Casia Sicarius (Life's Love A...

By drewrite

544 319 6

Christine was just a normal girl filled with curiosity with everything. Ever since she went to this weird and... More

SYNOPSIS
HUANGZU HIGH
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE

CHAPTER TEN

12 11 0
By drewrite

Christine
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi sa akin ni Owen kagabi. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya at hindi pa ako ready. Pinagbawalan na ako nina mama't papa na magkaroon ng partner bago pa ako makapagsimulang pumasok dito sa kakaibang eskuwelahang 'to.

"Hindi ka pa ba babangon diyan? Late na tayo", tanong sa akin ni Jacky na hindi ko na namalayang natulala na pala ako. Pagtingin ko sa tablet ay late na nga ako ng 20 minutes sa actual na oras ng paskuan ko, swerte na lang ni Jacky at 7:00 palang ang pasukan nila, sana ay palit na lang kami ng section.

Nagmadali akong bumangon at hinila ang aking uniporme papunta sa loob ng banyo upang makapagligo, hindi na rin ako nakapag-almusal dahil sa katamaran ko.

Jacky
Nang tumakbo patayo si Tin sa banyo ay may nahulog na papel mula sa kanyang bulsa. Lukot na ito, basa ng kaunti at may punit na malaki na muntikan ng mahati sa dalawa ang papel. Binuksan ko ito at binasa. Laking gulat ng galing pala ito kay Eithan, naglalaman ito ng kasulatan na nagsasad yata ng pag-ibig ni Eithan para kay Tin. uy kilig nako! hihi!

Hindi ko na hinintay pa si Christine na matapos na maligo at lumabas na ako para puntahan ang manliligaw niya. lagot ka sakin Eithan!

Papunta na ako sa silid nila nang makasalubong ko na rin sila para hindi na ako dumiretso mismo sa silid nila.

"Ehem ehem...", pagpapapansin ko sa kanya na agad ring napatingin sa akin at tumigil silang dalawa sa paglalakad sa harapan ko.

"Hi Jacky!" bati ni Owen sa akin.

"Hi!", bati ko rin sa kanya nang masaya. Biglang nag-iba ang aking emosyon nang harapan ko na si loko. "Hoy, sayo galing 'to noh?", tanong ko sa kanya ng galit.

"Hoy bakit nasa 'yo 'to?!" gulat niyang ekspresyon at sabay hablot sa papel na parang nahiya sa mga salitang sinulat niya.

"Ang arte naman nito!", sagot ko sa kanya. "Bakit binigyan mo siya ng ganyan?", tanong ko sa kanya.

"It's none of your business", ang arte.

"May karapatan ako diyan ah, kaibigan ko si Tin, pinoprotektahan ko rin dapat siya", salita ko sa kanya. Halata sa mukha ni Owen ang curiosity nito at hindi alam ang nangyayari.

"Guys, ano bang meron sa papel?", tanong niya.

"Nothing!(Eithan)... Love Letter!(Jacky)", sigaw namin nang sabay.

Tumatak sa mukha ni Owen ang pagkagulat niya sa sinabi ko. "Wow bro... so nagconfess ka na pala, so did she accepted you?", tanong ni Owen kay Eithan.

"Wala!", sigaw niya at dumiretso na sa paglalakad.

Pagkatapos ng nangyari ay dumiretso na rin ako sa klase ko.

Christine
Pagkatapos kong naligo ay nagmadali na akong lumabas ng banyo at nagbihis. Paglabas ko ay wala na si Jacky at hindi na ako hinintay. Wala na rin akong sobrang oras para makakain kaya dumiretso na lang ako sa cafeteria para bumili ng kape.

"Iced Coffee nga po", order ko sa cashier.

"Here's your order, Mam", salita ng babae sa cashier habang inaabot ang aking order.

Sa pagmamadali ko na naman ay may natamaan akong grupo ng mga babae na pagkatalikod ko ay natapon sa isang estudyante ang order ko. Nagkulay sa uniporme niya ang kayumangging kulay ng kape at nagalit rin kaagad.

"Oh my god, watch where you're walking. Once na madaan mo pa ako, hindi lang warning ang abot mo sa akin, get lost", babala sa akin ng babae. Mukhang maarte sa tono palang ng boses at itsura.

Yumuko ako ng kaunti habang palabas ng cafe at hindi na akong muling nag-order pa at gutom pa rin ako.

"Such a clumsy girl, it's all over my shirt, just look at it", maarteng salita ng babae na sobrang hinang sinabi.

Sa nangyaring iyon ay mas lalo pang humaba ang oras na na-late ako kaya sobra sobra na ang pagmamadali ko.

