Chapter Fourteen

59.7K 1K 27

CHAPTER FOURTEEN

BIANCA'S POV

Nasasaktan ako para kay Zayl. Ano bang nasa isip ng Jack na 'yun? Bakit kailangan niyang saktan si Zayl ng ganun? Kung wala na siyang nararamdaman para sa kaibigan ko, bakit kailangang ipa- mukha pa niya 'yun kay Zayl? Nagkamali ako, dapat hindi ko na lang siya nilapitan.

"Anak, akala ko may pasok ka ngayon?" Tanong ni Mama sakin kasi nandito pa rin ako sa bahay.

"Ah kasi po m- may lakad kami ni Zayl ngayon pero nagpaalam naman po ako sa manager ko, um- okay naman po."

"Ah. Bihira na pumunta 'yang batang 'yan dito sa atin ah." Sabi ni Mama.

"Ah kasi po madalas po mag- out of the country kaya nga po ngayong niyayaya akong lumabas, hindi na po ako tumanggi. Nakakahiya naman po sa tao eh wala naman pong malapit na kaibigan 'yun dito kung hindi ako."

"Ah ganun ba sige nga at samahan mo."

Hindi alam ni Mama na nagungupahan na ngayon si Zayl, siguro sasabihin ko na din sa kanila sa tamang oras.

Sa totoo lang, wala naman talaga kaming lakad ni Zayl ngayon. Hindi lang talaga ako mapakali sa nalaman ko kahapon. Iyong pananakit ni Jack kay Zayl. Gusto kong kausapin si Jack tungkol doon. Gusto ko siyang puntahan. Naiinis ako sa kanya. Kung alam niya lang ang pinagdadaanan ni Zayl ngayon. Pupunta ako ngayon sa unit niya.

Alam kong maling mangialam ako pero hindi ko matanggap ang ginawa niya kay Zayl.

Sa bandang huli, napagpasyahan ko na lang na i- text si Jack.

Bakit ginawa mo sa kaibigan ko 'yun? Bakit mo siya sinaktan? Alam kong ako ang unang lumapit sayo, kung talagang wala ka ng nararamdaman para sa kanya, hindi mo na siya kailangang saktan pa ng ganun. Akala ko sabi mo, ikaw ng bahala. Nagtiwala ako sayo Jack. Ang sama mo.

Sabi ko 'yun sa text. Pero isang oras na ang nakaraan, wala pa ring Jack na nagre- reply. Hinayaan ko na lang, ang mahalaga nasabi ko na sa kanya. Sana mabasa nga niya.

Naisip kong puntahan na nga lang si Zayl sa apartment pero dumaan muna ako sa supermarket para mag- grocery. Gusto kong punuin ng pagkain 'yung refrigerator ni Zayl. Napansin ko kasi na paubos na 'yung laman ng ref niya.

Ang dami kong bitbit. Nagpatulong pa ako sa driver na sinakyan ko para mailapag sa may pinto ng apartment. Kumatok na ako at agad namang may nagbukas. Halatang nagulat si Zayl.

"Ano 'yang mga 'yan?" Tanong ni Zayl.

"Ah para sa'yo 'tong mga 'to. Nag- grocery ako. Ilagay natin sa ref mo."

"Bianca....."

"Hay naku wala ka ng magagawa nandito na 'to. Hayaan mo at tayong dalawa ang uubos niyan." Sabi ko na lang kasi aarte na naman 'tong kaibigan ko.

Nang maayos namin 'yung mga dala ko, nagluto ako ng merienda. Naggawa akong pancake. Nanonood kame ng tv sa sala habang kumakain ng pancake.

"Salamat talaga Bianca ha. Hindi ako nagkamali sayo." Sabi ni Zayl.

"Naku huwag ka ng mag- drama diyan baka hindi na kita ipagluto." Pagbibiro ko.

"Huwag mo ng uulitin 'yung pagdadala mo ng mga 'yun ha." Tukoy niya sa mga pinamili ko kanina.

"Ano'ng palagay mo sakin walang pera? Excuse me noh!" Pagbibiro ko.

"Baliw seryoso ako." Sabi niya.

