Kabanata 6

32K 1K 413
                                    

Monday came and here I am, riding on the elevator para makapanik sa opisina. Nakababa na si Rayne dahil nadaanan na namin ang kaniyang floor kaya ako na lang ang mag-isa sa elevator.

Actually, I'm really nervous.

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yon. Kailangan ko ng trabaho at maganda ang offer nila rito kahit na sya ang boss kaya okay lang sa akin na manatili. I need this for my children.

Estupida Aviva!

Bumukas na ang elevator kung kaya't bumaba na ako at lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib nang makita si Gray na nakahilig sa pinto malapit sa lamesa ko. Ito na 'yon! Matatanggal na ako sa trabaho dahil sa kagagahan ko!

"You're late. Make me a coffee. Now!" Nagulat pa ako sa pagsigaw niya kaya dali dali akong pumunta ng pantry para gumawa ng kape.

Kumatok muna ako sa pinto nya at hinintay ang pagsagot nya bago ko buksan ang pinto.

"Eto na ang kape mo boss." Sabay bigay ko sa kaniya ng tasa.

"Ok. You may go back to your table."

"Hindi mo ako sisisantihin?"

"Gusto mo ba?" Taas niya ng kilay.

Umiling iling naman ako at nagpaalam nang lalabas.

Pagkalabas ko ay nakahinga ako ng maluwag.

Siya pa rin naman pala ang dating Gray. Isip ko.

Nag-stretching muna ako at ginawa na ang mga dapat kong gawin sa table ko.

-

Napalingon ako nang lumabas ng opisina niya si Gray.

"Bago 'yan ha."

"Ano 'yon?" Tanong niya. Napalakas ata ang sabi ko.

"Bago na lumabas ka sa opisina mo. Sa ilang linggong pagtatrabaho ko rito, hindi kita nakikitang lumabas liban na lang kung may meeting ka sa labas at pauwi ka na." Hindi ko na itatanggi dahil narinig niya na rin naman.

"And?"

"Wala lang. Bago lang." Kibit balikat ko.

"Come with me." Masungit pa rin niyang saad.

"O ano? Saan? Sino, bakit, sa paanong paraan?" I sang the theme song of a show na napanood namin dati kaya lalo niya akong binigyan ng masungit na tingin. "Joke lang. Ito naman, hindi ba uso ang joke sayo? Saan tayo pupunta? Wala ka namang schedule ngayon ayon sa mahiwaga kong notebook eh."

"Exactly. Wala naman akong schedule kaya it's my free time. Tumayo ka na riyan at samahan mo ako, Aviva."

"A-Aviva?"

"Hindi ba iyon ang pangalan mo? Dalian mo!"

"Ang sungit sungit naman. Nakakainis." Bulong bulong ko pa.

"I heard you." Itinikom ko na lang ang bibig ko at baka kung ano ano pa ang masabi ko at maging dahilan ng pagkatanggal ko ng tuluyan.

-

Narito kami sa sasakyan nya, sya sa driver's seat at ako naman sa passenger's seat. Hindi ko alam kung saan kami papunta. Hindi ko mapagmasdan ang paligid dahil nakatulala lang ako sa dashboard habang iniisip ang pagtawag niya sa akin ng Aviva kanina.

All that lingers in my mind is that he called me Aviva and not Ms. Del Rosario.

Bumalik ako sa nakaraan at naisip ang makulit na itsura ni Gray habang sinasabi na siya lang dapat ang tatawag sa akin ng Aviva because all people calls me Avi.

The Billionaire's ChildrenWhere stories live. Discover now