Too Late, Ellie

By tamestnaive

5.3K 89 0

Ellie Rivera A woman with assurance. Reliance on people isn't her job as she is always sure of every decision... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
AUTHOR'S NOTE
Note for you

EPILOGUE

170 2 0
By tamestnaive

Epilogue

"Hindi ka naman mahilig sa histories, pero bakit history repeats itself na naman ang peg mo?"

Mula kagabi hanggang ngayon pa ako pinapangaralanan ni Kesha tungkol kay Kendrick. Magmula nung pag-uusap namin ni Fia sa birthday niya, hindi na ako masyadong nagiimik dahil sa mga naiisip ko. Ang daming bumabagabag sa 'kin na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malaman kung paano mahahanap ang mga kasagutan gayong nalilito pa rin ako.

Gusto ko si Kendrick pero ayoko rin namang maging ganito nalang palagi. Naranasan ko na 'to kay Nate dati at ayoko kong pati kay Kendrick ay mangyayari ulit ang naramdaman ko noon. Minsan, kahit gaano pa kasakit o kahirap ang desisyon mo, sa huli ay naniniwala akong maganda ang kalalabasan nito.

"Bess, hindi ka naman dapat umakto ng ganyan kasi wala namang kayo para masaktan ka nang todo." Dagdag pa nito na lalong nagpabukas sa isip kong nakasarado na ayaw buksan dahil nais manatili ang nilalaman at nararamdaman.

Tiningnan ko siya at napabuntong hininga. "Oo na, titigilan ko na ang kahibangan kong ito sa kanya. Titigilan ko na ang umasa na magkikita pa kami ulit at pagbabakasakaling may pag asa pa. Ayoko nang masaktan pa. Nakakapagod."

Hindi na ako aasa na magkakagusto siya sa 'kin. Ni hindi pa nga kami nagkikita mula nung huli kaming magkasama. Sawang sawa na rin akong makarinig ng mga salitang nagpapagising sa natutulog kong diwa pagdating kay Kendrick, dahil magmula nung umalis siya ay walang tigil kong hindi nababanggit ang pangalan niya at pilit pinagpipilitan na iba ang mga kilos at salita niya kapag ako ang kausap.

"Weh? Marupok ka kaya, hula ko babalik din iyan paglipas ng ilang araw." Ginulo niya pa ang mood. Tiningnan ko siya nang masama dahil do'n.

Pinigilan niya pa ang tawa niya. "Bess, don't get me wrong. Ayoko lang ulit masaktan ka. Nangyari na kay Nate dati at ayokong maulit na naman 'to kay Kendrick. Pero kung gusto m---"

Bago pa man niya ipagpatuloy ang sasabihin ay pinutol ko na ito para sagutin siya at nang malinawan sa mga nararamdaman ko.

"Tama ka. Hindi dapat ako nagkakaganito kasi wala naman akong malalim na koneksyon sa kanya para magkaganito ako. Sadyang ako lang talaga ang nagpipilit sa sarili na iba...ang pinapakita niya sa 'kin."

I should just really stop. For real. Kasi at the end of the day, ako pa rin naman ang talo. Ako pa rin ang masasaktan sa huli dahil pilit kong pinaniwalaan na sana....sana kahit konti lang may puwang pa rin ako sa puso niya, at sana hindi niya makalimutan ang mga alaala namin noon.

Napailing siya habang nakapameywang sa harapan ko. "Hindi ko aakalain na ganyan ka. Look at you! Dalawang lalaki palang ang dumaan sa buhay mo pero hirap ka nang kalimutan kahit walang malalim na pagsasamahang dapat alalahanin. Iyong tipong crush lang pero ang lalim ng sugat na iniiwan sa'yo. Iniiyakan mo pa sila kahit wala silang pakialam sa nararamdaman mo."

I sighed. Oo na. Sa dalawang lalaki lang ako nahulog pero hindi ko alam kung bakit hindi ko pa rin nakakamtan ang gusto ko. Ni isa sa kanila hindi ko naramdaman ang pagiging masaya na lagi kong naririnig kapag nagkakagusto ang babae sa lalaki, dahil iba ang nararamdaman ko kapag mas lalong lumalalim at tumatagal ang nararamdaman ko.

Siguro minsan nararamdaman ko ang saya pero sa maikling panahon lang at mas matagal pa rin ang kirot na binibigay.