"Tsk. Hayaan mo na. Maliit na bagay." Sabi ko.

"Tss. Bahala ka na nga." Sabi niya.

Masaya akong natutulungan siya. Basta kaya ko Zayl, hindi ako mag- aalinlangang gawin lalo na kung para sa kaibigang katulad mo. Kahit wala ka namang sakit, ganito pa rin ang gagawin ko. Syempre tulungan tayo. That's what friends are for ika nga.

ZAYL'S POV

Nag- abala pa talaga si Bianca. Kaaalis lang niya.

Maalala ko, birthday ko na pala sa isang araw. Umabot pa kaya ako? Ayokong paghandaan, ayokong umasa, kung umabot man ako sa birthday ko eh 'di mabuti. Kung sakali man, eto ang unang birthday ko na hindi ko kasama ang mga magulang ko.Hay, nakaka- miss.

Ang bilis ng araw, birthday ko na ngayon. Sumimba akong mag- isa kasi may pasok si Bianca. Siguro mamayang hapon pupunta dito 'yun kasi opening lang siya kaya maaga siyang lalabas. Tiyak na dadaan 'yun dito. Alam kaya niyang birthday ko ngayon?

Pagsapit ng hapon, may narinig na nga akong kumakatok. Pagbukas ko, nagulat ako sa nakita ko.

"Happy birthday Zayl!" Sabi nila.

Hindi lang si Bianca. May dalawa pang nasa likod. Si Bianca may dalang cake, 'yung dalawa may hawak na lobo at isang bilaong pancit. At mas nakakagulat, 'yung dalawang nasa likod ni Bianca ay nakasuot ng maskara, mga larawan ng mga magulang ko. Halu- halo na ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung maiiyak ako o matatawa. Mga magulang ni Bianca tiyak 'yung mga nakasuot ng maskara. Hindi ko alam kung saan nila nakuha 'yung mga larawan. Baka sa fb. Nagpahid ako ng luha, hindi ko kasi mapigilang umiyak sa tuwa.

"Bakit wala 'yung kapatid mo? Pasok po kayo. Bianca, nakakainis ka... Salamat po sa inyo." Sabi ko ng naiiyak pa rin.

Nalilito na ako sa mga sasabihin ko.

"Nasa school pa kasi si bunso." Sabi ni Bianca ng nakangiti.

Pinatong nila sa mesa 'yung mga bitbit nila at sinindihan naman ni Bianca 'yung candle ng cake. Suot pa rin nina Tito at Tita 'yung mga maskara.

"Make a wish." Sabi ni Bianca nung hihipan ko na ang apoy sa kandila.

Ano bang hihilingin ko? Humaba pa ang buhay ko? Naniniwala akong walang imposible sa Panginoon kaya sige hinihiling ko po 'yun.

"Tito, Tita, marame pong salamat. Nag- abala pa po kayo." Sabi ko.

Lalo ko yatang na- miss sina Inay at Itay.

"Hay naku iha, basta ikaw." Sabi ni Tito.

"Oo nga, nung mabanggit ni Bianca na magbe- birthday ka nag- isip na kami ng surpresa para sayo. Bilang ganti naman sa mga naitulong mo samin." Sabi ni Tita.

"Naku wala po 'yun." Sabi ko.

"Huwag kang mag- alala ituring mo na kaming pangalawa mong magulang. Kahit tanggalin namin yung mga maskara namin, magulang mo pa rin ang makikita mo." Nakangiting sabi ni Tita nung matanggal ang maskara.

Na- touch naman ako. Hindi ko mapigilang maiyak. Iyon pala ang purpose nun? Hehe

"Oo nga at anak na ang turing namin sayo." Sabi ni Tito pagkatanggal ng maskara.

"Maraming salamat po sa inyo." Hindi ko na napigilang yakapin sila.

"Oh siya tama na ang drama, tara na kumain. Gutom na ako." Sabi ni Bianca at nagtawanan na kami.

Napakasaya ko. Salamat po. Napakabait ng mga taong ito. Hindi ako nagsisisi na tinulungan sila.

THE ONE NIGHT NEGOTIATIONBasahin ang storyang ito ng LIBRE!