Chapter Twelve

84.6K 860 10

CHAPTER TWELVE

I don't know if I did the right thing but I'm sure I've felt the pleasure everytime he was doing things on me. Nakahiga kami sa kama ngayon. I'm so tired and still feel the pain. Hindi ko na namalayan ang oras. May tatlong oras na pala kaming nakatulog at hanggang ngayon tulog pa rin siya. Ngayon ko lang napansin na magkayakap kami. Dapat pagkatapos ng nangyari samin ay umalis na ako pero ano itong ginawa ko? Nakitulog pa ako, hindi ko na talaga kasi kaya ang sakit na nararamdaman ko kanina kaya nakatulog ako and worse hinayaan niya ako. Hindi naman kami lovers para manatili pa ako dito. Bumangon ako ng dahan- dahan. Hinanap ko 'yung mga damit ko at isinuot ko na. Umalis na ako ng walang paalam dahil hindi ko na alam kung may mukha pa akong maihaharap sa kanya. 'Yung pera ipakukuha ko na lang kay Bianca.

Nakasakay ako sa taxi pauwi, hindi ko mapigilan ang sarili kong maisip 'yung mga nangyari kanina.Tama ba 'tong nararamdaman ko? Bakit sa halip na maramdaman kong ang dumi kong babae eh hindi ko maiwasang isiping nagustuhan ko yata 'yung nangyari which is true. Ewan ko, siguro dahil si Jack 'yun. Tama na Zayl! Iyon na ang huli naming pagkikita. Sana.

Mag- uumaga na hindi pa rin ako makatulog buhat nung magising akong kayakap si Jack. Pero sinabi niyang wala na siyang nararamdaman para sa akin. Mabuti na rin 'yun kasi he doesn't deserve me, because time will come na iiwanan ko lang din naman siya. Ayokong masaktan ko siya. Alam kong mahal ko pa rin siya hanggang ngayon kaya ako ang nasasaktan ng ganito.

Hindi ko na napansing may luha na pala ako. Ayoko ng isipin. Kailangan ko ng tanggapin. Pumikit na ako hanggang sa makatulog.

Pagkagising ko, nagdiretso ako sa banyo para maligo. Sh*t, naaalala ko 'yung mainit na pinagsaluhan namin kagabi. Hinipo ko ang mga labi ko, ang katawan ko, habang inaalala ang mga ginawa niyang paghalik at paghawak doon at hindi ako makapaniwalang nagdikit na ang mga hubad naming katawan. Alam kong masaya na siya dahil nakuha na niya ang gusto niya. Hindi ko na kailangang magtago dahil wala na siyang kailangang habulin sakin. Iyon naman ang gusto ko di ba? Wala na akong dapat alalahanin sa kanya. Tatawagan ko si Bianca, kailangang siya na ang kumuha ng pera.

"Hello, Bianca?" Sabi ko sa kabilang linya.

"Kamusta ka na?" Tanong ni Bianca.

"Ano'ng oras ng pasok mo sa trabaho?" Tanong ko.

"Maya- maya pa. Dadaan ako diyan bago pumasok."

"Oh sige, hihintayin na lang kita. Bye."

Hihintayin ko na lang si Bianca.

"May nangyari na ba?" Tanong ni Bianca sa akin.

Alam ko na kung ano'ng tinatanong niya. Kung may nangyari na samin ni Jack. Nandito na siya sa apartment. Hindi ko alam kung komportable ba akong pag- usapan ang tungkol doon hindi dahil nahihiya ako kay Bianca kung hindi dahil nahihiya ako sa sarili ko. Tumango na lang ako.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya.

"Yes... Gusto ko lang sabihin sayo na ikaw na ang kumuha ng pera. Ayoko na siyang makita. Pero hintayin mo muna 'yung text o tawag niya, baka kasi sabihin atat na atat ako." Sabi ko.

"Ganun ba. O sige." Sabi niya.

Maya- maya, tumunog 'yung cellphone ni Bianca, may nag- text yata. Pagkatapos niyang basahin, tumingin siya sakin.

"Zayl.... Nag- text si Jack, kinukuha ang number mo." Sabi niya.

"Ha? Huwag mong ibibigay." Sabi ko. Bakit pa?

"Eh anong sasabihin ko?" Si Bianca.

"Huwag mo ng reply- an." Sabi ko.

"Bahala ka." Sagot niya.

THE ONE NIGHT NEGOTIATIONBasahin ang storyang ito ng LIBRE!