"Naisip ko lang. Kaya siguro biglang nagbago si Kendrick sa pakikitungo niya, dahil may isang bagay ang pumipigil sa kanya na gawin iyon. Marahil alam niyang wala kang gusto sa kanya, naiinis ka sa asaran, o 'di kaya, may mas malalim pang rason. Kasi 'di ba, nakakapanibago. Nakakabigla." Napakunot noo ako dahil sa sinabi nito.

Kinabukasan, nagscroll lang ako sa phone ko dahil vacant naman namin. Umalis si Missy habang naiwan lang ako sa upuan namin. Nakakatamad kasing tumayo at makipagkwentuhan sa kanila, mas okay na iyon ganito kahit sandali lang nakakapagrelax ako malayo sa mga lessons at activities.

"Hi, Ellie. Patabi ahh." Biglang may umupo sa tabi ko pero hindi na ako nagulat nang makitang si Greg iyon.

We really had a strong friendship since my second year started at hanggang ngayon ay malapit pa rin kami. Magmula nung naging close kami saka ko napagtanto kung gaano siya kaingay, kadaldal, at kaclingy kapag naging close mo na siya.

Kinuha niya sa tenga ko ang isang earphone at sinuksok sa tenga niya kaya nilapag ko nalang ang phone sa mesa at tahimik kaming nakikinig ng mga kanta.

"Pahiram ng phone mo ahhh." Mabilis ang pangyayari kaya nakuha niya agad ang phone ko.

Hindi ko na nakuha kasi nakakahiya. Nagdalawang isip naman ako nang magsimula siyang kumalikot dito. Kinakabahan ako baka may malaman siyang hindi dapat kaya nakatutok din ako sa ginagawa niya pero nang hindi na ako mapakali ay agad ko nang kinuha sa kamay niya ito.

"Teka lang, iibahin ko ang kanta." Pakunwari ko para maagaw ang phone. Tahimik ulit kaming dalawa na nakikinig kaya nawala ang kaba ko.

"May gusto ka kay Jeremy 'no?"

Nanigas ako sa kinauupuan nang bigla niyang tinanong iyon. Maikling ngiti ngunit ramdam ko ang pang-aasar sa likod no'n.

Takang tiningnan ko siya. "Bakit mo naman natanong?" Kahit kinakabahan ay sinubukan ko pa ring hindi mautal. Luh, baka isipin niya inistalk ko kaibigan niya.

"Nakita ko kasi sa fb search mo iyong pangalan niya."

I parted my lips with his sudden statement. Hindi ko alam ang sasabihin balak ko pa namang magsinungaling nalang pero hindi na ata uubra. Walanjo, ako pa mapapahamak dito e.

"May sasabihin ako sayo." Niyaya ko siyang lumabas at maglakad lakad para kahit papano ay may privacy kaming dalawa.

Flashback
"Malapit na ang arts celebration siguradong may mga banda na naman ang tutugtog. Makikita ko na naman siya."

Takang tiningnan ko siya nang biglang kiligin pagkasabi nito tungkol sa mga banda. Sabi ko na nga ba may something e. May idea na ako kung sino ang tinutukoy niya pero iba pa rin ang pinaniniwalaan ko kasi hindi ko inexpect na magkakagusto siya sa taong iyon talaga.

"Sino namang tinitingnan mo roon? Si Jeremy 'no?" Direstsahang tanong ko rito.

Hindi niya ako sinagot, ngumiti lang ng pagkalawak at umiiling pa. Dati ko pa siyang inaasar kay Jeremy magmula nung maikwento niya na magkaklase raw sila nung elementary, luh na fall ata.

"Sino na nga?" I asked again. Naiirita sa pagiging pabebe rin nito.

Ay shocks, mas kinilig pa. May patago tago pa siya sa mukha nito. Maya maya lang tumango na siya at nakompirma ko na kung sino nga kahit hindi niya sabihin.

"Si Jeremy pero don't get me wrong ahhhh. Crush ko lang siya kasi ang cool niyang tingnan lalo na pag nagigitara."

I shook my head, still laughing. "Nagdedeny ka pa, aamin din pala."

She gestured me to keep quiet when we saw the Jeremy's blockmates coming to move for their next class. Nasa canteen pa rin kami ni Kesha at mamaya pa ang klase kaya dito muna kami tumambay pero hindi namin inexpect na dadaan pala sila.

"Kung alam ko lang, masaya ka ring makita si Nathan. Ay 'di na nga pala si Nate, masyadong malayo kasi si Kendrick e."

Napangiwi ako dahil sa pang-aasar niya kaya gumuhit ang malapad na ngiti sa mukha nito nang makita ang reaksyon ko.

