Kabanata 3

33.7K 1.1K 618
                                    

Nakatulog pala ako. I thought habang tinitignan kung anong oras na. Nakalimutan ko pa lang itext si Jesse para sabihin na kanina pa ako nandito kaya tinext ko siya.

To Jesse:

Kanina pa pala ako nandito sa staffhouse. Well, actually it's a staff's village. Nag-ayos kasi ako ng gamit sa kwarto ko at nakatulugan ko pala.

From Jesse:

Good to hear that nakapagpahinga ka na. Call me when you need anything, ok?

To Jesse:

Yes, bossing :p

And then I called the kids.

Few rings and they picked up.

"Mommy!" Ang matinis na boses ni Leigh ang narinig ko.

"Hi, princess. What are you doing?"

"We're here in our room po kuya just finished his homework kaya he's helping me on mine po."

"That's good to hear. Nagwash up na ba ang babies ko?"

"Yes, mommy! Alam mo po ba, mommy? Si kuya may crush na! Si--" Van cut off Leigh and said, "That's not true!" We just laughed at his annoyed tone.

We talked and talked until I heard snores on the other line. Nakatulog na, I thought.

Binaba ko na ang tawag at saktong may bumukas ng pinto kaya napagdesisyunan kong lumabas na sa aking kwarto.

"Hi!" A tall morena woman entered the house. "You must be Aviva? I'm Rayne, by the way." She introduced herself.

"Hello! Avi na lang." I smiled and stretched my arm para makipag-kamay sana pero she attacked me with a hug.

"Omygahd! At last, may housemate na rin! Ang tagal kitang hinintay, Avi." She dramatically said.

"Uhm... kumain ka na ba?"

"Waaah! I feel so special today! May nagtatanong na sa akin kung kumain na ba ako."

"Actually, kakagising gising ko lang din kasi kaya hindi pa ako nakakapagluto at ayoko namang basta basta pakielaman ang mga gamit na nasa kusina nang hindi nagpapaalam."

Bumagsak ang kaniyang balikat.

"Akala ko pa naman pinagluto mo ako. Pero di bale na lang, kumain tayo sa labas!" Sabi niya habang hila hila ako papalabas sa bahay namin.

Hindi ko rin maiwasang mamangha. Paano ba naman ay mayroong tig-iisang golf cart ang bawat bahay. Rayne said na it was all the boss's idea. Ang bait naman pala ng boss namin.

"Naku! Nararamdaman kong iniisip mo na mabait ang boss natin. Huwag papalinlang, bes!"

Oo, bes nya na raw ako. Being with her lightens up my mood, actually. Ang gaan niya kasama kaya hinayaan ko na lang. I want that idea rin naman, to be her best friend since I didn't have the chance to have one dati or something.

"Ang sungit sungit non! Crush ko nga 'yon nung una, sa totoo lang. Gwapo naman kasi." Kinikilig pa niyang sabi. "Kaso naranasan ko ang bagsik ng isang Mr. Ashton Pandejas! Nasigawan ako nang may typo sa ipinasa kong papel. Isipin mo yon, isang word lang naman ang namali ko as in typo lang sya, bes! Natakot na ako sa kaniya simula non. Hindi na rin ako naghangad maging Mrs. Pandejas no! Hindi ko keri baka maaga akong kunin ni Lord."

Sa lahat ng sinabi niya, isa lang ang nakakuha ng atensyon ko. Ashton Pandejas. Siguro naman may iba pang Ashton Pandejas diba? Pero sino ang niloloko mo, Avi.

Hindi ko namalayan na nasa main gate na pala kami ng village. At hanggang ngayon, hila hila pa rin ako ni Rayne papunta sa hindi ko alam kung saan.

The Billionaire's ChildrenWhere stories live. Discover now