DOS---TWO

38 10 0
                                        

MACEYRELLE





"MACEYRELLE!"

"MACEY!!"


Sunod-sunod na katok ang nagpagising sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog.



Kamot-kamot ang ulo na binuksan ko ang pinto para harapin ang halimaw na sumisira sa maganda kong araw.




"WHAT'S THIS?!" Galit na salubong sa akin ni Mommy.



Tamad ko namang tinignan ang hawak niyang papel.




Bakit ba lagi nalang siyang aburido at galit kung humarap sa akin? Tss.



"Papel naman yan, Mom." Kunyaring pilosopo ko.



Hinawakan niya ang panga ko ng mahigpit. Pilit ko namang tinatanggal ang kamay niya sa panga ko pero sadyang mabigat at malakas ang kamay niya.




Ayaw kong aminin na masakit, pero ayokong lokohin ang sarili. Shuta! Sobrang sakit! Feeling ko may lumalabas na dugo mula sa bunganga ko.



Ansakit! Naiiyak na ako sa sakit.

"M-Mom, nasasaktan ako." Nanghihinang wika ko.



Bakit ba ganito siya? Konting pagkakamali lang, anlaki na ng parusa ko. Nakakabwisit!



"That's what you deserved! Mamilosopo kapa nang makita mo ang hinahanap mo! Once again, ano tong laman ng papel?!" Sigaw niya sa akin.



Pabato niya akong binitawan at inihagis sa mukha ko ang papel na sinasabi niya.



Kinuha ko ang papel at binasa.



'Congratulations! You are now eligible to study in LUCIFERIO ACADEMY! Thursday is the orientation and Friday is your first day as a student of LA. Thank you!'



Gusto kong magsaya dahil isa ako sa napiling estudyante na mag-aaral sa paaralang iyon. Pero hindi ito ang tamang panahon para magpa-party.



Dahil ang mukha ngayon ng aking ina ay parang bulkan na malapit ng sumabog.



Hindi ako natatakot sa kaniya pero mas natatakot ako kay Daddy kapag sinabi niya ang pagpasok ko sa LA.



Ngayong naiisip ko ang pagpasok ko, parang ayaw ko ng ituloy ngayon palang dahil panigurado magagalit si Daddy sa akin at maaaring ipatapon niya ako sa ibang bansa. At ayaw kong mangyari iyon.




"You didn't tell me! I'm your manager--no cut the crap! I'm your mother! I still have the rights to know your whereabouts. I'm disappointed, Macey!" Walang emosyong aniya.



Hindi ako marupok pagdating sa kaniya pero nagui-guilty ako.



Tama pa ba ako? Tama pa ba ang ginawa ko? Tama bang itago ko sa kanila na papasok ako ng paaralan? Pero kapag sinabi ko naman sa kanila, magagalit pa din sila and worst ipapa-banned ako sa mga registration.




T*ng*na naman!




Bakit ba ayaw nila akong pag-aralin? I want to explore more. I want to gain more knowledge! Dahil sa totoo lang, hindi pa ako namumulat sa mundong ito. Hindi din sapat ang nalalaman ko bilang isang modelo. Andami kong gustong matutunan for pete's sake! Pero bakit yun pinagkakait nila?



"You will never go to school, Macey! You stay here and continue your modelling!" Matigas na saad ni Mommy saka niya ako tinalikuran.



LUCIFERIO ACADEMY: THE HIDDEN KEYWhere stories live. Discover now