"Joke lang. Akin na nga 'yang phone mo, i-stalk ko nalang crush ko nang hindi pangalan ni Kendrick ang laging nangunguna."
End

Talagang pinaliwanag ko nang maayos sa kanya lahat para hindi ako ma-issue, pero syempre hindi ko sinali si Kesha. Ako pa tatamaan no'n kapag nalaman ng iba ang sekreto niya.

"May iba akong gusto at hindi si Jeremy." Pag-amin ko nang marahan.

He looked at me with his usual blank expression, so I continued talking. Magsasalita na sana ako pero niyaya niya akong maglakad lakad kaya nililibot na namin ang buong campus.

Huminga ako nang malalim. "S-si ano talaga....si Kendrick."

Shit, tama ba itong ginawa ko. Oo, malaki ang tiwala ko sa kanya, sana siya rin sa akin. Wala akong magagawa, ayoko namang maissue kay Jeremy lalo pa't kaibigan niya ito. Tahimik lang si Greg at lahat talaga ng sinasabi sa kanya ng mga tao ay tinatago niya nang hindi kumalat, but you can't deny the fact that they're friends.

Baka mamaya e madulas siya o ano kaya aaminin ko nalang ang totoo. Tsaka, close na kami para magbahagi ng mga sekreto ng isa't isa. Mayroon nga rin akong tinatagong sekreto niya e.

"Oh talaga? Didn't expect to hear that." He chuckled, he looked shocked but eventually just laughed.

Grabeng reaksyon naman iyon. Walang kabuhay buhay, sa sayawan lang 'to uubra e. I smile. "Maging ako nga ay hindi rin iyon inasahan e."

Naglalakad kami malapit sa canteen kung saan maraming tao kaya nahihiya rin ako lalo pa't nandon ang mga kaibigan niya galing ng dance club. There were girls and boys who kept on looking at us, and even calls Greg pero hindi niya lang pinapansin.

"Pero okay rin naman si Kendrick. Mabait, funny, gentleman, tsaka friendly. Hindi mahirap makipagkaibigan sa kanya." Napangiti ako sa magandang salita nito.

" 'Di ba? Mabait naman talaga siya dati pa. Hayss, wala nga kaming communications e kahit sa gc natin wala. Kayo ba nag-uusap pa?" Tanong ko nang walang alinlangan.

Nanliit ang mata niya saglit at mabilis kinuha ang phone saka may kinalikot. Hindi ko inasahan na ganito kabilis ang gagawin niya. Binigay niya sa 'kin ang phone kung saan pinakita niya ang convo nila. Nagdalawang isip pa ako kung kukunin ko pero pilit niyang nilapag sa kamay ko ang phone kung kaya't masaya ko itong binasa.

"Nag-uusap naman kami dati pa kapag usapang homeworks na pero natigil. Tapos nung summer, nagulat ako dahil siya ang unang nag chat sa 'kin." Daldal nito habang nagbabasa ako. Grabe, hindi ko inasahan na ganito pala siya kabilis.

Ayon sa chat, napag-usapan nila kung saan na siya nag-aaral tsaka kung kailan ang muling pasukan nila. Napag-usapan pa nila ang tungkol sa mga editings na ngayon ko lang nalaman ay nagkakainteres na siya sa mga gano'n kaya nagchi-chika sila ni Greg tungkol do'n.

"Hindi naman ako informed na nagkakainteres na rin pala siya sa editing." Shocks, sabi ko na nga ba may something.

"Yeah, didn't expect it too but I guess he could still make it. Nagsisimula palang naman siya." Sagot nito.

Ngayon ko lang napagtanto, kaya pala nung isang araw na nag stalk ako, may pinost siyang video. Sariling edit niya ata iyon tapos sumunod na, mga tag videos sabi edited by him daw. Akala ko hindi totoo kaya hindi ko muna pinaniwalaan, now I know. Kaya naman pala gano'n dahil nahihilig na siya sa mga editings.

"Pero, don't get me wrong, Greg ahhh. Siguro dati gustong gusto ko pa siya pero ngayon....alam mo iyon iyong unti unti nang nawawala." Pagpapaliwanag ko agad para iwas issue.

"Don't worry. Your secrets are safe with me tsaka ayoko rin namang manghimasok sa inyo 'no, baka mamaya mailang ka niyan." His soothing smile and words calmed me down.

