THE UNEXPECTED Season 1 [COMP...

By Rheevie

13.8K 5.9K 524

Kakatransfer lamang ni Thrianne Kilein, pero tila isang panibagong challenge na naman para sa kanya ang pagda... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11: THE WELCOMING PARTY 1
Chapter 12: THE WELCOMING PARTY 2
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 30 THE COLLEGE'S PARTY Part 1
CHAPTER 31: THE COLLEGE'S PARTY PART 2
CHAPTER 32: THE COLLEGE'S PARTY PART 3
CHAPTER 33: THE COLLEGE'S PARTY PART 4
CHAPTER 34: THE COLLEGE'S PARTY Part 5
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60: DEPARTMENT'S FESTIVAL PART 1
CHAPTER 61 DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 2
CHAPTER 62: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 3
CHAPTER 63: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 4
CHAPTER 64: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 5
CHAPTER 65: DEPARTMENT'S FESTIVAL Part 6
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79: THE UNEXPECTED ENCOUNTER
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
CHAPTER 94
CHAPTER 95
CHAPTER 96
CHAPTER 97
CHAPTER 98
CHAPTER 99
CHAPTER 100
CHAPTER 101
CHAPTER 102
SEASON 2 RELEASED!
Special Mention!
Rangovine Neostra 💕

CHAPTER 29

104 64 4
By Rheevie

CHAPTER 29

BIYERNES

Jehridale's POV

"Good morning baby brother! Wake up na!" masayang tono ni ate ang nagpabusangot sa mukha ko. Dinaig nya Ang alarm clock sa sobrang lakas ng boses. Hinahampas hampas pa ako dahilan para lalo akong mamaluktot. Tch delubyo sa umaga...

"wake up na! Ano ba! Sige ka pakakainin Kita ng brocolli cookie!"

Lalong sumama Ang mukha ko. Sa inis ko ay napabangon ako at nagdire-diretso sa cr. Tawa lang sya ng tawa.

"Psh abnormal na pangit" bulong ko sa sarili.

Pagkatapos maligo ay bumungad kaagad ang mayordoma. Nakangiti rin syang inilahad Ang kamay sa mga susuotin ko ngayong araw. Sinamaan ko sya ng tingin.

Ano bang mayroon sa araw na ito at nakangiti ang mga tao dito bahay??

"What's this?!"

"Susuotin nyo po young master"

"Are you kidding me?! Am I look like a princess that you have to prepared my clothes in my bed? I can wear whatever..outfits I want!" pagmamaktol ko. Nakakainis na!

"Pero young master--"

"Labas!"

Agad syang lumabas ng kwarto ko. Binalibag ko Ang mga damit na suit and tie. Kahit elegante ako at mayaman ay hindi ko trip na magsuot ng mga ganyan!

Kinalkal ko Ang mga damit sa drawer. Inis akong nilapag Ang mga nahanap ko at bago bumaba ay tinawagan ko si Aoko.

-Kroonggg

*Out of coverage area**

Argghhh! Sagutin mo tong phone Aoko mylabs! Ayokong masira ng tuluyan Ang araw ko ng dahil sa pesteng Athena na yan!Binangungot ako buong gabi kaiisip sa babaeng iyon ah! Sumasakit pa rin tong buong mukha ko! Kasalanan nya toh!

Mukhang papasok ako ng may sira sa mukha ko!
Tinawagan ko naman sila Timrelli pero wala ni isa sa kanila ang sumasagot sa tawag. Ano na naman kaya ang problema ng mga iyon?

"Hey baby bro! Kain na! Nagluto si Mayordoma Ester ng sinigang! Ang sarap oh!" pang-aakit nya sa akin para makakain. Gustuhin ko mang tumanggi ay wala na akong nagawa kundi kumain kasama si Ate.

"Bat ang saya mo ata ate?"

"Wala lang! Hahahahahaha!!"