Eithan
Kinabahan ako kanina nang makita kong hawak ni Jacky ang ipinuslit kong papel sa bulsa ni Christine noong nasa elevator kaming apat.

Kanina pa nagsimula ang klase at wala pa rin si Christine sa silid. Pinag-uusapan na siya ng halos lahat sa pagka-late niya. Nag-aalala na rin ako baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

Biglang kumalabog ang pinto at bumukas ito at doon ay nandoon na si Christine, sa wakas ay nawala na rin ang pagkaalala ko.

"Sorry po kung na-late, hindi na po mauulit", apologize niya. Nagpatuloy na siyang maglakad nang nakayuko dahil sa kahihiyan.

Pagka-upo niya ay agad naman nitong kinausap ni Owen. Itinapat ni Owen ang ulo niya ng pa-right side na sign na kinakausap niya nga ito.

Christine
Napuno na nga ang katawan ko ng kahihiyan at may natamaan na naman akong estudyante dahil sa pagka-rush ko, isa pa ay mukhang maldita at maarte ang babaeng iyon kasama pa ang kanyang mga katropa, mukha silang isang squad ng mga brat at nagsusuot pa ng makakapal na makeup at makikinang na kwintas, singsing at iba pa.

"Bakit ka ba na-late?", tanong ni Owen sa akin.

Napahinga ako ng malalim dahil sa pagod kong tumakbo papunta rito sa silid at ngayon ay magsasalita pa ako kasabay ang paghingal ko.

Nagpatuloy ang aming klase hanggang sa dulo na iniisip ko pa rin ang kahihiyang nagawa ko lalo na't hindi pa man malayo ang araw na ito sa first day namin at may nagawa na naman akong kalokohan.




*Riiiiiiiiing!~~~~~~*

Tumunog na ang bell at ibig sabihin noon ay dismissal na namin, nagsitakbuhan na ang lahat ng estudyante maliban sa aming tatlo nina Owen, Eithan at ako. Halos makalabas na ang lahat at ako pa rin ay nagliligpit pa rin ng aking mga kagamitan. Halata na siguro ang pagod ko at pagka-exhausted ko sa dami ng ginawa namin ngayon lalo na't na-late pa ako. hay nako!

Nagkasabay na kaming tatlo na maglakad habang papunta na rin sa classroom ni Jacky para sunduin siya sa silid nila.

Dahil sa pagod ay mabagal na rin akong maglakad at parang sobrang bigat na rin ng aking mga paa sa paglalakad.

"Pakibilisan naman oh", reklamo ni Eithan.

"Ba't 'di ka pa kaya mauna noh?!", sagot ko sa kanya nang galit. Dahil sa reklamo niya ay hinablot ko na lang ang kamay ni Owen at kami na lang ang susundo kay Jacky. "Mauna ka na, kami na lang dalawa ang susundo kay Jacky", salita ko sa kanya.

Nang maglakad na kami ay bigla namang hinablot ni Eithan ang kamay ko na nagpatigil sa amin na maglakad ni Owen. Bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa. Bigla na nga kaming napatigil ni Owen. Hinawakan naman ni Owen ang kamay niya at pilit na inaalis ito sa pagkahawak sa akin. "Bitawan mo na, tara na sumama ka na", sambit ni Owen. Pilit pa ring pinapigilan ni Eithan na alisin ni Owen ang kamay niya sa akin na parang nag-aaway pa ang dalawa.

Hindi nga tumigil ang dalawa kaya ako na lang ang gumawa ng paraan. Ginalaw ko ang aking dalawang kamay pababa nang may puwersa na nagtanggal sa mga kamay nila sa akin. "Hay nako, para kayong mga bata, tara na nga", utos ko sa kanilang dalawa.

Nagpatuloy na nga kami sa paglalakad at narating na ang silid ni Jacky.

"Christine!", malakas na sigaw ni Jacky sa akin na konti na lang ay marinig ng lahat. Inilagay ko naman ang aking kanang hintuturo sa aking labi na nagsasaad na tumahimik siya. Naglakad na ito at binitbit na ang bag papunta amin at nagpatuloy ng maglakad pabalik ng aming mga dorm.

"Ba't 'di kaya muna tayo pumunta sa café?", suhestiyon ni Jacky sa amin.

"Oo nga noh, tara pumunta muna tayo!", pagpayag naman ni Owen. Hindi na ako tumanggi at pumayag na rin dahil gutom na rin ako nang kaunti.

Nagpa-hard to get pa ang isang lalaki at nagpapilit pa. Kaya kahit ayaw niya ay hinila na lang nito ni Owen at mabilis namang nahila na parang isang tingting lamang.

