Kabanata 8

30.7K 982 697
                                    

Araw at linggo ang lumipas at ganoon pa rin. Hindi ko na alam kung tanga ba ako o manhid na talaga ako. I don't know what's happening. One day he brought me to their house and the next day 'til now, he's with different women everyday.

The act of being his girlfriend is still on at mas lalo iyon nagpagulo sa akin. Hindi ba pupwedeng sabihin na lang niya ang totoo na wala na kami dahil ang sakit sakit na. Sa harap ng pamilya niya ay ang sweet sweet niya sa akin pero kapag nakalabas na kami sa bahay nila, balik na ulit sa dati.

Today is another day of seeing him with another woman. Hindi siya pumapalya sa pagdadala ng mga babae sa opisina niya at alam kong gumagawa sila ng kung anong kahalayan sa loob ng opisina niya.

This cheap bastard! Malanding makunat!

Buti nga at kahit na malandi siya, hindi niya napapabayaan ang kumpanya nya.

I'm really trying my best para ipakitang wala akong pake pero minsan sumosobra na eh! Sobra na sa sakit.

Tumayo ako at dumiretso sa comfort room na sana makapagbigay sa akin ng comfort gaya ng ipinangalan sa kanya. Pati CR pinagdidiskitahan ko na.

Wala akong ibang maisip kundi tawagan ang kambal ko. I tried video calling them and after a few rings, they answered.

"Hello po, mommy. You're not busy po?" Bungad ng prinsesa ko. I told them not to call me when I'm at work pero heto ako, nauna pang tumawag sa kanila.

"I'm sorry. I told you not to call me at this hour pero si mommy pa mismo tumawag sa inyo. What are you doing hmm?" Calling them is effective. Medyo nawala sa isip ko ang mga kababalaghang nangyayari sa loob ng opisina ni Gray dahil naookupa ng mga anak ko ang isip ko.

"We're here at the house, mommy. Maaga po kasi ang uwian namin today so mama fetched us at the school. Kuya is still changing his clothes. So slow talaga." Hagikhik niya. I can't help but smile and laugh with her. Seeing and hearing their laughter makes me at ease.

"AVIVA!" Nagulat ako sa sigaw na 'yon kaya hindi na ako nakapagpaalam sa anak ko at naipatay ko na lang basta ang cellphone ko. Dali dali akong lumabas para salubungin ang galit na galit na mukha ni Gray.

"B-bakit po b-boss?" I stuttered.

"I'm not paying you para lang makipagtelebabad! Go back to work at kapag nahuli pa kitang nakikipagusap, baka hindi kita matantya at tanggalin kita. Nagtatago tago pa sa CR, akala naman niya hindi ko alam na nakikipag-usap lang siya." He went back inside his office.

Huminga na lang ako ng malalim at ipinagpatuloy ang trabaho ko kahit na ang sama sama na ng loob ko.

Tatahimik na lang ako dahil hindi ko alam kung hanggang saan aabutin ko kapag ibinuka ko ang bibig ko.

-

"Hey, bitch." Napaangat ako ng tingin at tama nga ako, ako ang kinakausap niya. Sino lang naman ang tao sa floor na 'to kundi ako, si boss, at ang flavor of the day niya. Alanganamang tawagin niyang bitch si boss.

"Are you calling me a bitch?"

"Yes. Are you an idiot? Alanganaman, I call myself a bitch, duh."

"What gives you the right to call me a bitch?" Malumanay pa rin ako kahit sa loob loob ko ay nagpupuyos na ako sa galit. Tangina! Nasaan na ba kasi si Gray para makalayas na itong babae niya sa harapan ko.

"I'm entitled to do so because I'm Ashton's girlfriend. Well, get me some mocha frappe sa cafe sa baba because I'm thirsty."

"I'm not your alalay, miss. I'm my boss's secretary. So with all due respect, umalis na po kayo sa harapan ko dahil naiistorbo ako. I'm busy doing MY JOB and that is not doing what you please. May paa at nakakalakad naman po kayo kaya kung pwede lang, buy your own shits." Hindi ko na mafilter kung ano ang lumalabas sa bunganga ko. I'm still calm habang sinasabi ang mga salitang gustong kumawala sa bibig ko.

The Billionaire's ChildrenWhere stories live. Discover now