It feels good when I was able to let out my true feelings without hesitation to my friend. I feel like having a trustworthy friend again in just a period of time, and very thankful for his consideration towards our friendship, specially to my secrets. Tama nga ako sa pagtiwala sa kanya.

"Actually si Kesha, sina Fia at ikaw lang ang nakakaalam sa aking pinakatagong sikreto. Ayoko nang dumami pa kasi mahirap na, mas kinakabahan ako." Pag-amin ko sa kanya.

He chuckled and tapped my shoulder. "It's fine. Kendrick and I were not that really close to talk about small things and personal matters." Haays salamat. Napasumbong pa tuloy ako nito nang wala sa oras dahil kay Kesha. Pero okay lang, trusted naman siya.

Pagkatapos naming mag-usap at mag-ikot ay bumalik na kami sa room at nagkanya kanya na nang ginagawa. I'm just quiet the whole time in my chair and have been thinking about what I heard from my tita last time.

Flashback
"Ma, hindi ka ba magpapatingin ng salamin mo? Sabi ni antie pupunta raw iyong staffs ng optical clinic. Ayaw mo no'n, less hassle."

I jokingly told my mom about what I heard from my tita. It's just a simple words but my heart is beating fast from excitement, happiness, and joy, even when I'm not sure if I could see him, but just by hearing that nickname makes my heart always flutter.

"Hay naku, Ellie. Sana nga makapunta sila baka kasi masyado silang nalalayuan sa lugar natin kaya baka hindi matuloy, pero maraming umaasa."

Nawala ang sayang nararamamdan ko nang marinig ko ang sinabi ni antie. Ibig sabihin, hindi pa pala ako dapat umasa nang malala kasi wala ding kasiguraduhan. Hayss umasa pa naman ako. Gano'n pa rin naman pala.
End

"Take out ka na lang ng pagkain." Tinamad na si mama na bumaba pa ng sasakyan kaya pinagtake out niya nalang ako.

Sabado at walang pasok kaya nag grocery kami dahil paubos na iyong stock sa bahay. Pagkatapos ng mahabang pamimili ay nagdesisyon kami kumain muna for lunch. Ako ang umorder at nakapila pa rin ako rito sa fastfood.

While waiting at the line, I am just checking my phone for some messages pero hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay may bumubulong galing sa likuran ko na para bang tinatawag ang pangalan ko.

Sobrang curious ko kasi rinig ko talaga na parang binibigkas niya ang first two letters ng pangalan ko. Paglingon ko may nakita akong lalaking nakamask kung saan halos matakpan na ang mukha nito pero nagkatitigan kami.

Agad kong binalik ang pansin ko sa harapan nang hindi siya pinapansin. Ang weird lang kasi napakapamilyar talaga ng mga matang iyon. Naawkward ako dahil nasa likuran ko lang siya kaya agad kong binilisan ang pag-order. Pagkatapos makuha ay dali dali akong lumabas nang maabutan ko si mama na may kausap sa phone.

Pasimple kong nilingon ulit ang likuran ko. Papalabas na siya kasama ang isang babae, and the moment that he stepped out from that door, that's when I realized that I knew that boy. It was Vincent, Kendrick's friend, at siya iyong medyo malapit sa akin dati.

Luh, ang sama ko bang hindi ko siya pinansin. Hindi ko naman sinasadya talaga, malay ko bang siya iyon. Sheda, baka maikwento niya 'to sa mga kaklase namin o baka kay Kendrick. Gosh, siguradong mapapahiya ako sa kanya baka maturn off siya----teka nga.

Bakit ko ba iniisip ulit si Kendrick, e ano namang paki niya sa 'kin. At si Vince, ano namang paki niya sa 'kin e hindi ko nga napansin tapos ang feeling ko naman kung pag-uusapan nila ako.

"May narinig ba kayo dati na nagpunta raw ang Garcia optical dito sa 'tin?"

Gusto ko lang magtanong baka hindi totoo iyong sinabi ni antie no'n e. Gusto ko lang malaman kung nagpunta sila rito noon o kung totoo ba iyong nalaman ko.

"Wala naman ata. Hindi namin alam e." Nakita ko ang kalituhan sa mga mukha nila.

Wala nga naman atang alam ang mga kaibigan ko rito dahil hindi din naman lahat sa kanila pamilyar sa clinic na iyon. Siguro hindi na nga ata sila pa babalik dito kaya hindi na dapat ako maghintay pa sa kanya. Maybe I should just forget him.....as in totoong totoo na.

Ilang taon na rin naman akong umaasa na sana makita siya pero hanggang ngayon wala pa rin, kaya siguro nga dapat itigil ko na ang paghihintay at umasang magkikita kami.