"Psh baliw" naibulong ko sa sarili. Pagkatapos kumain ay naabutan ko si Kuya Jed na nililinis ang kotse.

"Oh Kuya Jed, nandito na pala kayo"

"Ah oho sir..pasensya na kung hindi ko kayo sinundo noong nasa mall kayo ni Ma'am Jehn, nanganak na po kasi ang misis ko" nangingiting sabi nya. Awtomatiko akong nahawa sa ngiti nya.

"Talaga? That's a good news, next time gusto kong Makita ang baby nyo"nakangiti kong tugon. Kaya pala mukhang masaya ang mga tao dito ay dahil nanganak na pala ang buntis na misis ni Kuya Jed. Ilang buwan na kasing hindi rin nagsstay in si kuya para mabantayan ang misis nito sa ospital.

"Sige po sir Salamat!"

Imbes na mabad mood ako ng umagang iyon ay naging ok naman na ako sa biyaheng iyon. Nahawa siguro ako ng magandang balita ni Kuya Jed, kaya siguro rin masaya si Ate.

"Ah sir, dumaan nga ho pala si Ma'am Jehnica sa bahay ng mga Lacosta—"

"W-What?!"

"O-opo..ang totoo po nyan, ayaw po ni Ma'am Hanabi na ituloy ang kasal, bukod daw po doon sa balak nya pong magmilitary"

"Ah..mabuti kung ganon" tatango-tango kong sagot. Akala ko kung ano ng nangyari. Akala ko sinugod ni Ate itong si Hanabi hayss..

Pagkarating ko ng SMU ay hayun na naman ang mga babae, pero imbes na papurihan ako ng umagang iyon ay napalitan ng pagkaawa para sa akin. Inis akong naglakad takbo sa room.

Ang inaasahan kong pagbati sa akin ng apat kong kaibigan ay hindi ko na narinig. Parang wala lang ako sa harap nila.Matapos ang discussion ay hindi pa rin nila ako kinakausap.

LUNCHBREAK NA

Hindi pa rin nila ako pinapansin. Tch nakakainis! Hindi pwede yung ganito!!

"Don muna ako sa music room guys"paalam ni Shinichi saka tumalikod.

"Ano ba kasing dapat isalin sa ganitong business?" tanong ni Airon kay Timrelli. Si Nath naman ay nilalaro sa daliri ang bola. Umupo ako sa tabi nila pero parang wala lang ako sa paningin nila.

Sa sobrang yamot ko ay tinawagan ko na lang si Alomira.

"Hello?"

"Aoko..pwede ba kitang yayain sa canteen? Kasi ano.."

"Kasi wala kang kasama? O sige sige, papunta na ako dyan!"

"See you"

Yun lang at binaba na nya ang linya. Nagugutom na rin ako. Mamaya ko na sila kakausapin kapag ayos na 'tong bituka ko.

"Hi JD!"nakangiti syang kumakaway sa akin.

"Hello Aoko!"

Nagpasya kaming umupo na. Ako na rin ang nagorder.

"Grabe totoo na ngang nililigawan na si Aoko ni Jehri noh?"

"Oo girl, at ang chismis pa pareho silang hinarap ni Athena kahapon! Nakakatakot sya magalit noh?"

"Para syang hindi babae magalit, mukhang gangster eh"

Inis ko silang binalingan. Ang mga chismosa na naman ng campus, hindi ba sila mawala-wala?

"Hoy"

"J-Jehridale? Bakit?"

"HIndi nyo ba alam na may tainga ako? At naririnig ko ang mga pinaguusapan ninyo?!"

"A-Ah sorry..halika na Sasha!"

"Ikaw kasi!" dinig kong reklamo nung isa.

Tiim bagang akong nag-order ng pagkain. Hindi ko malaman kung ano ang ibibigay ko, kung yung credit ba or cash.

Dinukot ko na lang ang credit card.

