" Magdikit na kayo ng camera. Ako nalang ang magpapaliwanag kay Ethan." Sabi ni Frances kila Jakxic kaya tumayo naman sila at nagdikit ng mga maliliit na camera. Napanganga ako dahil sa totoo lang ay ngayon lang ako nakakita ng ganyang gamit.
'Ang babago ng gamit nila.'
" Okay, katulad ng sabi ko kanina bago kami pumunta rito ay planado na ang lahat." Sabi nya at kinuha 'yung cellphone 'koraw' at ipinakita sa'kin. Nagulat ako sa nakita ko dahil 'yung nilalagay na CCTV nila Jakxic ay 'yung lumalabas sa cellphone.
" P-paanong?--" Tanong ko pero pinutol na nya ako.
" Ito 'yung kuta ng grupo na papasukin natin mamaya." Sabi nya at nag-iba na'yung mga kuha sa CCTV na nakalagay sa IPhone. Kuta na'yon ng err mga naka itim na lalaki katulad ng soot namin. Nasa gitna sila ng bundok at napakalaki ng akupa nilang lugar.
" Wow." Ayan nalang ang nasabi ko sa galing ni Frances. May kinalikot pa sya at ipinakita sa'kin.
" Sasama tayo sakanila at ito ang character na gagampanan mo pagkapasok sa kuta nila." Sabi nya at may pinakitang singkit at maitim na lalaki.
" Burdagul," basa ko sa pangalan ng lalaki at napatawa naman si Frances.
" Itong dala kong itim na damit ay kamukha ng damit ni Burdagul. Isusuot mo'to at kapag nakarating na tayo sa kuta nila ay hahapin mo si Burdagul para patulugin at ikaw na ang papalit sakanya. May voice changer narin dyaan. Oh, cellphone mo." Mayabang at nakangising inabot ni Frances sa'kin 'yung bagong IPhone kung saan kitang kita ko ang kuta ng grupong papasukin namin mamaya. Nangunot ang noo ko dahil mukhang may kasiyahang nangyayari sa kuta nila. Napakaraming taong nakaitim at may napakahabang lamesa sa gitna nila at punong puno ng pagkain. May mga Discolights at parang may boxing ring sa pinakagitna.
" Anong pangalan ng grupo? Tyaka ganyan ba talaga 'yan? Parang nag pa-party sila." sabi ko at natawa naman si Frances.
p>_<q
'Tawa ng tawa ang isang 'to.'
" Base in my research ngayon ang araw na palitan nila ng rank. Mamaya mo malalaman. Oh, isuot mona. Papunta na'yung tauhan ni Samuel dito." Sabi ni Frances at inabot sa'kin 'yung itim na damit.
'Samuel ang pangalan ng leader?'
Kinuha ko ang damit at akmang tatalikod na'ko ng magsalita si Durst.
" Saan ka pupunta? Dito ka nalang magpalit. Hindi ka naman maliit, noh?" Nang-aasar na tanong nya at nginisian ko naman sya.
'Aba, malaki yata ang alaga ko.'
Walang sabi sabi ay naghubad ako sa harap nila. Napatingin naman sila sa alaga ko at biglang napatango tango.
" Nice," komento ni Durst.
'Halatang manyak ang lalaking 'to.'
Isinuot ko ang itim na damit at nang matapos na'ko ay kinuha ko ang maskarang ibinigay sa'kin ni Frances.
" Nakahanda naba ang lahat?" Seryosong tanong ni Durst at tumango naman ang dalawa nyang kasama maliban sa'kin. Nakuha naman ni Durst ang gusto kong iparating kaya nagsalita sya.
" Magtago na tayo sa labas. Do'n ko nalang ipapaliwanag ang iba. Parating na sila," sabi nya at tumango naman ako. Binitbit ni Jakxic ang itim na bag.
" Pagkatapos ng gagawin nyo, saan nyo ako dadalhin?" Tanong ko salanila habang naglalakad kami palabas.
" Kay tatay." Sagot ni Durst.
YOU ARE READING
'Til The Perfect Day
RandomKahit kailan ay hindi naging pantay ang buhay ng mga tao. Nasa iisang mundo pero ang iba'y naguguluhan, nalilito, masakit pero 'yan ang totoo. Sa hirap ng buhay minsan gusto monalang sumuko, pero sila? hindi nagpaapekto. Sila 'yung taong pin...
~♥~ Flashbacks (27) ~♥~
Start from the beginning