Padiretso na sana kami nang makita ko na naman ang mga babaeng nakaharap ko kanina na natabunan ko ng Iced Coffee.

Pinilit ko silang huwag ng tumuloy at sa canteen na lang pumunta dahil ayaw kong masabihan na naman ng mga brat na iyon.

"Guys huwag na kaya tayong tumuloy, sa canteen na lang tutal gutom na rin ako eh", sabi ko sa kanila.

"Dito na lang, Tin. Malapit na rin naman tayo didiretso pa ba tayo sa canteen", sabi ni Owen.

Pinigilan ko na lang ang sarili ko at naglakad ako pabalik.

"Ops, ops, teka lang, tara na punta na tayo", salita nina Owen at Jacky at hinila pa nila ako papunta ng café. Si Eithan naman ay walang pake at nakatayo lang. Wala na nga akong nagawa at pumunta na lang talaga kami kahit makita man nila ako.

Bigla na lang kaming napatigil nang humarang ang isang babae sa harap ni Eithan.

"Oh hey there, long time no see", malanding sabi ng babaeng iyon na iginalaw pa ang kanang hinturo nito mula sa noo papunta sa labi ni Eithan na aktong hahalikan niya ito. Bigla namang hinrang ni Eithan ang kanang kamay niya sa balikat ng babaeng iyon na nagpatigil sa kanya. "Alexis Moore, how could I forget you", salita naman ni Eithan.

"Oh, how sweet of you", maawang salita ng babae, este Alexis.

Pagtingin ko kay Jacky ay sobra niyang seryosong tignan ang babaeng si Alexis na parang kilala niya ito.

"Okay ka lang? Parang galit ka ah", tanong ko sa kanya. Bigla itong nagising na parang natulala yata at tumingin sa akin. "Okay lang ako", sagot niya na parang hindi naman totoo.

"Huwag kang makalapit-lapit sa akin ah", galit na utos ni Eithan sa babaeng Alexis na yun.

Nagpatuloy na kaming maglakad papaloob at sana ay hindi niya ako mapansin.

Nang malapit na ako sa area niya ay nagsalita ito.

"Wait", salita niya at hinila ako papunta sa harap niya na nagpatigil na naman sa paglalakad namin. "Hindi ba't ikaw ang nagtapon ng Iced Coffee sa damit ko kanina?", galit na tanong niya sa akin. "Hindi ko naman sinasad---", salita ko nang pigilan niya ako. "Sshhh, didn't I tell you na get lost at huwag ka ng magpakita sa akin?", maarteng tanong na naman nito.

Bigla hinawakan ni Jacky ang kamay nitong nakahawak sa akin. "Kasama namin siya, so alisin mo iyang kamay mo o puputulin ko iyan", salita ni Jacky nang galit. "Oh, I am terrified and scared", natatakot na itsura nito habang kinakausap si Jacky. Biglang hinablot ni Jacky ang baba nito at parang may binubulong sa kanya.

"Get your hand of my face!", sigaw nito sa kanya. Nang hindi na mapigilan ni Jacky ay bigla niyang sinampal ito, hindi na rin napigilan ng mga kasama ni Alexis ang galit at aktong lalapit kay Jacky.

"Jacky, tama na", pagpipigil ko sa kanya.

Nang lalapit na ang mga kasama ni Alexis ay bigla namang itinuon ni Jacky ang tingin sa kanila na parang may binabalak. "Sige, lumapit kayo nang matikman niyo ang sakit ng sampal ko", pamamatakot niya sa mga ito na nagpatigil sa kanila.

Nanahimik na rin si Alexis at bigla namang itinuro ang hintuturo sa akin. "Swerte ka dahil may kasama ka, but do not feel protected dahil 'pag mag-isa ka ay pupuntahan ka namin ulit", babala niya sa akin.

Biglang hinawakan ni Eithan ang kamay niya at ibinaba nang malakas. "Alexis, tama na, do not try to go near her or else, hindi ko na mapipigilan ang galit ko sa iyo", salita niya sa babae.

"Bakit? Sino ba 'yan? Your new? Who cares! I am not yours kaya huwag mo akong utusan na parang aso, tao ako at kaya kong gawin ang mga gusto ko, go away!", salita ulit ng nakakairitang babaeng ito.

"Gawin mo na lahat ng gusto huwag lang 'yang binabalak mo, umalis na kayo", sambit ni Eithan kay Alexis.

"Hindi iyo ang cafeteria-ng ito, pero sige aalis na kami nakakahiya naman sa inyo, lalo ka na, Jacky", sagot niya. Bakit naman kaya niya kilala si Jacky?

Continue Reading

You'll Also Like

703K 47.3K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...