Chapter 15

59.9K 1K 20

CHAPTER 15

KARREN

"Hello James, sinabi ba sayo ng papa mo na dito kayo magdi- dinner sa bahay?" Tanong ko sa kanya ng sagutin niya 'yung tawag ko.

"Hindi, bakit?" Sabi niya.

"Tss, dito daw kayo magdi- dinner sabi ni Papa. Bakit ba hindi ka nila in- inform? Ay oo nga pala girlfriend mo ako, so ako ang inaasahan nilang magsasabi sayo di ba?" Sabi ko.

Girlfriend niya nga ako pero echos lang. Tsk.

Naalala ko 'yung first step. May girlfriend na ba talaga siyang tunay? Kung meron man, bakit niya itatago? Siguro nga wala kasi kung meron eh 'di ginamit na niya para hindi matuloy ang kasal- kasalan namin.

"Kung 'yun ang plano nila, okay." Sabi niya.

"Matanong ko nga James, may ka- relasyon ka ba?" Tanong ko.

Wala namang masama sa tanong ko kaya go lang Karren! Haha.

"What? Karren, sorry I'm busy." Sabi niya.

"Tss, oo o hindi lang di pa masagot." Sabi ko.

"What?" Sabi niya.

"What- what ka diyan. Ah wala sige see you later fiance ko. Bye." Sabi ko at ibinaba ko na ang phone. Haha nakakatuwa, fiance ko.

Dati rati inaasar ko lang siya pero ngayon iba na 'yung nararamdaman ko kapag binibiro ko siya.

Bakit kaya 'di na lang totohanin ang lahat! Haha.

Dati hindi ako nababahala sa hitsura ko kapag kaharap siya pero ngayon hindi ako magkaintindihan kung anong damit ang isusuot ko. Bakit ba nangyayari sakin ngayon 'to. Huhu.

Maya- maya ay dumating na nga sila. Pagkatapos naming magbatian at magbeso ay nagpunta na kami sa dining area. Magkatabi kami syempre ni fiance. Hehe.

"I think kailangan na nating i- set ang date ng kasal nila within this year. What do you think?" Sabi ni Papa habang kumakain kami.

What? Ganun kabilis? Napansin ko naman si James na nagulat din.

"Papa, huwag naman po tayong mag- madali." Sabi ko na lang.

"Bakit pa natin patatagalin kung magkasundo na naman kayo?" Sabi ng papa ni James.

"Pa, hindi pa kami handa, kaya sana ibigay niyo na samin 'yang bagay na 'yan tutal sabi niyo nga, magkasundo naman kami." Sabi ni James.

"Oo nga po, kami na pong bahala." Sabi ko pero sabay silang nag- Hindi!

"Pumayag na lang kayo kasi wala na kayong magagawa. Hindi ba mare?" Sabi ng mama ni James sa mama ko.

Hala, bahala na nga sila tutal pabor na sakin ngayon kasi nga nahuhulog na ako kay James pero ang hindi okay ay itong si James, bakit ba kasi ayaw niya pa sakin? Hay bahala siyang mamroblema. Hahaha.

"Just be ready dahil anytime puwede na namin kayong ipa- kasal. Petsa na lang ang kulang." Sabi ni Papa.

Si James hindi ko na maintindihan kung anong reaksiyon niya kasi baka nahihiya lang siya sa pamilya ko. Pero isa lang ang nasisiguro ko, ayaw niya talaga.

Maya- maya ay nag- kuwentuhan na ang mga magulang namin sa sala at si James ay nagpaalam na magpapa- hangin.

"Oh anak bakit hindi mo puntahan ang nobyo mo doon. Samahan mo." Sabi ni Mama sakin. Iyon na nga ang gagawin ko naunahan lang ako ni Mama.

Nakita ko siya sa may hardin. Hindi siguro magkaintindihan sa pagiisip kung paanong hindi matutuloy ang kasal. Haha tutulungan ko ba siyang mag- isip? Ngayon na may feelings na ako para sa kanya, no way! Haha bahala siyang mag- isip. Nababaliw na yata ang puso ko. Nakakainis naman hindi ko kasi makontrol.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!