Incantation Academy : School...

By CuteLazyPig

95.3K 4.6K 590

To be safe, Cassandra Astrea Soulford lived in the normal world. She lived a normal life in the orphanage unt... More

Authors note
Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOUGE I
EPILOGUE II
EPILOGUE III
THE POWERFUL ARTEMIS
Authors note
đź“ŤAnnouncement đź“Ť

Chapter 46

996 53 2
By CuteLazyPig


Chapter 46: Traitors

Cassandra's POV

Pinagmasdan ko ang mga natutulog na studyante sa sahig dito sa office ni Jake. Dito sila dinala nila Belle at kami lang ang nakakaalam nito dahil sabi ni Jake, hindi pa sigurado kung sila lang ang traydor sa Academy.


Ilang oras na at 'di pa rin sila nagiging. Dahil din siguro sa mga paraan kung paano sila nahuli kaya sila ganito ka tulog. Lalo na at mga Wizard sila Liro.


"What are we going to do next?" si Trisha.


Tumingin ako sa direksyon ni Jake at nakita ko ang pagka seryoso n'ya. Tila pinag-iisipang mabuti ang gagawin dahil nakasalalay sa desisyon n'ya ang galaw namin.


Ngayon ay naisip ko na kung nakabalik na si Spade at nagbabalak s'ya magkaroon ng digmaan, ibig-sabihin lang no'n ay may nahanap s'ya na makakatulong sakaniya para manalo sa digmaan at matalo kami.


Iniisip ko din na kung ang pagpapabagsak lamang ba sa Incants ang gusto n'ya o kasama ako? Bakit n'ya ako gusto kuhanin? Anong mayroon saakin na kailangan n'ya?


Alam ko naman na ako lang ang kabilang sa Artemis group pero bakit n'ya ako kukuhanin? O ako ba talaga ang pakay n'ya o may iba pa?


That's my biggest question. Ano pa ba ang mga bagay na kailangan kong malaman?


"Cassandra, are you with us?"


Napatango-tango ako nang makabalik sa realidad. Kanina pa pala nila ako kinakausap pero dahil sa pag-iisip ko ay hindi ko iyon napansin.


"As what I've said, we need to gather more information about Quins. We need to wait for them to wake up" si Jake bago tinignan ang mga tulog na traydor.


"Kung sapakin ko nalang kaya, Master? Para mabilis sila magising?" si Blizz na hinahawakan pa ang baba n'ya na parang ang tagal n'yang pinag-isipan ang bagay na iyon.


Nakatanggap s'ya ng masamang tingin mula kay Jake at Liro.


"No, we can't do that Blizz. Baka lalo sila hindi magising kapag ginawa mo 'yun" seryosong sabi ni Liro.


Mukha namang nalungkot kunwari si Blizz kahit na alam ko namang biro lamang iyon. Dahil doon ay nakatanggap s'ya ng matalim na tingin mula kay Belle kaya n'ya tinaas ang dalawang kamay, tanda ng pag suko.


Napabuntong hininga ako saaking kinauupuan. Nahalata ko naman na pinapanood n'ya ako kanina pa kaya nilingon ko s'ya at naabutan kong nakatingin nga s'ya saakin.


Tila gusto n'ya akong tanungin sa kung ano ang nasa isip ko pero inaalam n'ya din kung gusto ko ba itong sabihin.


"Lalabas muna ako" paalam ko sakanila.


Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila at lumabas na ako sa office ni Jake. Nagsimula akong maglakad papunta sa library para mag hanap ng clue sa mga libro.


Ito lamang ang tanging naiisip ko para malaman ang mga bagay na gusto kong malaman. Sana lamang ay may makuha ako...


"Saan ka pupunta?"


Napalingon ako sa likudan nang marinig ang boses ni Trisha doon. Kasabay ko s'yang lumakad at nakangiti s'yang hinihintay ang sagot ko.


"Library" sagot ko.


"Pwede ba sumama? Ang boring, eh. Wala din akong magawa" sabi n'ya.


Nakangiti naman akong tumango at sabay naming tinahak ang daan papunta sa library.


Pagpasok doon ay naghiwalay na kami ni Trisha dahil maghahanap daw s'ya ng book na babasahin n'ya at ganon din naman ako. Naghahanap ako ng librong naglalaman ng mga tungkol sa Artemis group kung saan ako nabibilang.


Inisip ko kasi na hindi lahat ng gusto mong malaman sa Families ay nasa history books kaya naghahanap ako sa ibang books na nandito.


Tinignan ko ang bawat book na madadaanan ng mata ko para makapili. Sa bandang dulo ng last shelf ay may naka-agaw ng pansin ko na isang book.


