Chapter 8 ‘selos(much)?’

=Adriane’s POV=

TIME CHECK: 6:40pm

WTF?

  Saang lupalop nanaman ng Pilipinas nag punta si Kate??! Kanina pa ako nag hihintay sa kanya dito sa sala ah!

 Err! Anu ba yan di ako mapakali! Tinawagan ko na yung dalawang bestfriends nya di ko naman makausap ng maayos kasi biruin nyo kinikilig sila tuwing kinakausap ko? Eh iisa lang naman ang sagot nila di nila alam saan pumunta si Kate

Kate nasan ka naba? Kanina pa ako dial ng dial sa phone nya di naman sinasagot pati mga txt ko di nirereplyan

Anu ba yan Kate? Nag aalala na ako ha?

Kaya nung nag 7:50 pm napag desisyonan kung hintayin nalang sya dun sa gate ng Village

My goodness! 8:00pm na! Wala parin sya!

Mga 8 mins. may car na familiar na huminto sa harap ng Village may lalaking familiar ang bumaba binuksan yung kabilang door sinuot ko yung eyeglass ko

O_O si Kyle yun ah? At..at parang may tumusok ata sa heart ko nang makita ko si Kate ang lumabas dun,,

 Magkasama pala sila? Habang ako ay nag aalala?

Ano ba kasalan ko? At nag hanap pa sya ngh iba??

Mas nagulat pa ako nung nakita kong hinalikan ni Kyle si Kate sa pisngi nya,, may relasyon ba silang dalawa? Na di ko alam?

Pagkatapos nun umalis na si Kyle

Di ko alam ang gagagwin ko o kung ano ang erereact ko

“ADRIANE?” gulat na sabi ni Kate ng makita nya ako na nasa likuran nya

“bakit ngayon ka lang? Anong oras na? Sa tingin mo ganitong oras umuuwi ang matinong babae? Ha? At hinatid ka pa ng lalaki mo? Di mo ba iniisip na may taong nag aalala sayo? Di mo man lang masagot mga tawag ko o mareplyan man lang ang mga text ko?  Inuna mo pa ang kalandian mo! At saka –– ” napahinto ako sa pag sasalita dahil napansin kong naka yuko lang sya “s-sorry” yun na lang ang nasabi ko

“di ok lang kasalanan ko naman” sabi nya ngumiti sya nang pilit tumingin sakin  “sige una na ako dun sa bahay” mabilis syang naglakad papunta dun sa bahay namin

Naman Mark ano bang ginawa mo? Ba’t ka ba nagalit bigla sa kanya?

=Shaniah’s POV=

Uwah!!!!!!!!!!!!! Bakit parang nagiguilty ako? Anu ba naman yan! Si Adriane kasi eh!

Masama ba akong asawa?

Nag madali akong pumunta ng kwarto ko,, tiningnan ko ang phone ko O_O oh no!

23 misscalls galing lahat kay Adriane at 38 messages

Di nga? Talaga bang nag alala siya? >///< wah!!!!! Di ko alam gagawin ko! Nag pagulong gulong ako sa kama ko

<tok! Tok! Tok!>door

“Kate? Gising ka pa ba? Pwede ba tayong mag usap?” oh! My si Adriane! Nasa labas ng kwarto ko! Ano gagawin ko?

“Kate?” tanong niya uli  <tok! Tok! Tok!>

Mag kunwari ka nalang kayang tulog?

“tulog na!” sigaw ko! BOPOLS ka Kate?! May tulog bang isigaw na tulog na siya? Naku naman

“Kate naman eh! Ginagawa mong baliw sarili mo!” sigaw ni Adriane mula sa labas “papasok ako ha?” sabi nito

Hala! Papasok daw oh! Ni lock ko naman siguro yun noh?

I'm His WifeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!