Umupo si Greg sa tabi ko para ipakita ang sinasabi niya. "Ellie, tingnan mo 'to."

Nasa canteen lang kami ngayon kasi walang pasok dahil may mga meetings daw ang mga profs. Nanonood lang ako ng mga estudyanteng naglalaro sa field habang ang mga kaibigan ko ay nagkwekwentuhan at maingay ang buong canteen ngayon.

Napakunot noo ako. "Kailan 'to?"

Convo lang nila ni Ken dahil hindi ko natapos nung last time na tiningnan ko. "Nung summer pa 'yan."

He was actually telling him about how and when his class would start. Small convo but atleast had a small talk with him. Dahil kay Greg, naalala ko na naman si Kendrick. You could really tell that he's still the same Ken I've known before. The way he talks, crack jokes, and communicate a person.

"Alam mo, naisip ko lang. Lahat ng kaklase natin ay inaasar ka kay Kendrick pero kita ko ang nararamdaman mo sa tuwing may gano'n, alam kong hindi mo nagugustuhan." Ngumiti ako nang maikli sa kanya. Nahihiya akong pag-usapan ang nakaraan.

"Ngunit kung gano'n man, dapat tinigil na agad ni Kendrick. Pero hindi e, nagpatuloy pa rin siya kahit wala siyang nakukuhang sukli mula sa'yo." Unti unting nawala ang ngiti ko at napalitan ng pagkaseryoso habang nakatingin sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" Ano bang pinapalabas niya. Napakaseryoso niya naman, kunwari hindi ako sanay.

"Sa storya niyo, baka talagang nagka gusto siya sa'yo pero napagod lang. Ellie, lalaki rin ako. Kapag gusto ko iyong tao, syempre makakarandam ako ng selos sa taong malapit sa kanya." Grabe, napaka-diresto niya. Lahat nalang ata ng nakaka-usap ko ganito ka sigurado sa mga sinasabi e.

"Ang kinalabasan kasi, naging bias ka tingnan. Bakit ang dali para sa'yo na kausapin si Marius na parang wala lang, pero mahirap kay Kendrick na kung tutuusin ay mas naging malapit sa'yo kaysa kay Marius." Teka, hindi ko gets. Masama ba iyong ginawa ko? Ano naman kung iba ako makitungo. Gano'n naman ako e, hindi lang sa kanya.

"Alam mo kung bakit ko dinamay si Marius dito? Kasi para kayong love triangle. Hindi titigil ang isa kung wala kang pinakitang rason para tumigil siya. Kahit na may dumating, kung pantay ang pakikitungo mo, hindi mag-iisip ng kung ano si Kendrick para itigil ang ginagawa niya."

Hala, ano ba 'to. Napakalalim naman ng pinag-uusapan namin. Hindi ko inasahang makakaranas din ako nang ganito ka seryosong pag-uusap mula kay Greg. Ang dami ng sinabi niya, hindi halatang tahimik lang. Hindi pa man napoproseso ang sinasabi niya ay dadagdagan niya agad kaya mas lalo akong naguguluhan.

Flashback
"Naisip ko lang. Kaya siguro biglang nagbago si Kendrick sa pakikitungo niya, dahil may isang bagay ang pumipigil sa kanya na gawin iyon. Marahil alam niyang wala kang gusto sa kanya, naiinis ka sa asaran, o 'di kaya, may mas malalim pang rason. Kasi 'di ba, nakakapanibago. Nakakabigla."
End

Shit, ito ba iyong sinasabi ni Kesha. May kinalaman ba si Marius kaya gano'n. Wala namang kasiguraduhan pero sa tingin ko naman ay malabo. Ewan ko ba, nagkagulo na lahat. Mas nalilito na ako.

"Marahil napagod siya. Kasi hindi mo sinusuklian ang magandang pakikitungo niya sa'yo. Kasalungat kay Marius o kahit na sinong lalaki pa, alam mo iyon. Nakakapagod talaga kapag gano'n." That face, voice, eyes, and tone, is so serious. It's giving me chills.

How can I even forget him when everything that I talk to literally had a connection with him, and slowly, they're helping me to wake up my sleeping mind and closed heart.

"Crush only lasts for four months and if not, I think it isn't considered as crush. Hindi ka masasaktan sa pa crush crush lang, depende nalang kung pipiliin mong saktan ang sarili mo sa ganoong bagay."