"Set B" tipid kong sagot. Saka na ako bumalik sa upuan. Nakangiti naman ang Aoko mylabs ko pagkalapit ko sa kinaroroonan niya.

"Talaga? Hindi ka nila pinansin?" pagbubukas nya ng usapan. Tumango ako.

"Hindi ko sila maintindihan..siguro nagalit din sila don sa ginawa ko kay Athena.."

"Siguro nga..by the way, tinawagan mo ako kaninang umaga right? Sorry ah, kumakain na kasi ako nun eh hahahaha!"

Tch kaya pala.."Ok lang Aoko hahah"

Kakainin ko na sana ang burger ng makita ang nangingibabaw na matangkad na babaeng naglalakad. Si Athena Zoldyck!!

Bigla lumakas ang tibok ng puso ko!!!

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!!!!

"N-No way.."

"Ha? Bakit Dale?"

"Ha? Ah wala yun hahaha" pilit ang ngit kong sagot sa kanya.

"A-Ah Aoko kelan mo na ba ako sasagutin?"baling ko sa kanya na dahilan din ng pagkabigla ko. Ano ba Dale?!

"Ha?"

"A-Ah wala"

"Nagmamadali ka ba? Hahahahahah!"

"Hindi naman, curious lang hehehehe"

"Pfft" rinig kong singhal ni Killua! "gunggong"

Nanlaki ang mga mata kong napatitig sa kanya. Ano na namang ginagawa nya dito?!

"What are you doing here?" pinipilit ni Alomira na itago ang pagkainis sa kanyang pagtatanong pero bigo sya.

Maangas syang nakapamulsa at walang emosyong tumitig sa amin,"Wala naman, ang cute nyo lang tingnan, Persephone at Hades..tsk tsk"

"Ano bang sinasabi mo ha Killua?!"naasar kong tanong.

"Wag mo kong tatawaging Killua, Hades" yun lang at umalis na sya. Grr napakaweirdo nya!

"K-Killua? Ano yun?"

"A-Ah wala yun" pinagpatuloy na naming ang pagkain. Hindi ko na pinansin ang papalayo nyang yabag. Maski ako ay naiilang na sa kanya.

Oo, hindi nga bagay sa kanya. Mas may emosyon si Killua kaysa sa babaeng yon..at isa pa, bata si Killua, sya naman ay kapre..

Natatawa akong sinubo ang pagkain. Masaya naming tinapos ni Aoko iyon.Mabuti na lang at hindi ako gaanong hassle. Bukas na tong college's party namin. Kailangan maayos ko itong gulo ko sa mga kaibigan ko.

Orange's POV

Nasa drama club ako ngayon, eksakto kasing pag-akyat na namin sa taas ay tinawag ako ni Senior Jaide. Gusto sanang sumama ni Thrianne pero kailangan nan yang bumalik sa klase.

"Ok start na tayo guys! Oh si Princess where is she?"

"Rangovine! Dito ka!" nakangiting aniya ni Garla. Nilapitan ko sya.

"Ayan, kinakabahan kasi ako kaya.." nahinto sya sa pagsasalita ng nagbaba sya ng tingin sa sahig. Nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Baki—"

May naramdaman akong naibuhos sa akin na mabaho! Shit!!!!
"Bwahahahahahahhaahhahaha!!!"
"R-Rangie!!"

Napapikit ako sa sobrang kahihiyan. Pinilit kong kumalma.

"P-Princess?! Bakit mo ginawa yun sa kanya!!"

"Dahil engot sya, at isa pa, bobita pa hahhahahah"

"Ikaw.."gigil kong tawag sa kanya. Pinahid ko ang aking palad sa mukha. "masyado ka ng namumuro sa akin ah"

Napahawak sya sa dibdib. Kunwaring takot sa akin, "I'm so scared na..bwahahahahahha!!"
Puno na ng tawanan ang buong stage. Wala pa pala si Senior. Bukod doon, napapailing akong pinunas at pinagpag ang bahagi ng aking katawan. Gusto ko na lang maiyak sa sobrang inis!

