Aesthrea's
"Iha, tumahan ka na diyan" kanina pang paulit-ulit na sinasabi ni nana ang mga salitang iyan pero sa twing maririnig ko mas lalong lumalakas ang pag agos ng luha ko't paghikbi.
Hindi ko alam kung bakit ganito palagi ang eksena ko sa kwento ng buhay ni khalil na kahit lahat naman ng pagmamahal at pagtitiis ko sa kanya'y, naibigay ko na lahat lahat na hindi aakalaing lalampas sa limitasyon na inihanda ko para may matira sa sarili ko.
"Bakit ganun nana?" Tanong ko kay nana habang patuloy parin sa paghikbi
Ang mga mata ni nana ay puno ng awa ng masilayan.
"Aes iha, tama na. Ayokong nakikita kang ganyan iha dahil kung nasasaktan ka, mas nasasaktan ako" si Nana, habang unti unti naring tumutulo ang kanyang mga luha
Sa totoo lang ay naaawa na ako sa sarili ko, pero hindi ko alam kung anong dapat kung gawin para naman maging okay ako.
"Nana, pagod na pagod na ho ako"
"Alam ko iha, nakikita ko sayo"
"Pero ayoko pong mawala siya sakin, hindi ko kaya nana" gigil na ani ko
*KRING* *KRING*
Habang nasa kalagitnaan ng pag-iiyakan namin ni nana biglang nag-ingay ang telepono.
"Sasagotin ko muna"
Bawat hakbang ni nana ay pinagmasdan ko hanggang sa makarating ito sa lalagyan ng telepono namin
Kitang-kita ko ang unti-unting pagpalit sa kaninay seryosong mukha na naging mukang punong puno ng takot na nagdulot sakin na kabahan ng sobra
Matapos ibaba ang telepono ay mangiyak ngiyak na lumapit sakin si Nana mintori, ang kanyang emosyon ay hindi ko mabasa dahil nasa mukha niya rin ang pag-aalinlanang sabihin sa akin kung ano ang nangyari
"Sino 'yon nana? Bakit?" Tanong ko habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi
"A-Aes"
"Ano po 'yon nana?"
"Si Khalil" literal na nanlaki ang mga mata ko sa naring, ang dibdib ay sumusobra na sa pagkabog
"A-anong nangyari s-sa kanya?" Nalukuha nanamang tanong ko
"Nasa ospital siya Aes"
"Bakit siya naroon?!"
"Hindi ko alam iha, halika na puntahan na narin siya" aligagang ani nana hindi narin ang nag-alinlangang sundan siya kaya sa sobrang bilis naming kumilos mamaya lang ay narating namin ang ospital.
Nakaupo lang ako sa mga upuan doon sa harap ng kwarto ni Khalil habang si Nana ay busy sa pakikipag-usap sa mga nurse kung kamusta na raw ba ang tunay nitong lagay
'I'm so sorry'
"Iha, pumasok na tayo"
"Sige po" papasok na sana kami ng may isang babaeng humarang sa papasukan namin ni nana
Nung una hindi ko maaninag ang mukha niya pero ng tuluyan na itong lumingon sa lugar namin ay doon ko siya tuluyang namukhaan, ang mukha niya ay sobrang pamilyar at ang mukhang ito ang mas nagpabilis ng tubok ng puso ko at mas nagpakaba nito ng sobra dahil....... Dahil hindi ko inaasahan ang pagdating niya
"So this is khalil's room? And you dare to be here?" hindi ko alam kung paano sasagotin ang tanong niyang wala sa oras, ang galit sa mga nitoy kitang kita ko, na para bang ako ang may gawa kung bakit nagkakaganyan si Khalil ngayon
'akala ko ba ikakasal na?'
"Sino ka ba iha?" Si Nana
"Nana mintori"
"Kilala mo ako?"
"I'm Jenyce"
"Hindi kita kilala iha, pasensya na" paumanhin ni nana "Bibili muna pala all ng makakain at maiinom, dyan muna kayo. Balik agad ako" paalam ni nana samin tsaka kami iniwan sa kanya kanyang pwesto
Papasok na sana ako sa kwarto ng tuluyan ng harangin nanaman ako ni Jenyce
"Ayaw ka niyang makita" sabi niya habang ang titig ay nasa sing sing na suot ng aking kamay
"Mas ayaw ka niyang makita, Jenyce" pabalang kung sagot
"Oh really? Kaya pala nagmakaawa siyang iwanan ko 'yong fiancé ko , for him?"
Hindi na ako sumagot sa kanya at sumubok na namang pasukin ang kwarto ni khalil ngunit sa pangatlong pagkakataon ay hinarang na naman niya ako
"Ano ba!" Ingit ko
"Ayaw ka niyang makita Aesthrea! Is it too hard for you to understand?!"
"Pwes, ako gusto ko Jenyce! Kaya tumabi ka dyan sa daraanan ko kung ayaw mong itabig kita!" Napupunog mahinang sigaw ko sa kanya
Na tigil lang ang pagbabangayan naming dalawa ng biglang lumabas ang isang nurse sa kwarto ni khalil
"Gising na ho ang pasyente"
Nagkatitigan pa muna kami ni Jenyce bago sabay na pumasok sa kwarto ni khalil
Nang makapasok ay hindi ko mapigilan ang sarili na maluha ng makita siya sa ganitong sitwasyon, dahil sising sisi ako sa sarili
"What are you doing here?" Pagkat namamaos man ay boses ni Khalil iyon ngunit hindi ko alam kung sino ang sinasabihan niya
"I told her already khalil, but she did not listen to me" si Jenyce at mukhang alam ko na kung sino ang tinutukoy niya
Nakayuko lang ako habang nakatayo sa may malapit sa pintuan, nagiisip kong anong dapat gawin
"Umalis ka na dito"
Ni-angat ko ang aking ulo at nagtama ang paningin namin ni khalil, ako nga ang sinasabihan niya
"Gusto ko lang malaman kung ayos ka lang?" Tanong ko
"UMALIS KA NA DITO" sa pangalawang pagkakataon, at mas malakas pa
Hindi ko napigilan ang sariling maluha at makaramdam ng hiya.
"Huwag mo akong iyakan, Aes! At umalis ka na rito dahil ayaw na kitang makita!" Tagos sa buto ang sakit, mga salitang kay daling sabihin
Patakbo akong lumabas sa kwarto niya at pat narin sa ospital, kahit nauubusan na ng hininga dahil sa makatakbo ay hindi ako tumigil. Tsaka lang ako tumigil ng narating na ang labas ng ospital at naramdamang umuulan pala.
Sobrang lamig ng paligid, ang malalaking butil ng patak ng ulan at dumadaplis sa katawan ko, at hindi ako nakaligtas sa pagpatak ng sariling mga luha
Bigla akong nakaramdam ng panghihina ng tuhod ko kaya sa gitna ng ulan ay napaluhod ako, nanghihina rin dahil sa panay na pag-iyak
"Hindi ko na alam kung paano haharapin ang bukas" lumuluhang ani ko habang nakaluhod sa ilalim ng ulan
"I don't know you're that dramatic, Ms.Gonzaga"
'pamilyar ang boses na'to'
To be continued........ 💜❤️🖤
YOU ARE READING
CRY WHEN YOU'RE WITH ME // On-Going//
Non-FictionAesthrea Grace Gonzaga, a fighter of love. And this is her story.