Isang kulang abong libro na may tali. Medyo malaki at makapal s'ya at iyon lamang ang ganoong book na kulay abo at nakaipit sa pinaka dulo na halos hindi mo na makita dahil sa mga katabi nito na malalaking libro din.


"Power Of 'The One'" pagkakabasa ko sa title.


Napukaw agad nito ang aking interes kaya ko ito kinuha kasama ang ibang librong hawak ko kanina. Nag tungo ako sa table kung saan nagbabasa si Trisha at umupo sa tabi n'ya.


Nag-angat s'ya saakin ng tingin pero binalik din agad sa binabasa n'ya ang kaniyang atensyon.


Tinitigan ko ang librong kulay abo. Medyo may kalumaan na at halatang hindi gaanong nababasa dahil sa hirap buksan ang pahina.


Binasa ko ulit ang title at excited itong binuksan sa unang pahina. Binasa ko ang nilalaman no'n at prinoseso iyon. Tungkol ang librong ito sa kapangyarihan na matagal na nakatago at pinag aagawan ng mga nakatira sa magic world.


"Crystal Ball" pagbasa ko nang may katamtamang lakas.


'According to the late Witch/ Scientist Mrs. Roman Saints. Crystal Ball is a powerful ball that can be found in the cave of Inchantos and discovered by Incants, who kept it as their treasure. They never used it against anyone until Spade Roosevelt decided to get it from Incants, which led to war' 


'After the war, the Crystal Ball disappeared, and no one knows where it is. But one thing's for sure...The Crystal Ball is on the right one, 'The One' who can keep it from darkness until the right time comes.'


Nangunot ang noo ko pagkatapos kong mabasa iyon. Hindi ko alam kung anong mararamdaman at iisipin ko. May tinatago ang Academy saamin na hindi namin alam. Pero bakit ang libro na ito ay basta nalamang nandito?


Bakit wala ito sa restricted section o sa isang tagong kwarto? I'm sure, alam ito nila Ms. Clever.


Wait...Kung nandito ang libro na ito...Meron kayang kumuha nito at nilagay dito?


Kung ganito ang laman ng libro na ito ay kailangan ko itong mabasa sa dorm dahil nandito ang susi sa mga katanungan ko.


"Look who's here?"


Napa-angat ako ng mukha nang marinig ang nakakairitang boses ni Fiona. Nasa harapan namin s'ya at nakatitig saamin ni Trisha habang si Trisha naman ay binigyan lamang ako ng bored look na sinasabing wala s'ya sa mood para makipag-usap kay Fiona dahil maganda nag binabasa n'ya.


Bumuntong hininga naman ako bago hinarap si Fiona na mukhang gusto nanaman gumawa ng eksena.


"Anong kailangan mo?" mahinahon kong tanong.


Tinaasan n'ya ako ng kilay at nag-labas ng ngisi sa labi. "Mukhang mag kaibigan na kayo ni Trisha. Bago mong alalay? Maliban kay Lancaster?" pang-iinis n'ya.


"Hindi ko s'ya alalay." matamlay kong sabi, walang lakas sumagot.


Napatingin kami kay Trisha nang tumayo s'ya sa kaniyang kinauupuan at nilingon ang direksyon ni Fiona.


"Woah...Easy ka lang. Baka bigla ka nalang maglabas ng apoy sa bunganga dahil sa galit mo" si Fiona habang umatras pa at humawak sa dibdib n'ya.


Narinig namin ang tawanan ng mga studyante na nakarinig habang pinapanood naman kami ng librarian sa malayo, inaalam kung ano ang nangyayari.


"What is wrong with you, Fiona? Kung nandito ka para lang inisin ako, pwede bang 'wag ngayon? Nagbabasa kami dito, eh" si Trisha habang pinipigilan ang sariling pasensya.


Umirap naman si Fiona. "Duh, syempre library 'to kaya magbabasa ka"


"Duh! Kaya nga. Library 'to para mag basa nang tahimik at hindi magbunganga ang mga studyante na kulang sa pansin!"


Natigilan si Fiona at halata na ang inis sakaniya dahil sa mabilis na pag balik ng salita sakaniya galing kay Trisha.


Lumapit na ako kay Trisha para pigilan sila sa pag-aaway dahil nasa amin na ang atensyon ng lahat. Hangga't maaari ay iniiwasan namin ang gulo lalo na at pumunta kami dito para mag basa lamang nang tahimik.


"You know what? Mabuti at expelled ka na. Baka madami pa na studyante ang mapatay mo dahil sa kabruha-an mo!" si Fiona na hindi nagpapatalo.


