Chapter [104]
Samantha p-o-v
“I’m sor-----“
“no. wag kang mag sorry *pilit na ngiti* ayos lang naman ako sa sa dinami dami talaga ng kasalanan ko sayo at sa anak natin alam kung hindi mo basta basta makakalimutan yun..” anu ba ang pinagsasabi ni Stephen? Tumalikod lang naman ako ng bahagya yung parang ginagawa ng naubo ba?? Si nide view ko ng kunti yung mukha ko kasi hindi ko mapigilan ang kilig ..parang nakukuryente ako kahit na alam kung ang OA nya …kaya naman agad akong napalingon ulit sa kanya pero nawala yung ngiti sa mga labi ko ng Makita ko ng may isang butil ng luha na pumatak sa mga mata nya… tatayo n asana sya pero , agad agad kung tinaas ang kamay ko at tinignan ko sya ng
***isuot mo na yong aking sing-sing (look)***
Yung mga mata nya , ang saya pagmasdan dahil sa nakikita ko ngayon hindi ko mapaliwanag kung anu ba ang nararamdaman nya pero halata sa kanya na sobrang saya nya..
“ms Samantha sanduval marry me !!!” utos nya ulit sakin.. yong boses nya parang proud na proud talaga syang ipagsigawan na inunutusan talaga nya akong pakasalan sya…
“I’m sorry pero hindi ako tatanggi sa alok moMr. Stephen Montenegro” sabi ko at ngumiti.. at tyaka taas baba ng ulo ko na parang nag sasabi ng YESSSSS !!gets nyo yun? Hehehe hindi kop o alam tawag doon eh sensya na..
“sumagot ka naman Samantha kasi parang napipilitan ka lang pag ganyan na sagot eh..” parang may pagtatampong sagot nya sakin.
“ang arte ha hehehehhe.. OO!!YES!! pakakasalan kita Mr. Montenegro” at pagkasabi ko nun sinuot na nya yung sing-sing sa kamay ko… at tatayo n asana sya ng bigla syang napahinto
“Stephen??? Stephen..anong nangyayari sayo , ha??” natatarantang tanung ko ..panu hawak nya yung tuhod nya na ewan lang..
“ma…masakit yung paa ko Samantha hindi ko magalaw” sagot na na parang namimilipit na nga sya sa sakit…
“hhaaaa????anong gagaw---“ natataranta kong sabi pero hindi ko natuloy dahil sa biglang pagliwanag ng buong paligid at yung mga relatives namin at mga kaibigan at nan dito din pala sa lugar na ito.. at pati sila natataranta din dahil kay Stephen nakita ko na lang lumapit si kuya Ramon sa amin at may mga kasama pa sya.. mga naka attire pa sila
“dali tulungan nyo ako ditto dalhin natin sya sa hospital” utos ni kuya sa kanila at binuhat na nga nila si Stephen.. at sya naman ang natatarantang pag lapit din ni ate Eris sakin.. sabay sabing..
“tsk tsk tsk epic failed !!!!! tara na sundan na natin sila sa hospital baka napano nayun” sabi nya at inalalayan na nya ako sa paglalakad at yung mga bisita naiwan na daw muna sabi ni ate sakin.. at lahat nga daw ng ito ay surprise ni Stephen sa akin..
Wala na!! wala na yung pinapangarap kung Romantic Proprosal ng lalake na hinihintay ng mga babae !!!
Unang-una imbes na i-blindfold yung mata ko na tulad sa napapanuod ko , yung magic shade ang binigay nila.. na ewan ko naman kung kung may ganun ba talaga ditto sa Pinas …
Pangalawa, sabihan ba naman ako ng MARRY ME imbes na “WILL YOU MARRY ME” …
Pangatlo , aba ito ang matindi ha sarili kung sing-sing ang ipropropos sa akin ????
Lahat naman ata ng babaeng tulad ko nangarap magkaron ng romantikong moment na ganito, haaayyy anu bay an ..nangyari na Samantha wala na tayong magagawa pa …
*****
“sorry na Samantha , sorry talaga” paulit-ulit na sabi nya ..aba kanina pa to ha
“………………….”
“kausapin mo naman ako sam”
“………………….”
“ay!!! Nagtatampo lang sakin yan kasi hindi ko sya hinalikan” sabi nya na naglalambing tyaka ngumuso na sya at akmang hahalikan na nya ako ng tinulak ko yung noo nya para malayo yung pagmumukha nya sakin…
“alam mo nakakainis ka talagaaaaa” naiirita ko ng sabi sa kanya..
“hahalikan na lang kita para mawala yang inis mo---arayyy” reklamo nya ng paloin ko na sya
“alam mo ikaw , ang laki ng problema mo sa utak.. sa lahat ng nabasa at napanood ko yung pagpropropose mo ang pinakapangit at pinaka mabantot”
“kilig ka naman” panunukso nya …
“kilig??? Anung nakakakilig don? Ha? Wala…walanag nakakakilig “
“nakakakilig dahil sa dami ng babae sa mundo ikaw lang tong inutusan kung pakasalan ang nag iisang Stephen Montenegro na to” pagmamayabang nya…
“yabanggggggggg”
“at tyaka hindi ko naman kasalanan kung namanhid yung paa ko sa tagal mo ba naman kasing sagotin ako? O sana yung inutos ko sayo sinunod mo sana wala ako dito ngayon” pagtatampong sabi nya ..drama?
“ako pa ang sinisisi mo? Sa dmi ng pagpropropose yang iyo ang kakaiba ..aba sariling sing-sing ng babae ang gagamitin?? My God Stephen tskkk..wwalang ka effort-effort??”
“yan ka na naman Samantha eh.. kung alam mo lang sana yung effort ko sa paghahanap ng sing------“
“hinanap mo yung sing-sing ko?” nagugulohang tanung ko..
“……………….”
“nahanap mo ang sing-sing ko pero bakit hindi mo binalik”
“Bakit ko ibabalik? Nawala mo, ako nakahanap kaya sakin na to..at binigay ko sayo kaya ngayon pag-aari mona yan” anung sagot to???
“pero akin naman talaga to ah”
“pero ako nahanap nung nawala mo”
“tsskkk akin to…kainis ka tlg ..maiwna ka na nga tskk asarrrr…”
“Samantha saan ka naman pupunta”
“sa labas magpapahangin lang ..pwede naman kasing sa bahay ka na lang magpahinga , bakit ayaw mo pang umuwi”
“para masolo muna kita dito” nag-iisip ba to ng isasagot nya sakin? Parang hindi na eh ..kung anu-ano na lang…
“mukha mo ….bibili lang ako ng pagkain namin ng anak ko..”
“anak ko din si Jhaydee”
“sinabi ko bang hindi?may malaking problema ka na talaga sa utak Stephen ssskkk.. sige na at makabalik din ako agad” sabi ko at lumabas na sa kwarto ..ang daming arte sabi ng doctor kunting pahinga lang sya, pwede namang magpahinga sya sa bahay aba ine-enjoy ang pag stay nya dito sa hospitallll???