Chapter 03. The Angel is Sick.

9K 140 1

Believe Me I'm An Angel || CHAPTER 03

~ The Angel is Sick ~



 BLAKE’s POV.

“Nakanampucha!!!”

Nakita ko kasi yung babae kagabi na andito sa labas ng gate. Nakahandusay lang siya. Hindi siya umalis dito?!

“Huy, gising!”

Hindi siya umiimik. Nanginginig siya. Paghawak ko sa kanya, ang init niya. May lagnat siya. Ang taas ng lagnat nya.

Kargado pa nga ng kunsensya ko. “HAYYY”

No choice. Binuhat ko siya at dinala sa may sala. Ihiniga ko siya dun. Kumuha ako ng towel at ng pampunas sa kanya para mawala ang lagnat nya.

Pagkapunas ko sa kanya ay nagluto ako ng lugaw. Buti na lang at marunong akong magluto, kahit papano. Tumingin din ako sa medicine cabinet ko at buti na lang may biogesic ako. Eto na lang muna ang ipapainom ko sa kanya.

Nagising din naman siya.

“N-nasan ako?”

“Nasa bahay kita. And you’re sick”

Ikaw nga pumasok dito kahapon ng di ko alam e, tapos pa-inosente ka ngayon. Tsss. Tiningnan ko siya, halatang hindi maganda ang pakiramdam niya.

“Here, drink this” Binigay ko sa kanya yung gamot. At pati yung pagkain. Sabi nya kaya naman daw nya kumain. Pero grabe, lugaw lang yung binigay ko pero parang ilang taon siyang hindi nakakain.

“Kababae mong tao, ang lakas mo kumain”

“Ngayon lang ulit ako nakakain ng ganito eh”

Napatingin naman ako sa orasan. 10am na. There’s no point para pumasok pa ako ngayong araw.

“Ayan, bumaba na yung lagnat mo” Hinawakan ko yung sa may noo niya.

“Thank you” Aba! At marunong din naman pala magpasalamat. Hahaha!

Believe Me I'm An Angel (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!