Chapter 14

60.6K 894 8

CHAPTER 14

Pagkasara ko ng gate ay nakita ko agad sa gilid ang kotse niya. Nae- excite akong pumasok ng kotse kaya nagmadali na ako.

"Inaantok pala ha." Biro ko sa kanya pagkapasok ko.

"Tss, may isang salita ako." Sabi niya.

Akala ko kasi titiisin na niya talaga ako dahil sa nangyari nga kanina. Iyong bisita ni Daddy kanina na si Steve daw? Ay basta, wala siyang dapat ika- selos dun.

"Ano bang laman nito parang mabigat yata?" Tukoy ko sa regalo habang binubuksan ko.

"Wala akong maisip eh." Sabi niya nung mabuksan ko na at makita ang laman.

"Kisses? Favorite chocolate ko kaya 'to, alam mo 'yan. I like it very much, wala na nga rin pala kasi akong stock nito sa ref. Thanks." Sabi ko. Haha kahit sa isip ko, para siyang nanliligaw ulit. Talagang naka- wrap pa. Hehe. Oo nga't hindi pinag- isipan pero lahat naman ng ibigay niya sakin eh naa- appreciate ko.

"Pero props lang 'yan kanina, hindi pa 'yan ang totoo kong gift." Sabi niya habang nakangiti ako.

Ano kaya 'yung totoo niyang gift? I'm excited pero hindi ko na muna tinanong.

"Kaya pala mabigat, mahal ko, ang dami naman nitong kisses." Tukoy ko sa hershey's kisses na bigay niya.

"Kulang pa nga 'yan eh." Sabi niya. May factory ba siya ng kisses?

"Ha?" Sabi ko at napatingin sa kanya.

"Eto pa oh." Sabi niya sabay hatak sakin at hinalikan ang noo ko, tapos 'yung ilong ko and then my cheek pagkatapos ay 'yung kabila ko namang pisngi.

Tsup. Tsup. Tsup. Tsup.

Napapangiti ako sa kilig habang ginagawa niya 'yun hanggang sa dumampi na 'yung labi niya sa labi ko. Smack lang. Napapikit pa naman ako tapos nakita ko siyang nakangiti sakin.

"That's Jame's kisses. Masarap ba?" Sabi niya habang nakangiti.

Feeling ko ang pula ko na. Huhu. Talagang nai- connect pa ang chocolate sa halik. Haha pero kinikilig ako ng sobra!

"Kapag favorite ko, ayaw ko ng nabibitin." Sabi ko at sinunggaban ko na siya ng halik sa mga labi. Tumugon naman siya kaso bigla niya akong inawat.

"Wait, easy. Mas maganda kung umalis na muna tayo dito at sa condo mo na ako panggigilan." Sabi niya sabay kindat.

Umayos na ako ng upo. Napahiya yata ako dun ah. Haha nasa tapat pa nga kami ng bahay namin, ngayon ko lang naalala.

"So 'yung kisses ko na pala 'yung favorite mo ngayon. Hindi na 'yan." Sabi niya habang nagma- maneho sabay turo sa hawak kong chocolates na bigay niya.

Puro talaga siya kalokohan. Napansin ko na naman ang pagngisi niya.

"Pero alam mo ba, sa lahat ng kisses, 'yung mga halik mo ang pinakamasarap at pinaka- matamis." Sabi pa niya sabay kuha ng kamay ko at dinala sa labi niya. Napangiti lang ako.

Kinikilig na naman ako. Haha.

"So humanda ka ng magka- diabetes dahil unlimited kisses ang matatanggap mo galing sakin." Sabi ko habang nakangiti.

"Wow, natatakam na ako." Sabi pa niya at napatawa naman ako.

Hay, ang saya. Ang sarap sa pakiramdam.

KARREN

Habang tumatagal lalo akong napapalapit kay James. Gusto kong pigilan ang nararamdaman ko pero lalo ko lang siyang nagugustuhan. Hindi puwede 'to. Ayoko ng ganito. Pero ano nga bang masama? Dalaga ako at wala naman sigurong nobya itong si James. Hay, hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko na yatang pumayag magpakasal sa kanya. It's unfair! Dapat siya rin! Huhu Mark sana nandito ka para may nakakausap ako tungkol sa mga kabaliwan ko. Si Crystal kaya? Mas maiintindihan niya ako dahil babae rin siya. Tama, sa kanya ako lalapit.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!