Sticky Notes

79 24 0
                                                  

FANFICTION/ROMANCE/TEEN-FICTION
Tagalog

Jackson's POV

'Shout out nga po pala sa crush kong manhid. hi!'

'Shout out po kay ateng nakaputi. Ang cute mo po'

'Shout out nga pala sayo, nang makilala kita lagi na kong pumapasok'

'Shout out nga pala sakin, na kahit kailan hindi niya kayang mahalin!'

Kasabay ng sigawan ng mga tao dito ay napayuko ako dahilan narin ng pagod ko. Pano ba kumalma? pati tuloy nararamdaman ko nasasabi ko na.

Nang makaalis na ang ilang estudyante sa paligid ng aming booth ay agad namang boses ng batang maliit na ito ang narinig ko.

"Hugotero talaga si 'son hyung! ano, nahugot mo na ba?" Sambit sa akin ni Mike. Inikutan ko nalang siya ng mata at bumalik sa ginagawa ko: ang mag-relax.

"Ay, meron ka ba ngayon hyung? makakaraos ka rin. 1 week lang naman yan e hehe" Lumapit pa siya lalo sa akin at umakbay pa. Agad kong tinanggal ang braso niyang nakapalipot sa balikat ko kadahilanan na rin ng pagka-irita. Hays, masanay na sa kaharutan dahil minsan talaga ay napaka childish neto. Pagbigyan, maknae daw.

Humiga ako sa bench tutal kami nalang naman ni Mike ang magkasama. Abala and ibang estudyante sa kani-kanilang booth at ang ib naman ay naglalakad-lakad lang. Swerte namin ngayon at walang klase dahil sa whole week funfair event na ito. Ang funfair celebration ang pin
"Hyung! pwede bang magtanong?"-mike.

"Bawal. Inaantok ako" Cold kong sambit sakanya at ipinikit ang mata ko at ang braso ko nama'y nakapatong sa aking mukha. Pilit kong ipinipikit ang mga ito pero dahil sa sobrang lakas ng boses ng kasama ko ay ang mga aniya niya ang nasa isip ko.

"Hyung! bakit ang torpe mo?"

"Hyung, bakit ang gwapo gwapo ko?"

"Hyung, pwede mo namang aminin sakanya e. bakit ayaw mo?"

"Hyung, ayaw mo ba o hindi mo lang kaya?"

Hindi ko alam kung ano ang nasa isipan ng batang ito ngayon pero masyadong matagos sa akin ang mga tanong niya. Well, except for the second. Tama nga siya. Pano ko ba to bibitbitin? Yung tipong kahit saan ako mapadpad laging lumalantad sa akin na ako'y duwag parin. Magulo ka talaga Jackson Choi. Wala pang oras ay nakaramdam na ko ng kumakalabit sa akin. Pagsilip ko mula sa brasong nakapatong sa aking mga mata, ay puting liwanag ang bumungad.

"Excuse me, kuya pa shout out nga po mga lima hehe. thank you" hindi ko matanaw kung sino ang aking narinig dahil masyadong masilaw mula rito sa pagkakahiga ko. Ewan, kinukuha na ata ako.

Nanlaki ang mga mata ko na kanina'y pipikit pikit at tila Bigla akong nabuhayan sa dalagang nakatayo sa aking harapan. Hindi makagalaw, hindi makahinga sa biglang pagbugso ng puso ko na parang telenobela ang dating.

Siya. Siya ang matagal ko ng inaasam. Kinikimkim ko nalang ang bawat kilig, bawat inggit, bawat ngiti sa tuwing nagtatagpo kami. Simple lang kasi siya, hindi katangkaran at higit sa lahat, hindi sikat kaya mas mataas ang tiyansa ko. Kaya lang, hindi talaga maiiwasan ang pagpapabitin sa love story sana namin. Mas nangunguna kasi sa isip ko na baka isnob-in lang niya ako. Oo, hindi siya sakin. Ilag lang ang panangga sa tuwing nagkakatitigan kami. Ikaw lang pala Shantalle Yoo, hindi mo naman sinabi.

Agad na akong tumayo habang tinitignan lang siya. Oo, tulala na pala tawag doon. Sa buong Campus mukhang siya lang ang walang kolorete sa mukha at kita naman sakanya ang pagka-anghel na awra niya. Nang mapatingin ako sa kanyang kamay na inaabot niya sa akin na limang papel kasabay nang limang piso.

Mixtape Stories (a One-shot stories compilation)Where stories live. Discover now