Tumaas ang kilay ni Trisha at ngumisi. Pinag gitnaan ko na silang dalawa dahil sa tensyon na mayroon sa pagitan nilang dalawa. Nararamdaman ko na rin ang unti-unting pag papalit ng kulay ng mata ko dahil sa nararamdaman.


"Well, mabuti nga at expelled na ako. Kung hindi ay araw-araw ka sana may pasa ngayon!" sigaw ni Trisha pabalik kay Fiona.


Nagulat ako nang biglang sumugod si Fiona at hilahin ang buhok ni Trisha. Gumanti si Trisha at hinila ang damit ni Fiona habang ako ay pilit silang inaawat.


Napalayo ang mga studyante nang ihagis ni Trisha si Fiona sa kabilang table. Halata ang sakit sa mukha ni Fiona pero nagawa n'ya pa samaan ng tingin si Trisha.


Naramdaman ko ang pagpapalit ng kulay ng mata ko. Blue turned red in just a second.


Lumapit ako sakanila ngunit hindi sila maawat dalawa. Pati ang librarian ay nakiki-awat na rin pero walang nakikinig sakaniya.


Lumapit ulit ako kila Fiona at hinawakan ko ang damit nila pareho bago pilit silang hinihila para mag-hiwalay pero sadyang nakakapit sila sa damit ng isa't- isa.


Punit-punit na ang uniform ni Fiona habang ang t-shirt naman ni Trisha ay kalahati nalang pero mabuti at hindi kita ang bra n'ya!


"You bitch! Mag babayad ka sa ginawa mo sa'kin!"


"Come here, you ugly bitch! I will fucking kill you!"


Patuloy sila sa pagbabangayan at patuloy din ang pag-awat ko nang buong pwersahan. Napapikit nalang ako dahil sa galit sa ginagawa nila.


"Enough!"


Tanging sigawan naming tatlo ang umalingawngaw sa library. Ang lakas nilang pareho na hindi ko sila kinakaya. Ang mga wands nila ay napunta na sa malayo at wala silang paki doon!


Hinihila ko silang dalawa palayo sa isa't-isa ngunit napahawak si Fiona sa suot kong uniform at nahila n'ya ang tela sa bandang leeg dahilan para mapunit ito. Nagugulat s'yang tinignan ni Trisha habang hawak n'ya ang piraso ng damit na nasa uniform ko.


Huminto silang dalawa at sabay akong tinignan. Nag-aakyat baba naman ang dibdib ko dahil sa nararamdamang galit. 


Pinuntahan ako ni Trisha at tinanong kung ayos lamang ako na sinagot ko ng tango kahit halata naman saaking mata na galit ako.


Inhale...Exhale...


Parehas namin binalingan si Fiona ng tingin at nakita ko kung paano s'ya gulat na tumingin saakin. Nakatitig s'ya sa bandang leeg at balikat ko kaya napatingin na din ako doon.


Ang mga symbols...


"Y-you!" 


Nanginginig si Fiona sa kinatatayuan n'ya at hindi na malaman ang gagawin o sasabihin dahil sa nakita n'ya.


Kahit ang ibang studyante ay tutok sa mga nasa balikat ko na simbolo.


"You are from A-artemis?!" makahulugang sabi ni Fiona.


Napatingin ako kay Trisha na nakatitig na rin saakin ngayon. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko at sasabihin kay Fiona dahil alam kong maririnig din ng iba.


"You are from Sorcerer Family?" ngayon ay mas nagulat s'ya na parang ngayon n'ya lang na proseso ang lahat.


Nanginginig na s'ya at hindi na s'ya makatingin saakin ngayon. "Tell me..."


"Tell me, Ms. Soulford! You're a Sorcerer? Artemis!? How..."


Narinig ko ang bulungan sa paligid nang isigaw iyon ni Fiona. Wala pa mang kumpirmasyon mula saakin ay halata na sakanila ang kaba.


Napalunok ako bago tumingin kay Fiona. "N-"


"Yes. She's a Sorcerer"


Nagulat kaming lahat nang may boses na nag-salita galing sa pintuan. Nilingon ng lahat iyon at nakita sila Jake, Liro at Blizz na nakatitig saamin. Walang mababasa na ekspresyon sakanila kaya mabilis na nagsi-layuan ang mga studyante.


Napalingon ako kay Fiona na napaatras ng ilang hakbang sa narinig.


"No...Hindi ito totoo!" sabi n'ya habang tulala sa kawalan.


Pinanood namin s'yang matulala at umiling, hindi matanggap ang nalalaman.