Ilang araw na ang lumipas, akala ko malaya na ako. Akala ko maayos na ang lahat, ngunit sa bawat araw na hinahayaan kong balikan ang kwento naming dalawa, mas lalo akong nahihirapan. Lahat ng nakapaligid sa akin, may koneksyon sa aming dalawa.

"Pero ang pagmamahal kahit hindi mo ipilit, kahit hindi mo isipin, masasaktan at masasaktan ka pa rin kasi malalim na ang nararamdaman mo sa tao kaya sa nasasaktan ka na kahit wala namang dapat ikasakit."

Tulala ako sa kawalan habang nagsasalita si Kesha. Kagaya ng dati, kinwento ko rin sa kanya ang pag-uusap namin ni Greg. Pakiramdam ko kailangan niyang malaman ang tungkol do'n, kaya ito ang kahihinatnan ko sa kanya.

Flashback
"Hi, Ellie." Bati niya nang dumaan sa harapan ko. Hindi ako umimik ngunit umalingawngaw ang boses nito sa buong room.

"Hoy, Kendrick. Aminin mo na kasing may gusto ka lang kay Ellie kaya ka nagpapansin." Biglang asar ng kaklase.

"Ellie, ako na ang aamin sa'yo. May gusto talaga si Kendrick sa'yo, nahihiya lang."

Ngayon ko lang naramdaman ang kakaibang kaba sa puso ko nang sinabi nila iyon sa 'kin. Hindi rin ako makatingin sa kanila dahil nararamdaman ko ang malagkit na titig ni Kendrick. Ngayon lang ata siya nagkaganito, dati naman umiiwas siya ahhh.
End

Gusto ko na ba siya dati pero hindi ko lang pinapansin? Sa pagkakataong iyon, napagtanto ko na bang may gusto ako sa kanya ngunit sinawalang bahala ko lang dahil kay Nathan? Saka ko lang napagtanto, iba pala ang naramdaman ko dati.

"Ang pagkagusto sa isang tao ay natural na nararamdaman ng isa pang taong katulad mo. Nung una, masaya kasi may inspirasyon ka at tila ba nagdudulot ito ng labis na kasiyahan kapag nakikita mo ang taong iyon." Napatingin ako sa kanya nang walang ekspresyon.

"Ngunit habang tumatagal, mararamdaman mo ang bagay na hindi mo aakalaing mangyayari sa'yo. Ito ay ang masaktan, at kapag ika'y nasaktan na ngunit patuloy pa ring umaasa sa kanya....siguro nga masyado kang matapang para paulit ulit na maging manhid at umasa pa rin sa taong iyon."

Pinilit kong hindi magsalita. Tinago ko at kinimkim ang lahat ng nararamdaman sa mga oras na ito. Hahayaan kong magsalita si Kesha, at pakinggan lahat ng mga sinasabi ng utak at puso niya.

"Pero Ellie, dapat mong tandaan na ang paulit ulit na pangyayari. Ang pagiging manhid sa nararamdaman, at ang pagiging martyr sa sarili ay hindi na magandang tingnan lalo na sa katulad mong nag-uumpisa pa lamang alamin ang mundo ng pag-ibig."

Tulala ngunit ramdam ko ang namumuong luha sa mga mata ko hanggang sa unti unti itong nagbagsakan sa mga mata ko. Nakayuko ako para kahit alam niyang umiiyak ako, hindi niya makikita kung gaano kasakit ang nararamdaman ko. Humihikbi ako dahil hindi ko kayang pigilan ang iyak ko.

"Ellie, gumising ka na. Ilang taon pa ba ang kaya mong tiisin para kay Kendrick? Ilang luha pa ba ang dapat pumatak sa mga mata mo para lang matauhan na hindi kayo ang para sa isa't isa. At ilang beses pa ba dapat madurog ang puso mo para lang magising ka sa katotohanang hindi ikaw ang babaeng gusto niya."

Pinunasan ko ang nga luhang tumutulo ngunit patuloy pa rin itong nagbagsakan nang walang tigil. Hindi na maawat ang puso ko kakaiyak dahil kay Kesha. Alam ko namang wala na kaming pag-asa pero ayoko lang siyang tanggalin basta basta sa isipan ko dahil naging parte din naman siya ng buhay ko.

"H-hindi nga ata talaga kami para sa isa't isa. Ayoko na ring umasa, Kesh. Mula ngayon, titigilan ko na siya. Hindi na ako aasa pa sa kanya. Palalayain ko na siya sa puso ko. Hindi na ako naghihintay pa."

Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Kesha. Kapag gano'n, ramdam kong hindi siya naniniwala at nagdududa pa rin sa mga sinasabi ko. Syempre, ilang beses na akong nangako na titigilan ko na siya, pero heto, bumabalik balik pa rin.

"Ellie, alam ko kung gaano ka magmahal sa isang tao. Sa dalawang lalaking nagustuhan mo, alam ko kung gaano ka nasaktan, umiyak, at umasa. Alam ko kung ilang taon pa ang kayang mong tiisin para sa taong gusto mo pero...."

Nang tumingin siya sa mga mata kong walang humpay na bumubuhos ang luha, isang ngiting maikli ang nagpatatag nito sa akin.

"Ellie, 'wag mo namang parusahan ang sarili mo. Matuto ka ring bumitaw sa mga bagay na kahit kailan ay hindi mo na mahahawakan pa. Can you please for once, think of yourself first. Pakawalan mo na ang nararamdaman mo kasi hindi titigil ang puso mo kung pilit mong kinukulong ang isang taong lumaya na."

Sinimulan niyang hagurin ang likod ko bilang pagpapatahan. Wala na e, tuluyan ko nang hindi napigilan ang mga luha ko kaya talagang sinagad ko na ang pag-iyak. Mas lalo akong naiinis sa sarili ko. Bakit pagdating sa pag-ibig, napakahina ko. Ang bagal kong kumilos.

Sigurado naman ako sa mga desisyon ko ahhh, pero bakit pagdating sa lalaki, napakabagal ko. Gano'n ba talaga ang pagmamahal. Hindi minamadali, pero kung gano'n nga, required din bang mahuli, o sadyang mabagal lang talaga ako at sarado ang puso's isipan sa taong nasa harapan ko.

"Lalaki lang iyan, marami pang darating at sa pagdating ng bagong pag-ibig, alam kong hindi ka na hahayaang pakawalan pa ng taong iyon."

Ilang araw na ang lumipas at masaya ako dahil walang pasok kaya nakatambay ako sa veranda namin ngayon. Maganda ang sikat ng araw at maaliwalas ang paligid kaya nagkaroon ako ng pagkakataong magnilay nilay sa mga nangyari.

Ang gandang pagmasdan ng nasa ibaba ko. Maaliwalas ang paligid kasi umaga pa lamang. Maraming tao kaya masigla ang paligid. Ang sarap mag relax kapag ganito ang senaryo na nadadatnan mo. Mas nakakapagisip ka at nakakalma ang buong katawan mo. Sana ganito lagi, walang problema.

"Ellie, call your cousin. His mom wants to talk to him." Haaays, ganda na ng pwesto ko rito e.

Tamad akong tumayo para tawagin ang bata kong pinsan na naglalaro sa labas. Nakamask ako kasi naglilinis ng bahay rito kaya kailangang takpan ang mga bibig. Nakita ko ang pinsan kong masayang nsglalaro kasama ang nga kaibigan kung kaya't hinintay ko munang dumaan ang mga sasakyan bago ako tumawid.

"Ellie, nandiyan ba si tita lola mo?!" Napalingon ako sa harapan ko nang biglang may tumawag sa 'kin kaya tinanggal ko ang mask para sumagot.

"Natutulog pa po siya!" Ngiti ko sa dumaang nasa kabilang parte ng kalye.

Bago ko pa man malingon ang pinsan ko ay nabaling ang tingin ko sa kakadaang motor sa tabi ko. It feels like a slowmo moment when his eyes were fixed to mine. Parang bumagal ang takbo ng paligid at kahit nakatakip ang mukha, wala akong ibang nakikita kundi ang mga mata niya.

Natulala ako saglit ngunit nang tuluyan siyang mawala sa mga paningin ko, saka naman pumintig ang puso ko. Hinabol ko ng tingin ang motor na mabilis nawala sa harapan ko. Hinahanap iyon ng nga mata ko ngunit wala na.

"Ate, nandito na si Timmy. Pumasok ka na rin daw." Natauhan ako at bumalik sa ulirat.

Kahit hindi ko masyadong nakita ang buong mukha nito, hindi ko alam ngunit sobrang lakas ng kabog ng puso ko na para bang gustong malaman ang katotohanan na ang taong hinahanap ko noon at gustong makita ay nandito na nga ba.

My hands are a bit shaky and can't even focused at what I'm walking. Nangangati ang mga paa ko na lumabas ulit at hanapin iyon.