"Oh ano?" lapit sa akin ng kasama nya,"siguro naman magtatanda ka na, kasi dito, hindi lahat kaya ninyong patumbahin, hindi lahat kaya ninyong—"

"Rangovine?!" ang boses na iyon!

Tuluyan na akong napabagsak sa sahig. Parang may pumukpok na kung ano sa aking ulo! Sa sobrang pagkahilo ko ay hindi ko na magawang gumalaw pa.








Timrelli's POV

After lunchbreak,bumaba kaming dalawa ni Airon sa canteen. Naririnig ko ang mga tilian ng mga babae sa daanan. Hindi ko sila pinansin, kusang hinahanap ng mga mata ko si Allison.

"Naalala mo yung kahapon?" pinaalala na naman ni Airon.

Inis akong bumaling sa kanya," Alin ba don??"

"Yung si Panda idiot, hindi yung kay iceberg"

"Ahh"

"Hindi ko na naikwento sa inyo kasi nababadtrip ako kay Dale, pero ito, nagkita kasi kami nung umagang yun before ako umattend sa swimming club, mukhang nagrereview sya"

"Oh tapos?"

"Wala lang.." nakangusong sagot ni Airon. Nanunukso man akong tumingin sa kanya ay hindi napawi ang pagkapipi ng isang ito.

"Hmm...wag mong sabihing hindi ka nya pinansin?"

"H-Ha?"

"Hahhahaha! I knew it! Hays, give up na bro! She's not interested to you!"

"I don't care—"

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhh!!!!!" malakas na sigaw ng isang babae malapit sa drama club. Nagkatinginan kami ni Airon at wala sa sariling pinuntahan iyon. Nagkakagulo sa labas kaya nahirapan kaming nakapasok.

"A-Ano bang nangyayari?!"

"I don't know! Ah miss?" baling ko sa isang babae,"ano bang nangyari?"

"H-Hala si Timrelli yun ah! Pinansin nya ang nerd na yan!"

"A-Ah yung freshman po kasi ginulpi po sa loob"
Pareho kaming natigilan ni Airon. Posible kayang?!

"No way.."

"Sana walang gawing masama na naman yang si Iceberg!"

"Mabuti pa puntahan na natin! Tara na!"
Nangahas kaming pinasok ang loob ng drama clob kahit nagkukumpulan sa labas. Laking gulat naming ng si Rangovine ang nakita naming nabuhusan ng kung ano!

"Pucha!" naibulong ko sa sarili. Napapailing akong naghilamos ng mukha. Minasdan kami ng mga taong naroon maliban sa tatlong babaeng may sinasabi sa kanya.

"Rangovine!!" naisigaw ni Airon sa sobrang pagaalala. Saka naman bumagsak sa sahig ang babae. Nilapitan namin sya! Nakita ko ang isang lalaking tumakbong may hawak ng batuta. Sigurado akong sya ang may dahilan kung bakit napabagsak sa sahig ang babaeng iyon! Pero hindi ko sya magawang sundan dahil nag-aalala ako kay Panda!!

"Sinong may kagagawan nito?!" galit na ang kaibigan ko. Seryoso naman akong bumaling sa tatlong babae.

Hindi na maipinta sa mukha nito ang kaba nya,"T-Timrelli.."

"You did this?" may halong pagtitimpi sa loob ko. Naguumpisa ng kumulo ang dugo ko. Ang tatlong babaeng nasa harap ko ay napapahiyang tumingin sa ibaba. Nabigla ako ng biglang sugurin ni Airon ang nasa gitna.

"Bakit nyo ginawa ito kay Rangovine?! Ha!"

"Dude calm yourself" hinagod ko ang likod nya. Baka makasama pa sa kanya ang sobra-sobrang emosyon.