"Wala pang napupunta sa Artemis...No! Nagkakamali ka Jake! Nagkakamali kayo..." dagdag n'ya.


Lumapit sila Jake saamin ni Trisha. Tinignan nila kaming tatlo at napalingon kay Fiona.


"That's the truth, Fiona. She's a Sorcerer and she is the only Incant who belong to Artemis." sabi ni Jake sa malalim na boses.


"I warned you, right? Stop messing with her. I'm actually surprise that you're still alive until now knowing how powerful Cassandra is." lumingon saakin si Jake bago binalik kay Fiona.


"She can kill you in a second. One blink....and you're dead" sabi n'ya pa dahilan para mapalunok si Fiona.


"But she didn't do anything, right? Because she knows that you just wanted attention. But what you did just now will change everything..."


Napatingin si Fiona kay Jake na tila natakot. Nanginginig ang labi n'ya at patuloy ang agos ng luha sa mata.


"W-what do you mean?" si Fiona.


Matalim s'yang tinignan ni Jake. Mag-sasalita na sana s'ya nang lumapit ako at hawakan s'ya sa braso.


Tinignan n'ya lang ako at binalik ang tingin kay Fiona na mas lalong umiyak.


"Let's go..." sabi ko.


Bumuntong hininga naman s'ya bago tumango saakin. Tumingin s'ya kila Liro at Blizz bago nauna mag-lakad palabas.


Sumunod na kami sakaniya at iniwan ang nakatulalang si Fiona at mga studyante. Lumabas kami sa library at nag tungo sa labas. Huminto kami sa malapit na puno.


"Are you okay, Trisha?" si Liro.


Tumango naman sakaniya si Trisha. "Don't worry about me. I'll just change my clothes before heading to Master Jake's office"


Tumango si Jake kaya umalis na si Trisha para makapagpalit. Ngayon naman ay naiwan ako sa tatlong ito na nakatitig saakin.


"What happened?" si Liro na bakas ang pag-aalala.


Bago ako nakasagot ay may may pinatong saakin si Jake. Nakita ko ang isang coat na gamit n'ya sa office n'ya.


Napapikit-pikit pa ako bago naka sagot. "We're reading peacefully when Fiona arrived and start annoying Trisha."


"Tapos? Nasama ka?" si Blizz na kuryoso.


Napalunok ako bago dahan-dahan na tumango. "Yup. I tried to stop them that's why Fiona saw the symbols when she accidentally ripped my uniform while fighting Trisha."


Mukhang naunawaan na naman nila ang nangyari kaya sabay-sabay silang tumango. Inayos ko ang coat na binigay ni Jake bago namin napag-pasyahan na pumunta na sa office ni Jake.


"Nasaan si Belle?" tanong ko kay Blizz na kasabay ko sa pag-lalakad.


"S'ya ang naiwan na bantay sa tatlong gising na. Alam mo naman na malakas ang isang iyon" sabi n'ya na napangiti pa.


Kaya pala sila pumunta sa library para sunduin kami ay dahil gising na 'yung tatlo. Akala ko ay may nag tawag sakanila, eh.


Pagkarating namin sa hideout ay hindi agad kami nagtungo sa office ni Jake. Humiwalay ako sakanila dahil baka mahalata kaming apat kapag sasama agad ako. Kailangan namin mag ingat dahil kami lamang ang nakakaalam ng ginagawa namin ngayon. Kaya naglakad-lakad muna ako sa isang hallway at nag ikot-ikot bago ako naglakad papunta sa hallway kung nasaan ang pinto sa office ni Jake.


Dala ko nga pala yung libro na nakatago lang sa dala kong bag. Kaya kunwari ay may dadaanan lang ako dito sa hideout. Nang wala na gaanong students sa hallway ay tsaka ako pumasok sa office n'ya at naabutan sila doon sa isang kwarto na madilim. Doon nakakulong ang tatlong studyanteng traydor saaamin.


"Nandito kana pala. I heard what happened" si Belle.


"Ayos lang kami, Belle. Don't worry" sagot ko na ginantihan n'ya lamang ng ngiti.


Nagtungo na kami sa tatlong nakatali sa sahig. Nagsisimula na mag tanong si Jake sakanila kaya kami tutok sa pakikinig.


"Sino sainyo ang nagnakaw ng Special Potion?" matigas na tanong ni Jake.


Natahimik naman ang tatlo at pare-parehas na nagbaba ng tingin. Iniiwasan nila ang sumagot sa katanungan ni Jake dahilan para mapabuntong hininga si Jake, kasama na kami.


Mary Tomas...


Tom Lucas...


Jack Rey...