"Ellie, buksan mo nga ang screen ng bintana para lumabas ang mga alikabok."

I was stuck in front of the windows, seeking for that person. Hoping and waiting for him to pass by again. I wasn't sure if it's him. All I know, is that I'm sure my feelings for him was vanished, yet, I find myself, hoping, waiting for someone I'm not even sure.

"Ma, labas lang ako saglit." Hindi ako mapakali.

I have this urge in my heart to find way and do something, before it's too late again. I hurriedly fixed myself as I looked at the mirror. When ready, I took a deep breath on where I'm standing before totally leaving the place.

Nang nasa labas na ako at naglalakad, mas lalong lumalakas ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit ako napapangiti. Kaliwa't kanan ko hinanap iyon habang walang tigil sa paglalakad. Ngunit bakit wala? Tama ba itong ginagawa ko? Sigurado ba ako sa nakita ko? Baka naman naghahallucinate lang ako kasi grabe iyong tama ko sa kanya.

Sa ilang oras kong paglilibot, unti unting nawawala ang pag-asa ko. Nawawaklit na rin sa labi ko ang mga ngiting hindi ko napigilan kanina. Tumigil ako sa kalagitnaan ng kalye at tiningnan ang mga paa ko at natawa nalang nang mapait.

"Anong ginagawa mo, Ellie? Hahabulin mo ang taong hindi mo manlang sigurado kung siya ba talaga iyon?" Bulong ko sa sarili nang mapangiti nang maikli habang nakayuko.

Inangat ko ang ulo at isang huling ikot pa ng mga mata sa paligid para maghanap. Walang pinagbago, mag-isa pa rin akong nakatayo na parang tanga sa gitna ng kalye. Wala siya, Ellie. Bumalik na tayo. Tulala akong naglakad nang dahan dahan pauwi ng bahay. Wala na akong balak pang libutin ang mga mata ko sa paligid. Umuwi ako nang may mabigat na damdamin.

"Ellie, kanina ko pa inutos sa'yo ang bintana. Saan ka ba nagpunta?"

Hindi ako sumagot at tumango nalang. I opened the screen of windows....and just this very moment, it was unexpected seeing him again for the last time. But this time, he never looked at me the way he stared at me a while ago. I could really tell that it's him because my heart only beats faster whenever I see him, hear his name, and looks into those eyes.

Hinabol ulit siya ng mga mata kong papalayo sa akin. Titig na titig ako sa motor na iyon. Dalawang tao ngunit alam kong siya ang nasa unahan at nagmamaneho. Bakit ngayon ka pa nagpakita kung kailan napagod na ako at hindi na kita hinanahap? At bakit kung kailan nakita kita, siya namang mabilis mong mawala sa mga mata ko?

Wala na tayong pagkakataon na magkita bago tuluyang alisin ka sa puso ko. It's really time to say goodbye of my feelings for you. Kasi kahit anong gawin ko, kahit anong gawin natin, sadyang tadhana na ang kusang lumalayo sa atin. Malayo kung saan ka talaga nararapat at kung saan talaga ako dapat nakapwesto.

Destiny is always and will always be playful when it comes to us. Just like this day, one fine day when everything seems to be perfect with me, when everything is about to be good, and when everything is slowly changing for the better. Here I am, didn't expect to see you again, but this time, like the usual thing, I've always seen you walking away from me and leaving me while I silently enduring the pain.

Lalaki lang iyan, marami pang darating at sa pagdating ng bagong pag-ibig, alam kong hindi ka na hahayaang pakawalan ng taong iyon.

Just like what my best friend said, you're just a boy. And I'm just a girl who had this late realization of my feelings towards you.

For a long time, I was lost. You opened my eyes, but I only saw you leaving, Kendrick.

It's too late, Ellie.....

Continue Reading

You'll Also Like

MIRACLE By Ara

Teen Fiction

324K 11.8K 45
"My mother named me Miracle, but I am anything but a miracle in her and our family's life. I am a mistake. I am a product of a heinous crime." Miracl...
4.4M 95.6K 62
•[COMPLETED]• Book-1 of Costello series. Valentina is a free spirited bubbly girl who can sometimes be very annoyingly kind and sometimes just.. anno...
186K 4.1K 27
Your bestfriend Yoonbum is missing, you go out your way to go find him. Good news, you found him, but... - TW: Rape/Abuse - Bruh so I accidentally m...
10.8K 150 10
hi my names alyssa marie,and I have a sister named Christina,she's popular,and I'm not,I have always been bullied by the same person by the name of z...