Chapter 05. Katrina Alvarez

7.8K 118 3

Believe Me I'm An Angel || Chapter 05

~ Katrina Alvarez ~

KAT’S POV.

“Papasok ka na ng school, Blake?” Tanong ko at pumasok na sa loob. Sakto din kasing paalis na si Blake. Naka-uniform na siya.

“Sama ako, Blake! Gusto ko ding mag-aral” ^___________^

“ANO?! Ikaw na mushroom ka ha, sumosobra ka na!”

“Sige na, please? Please?”

“Bawal dun ang outsider!”

“Edi inenroll mo ko. Mayaman ka naman eh, please. Magsscholar ako. Bilis na, please?”

“WHAT?! Alam mo yang sinasabi mo ha, stupid bitch? Hindi mo nga alam ang pangalan mo eh!”

That hit me. I don’t even know my surname.

“See? And now you want to go to school with me? You’re not even human”

“Ako si….” Nag isip ako ng apilyido. Dapat maganda. Hmmm.

Ako si Katrina Briones? Katrina Cunanan? Katrina Estrada? Lol.

KATRINA ALVAREZ

Parang may bumulong sa akin.

“Ako si… Katrina Alvarez”

Biglang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit. Tumulo na lang siya basta. Ang weird.  Tumakbo ako papasok ng bahay.

Haisshh. Bakit kasi? Nagpunta ako sa CR at nagpunas dun ng luha. Tumingin ako sa salamin at..

****

(Literal) Flashback

“I’m sorry, Kat. Hindi na kita mahal. Hindi ko sinasadya” sabi ni Red. My ex-boyfriend.

Iyak lang ako ng iyak. 3 years na kami. Akala ko perfect na. Pero eto, he’s breaking up with me because he doesn’t love me anymore.

Tumayo ako at nagtatakbo. Patawid na sana ako pero hindi ko namalayan na may bus pala na paparating.

Sa ospital…

“Anong name ng patient?”

I just hear the noise and voices. Pero hindi ko na maimulat ang mga mata ko.

“Katrina. Katrina Alvarez”

I know that voice. Si Red yun. Siya yun. Hindi ako maaring magkamali.

“Please, save her”

Yun na lang ang huli kong narinig at bumigay na din ang katawan ko.

****

End of (Literal) Flashback

Bigla akong naging conscious. I was still staring at the mirror. What was that? A flashback? Yun yung kung paano ako namatay? Pero bakit? Bakit nalalaman ko ito ngayon? I have no idea.

Lumabas uli ako ng banyo at nakitang wala na si Blake. Pumasok na siguro. Ako. Ako si Katrina Alvarez?

That voice. Naguguluhan ako!! :|

Naisipan kong maglinis na lang ng bahay. Ang dami nakakalat. Kahit underwear. Gross! Kadiri talaga yung mokong na yun.

Habang nagwawalis sa kwarto nya eh may nakita akong picture frame sa gilid. May kasama siyang batang babae. Kapatid nya siguro.

Pero bakit wala siya dito ngayon?

Matanong nga si Blake dun mamaya! :)

Dumaan ang oras at hapon na. Napagod ako maglinis. Grabe kasi ang bahay na ‘to. Parang ilang taong hindi nilinis eh.

Believe Me I'm An Angel (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!