"H-Hindi namin alam ang—"

"Anong nagyayari dito?!" si Senior Jadien. Sya ang dramatic club president. Hindi ako makapaniwalang wala sya nung mangyari ito!

Hindi na sya sinagot ni Airon at marahas na nyang binitawan ang parehong balikat ng babae. Dahan-dahan syang lumapit kay Panda at walang arteng binuhat ang mabaho nitong katawan. Napapailing na lang ako sa sobrang awa para sa kanya.

Nasa clinic na kami para mamonitor ang dinala ditong pasyente. Nakahalukipkip akong napaisip kung sino ang may kagagawan nito. Kilala ko si Jehridale, gumaganti sya sa mismong bibiktimahin at sa mga malapit dito. Pero sana nagkakamali lang ako, dahil kung hindi ay siguradong malaking gulo na naman ito para sa kanila ni Thrianne.

"R-Rangovineeeeeeeeee!!!!!!!!" napabalikwas ako ng marinig ang malakas na sigaw ni Allison. Patakbo silang pinuntahan kami."n-nasaan sya!!"

"She's inside" tipid na sagot ni Airon. Nakakahawa ang kanyang pagkabalisa sa nangyari.Papasok pa sana si Allison pero pinigilan ko sya.

"B-Bakit ba?!"

"Hindi muna allowed ang pumasok sa clinic, yun ang sabi sa amin ng nurse"

Galit na napatingin sa akin si Prince, "May kinalaman ba kayo dito ha?!"

"W-Wala"

"Siguraduhin nyo lang! Dahil pag nalaman ni Thrianne ang ginawa nyo dyan sigurado bugbog sarado na naman yang tropa nyo!"

"Hoy Timrelli,"galit na tawag sa akin ni Allison, "kapag nalaman kong may kinalaman ang kaibigan mo dito, tapos na tayo" yun lang at tuluyan na syang pumasok sa loob. Napaupo ako sa sobrang kahihiyan. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko itong maramdaman..

T_T

Kinamot ko ang buhok ko at para akong wala sa sariling napalingon kay Airon. Seryosong seryoso ang mukha nya.

"I'll go to that devil" rinig kong bulong nya at naglakad na papalayo. Sinundan ko naman sya. Alam ko na kung saan pupunta ang isang ito. Sigurado malaking gulo toh!

Jehridale's POV

Napakamot ako sa ulo ng malamang lowbat itong cellphone ko. Inis akong itinabi iyon sa bag ko. Habang naghihintay sa susunod na professor ng—

"Jehridale!!"

Awtomatiko akong napalingon sa likod. Nagtataka akong tumingin kay Airon na mukhang galit na galit!!

Sinugod nya kaagad ako at kinwelyuhan.

"Sabihin mo! Ikaw ba ang pakana nun ha?!"

P-Pakana? Anong ibig nyang sabihin??

"Tama na yan dude, masasaktan mo sya—"

"Wala akong pakialam Timrelli! Tinatanong kita Jehridale! Ikaw ba ang may gawa nun ha!!"

"Ano bang sinasabi mo?" pinipilit kong maging mahinahon sa harap nya pero parang sinasabayan din ako ng inis. Baka pag hindi ako makapagtimpi ay mabibigwasan ko na ang isang ito!
Nabuntong hininga muna si Tim,"Yung nangyari kay Rangovine pre, yung kanina? Ikaw ba ang nag-utos na..pahiyain sya?"

Mabilis akong umiling,"wala..wala akong..kinalaman doon"

Binitawan na kaagad ni Airon ang kwelyuhan ko at napahawak sa kanyang dibdib. Nag-aalala akong nilapitan sya pero dinuro nya ako.

