Chapter Thirteen

60.4K 894 10

CHAPTER THIRTEEN

Si Jack ang nagbukas ng pinto. Naka boxer shorts lang siya. Nagulat pa ako ng may sumunod na babae.

"Honey, sino ba 'yan?" Sabi nung babae.

Nakabalot lang ng kumot. Hindi man lang nahiyang makalabas- labas ng ganung ayos. But wait, may babae?

"Zayl?.." Parang gulat na sabi ni Jack pagbalik ng tingin sa akin.

"A- ako 'yung t- tumatawag kanina." Sabi ko.

Ewan ko ba pero para akong pinagtaksilan?

"Ha? Hindi ko alam, nasa club ako kanina." Sabi niya.

Nasa club siya kanina kaya hindi niya nalamang may tumatawag sa kanya. At hindi na niya na- check ang cellphone niya kung may missed call dahil busy siya at ang babae niya!

"It's okay. I have to go." Iyon lang ang sinabi ko.

Wala akong karapatang magtanong pa.

"Zayl!" Tawag niya sa akin pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong lumuha pero agad ko itong pinahid. Wala akong balak ipamukha na kawawa ako. Alam kong wala akong karapatang magselos pero ang sakit lang talaga. Pagkababa ng elevator, naglakad na ako palabas. Tatawag na sana ako ng taxi pero may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Zayl!" Si Jack.

Papalapit na siya sa akin. Nakabihis na siya.

“I’m sorry hindi ko talaga alam na tumatawag ka." Sabi niya ng makalapit.

"Okay lang 'yun, sige na bumalik ka na sa taas." Sabi ko, baka kasi hinihintay na siya nung babae.

"No. Tell me, why are you here?"

"Huwag na, hindi naman importante." Sabi ko.

"Hindi ka pupunta dito ng ganitong oras kung hindi importante." Sabi niya.

"Bumalik ka na dun. Naghihintay na 'yung kasama mo." Sabi ko.

"Sh*t! Wala akong pakialam!" Sabi niya.

"Wala kang pakialam? Samantalang rinig kong nagtatawanan kayo. Ang saya niyo nga kanina eh. " I smiled with bitterness and I don’t care kung anong isipin niya.

"I just met her kanina sa club. Alam na niyang hanggang dun lang 'yun. Teka, nagseselos ka ba?" Sabi niya.

Wala naman akong karapatang magselos. Pagtatawanan lang niya ako. Lumayo ako ng kaunti sa kanya para mag- abang na uli ng taxi. Hindi ko na pinansin 'yung tanong niya. Pero napatigil ako ng hawakan niya ang braso ko.

"Nagseselos ka ba ha Zayl?" Tanong niya ulit pero hindi ako sumasagot.

Lalo lang akong nasasaktan kapag pilit kong sasabihing okay lang kahit hindi, lalo lang akong nagmu- mukhang tanga sa pagtatago ng tunay kong nararamdaman. Itinatago ko na nga ang sakit sa utak ko, pati ba naman ang sakit sa puso ko?

“Tell me!” Nagulat ako sa pagsigaw niya.

"Oo! Nagseselos nga ako. Masaya ka na ba, ha? Nagseselos ako kahit hindi dapat. Nagagalit ako kahit hindi dapat. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko mapigilang masaktan. Akala ko madaling tanggapin, pero hindi, lalong lumalala 'yung sakit na nararamdaman ko. Kahit alam kong wala lang sayo lahat. Kahit sinabi mo ng wala ka ng nararamdaman para sa akin. Nandito ka pa rin sa puso ko. Pinipilit kong kalimutan ka pero 'di ko magawa. Hindi ako sumubok na magmahal ulit simula nung iwan kita dahil kahit kailan hindi kita kayang palitan. Dahil hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita Jack. Pero huwag kang mag- alala, hindi ko pinipilit ang sarili ko sayo dahil balang araw makakalimutan din kita." Panay ang pagpatak ng luha ko habang sinasabi ko 'yun sa kanya.

Wala na akong pakialam kung pagtawanan niya ako. Wala na rin akong pakialam kung nakita niyang mahina ako. Basta nasabi ko na sa kanya. Siguro naman mababawasan na 'yung sakit na nararamdaman ko, sa puso ko.

"Zayl." Alam kong nagulat siya sa mga sinabi ko.

