Chapter 06. Your Angel

7.8K 119 3

Beleive Me I'm An Angel || CHAPTER 06

~ Your Angel ~

BLAKE’S POV.

Napaka-tatag din talaga nitong babaeng ‘to. Niligaw ko na nga e. Nakabalik pa din. Parang pusa! Gusto pang pumasok sa school. Eh wala namang info na kahit ano.

Tsss. But until now, hindi pa ako masyadong convinced na angel siya.

Kung hindi ko man siya maalis o mapaalis sa buhay ko, then I’ll just use her. Or ako na mismo ang gagawa para sumuko siya sa akin. * evil smile *

Sinamahan ko siya sa school at sa mall. Binilihan ko na din siya ng mga damit pa. Yung magaganda at iba-iba. Para naman pag may nanggulo na namang mga babae sa akin o mga babae na pahirapan ibreak e siya gagamitin ko.

User friendly ako eh =)))))

Wala akong rason para maging mabait. Sa tuwing magiging mabait kasi ako, hindi ko gusto ang mga nangyayari.

May kapatid ako. Babae siya. Si Cheska. She passed away 4 years ago. 10 years old lang siya nun. She died because she had a tumor in her brain. My parents got divorced. Nagsuicide ang Dad ko while my Mom got married again.

Ang gulo at ang saklap noh? After mamatay ng kapatid ko naging punong puno na ng sama ng loo bang puso ko. Yuck. Gay terms. But really. Naging magulo na ang buhay ko simula nun.

Change topic na nga lang.

Andito kami ni Kat sa mall. Nagsusukat siya actually. First time ko din naman samahan ang isang babae sa mall at ibili ng damit.

“Blake”

Lumingon ako at nakita ko siya. She’s wearing a dress.

BAKIT……………

ang ganda nya? ATA?!

“Wow, ang ganda niyo po Ma’am. Model po ba kayo? Bagay na bagay po sa inyo” sabi nung saleslady.

Believe Me I'm An Angel (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!