"Naniniwala ako sa sinasabi mo bro..pero hangga't hindi pa gumigising si Rangie ay huwag ka na muna makipagusap sa akin"pagkasabi niyon ay umalis na sya. Naiwan akong nakanganga. Hindi ko na alam kung ano talagang nangyayari. Tumingin ako kay Tim. Hindi ko magawang makapagsalita sa sobrang gulo na ng takbo sa isip ko.

Ano ba ang nangyari kay Rangovine? At bakit ganon na lang ang galit sa akin ni Airon? First time ko syang makitang magalit ng ganoon sa harap ko. At natitiyak kong hindi iyon maganda.

Dumaan ang mga discussion ay parang hindi ko iyon naiintindihan. Lumalabas lang sa tenga ko iyon. Hindi ako makapagisip ng tama. Maski nga sa pagsosolve ng math ay hindi ko magawang makapagpokus. Napansin kong hindi pa bumabalik si Airon at Shinichi.

Kung hindi naman dahil kay Athena, sa mga kaibigan ko naman. Hayss ang hirap ng ganito..

Nakakainis..kailangan kong ilabas toh mamaya..

Matapos ang discussion at uwian na. Naisipan ko na lang na umakyat muna sa rooftop. Gusto ko sanang tawagan si Aoko pero sabi nya may pinapaasikaso daw sa kanya ang Dad nya. Feeling ko tuloy mukhang hindi magiging maganda ang College's Party namin bukas..

Para akong pagod noong mga oras na iyon kaya ako nahiga sa ilalim ng maliit na bubong na nagtatakip sa sinag ng araw. Tinatanaw ko ang langit.

Ang ganda talaga ng kulay bughaw niyon, walang makakatumbas sa kahit anong artificial na kulay niyon. Mapayapa at tahimik. Tama, ito nga ang kailangan ko.Pinikit ko ang aking mga mata ng maamoy ang aficionado..tch..Athena..

Teka? Bakit si Athena lang ba ang may pabangong katulad nun?

What if?! Nandito sya?

O_o

A-Athena?! N-Nandito din sya?! Nasaan naman ang mokong na yon!!

Nagpalinga linga ako sa paligid. Sa yamot ko ay nilibot ko ang likod ng tinulugan ko. Nanlaki ang mga mata ko ng Makita si Athena!!

"At talagang sa sinag pa ng araw?! Ang tapang talaga"

Napakaputi ng kanyang balat, na lalong nasisilayan ng araw. Bahagya akong natigilan. Saglit ko syang natitigan kahit malayo.

Kahit saang anggulo hindi sya maganda..mukha syang intsik tch..

T-Teka?! Bakit ko pa iniisip yun?! Hindi ba nya alam na kaya ako nagkakaganito ay dahil binabangungot na ako sa kanya!! Badtripppp!

"Psst"

Napatingin ako sa likod at nilibot ko pa ang tingin. Tch wala namang nagtatawag sa akin..

Pagkaharap kong muli sa kinaroroonan ng natutulog ay bigla akong napatalon sa gulat!!

"Anong ginagawa mo dito?" nahihikab nyang tanong, saka pinanliitan ako ng mata.

"A-ah eh..wala, nagpapahinga lang"

Bigla syang natawa. Inis ko syang sinulyapan.

"Bakit na naman?!"

"Wala lang, epektib pala yung bugbog ko sayo kahapon, hindi mo na ako sinusungitan eh"

Tumaas ang isang kilay ko. Maya-maya'y nag-iwas ng tingin.

"Ang yabang yabang mo Rukawa"

"A-Anong tawag mo sakin?"

"Rukawa! Bingi ka!"
Mas lalo nya akong pinagtawanan. Napipikon na ako sa kabaliwan ng babaeng ito.

"Bakit mo ko pinagtatawanan!!"

"Kasi bukod sa pagiging gunggong mo ay nakakaisip ka pa ng mga ipapalayaw mo sa kin"

"Eh ano naman sayo! A-At saka pwede ba! Di porke may ginawa ka sa akin kahapon ay hindi na kita papatulan! Gaganti pa rin ako sayo!"