Silang tatlo ang traydor sa Academy. Hindi nga ako makapaniwala nang sabihin iyon ni Jake pero dahil sa mga pinakita n'yang ebidensya ay naniwala na ako.


May alam na kami sa plano nila. Ang kailangan nalang namin ngayon ay compirmasyon at dagdag na detalye para mas malaman namin ang kailangang gawin.


"Again, who told you to spy us? Who's your master!?" si Jake na mukhang sasabog na sa kawalan ng pasensya.


Nanatiling tahimik ang tatlo sa sahig.


"Ano pa ang ginawa n'yo sa Academy? What are your plans!? Who told you to do it!?" sunod-sunod na tanong ni Jake.


Nakarinig kami ng mahinang tawa galing sa isa sa kanila. Natahimik kami dahil sa kilabot na dala no'n.


"Huwag kayo umarte na alam n'yo na ang lahat"


Narinig namin mag-salita ang sa tanda ko ay naging partner ni Jennifer sa Grand ball.


Tom...


Napalunok ako dahil kahit may kadiliman ang kwarto ay ramdam ko ang talim ng paninitig nito saakin.


"Hindi n'yo na kami mapapabagsak, Incants"


Lahat kami ay natigilan nang mag-iba ang boses ni Tom. Mas nakakatakot iyon sa boses n'ya kanina.


"They're not Incants. They are Quins" rinig kong sabi ni Belle.


Nakarinig nanaman kami ng tawa. Iniinis talaga nila kami. Sinusubukan ang pasensya namin!


Kahit ako tuloy ay nag-sisimula na mainis sa inaasal nila ngayon...


"For the last time, ano pa ang ginawa n'yo sa Academy!? Ano pa ang kailangan n'yo!?" sigaw ni Jake.


Nag-angat ng tingin si Mary kay Jake at napangiti. "Come on 'Master' Jake...We all know what King Spade wanted"


Nakakakilabot ang bawat pagbigkas n'ya sa salitang binibitawan n'ya. Para akong nanghihina saaking kinatatayuan dahil sa kaba.


"What do you mean?" tanong ni Liro habang diretso ang tingin kay Mary.


Isa nanamang tawa ang kanilang pinakawalan. Tila nasisiyahan sila sa kalituhan namin ngayon. Pinagmumukha nila kaming tanga!


"The powerful think that can control the magic world" si Mary.


"The thing that can give you so much power" si Tom.


"The think he failed to get 17 years ago..." si Jack na nakangiti.


Naramdaman ko ang maraming matang nakamasid saakin kaya alam kong nakatingin silang lahat saakin ngayon habang ako ay naguguluhan sa kung ano ang sinasabi nila.


The thing he failed to get...and can give you so much power...


"Ano nga ba ang bagay na pinaka-iingatan ng Academy na ito?" si Mary na umaktong nag-iisip.


"Hmm...Ewan ko rin, eh. Pero mayroon silang pinoprotektahan" dagdag ni Jack.


"Right, Master Jake?" sabi ni Tom na tunog nang-aasar.


Saglit na natahimik ang lahat. Litong-lito ako sa kinatatayuan ko at alam kong alam nila iyon. Lalo na sa tingin ni Belle ngayon na parang may gustong ipahiwatig.


Napalingon ako sa tatlo nang makita ko silang unti-unting nanginginig sa kanilang pwesto. Nahagip ng mata ko si Liro na hinipan ang dulo ng wand n'ya bago nakangiting tinago ito.


"Thank you for the information...you may now sleep forever" si Blizz.


Pinanood namin silang manginig hanggang sa wala na silang hininga.


Lumabas na ako ng kwarto na iyon at nagpunta sa sofa at naupo. Naramdaman kong sumunod sila saakin. Tahimik lamang kami habang ako'y nag-iisip nang malalim.


"Cassandra" tawag saakin.


Napaangat ang tingin ko nang mag salita s'ya. Nakatitig s'ya saakin at halata ang pag-aalala doon. Tinignan ko ang iba at pareho lamang ang ekspresyon sa mga mukha nila.


Bumuntong hininga ako bago ngumiti. Tumango ako sakanila.


"I'm okay. I understand, guys. I know...I'll wait for the right time..."


Nakatitig sila saakin na para akong palaisipan sakanilang lahat.


"To know it all" nakangiti kong sabi.

Continue Reading

You'll Also Like

8.1M 484K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
11.6M 362K 70
What he wants. He gets... By hook or by Crook
21.7M 783K 74
â—¤ SEMIDEUS SAGA #01 â—˘ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
9.7M 296K 64
Claire Cassidy doesn't show her face , doesn't socialize with people and always prefer to be alone, these are the reasons why she was branded as the...