Wala siyang masabi kundi ang pangalan ko. Nung mapansin kong may taxi na, iniwan ko na siya at dali- daling sumakay na doon.

Hindi ko na alam ang gagawin ko pagkatapos nito. Ayokong kaawaan niya, ano pa kaya kung sabihin kong may sakit ako, lalo na siyang na- konsensiya. Arrrgh! Naiinis ako! Okay na sana, wala na siyang nararamdaman para sa akin pero dahil sa mga sinabi ko kanina, lalong lalala yata ang sitwasyon.

"Diyan na lang po sa tabi." Sabi ko sa driver.

Ano kayang iniisip niya ngayon? Nakahiga na ulit ako sa kama ko pagkatapos magpalit ng pajamas. May tumatawag, si Jack. Ayokong sagutin. Nakailang missed calls na siya kaya naisipan kong patayin muna ang cellphone ko. Bukas ko na bubuksan. Nasabi ko na ang totoong nararamdaman ko para sa kanya. Tama na 'yun. Ayoko ng marinig pa ang sasabihin niya, ayoko ng dagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Pagkagising ko, narinig kong may tumatawag sa pangalan ko.

"Zayl? Zayl?"

Si Bianca. Lumabas ako ng kwarto at nakita kong si Bianca nga.

"Zayl! Akala ko kung ano ng nangyari sayo. Patay kasi ang cellphone mo."

Araw- araw kasing tumatawag sakin si Bianca. Palagi niya kasing inaalala ang kalagayan ko tapos wala pa akong kasama dito sa apartment. Tanghali na akong nagising. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan na.

"Tumatawag kasi si Jack kagabi, kaya pinatay ko."

"Bakit niya alam ang number mo? Nagpunta ba siya dito last week? Nakalimutan ko na 'yun ah kaya hindi ko naitatanong sayo. Anong pinag- usapan niyo? "

"Teka nga lang Bianca, ang dami mong tanong. Maupo ka nga muna diyan maghihilamos lang ako."

"Kasi hindi ka nagke- kwento."

"Ike- kuwento ko na nga easy ka lang."

"Okay." Sabi niya.

Hindi ko nga kinu- kuwento sa kanya ang mga pinag- uusapan namin ni Jack kapag pumupunta siya dito kasi ayaw ko ng isipin pa niya 'yun sa trabaho niya kasi mag- aalala 'yun sa nararamdaman ko tapos alam pa niyang maysakit ako. Pero nako- konsensiya naman ako kaya sasabihin ko na lahat ng nangyayari ngayon sa amin ni Jack. Pagkabalik ko sa sala, andun siya nakaupo.

"Oh ano na?" Si Bianca.

" Eto na nga." Sabi ko.

Ikinuwento ko sa kanya 'yung sinabi ni Jack na wala na siyang nararamdaman para sa akin at gusto niyang siya ang makauna sa akin alang- alang sa pride niya.

"Sinabi niya 'yun?" Si Bianca.

Hindi makapaniwala si Bianca. Tapos ikinuwento ko 'yung iba pang nangyari. Iyong bayad, pati 'yung pag- amin ko kagabi sa nararamdaman ko.

"Zayl, okay ka na ba ngayon?"

"Kailangan eh." Wala na naman ako magagawa kung hindi ang maging okay.

"Sorry kung pinalala ko 'yung sitwasyon mo ha?" Sabi niya.

Iniisip niya siguro 'yung paglapit niya kay Jack.

"Ano ka ba. Wala 'yun. Tapos na 'yun. Sige na maghanap ka na ng maluluto sa ref. Dito ka na kumain." Sabi ko at sabay kaming nagtawanan.

Bihira lang kasi ulit akong sabayan ni Bianca sa pagkain. Kapag pumupunta lang siya dito ng wala siyang pasok. Mabuti na lang at may kaibigan akong katulad ni Bianca.

Sa buhay ng tao, kailangang maging masaya ka kung alam mong may nagmamahal at nag- aalala sayo kahit ano pang pinagdadaanan mo sa buhay. Always look at the bright side. You have to stay positive kahit pa anong pagsubok ang kinakaharap mo ngayon dahil magiging maligaya ka lang kung magiging positibo ka sa lahat ng bagay at iisiping may dahilan ang Diyos kung bakit mo pinagdadaanan ang lahat ng ito dahil may maganda siyang plano para satin.

THE ONE NIGHT NEGOTIATIONBasahin ang storyang ito ng LIBRE!