"Hmm..so ang paraan mo ng pagganti ay si Rangovine ganon?"

Lumalaylay ang balikat ko. Sa totoo lang ay inaasahan ko ng sasabihin nya yun. Maaaring katulad din ni Airon ay galit din sya sa akin. Nanlalamig na ang mga kamay ko. Ngunit ano ang dapat kong ikatakot, wala naman talaga akong kinalaman doon eh.

"Wala akong kinalaman doon..."

"Weh?"

"Oo.."

"Mamatay ka man?"
Nakabusangot na akong nilingunan sya. Bwiset!

"Kung may kinalaman ako doon ay isasama pa kita Rukawa! Wag ka ngang makulit!"

Sa inis ko ay maglalakad na sana ako ng hawakan nya ang kwelyo sa likod ko.

"Sandali,sumama ka muna sakin"

"A-Ano na naman ba!!"

"Pwede bang makinig ka muna?"

Nagpumiglas akong ihawi ang kanyang kamay na nakahawak pa rin dito sa likod ko.

"Tsk, alam ko naman yun..kaya nga ako nandito dahil pinalalamig ko ang ulo ko..naniniwala ako sa sinasabi mo."

"Kahit kaaway pa kita ay naniniwala akong wala kang kinalaman sa nangyari sa kanya..kaya wag ka ng magmukmok diyan at umuwi ka na, ayusin nyo ang problema nyo" tinapik nya ang balikat ko at nakapamulsang naglakad papalapit sa pintuan. Napaisip ako sa sinabi nya.

Tch..para saan pa't naging lider ako ng grupo namin. Hindi ko naman aakalaing aabot sa ganito ang lahat. Parang mabibiyak ang ulo ko ng mga oras pero..

Hindi ko man aminin,nagkaroon ng kaginhawaan ang loob ko ng mga sandaling iyon..

PAHAPYAW!!!!




Thrianne's POV

Kinabukasan ng Sabado, saglit pa kaming nagpractice nila Crayden. Maaga ring pinalabas si Wilson dahil medyo ok naman na sya.Pinuntahan sya ni Shinichi nun kaya sabay silang nakarating kanina dito.

Nagiingay na sya,"Wahayayay!! Ito na yung Sabado na yun guys! Galingan natin ah!!"

"Yes naman!"

"Hahahahahaa!"

"Oh diba, mukhang masaya si Crayden oh, syempre makakakita na naman ng mga chicks hahah!"

"Hindi ah, excited lang ako"

"Taon taon ka namang excited Cray" asik ni Wilson saka bumaling sa akin, "goodluck sayo ah, first performance mo mamayang gabi!"

"O-Oo.."napipilitang sagot ko.

"Wait, ok na ba si Rangie?" sabat ni Shin. Ang mga kasamahan ko ay nanahimik.

"O-Okay naman na, sabi pa nga nya pupunta sya mamaya."

"Talaga?! E si Yashiko?"napangiwi ako sa tanong ni Josh.

"Hindi ko alam"

"Ah guys, get ready mamaya ah! Para hindi mapressure umuwi na muna kayo at mag-ayos. Kailangan total package kayo! Birthday iyon ni Don Mauricio ha?" paalala sa amin ng organizer. Tumango kami bilang tugon.

"O siya!"

Matapos ang practice ay tinawagan ko na si Rin para sunduin ako pag-uwi. Nagpaling-linga ako sa paligid.

"Ah Thrianne?"

"Oh?"

"Sabay tayo"

Napailing ako, "Next time na lang, may pupuntahan pa ako e"

"A-Ah okay" napapahiya syang ngumiti at nagaalangang niyukuan ako. Agad na akong naglakad papauwi.

This is it..

THE COLLEGE'S PARTY..


To be continued ..

Continue Reading

You'll Also Like

106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
376M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
46.8M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...