pagod.

Bahala na.



Continue Reading

You'll Also Like

5.1M 180K 18
Erityian Tribes Novellas, Book #1 || As the war ended, another problem has arisen.
57M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...
6M 277K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
5.2M 197K 44
Akala ni Jill Morie ay tapos na ang laban, matapos nilang matalo ang Memoire ay payapa na silang namumuhay ngayon sa Isla Ingrata. Subalit biglang ma...